Chapter 26 - For Real

Huwag Kang Pa-fall!
Please Subscribe to read the full chapter

I don't wanna die or fade away

I just wanna be someone

I just wanna be someone

 

“Dive and disappear without a trace,” narinig kong sumabay kumanta si Giselle.

“I just wanna be someone. Well, doesn't everyone?” nilingon ko si Ning sa likod. Sumabay rin kasi siya sa kanta.

Kanina pa kami nakaalis sa barangay. Siguro malapit na ring mag-30 minutes pero medyo malayo-layo pa ang biyahe namin. Akala ko nga kanina hindi na kami magkakasya sa sasakyan kasi ang dami lang nilang dalang bag. Yung bag nga ni Ning parang hanggang bukas pa eh hindi naman kami mag-oovernight doon. Buti na lang at nagkasya naman sa likod ng kotse yung important na dadalhin namin lalong lalo na yung mga pagkain. Bumili rin kasi sila Ning ng tilapia kahapon kasi napag-usapan namin na mag-iihaw rin kami ng isda. Ang dami lang naming dala at buti na lang napagkasya namin yon lahat sa sasakyan.

Naisipan rin naming makinig na lang ng kanta from our playlist instead sa radyo para mas customized siya kaya naka-connect yung phone ko ngayon sa bluetooth ng sasakyan.

Gamit ko ngayon yung playlist namin ni Karina. Tinanong ko siya kanina if okay lang na yun yung i-play kasi magaganda naman yung mga songs doon. Noong una nga akala ko super magkaiba kami ng vibes pagdating sa mga songs na pinapakinggan namin and it turns out, we share the same vibes pala. Ang saya lang makinig ng songs lalo na kapag pareho kayo ng gustong genre.

Pero halo halo kasi yung mga naka-add doon na songs. Swerte lang kasi mga upbeat yung naka-shuffle na nasa queue ngayon. Bagay sa atmosphere kasi excited kaming lahat.

 

And if the sun's upset and the sky goes cold

Then if the clouds get heavy and start to fall

I really need somebody to call my own

I wanna be somebody to someone

Someone to you

 

"You ohhh~"

Natawa kaming lahat nang sabay-sabay naming kinanta yung part na 'yon.

Nakaupo ako dito sa front seat habang nasa likod yung mga shunga. Panaka-naka rin naman yung paglingon sa amin ni Karina pero dahil nga siya yung driver namin, kadalasan nasa harap lang ang tingin niya.

"Alam niyo ba kagabi pa ako excited halos hindi na ako nakatulog."

"Share mo lang Ryujin?"

"Edi wag kayong makinig kung ayaw niyo!" nakita ko siyang humalukipkip sa rearview mirror.

"Uy kain tayo nagugutom ako," Hindi na kami inantay ni Ning at kumuha na siya agad doon sa bag kung saan nakalagay yung mga pinamili naming mga snacks kahapon.

"Ryujin pabukas nga."

"Kuha na kayo."

Lumingon ako sa likod at nagsisimula na nga silang kumain. Inabot naman nila sa akin yung pagkain kasi may mga sarili na silang hawak sa kamay nila.

Tiningnan ko si Karina. Busy pa rin siya magdrive.

Kumuha ako ng isa tapos inilapit ko yung kamay ko sa kanya. Taka naman niya akong nilingon.

"Gusto mo?" alok ko. Agad naman niyang sinubo yung hawak ko.

"Thanks babe," she said as she glanced at me. Kumuha ako ng pagkain na sakto na sa amin tapos sinusubuan ko si Karina every time na mauubos niya yung binibigay ko sa kanya.

"Teh subuan mo nga rin ako." Ayan na naman si Ryujin.

Humarap ako sa likod para ibalik sa kanila yung supot ng chichirya.

"Thanks beh," inabot ni Ryujin yung hawak ko. "Ano na Ning kailan mo ko susubuan?"

"May kamay ka Ryu wag ako."

"Pag talaga ako nagkaroon ng jowa..!" Magrereklamo na sana si Ryujin nang bigla siyang nanahimik. Yun pala sinalpakan na siya ni Ning ng pagkain.

"Ayan na nga diba masaya ka na?" sabi ni Ning pagkalagay niya ng pagkain sa bunganga ni Ryujin.

Nakita rin pala 'yon ni Karina kasi maski siya natatawa na rin habang nagdadrive. Tinuloy ko lang ulit yung pagsubo sa kanya ng pagkain.

"You should also eat."

"Huh? Kumakain naman ako."

She glanced at me, "Then that's good."

Napangiti ako. Itong si baby talaga.

"Giselle.." tawag ni Ning.

"Why?"

"Wala lang. Speaking of jowa kasi, ilang years na ulit 'yong nanliligaw sa'yo?" Wala talagang preno yung bunganga ni Ning. Maski ako napatingin rin sa likod at inantay yung sagot ni Giselle.

Nahihiyang ngumiti si Giselle kaya tinulak siya ni Ning. "Yiee ikaw ha!"

Ako na lang yung umaray doon para kay Giselle.

"So ano nang nangyayari?" tanong pa ni Ning.

"Ayun, nanliligaw siya.."

Sabay sabay naming hinintay yung kasunod na sasabihin niya.

"Hoy why are you looking at me like that!"

Nagtawanan kaming lahat kasi pare-pareho lang kaming nakatingin lang kay Giselle pero agad rin 'yong napalitan ng gulat.

"Grabe ka naman Winter gusto mo ba kami patayin sa gulat?"

Sorry naman!

Bigla kasing nagplay yung Kill This Love sa stereo. Ayan na naman yung nakakagulat niyang sound.

 

Yeah, yeah, yeah

BLACKPINK IN YOUR AREA!

Yeah, yeah, yeah

 

Agad kong tiningnan si Karina para ma-sure kung ayos lang siya pero mukhang okay lang naman si baby.

"Nagulat ka ba?" tanong ko. She chuckled, "Hindi naman masyado, I'm okay."

"Huhu sorry," apologetic kong sabi.

Mabilis siyang lumingon sa akin then she reached for my hand, "It's okay babe, the important thing is we're still alive and kicking."

Natawa ako sa alive and kicking.

Pinisil ko yung kamay niya before ko 'to pinakawalan para makapagfocus siya sa pagda-drive.

 

After a sweet "hi", there's always a bitter "bye"

After every crazy high, there's a price you have to pay

There's no answer to this test I'll always fall for it yes

I'm a slave to my emotions

Screw this heartless love

 

"Gi ano na?"

"Why?"

"Kala mo nakatakas ka sa'min ha. Anong meron doon sa manliligaw mo?"

We're in all ears ulit sa pakikinig kay Giselle. Pati si baby na busy magdrive, medyo naglean back rin sa seat niya. Si Ryujin naman, napansin ko pang umusog palapit sa kanila kahit wala nang space. Muntanga lang.

Never namin sinabi kay Giselle na alam na namin yung ganap sa kanya literally. Pinapakiramdaman ko nga rin kung pagsasabihan niya si Ning pero hindi naman niya ginawa.

Tama siguro yung intuition namin na alam na ni Giselle na alam namin kahit di namin sinasabi sa kanya. Hindi na rin ako magtataka if ako si Giselle kasi once na sinabihan mo si Ning, expect mo na na malalaman na agad yan ng circle namin in no time.

"I already said it earlier, nanliligaw pa rin siya."

"Sana all!" sabay na sabi ni Ryujin at Ningning.

"Haba naman ng hair mo Giselle!"

Natawa naman si Giselle tapos tinuloy niya magkwento. "Ang tanda na niya but he's okay. Papalayasin na daw ako sa bahay."

"Gaga HAHAHA!"

"Grabe ka naman sa matanda," sabi ko naman.

"It's true naman. He's three years older than me kaya."

"Pero okay lang?"

"Of course," sagot ni Gi kaya hinampas na naman ulit siya ni Ningning.

"Sagutin mo na kasi!"

"Yuck!" Normally kapag nandidiri ang isang tao, mapapansin yun agad sa facial expressions nila pero kabaliktaran 'tong pinapakita ni Giselle. Napapansin ko rin yung pamumula ng pisngi niya eh.

"Maka-yuck ka naman teh! Edi parang pinapaasa mo."

"Sabi naman niya maghihintay siya."

"Tagal na niyang nanliligaw 'no?"

"Yeah 1 year mahigit na rin."

"Wow ang tatag naman."

"Oo sabi ko sa kanya he needs to wait until I already have a job tapos he agreed," nangingiting sabi niya.

"Yiee!"

"But you like him, right?" tanong ni baby. Nilingon ko siya and she briefly smiled at me.

"Oo medyo, charot," sagot ni Giselle.

"Linawin mo teh."

"Oo, I like him."

Napuno na naman ulit kami ng kantyawan sa loob ng sasakyan.

Naiba na rin yung topic after non. Mostly about doon sa mga gagawin namin mamaya at kung paano kami magse-set ng paglulutuan namin. Hindi naman kami masyadong magluluto at napag-usapan namin na mag-order na lang para hindi masayang yung mga pera namin kung sakaling mag-fail man kami. Dinaanan na namin kanina yung mga inorder namin kaya wala na kaming masyadong poproblemahin sa pagkain. Yung pag-iihaw lang mostly ang gagawin namin if ever.

 

It feels like a perfect night

To dress up like hipsters

And make fun of our exes

Ah-ah, ah-ah

 

Tumingin ako sa bintana at nakita ko na yung sign na wala na kami sa province namin at nandito na kami sa kabilang probinsya. It means malapit na rin kami sa dagat.

Nilabas ko yung phone ko tapos vinideo ko yung iba naming nadadaanan.

"Winter."

"Bakit?"

"Groufie tayo. Kanina pa tayo nakasakay tapos wala pa tayong picture kahit isa," sabi ni Ryu. Oo nga 'no? Ngayon ko lang rin napansin.

"Ikaw na maghawak ng camera, Win tutal nandyan ka na sa harap."

Inayos ko para mag-open yung front cam ng phone ko tapos inanggulo ko para makita kaming lahat sa screen.

"Ayusin niyo pose niyo," clinick ko na yung shutter button pero hindi nakatingin si Karina sa cam.

 

Yeah, we're happy, free, confused and lonely at the same time

It's miserable and magical, oh yeah

Tonight's the night when we forget about the deadlines

It's time, oh-oh

 

"Baby okay lang ba kung saglit kang tumingin sa camera?"

Medyo bumagal ng takbo yung sasakyan then Karina posed at the camera kaya binilisan ko na rin yung pagclick ng shutter button para makatingin na agad siya sa harap.

"Okay na ang dami ko nang na-click."

Nireview ko yung mga pictures and mukhang ayos naman mga itsura namin.

"Malapit na tayo 'no?" tanong ni Ning at sumilip sa pagitan namin ni Karina. Siya kasi yung nakaupo sa gitna ng backseat at nasa magkabilang side si Giselle at Ryujin.

"I think so?" sagot ni Karina habang tumitingin rin sa mga karatulang madadaanan namin. May madadaanan kaming isang bridge sa harap. Mga ilang seconds lang ang tinagal tapos binabagtas na namin yung mismong bridge. Sinundan ko ng tingin yung flow ng tubig sa baba tapos pagkalingon ko sa kaliwa, nakita ko na yung malawak na dagat di kalayuan. Malapit na talaga kami sa destination namin.

"Ryujin diba ikaw may alam ng daan. Saan tayo liliko?"

"Huh? Wait.." tumingin rin si Ryujin sa harap.

"Dyan ata 'yon," turo niya. "Liko ka dyan Karina."

"Where?"

"Sa kanan."

Medyo skeptical kong nilingon si Ryujin, "Sure ka ba dyan?"

"Oo magtiwala kayo sa'kin."

Lumiko naman kami doon sa tinuro ni Ryujin. Siya na yung nagli-lead ng way kay Karina kasi si Ryujin yung mas may alam ng place na pupuntahan namin. Panatag lang naman akong nagtitingin-tingin ng mga madadaanan namin hanggang sa marealize kong kanina pa kami paliko-liko dito.

"Hoy Ryu sure ka ba talaga sa mga tinuturo mong daan?"

"Alam niyo kanina ko pa tinitingnan yung google maps tapos paikot-ikot lang talaga yung daan natin," sabi naman ni Ning tapos pinakita sa amin yung phone niya.

"Are we lost?" tanong ni Giselle tapos lumapit na rin sa amin.

"Hindi ka naman baby girl Gi kaya hindi ka malo-lost," sabat ni Ryujin.

"Bwisit ka!" Buti na lang nasa gitna nila si Ningning kaya hindi naatake ni Giselle si Ryujin.

"Hoy naliligaw talaga tayo!" natatawang sabi ni Ning.

"Ryujin sabi mo alam mo yung daan?..!"

"Hoy alam ko nga!" depensa niya.

"Sige nga explain mo nga sa'min kung bakit paikot-ikot lang tayo?"

"Sorry na. Medyo nalilito pa rin kasi ako sa kaliwa at kanan."

"Bruha ka talaga."

 

I don't know about you

But I'm feeling 22

Everything will be alright if

You keep me next to you

 

You don't know about me

But I'll bet you want to

Everything will be alright if

We just keep dancing like we're 22 (Oh, oh, oh, oh)

22

I don't know about you

22, 22

 

"Guys wag kayo mag-panic."

"Hindi naman kami nagpa-panic Ning," sabi ko dito sa kaibigan ko. Nag-agree rin sila Giselle sa akin.

"Edi hindi na kayo nagpapanic!" umirap pa si Ning.

Sa totoo nga lang akala ko rin magpapanic ako once na nalaman kong naliligaw kami pero hindi yon yung na-feel ko. Natatawa lang ako. Ewan ko kung bakit.

Siguro I feel comfort when I’m with them. When I’m with my friends. Kahit maligaw pa kami, okay lang. Kasi kasama ko naman sila.

"We can look at the maps na lang. I'm sure may directions doon kung paano tayo makakapunta," sabi ni baby.

"Ay oo sige," tinype ni Ning yung address sa maps tapos automatically na lumabas doon kung nasaan kami as of now at yung mga directions kung paano kami makakapunta sa dagat. Buti na lang talaga at naimbento itong google maps. Paano na lang talaga kami kung wala 'yon.

In no time ay nakarating na rin kami sa wakas.

After namin makapagpark, iniwan muna namin yung gamit namin sa loob ng car para magtanong sa mga staffs ng resort at para makakuha na rin kami ng cottage. Sila Giselle mostly yung nakipag-usap doon habang nag-aantay lang kami.

Bumalik rin sila kaagad.

"Okay na yung cottage natin. We can get our things na."

Si Ryujin na yung nanguna sa pagkuha ng mga gamit. Hindi halatang excited si bruha.

“Dalian mo Ryujin. Let’s go!” Tumakbo na si Ning papunta sa shore.

“Hoy gaga tumulong ka dito!”

Habol tingin na lang yung nagawa namin kasi ang layo na ng natakbo ni Ning.

“I asked the staff kanina kung pwede tayo mag-ihaw doon and sabi nila may provided na gamit rin doon na pwedeng pag-ihawan,” sabi ni Giselle habang nilalabas namin sa car yung mga gamit namin.

Magkatulong kami ni Ryujin na buhatin yung cooler habang hawak ko naman sa kanang kamay ko yung picnic blanket, si Karina yung kumuha ng supot ng fruits na binili kahapon—grapes ata yon at pakwan, habang si Giselle naman yung may hawak ng ibang snacks namin plus yung mga iba pang gamit. Mga utensils ata yon.

Nakarating na kami sa cottage. Hindi siya masyadong malaki pero hindi rin masyadong maliit. Sakto lang siya sa aming lima. Para lang siyang kubo pero more open siya para lang pagsilungan kasi nga mainit. Maganda rin yung pwesto niya kasi malapit lang siya sa mismong dagat kaya kung gusto namin maligo ulit, hindi na namin kailangang lumakad ng malayo.

“Nadala niyo na ba lahat dito?” Nandito na pala si Ning.

Sine-set up na namin ngayon yung blanket doon sa may buhanginan tapos nilalagay doon yung mga dala naming pagkain. Si Karina at Giselle naman ngayon yung nag-aayos ng griller.

Nagkibit-balikat si Ning, “Okay ako na lang in-charge sa documentation.”

School project yan teh?

“Guys pa-help nga dito. Hindi kami makagawa ng apoy,” tawag ni Giselle. Literal na griller at uling lang kasi talaga yung laman non. Tumingin ako sa paligid, may nakita akong kahoy sa di-kalayuan.

“Ayon oh may kahoy,” turo ni Ryujin, inunahan pa ako.

“Hoy wag niyo sabihing gagayahin natin yung rooftop scene ng All of Us Are Dead ha. Baka nakalimutan niyo may dala tayong lighter,” singit ni Ning.

Ay oo nga. Natawa ako. Ang tanga mo, Winter.

Napailing na lang ako habang natatawa. Napansin ata ‘yon ni Karina. She mouthed ‘What?’

“Wala ‘yon,” sagot ko sa kanya.

She didn’t say anything. Tiningnan niya lang ako and she smiled.

Bumalik na ulit kami sa ginagawa namin kanina. Mabilis lang kaming natapos ni Ryujin.

Naupo na ako sa blanket habang pinapanood sila baby. Si Giselle yung nagli-lead ng gagawin tungkol sa pag-iihaw. Masyadong kina-career ni babaita yung ginagawa niya. Parang kahapon lang, sinasabi pa niyang hindi niya alam yung gagawin.

“Look who we have here. Tapos na i-set up yung blanket. Wow ang aesthetic tingnan, sino kaya gumawa niyan? Syempre ako,” iniharap ni Ryujin yung camera ng phone sa mukha niya. “The one and only Ryujin Shin.”

“Hoy anong ikaw?” Tumayo na ako at lumapit kay Ryu. Inayos naman ni Ryujin yung angle para kita na kaming dalawa. Muntanga lang kaming nagva-vlog rito.

“Say hi to the vlog, Winter.”

Automatically na kumaway naman ako at ngumiti sa camera. Sumenyas si Ryujin na lapitan namin yung mga nag-iihaw.

“Say hi to the vlog!” Ni-rotate ni Ryujin yung camera para makita yung tatlo. Tumutulong na rin si Ning doon sa kanila.

“Sila nga pala yung taga-ihaw namin ng mga tilapia. They are called the Ihaw Girls. Mag-hi naman kayo guys.”

“Anong ihaw girls? Gago ka ba?” si Ning ‘yon. Natawa lang si Karina sa gilid tapos si Giselle naman busy magpaypay.

“Mukhang busy ang ating Ihaw Girls ngayon. Mamaya na lang natin sila istorbohin.” Naglakad na si Ryujin palapit sa dagat. Tahimik lang akong sumusunod sa kanya. Wala rin kasi akong gagawin.

“Dito muna tayo magfocus. Look at the view guys. Ang ganda ‘no?”

Tumingin rin ako sa harap. Ang ganda nga. Ang ganda lang ng location na napuntahan namin kasi hindi karamihan ang tao. Ayoko pa man din kapag sobrang daming tao.

Bumalik na rin kami ni Ryujin doon kila Ning. Si Karina na ngayon yung nagpapaypay.

Nilapitan ko siya, “Ngawit ka na? Gusto mo ako na magtuloy?”

“It’s okay babe. Why don’t you swim muna?”

“Oo nga hindi pa ba kayo maliligo?” biglang sabi ni Ning. “Pwede naman na tayong mauna habang nag-iihaw pa si Giselle.”

“Iiwan niyo ko mag-isa?” hindi makapaniwalang sabi ni Giselle. “Okay, who am I ba naman kasi para hindi iwan.”

“Hindi ka iiwan ni Ning beh,” sabi naman ni Ryujin.

"Ang sabi ko, pwede na 'tayong' mauna," pag-e-emphasize ni Ning. "Wala akong sinabing maiiwan ako."

"Ganyan ka pala Ningning," sabi naman ni Giselle. "FO."

"Why don't we wait na lang before we all go there? How many minutes do we still have before it's fully cooked ba Gi?" tanong ni Karina.

"I think mga 25 minutes pa."

"Mabilis lang naman pala saka maaga pa naman. Magtatagal pa tayo dito hanggang hapon. Marami pang time," sabi naman ni Ryujin.

Sumang-ayon ako. Kahit naman naligaw kami kanina, hindi pa naman masyadong late nang makarating kami rito, "Oo maaga pa. Ano pa ba pwede naming gawin?"

Tinuro ni Giselle yung mga prutas. "You can slice the watermelon tapos we can eat muna while waiting."

Tumayo na ako para kuhanin yung kutsilyo. Hawak na ni Ryujin yung pakwan kaya nilapitan ko siya.

"Win alam mo ba maghiwa ng pakwan?"

Hindi ko alam maghiwa.

"Kasi kung hindi mo alam, hindi ko rin

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
Ang tagal na rin pala simula nung last outtake 'no? Ito na rin siguro ang panghuli. Their story ends here but they will be remembered forever in our hearts. Hanggang sa huli🫶🫶

Playlist link: https://open.spotify.com/playlist/6L4yidJZLVZH8DXsbH4xMo?si=fkxMXpTkRzy5N9sMVEUWGA&dd=1

Comments

You must be logged in to comment
gomtokkim
2138 streak #1
Chapter 5: Miss ko na silaaa
Jillian_ #2
Chapter 45: Tapos ko na siya omg, mamimiss ko silaaaa
Jillian_ #3
Chapter 39: Hoy bakit ako naiiyak sa pag-alis ni Karina, parang mamimiss ko rin siya kahit hindi ko siya ka-barangay T^T
bigboy123
131 streak #4
#rr 👀🤭
Jillian_ #5
Chapter 17: OMG HSHDGGSJSKJHD
Jillian_ #6
Chapter 6: Ay, ‘yan ang gusto ko, nagpapahiwatig 🤩
dork_seulgi_k
849 streak #7
Chapter 37: iihhhh 🤸
AJMercado
#8
m
M_1412 #9
Chapter 26: Huyy 2521 din talaga naisip ko bigla sa scene na yon huhu cute nila
Sa wakas may label na ang mag babyyy
M_1412 #10
Chapter 20: Nahohomesick na naman tuloy ako sa bp😭