Chapter 7 - Heart Attack

Huwag Kang Pa-fall!
Please Subscribe to read the full chapter

Feel ko talaga may alam itong sila Ning na hindi ko alam.

Kung makatingin kasi sila sakin pagkabalik namin ni Karina, parang may napag-usapan sila sa likod ko. Nakaramdam rin ako ng sakit sa batok pagka-uwi ko eh.

Naging palaisipan rin sa akin yung mga sinabi ni Karina.

Siguro gusto niya makipagbonding sakin as a friend. Ang cute ko kasi.

Pero feel ko talaga hindi lang yon.

Feel ko talaga may iba pa siyang agenda.

Feel ko…

"Winter!" Ano ba yan mama nanggugulat.

"Bakit ma?!"

"Bumaba ka riyan at nandito ang shopee mo!"

Omg!

Na-excite ako bigla.

Yan na kaya yung inorder ni ate?

Nagmadali akong umalis ng kwarto. Hindi ko na nga nahanap yung kapares ng suot kong tsinelas. Gusto ko na agad makita yung package.

Sinuklay ko nang mabilis yung buhok ko gamit ang kamay ko bago ako nagpakita kay kuyang rider. Baka magtake pa siya ng picture ko. Kailangan syempre maganda ako sa picture pag nagkataon.

"Ma'am Winter Kim po?"

"Ako nga po, kuya," sabi ko at iniabot sakin ni kuya yung parcel.

"Picture-an ko po kayo ma'am."

Ni-ready na ni kuya ang phone niya at inayos ko naman ang ngiti ko sa camera.

Say thank you, ate Lisa. Sana magtagal pa kayo ni ate Jennie. Hihi.

Umalis na si kuyang rider after niya madeliver sa akin yung parcel kaya bumalik na ulit ako sa kwarto ko. Ready na ako mag-unbox!

Alam ko naman na yung itsura ng mga nacheck out na items ni ate pero nakaka-satisfy pa rin talaga yung essence of unboxing.

Maganda naman yung mga items na dumating. Wala ring defective at kumpleto rin ang items. 5 star ratings po sa seller.

Ni-recall ko ulit yung mga nagawa kong plano para sa aking room makeover.

"Okay ayos na. Time na para magdesign."

 

 

 

Grabe.

Ang ganda ng kinalabasan.

May ibubuga rin pala ako sa pagdedesign.

Ang laki ng pinagbago ng room ko from plain to this na may design na.

Hindi rin siya mukhang dugyot. Parang naging lively lang talaga yung kwarto ko. And yes, feel ko sisipagin na ako mag-aral next school year kasi naayos ko na rin yung study table ko.

Nakakasatisfy lang tingnan.

Gusto ko pang pasalamatan si ate pero umalis na siya sa bahay kaya itetext ko na lang siya.

 

(Mon, 9:55 A.M.) Winter:    ate dumating na yung parcel!

(Mon, 9:56 A.M) Ate Lisa:   satisfied ka naman?

(Mon, 9:56 A.M) Winter:    hindi pa need ko pa ng next libre

(Mon, 9:58 A.M) Ate Lisa:    heh! ayoko nga wala na kong pera

(Mon, 9:59 A.M) Winter:    ang sabihin mo wala ka ng pera pang date

(Mon, 10:00 A.M) Ate Lisa:   oo kaya wag ka na magastos

(Mon, 10:01 A.M) Winter:    thanks ate 😘😘😘

(Mon, 10:02 A.M) Ate Lisa:    ew /pinunasan ang pisngi

(Mon, 10:03 A.M) Winter:    arte mo!

 

(Messenger Notifications)

1 message from Ningning arrived!

 

Agad ko naman itong in-open.

 

Ningning: winterrrr

Winter: baket

Ningning: punta ka ditoo

Winter: baket

Ningning: basta punta ka dito!!

Winter: bakit nga??

 

"Winter!"

Luh. May bago na naman ba ulit akong shopee?

"Bakit ma!"

"Lumabas ka dyan andito si Ningning at Giselle!"

Eh? Miss na ba nila agad ako?

Grabe parang nagkita lang kami kahapon ah. Nanood pa nga kami ng movie kila Giselle. Hindi ko na nga rin maalala kung anong movie yon kasi horror ang pinili ng mga shunga.

Eh ayoko sa horror!

Parang ang tapang tapang naman nila pero pare-pareho lang kaming nagsisigawan kapag may lumalabas na nakakatakot sa TV kahapon.

Si Karina naman tuwang-tuwa pa sa amin.

Hindi raw siya natatakot sa mga ganong movies. Oh edi sana all na lang.

Binigyan niya pa ako ng extra throw pillow para daw pang shield sa mga multo. Kainis lang! Inaasar niya ata ako eh!

Hindi naman niya ginanon sila Giselle. Hmp.

Pero speaking of movies. Meron daw movie yung our beloved summer. Halos mag one week na rin simula nang matapos ko yung last ep tapos nalaman ko lang nitong nakaraan na may movie pala yon. Gusto ko na siya agad panoorin pero why naman wala akong mahanap na may eng sub? Huhubells. Bakit kasi tinamad ako mag-aral ng korean dati kainis naman.

"Winter bumaba ka na dyan!"

Ay oo nga pala andito sila Ning.

"Wait lang ma!"

Inayos ko na muna yung mga excess na gamit na ginamit ko kanina sa pagdidikit sa wall at saka bumaba.

Nakita ko naman yung mga shunga na prenteng nakaupo sa sala. Nakita ko pang nagbubukas si Ryujin ng ref namin. Feel at home lang sila teh.

"Bahay niyo? Bahay niyo?" Pambubulabog ko sa kanila.

Natigilan naman si Ryujin saglit pero tinuloy lang rin niya yung pagbukas sa ref at kumuha doon ng kisses.

Lagi kaming may ganon. Favorite kasi ni ate kumain ng chocolates lalo na pag nagcoconcentrate siya sa trabaho.

"Anong ganap at nandito kayong tatlo?"

Tumayo si Giselle at nilapitan ako. "Winter kailangan ka namin."

Nakakakaba naman 'to mukha siyang seryoso.

"Winter kailangan namin ng pera mo."

Pera?

"Para saan?"

Kung makatingin naman sila sakin para silang nangja-judge.

"Seriously hindi mo alam?" Tanong ni Giselle.

"Ang alin nga?"

Kapag hindi pa nila sinagot tanong ko iiwanan ko na sila dito. Kanina pa sila pati rin si Ning sa chat.

"Gaga birthday ni Karina ngayon," si Ning na ang sumagot.

Nagulat naman ako doon. Birthday n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
Ang tagal na rin pala simula nung last outtake 'no? Ito na rin siguro ang panghuli. Their story ends here but they will be remembered forever in our hearts. Hanggang sa huli🫶🫶

Playlist link: https://open.spotify.com/playlist/6L4yidJZLVZH8DXsbH4xMo?si=fkxMXpTkRzy5N9sMVEUWGA&dd=1

Comments

You must be logged in to comment
gomtokkim
2139 streak #1
Chapter 5: Miss ko na silaaa
Jillian_ #2
Chapter 45: Tapos ko na siya omg, mamimiss ko silaaaa
Jillian_ #3
Chapter 39: Hoy bakit ako naiiyak sa pag-alis ni Karina, parang mamimiss ko rin siya kahit hindi ko siya ka-barangay T^T
bigboy123
131 streak #4
#rr 👀🤭
Jillian_ #5
Chapter 17: OMG HSHDGGSJSKJHD
Jillian_ #6
Chapter 6: Ay, ‘yan ang gusto ko, nagpapahiwatig 🤩
dork_seulgi_k
850 streak #7
Chapter 37: iihhhh 🤸
AJMercado
#8
m
M_1412 #9
Chapter 26: Huyy 2521 din talaga naisip ko bigla sa scene na yon huhu cute nila
Sa wakas may label na ang mag babyyy
M_1412 #10
Chapter 20: Nahohomesick na naman tuloy ako sa bp😭