Chapter 34 - Wild Thought

Huwag Kang Pa-fall!
Please Subscribe to read the full chapter

May nararamdaman akong kakaiba. Hindi naman ako si Ed Caluag.

Or baka ako lang ‘to at wala rin naman sila Ningning na nafi-feel na kakaiba.

Tiningnan ko si Somi na nakangiting kumakaway tapos nagsimula na siyang maglakad palapit sa amin.

“Oh, kasama mo rin pala si Ningning. Hello sa inyo,” enthusiastic niyang bati dito sa dalawa kong kasama.

“Hello,” bati ni Ning and Karina smiled at her as well.

Mukhang nakikiramdam rin si Ning kasi may ngiting malisyoso siya habang naglilipat ang tingin niya sa aming tatlo.

“Uy Somi anong ginagawa mo rito?” Tanong ni Ning. May pag-emphasize pa talaga si gaga sa pangalan nitong si Somi.

Nilingon ko si Karina. She had that same expression on her face, parang wala rin namang nagbago. She suddenly moved a step forward.

"Hi, I’m Karina nga pala,” pakilala ng jowa ko sa sarili niya. Nagtaka pa si Somi nang inilahad ni Karina yung kamay niya sa kanya. She took it nonetheless and also smiled at her. “Hello, Somi here.”

“I’m sorry kung hindi kita matandaan pero batchmate ka rin ba namin..? Sorry if it came off rude, I’m just genuine curious,” napanguso unconsciously si Somi. Ayun yung nagiging habit niya minsan kapag feeling niya may nasabi siyang mali na makakaoffend sa receiving end.

Karina waved her hands dismissively, “No, I’m not from your school,” she smiled at her reassuringly. “And it’s okay, natural lang naman na magtanong ka since I think it’s your first time meeting me.”

“Talaga? Medyo na-relieve ako doon. Whew,” Kunyare pa niyang pinunasan yung gilid ng noo niya.

Natawa si Karina.

"You're close with Winter?"

Lumapit si Somi sa akin tapos inakbayan niya ako. "Syempre naman! Buraot 'tong si Win sa mga pagkain ko tapos lagi pa akong kinokopyahan sa mga assignments dati."

"Hoy hindi 'no!" agad kong tanggi. OA naman nitong si Somi umalala ng pangyayari. Hindi naman ako kumokopya sa kanya eh.

"Grabe ka naman dito kay bes, ang sipag kaya niyan mag-aral nung grade 10," sabi naman ni Ning.

Nagfake siyang nasaktan sa narinig niya, "Grabe ngayon na nga lang tayo nagkita tapos pinagtutulungan niyo pa ako."

Natawa si Ning, "Ang last na alala kong kumokopya siya is noong elementary pa kami teh."

Bumaba yung tingin ni Karina sa kamay ni Somi na nakahawak pa rin sa balikat ko. Maingat ko namang tinanggal yung kamay ni Somi tapos mas lumapit ako kay Karina. Somi didn't mind naman nang tinanggal ko yung kamay niya sa akin.

"Wow naman Win, nangongopya ka pala dati," amused niyang sabi.

I jokingly rolled my eyes at her.

"Oo tapos itong si Karina yung kinokopyahan niya," kwento pa ni Ning tapos gulat na napatingin rin si Somi kay Karina.

"Totoo??" gulat niyang tanong. "Wow ang small world naman."

"Parang yung pagkikita natin ngayon, ang small world lang," dagdag niya pa tapos binalingan niya ako. "Hoy Winter hindi ka na nagrereply sa akin ah. Grabe last na usap ata natin nung birthday mo pa," reklamo niya.

"Wala naman tayong pag-uusapan," sagot ko.

"Grabe hindi mo man lang ako kukumustahin?" pagdadrama niya. Napailing na lang ako. Medyo may kakulitan talaga itong si Somi.

“Oh edi kumusta ka?” sabi ko na lang.

“Grabe ngayon mo lang ako tatanungin kung kumusta ako.” Kanina sabi niya hindi ko na siya kinukumusta tapos ngayong tinatanong ko na siya, magrereklamo pa rin.

“Joke lang kasi! Tampo ka na naman bebs,” mabilis niyang sabi.

“Bebs?” tanong ni Karina.

“Uh kasi..” I tried to explain pero inunahan na ako ni Somi. Ano baa!

“Crush kasi ako niyang si Winter dati,” kinindatan niya pa ako. Shuta ka Somi. Magtigil!

Nasa gitna kasi kami ng daan nag-uusap kaya gumilid muna kami para makaiwas sa mga dumadaang tao.

Nakatingin pa rin si Karina sa akin tapos nilipat ang tingin kay Somi.

“What do you mean crush ka ni Winter?” tanong niya.

Si Ningning naman kung makatingin sa akin, ang dami niyang tanong.

‘Bes alam ni Somi?!’ ‘Umamin ka sa kanya dati?’ ‘Hoy I need answers!”

I also gave her a look.

‘Hindi ako umamin!’

‘Eh ano yung sinabi niyang crush mo daw siya?’

Iniwas ko yung tingin ko kay Ningning at pinagmasdan na lang silang dalawa.

“Biruan kasi namin yun dati na crush namin ang isa’t isa tapos bebs tawagan namin. Diba Win?”

Somi looked at me, anticipating an answer. Wala na akong nagawa kundi tumango, “Ah oo hehe.”

"Oh, okay,” sagot ni Karina. Tiningnan ko siya. Hindi ko alam kung kakabahan na ba ako or okay lang sa kanya yung narinig niya.

I unconsciously reached for her hand.

Sinundan naman yon ng tingin ni Somi and she gasped. Feeling ko na-connect na niya yung dots.

“Wait, wait, wait. Oh my gosh, did I say something wrong again?” nag-aalala niya kaming tiningnan.

“Huh?” Karina looked at her confused.

“Meron bang something sa inyo?” maingat niyang tanong.

Hinigpitan ko yung hawak ko kay Karina. Tahimik lang na nanonood sa amin si Ning. I saw Karina glance at me.

“Uh..” I gave Somi a shy smile. Naramdaman kong nag-iinit na yung pisngi ko, “Oo meron.”

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
Ang tagal na rin pala simula nung last outtake 'no? Ito na rin siguro ang panghuli. Their story ends here but they will be remembered forever in our hearts. Hanggang sa huli🫶🫶

Playlist link: https://open.spotify.com/playlist/6L4yidJZLVZH8DXsbH4xMo?si=fkxMXpTkRzy5N9sMVEUWGA&dd=1

Comments

You must be logged in to comment
gomtokkim
2142 streak #1
Chapter 5: Miss ko na silaaa
Jillian_ #2
Chapter 45: Tapos ko na siya omg, mamimiss ko silaaaa
Jillian_ #3
Chapter 39: Hoy bakit ako naiiyak sa pag-alis ni Karina, parang mamimiss ko rin siya kahit hindi ko siya ka-barangay T^T
bigboy123
133 streak #4
#rr 👀🤭
Jillian_ #5
Chapter 17: OMG HSHDGGSJSKJHD
Jillian_ #6
Chapter 6: Ay, ‘yan ang gusto ko, nagpapahiwatig 🤩
dork_seulgi_k
853 streak #7
Chapter 37: iihhhh 🤸
AJMercado
#8
m
M_1412 #9
Chapter 26: Huyy 2521 din talaga naisip ko bigla sa scene na yon huhu cute nila
Sa wakas may label na ang mag babyyy
M_1412 #10
Chapter 20: Nahohomesick na naman tuloy ako sa bp😭