Chapter 6 - Confused

Huwag Kang Pa-fall!
Please Subscribe to read the full chapter

"Teh kanina ka pa natutulala dyan. Anyare?"

Malapit lang naman yung university sa mall kaya dumiretso na agad kami rito para tumambay at kumain. Naglalakad kami papunta sa Greenwich ngayon. Doon kasi nila naisipang kumain. Nauuna na yung tatlo sa amin habang naiwan kasama ko si Ning.

"Ano pala kinuha mo bes?"

"Nag-archi na lang ako."

Tumigil pa siya. "Wait seryoso?"

"Oo nga."

"Huy edi magiging magkaklase tayo if ever?" Masaya niyang tanong. Maging ako nga rin napangiti. May kakilala na agad ako sa course ko kung ganon.

"Ayoko sayo."

"Ay grabe ha." Napahawak siya sa dibdib niya. "Pero ang saya lang, magiging partners tayo nila Ryu!"

Ayan na naman sa partner na yan. Kanina si Karina, ngayon naman si Ningning.

"Partner saan ba kasi yon? Kanina pa kayo ni Karina ha."

"Ay sinabi na yon ni Karina? Wow binabakuran na agad," nakakunot noong sabi niya.

Nagulat naman ako sa term niya, "Hoy anong bakod?!"

"Ay sorry. Ibang bakod ba iniisip mo?" Tumawa pa siya ng nakakaloko. "Ikaw Winter ha."

"Gaga!"

Ayan nahampas ko tuloy.

"Sakit non bes. Masyado ka namang defensive. Pero totoo ba?" Tumaas baba pa kilay niya. Kainis. "Uy joke lang 'to naman."

"Syempre ako Architecture tapos si Ryu naman Civil Engineering edi partners tayo sa future," pag-eexplain ni gaga.

Ah ganon pala yon. Akala ko kasi…

Ay ewan! Wag mo na nga isipin yon Winter.

 

 

 

"Kumusta na kayo ng crush mo Ryujin?"

"Ayun staying strong," sagot ni bruha.

"Oh tologo ba," bara ko kaya binato niya ako ng fries. "Alam mo Winter ang pangit mo ka-bonding."

Tapos na kami kumain ng tanghalian tapos dumaan kami sa jollibee kanina para bumili ng pagkain. Sa totoo lang hindi talaga pagkain ang dinaan namin don.

Sabi kasi ni Ning gusto daw niya makita itsura ng Jollibots. Kala ko di kami bebentahan non kasi nga kiddie meal yon. Wala naman kaming kasamang bata.

Gulat na lang ako nang may ginawang kababalaghan itong si gaga. Gusto ko siyang ikahiya!

Alam niyo yung aegyo na ginagawa ng mga korean idols? Ganon na ganon ang ginawa ni Ning!

Kahiya jusko! Gusto ko siyang itakwil pero effective naman naging pagpapacute niya sa isang staff. Dinamay niya pa si Karina at Giselle na game na game rin naman sa mga naisip ni gaga.

Tatlo na tuloy silang nagpapacute doon sa staff.

Itong si kuya naman parang gustong gusto pa ata na may nagpapacute sa harap niya. Kaurat.

Masyado rin kasing maraming tao kanina sa loob ng jollibee kaya naghanap na lang kami ng pwedeng maupuan sa labas ng mall. At least daw doon may breathe of fresh air sabi ni Giselle. Mas okay nga yon kaysa makipagsiksikan sa maraming tao sa mall.

Nagtext rin sakin kanina si mama nagtatanong kung asan na ko at kung tapos na raw ba kami mag-apply. Nagreply naman ako na tapos na at maya-maya pa kami makakauwi nila Ning. Ang sabi na lang niya bumili raw ako ng pasalubong. Daan na lang siguro ako mamaya ulit sa mall bago kami umuwi.

"Staying strong nga kasi. Bakit ba ayaw niyo maniwala?"

Hindi kami nagsalita.

"Ako. Ako yung staying strong, okay na ba?"

Ako na ang nagsalita. "Oo tama yan Ryu," tinapik-tapik ko pa likod niya.

"Bigyan niyo nga ako ng crush!" Pagmamaktol ni Ning. "Ang tagal ko nang walang crush gusto ko na ring lumandi."

"Tigang ka Ning?"

"Hoy hindi! Ano lang, expression lang ganon. Chos! Baka may kakilala kayong pwede maging crush dyan?"

"Kami nga wala, ikaw pa kaya," sabi ko naman. Tiningnan naman ako ni Ning na parang may nasabi akong nakakuha ng atensyon niya.

"Talaga ba Winter? Wala? Seryoso ka?" Kung hindi ko 'to kilala, iisipin ko curious lang siya pero alam kong nanunukso 'to.

"Wala Ning magtigil ka nga."

"Wala naman akong sinasabi."

Nakaramdam na rin ata si Giselle at biglang naging ususera. "Ay bakit may crush na ba yang si Winter?"

"Wala nga, Gi!"

Pinanlakihan ako ng mata ni Gi. "Ay, defensive?"

At ayun na nga. Nasa akin na naman ulit ang center of attention. Tingin siguro nila sakin circus. Need ko na rin ata bumili ng wig.

Wala naman kasi akong crush. Simula bata ako ang hilig nila manukso sakin na may crush ako eh ito ngang sila Ning at Gi ang halos every month ata may bago na namang crush.

Sabi nga rin nila, ang crush ay paghanga. Meron rin naman siguro akong nagiging crush dati pero more on paghanga lang siya. No more, no less. Hanggang doon na lang at di na naggo-grow into something.

Not until Grade 10 happened.

"So naka-move on ka na pala kay Somi?"

Giselle! TMI ka masyado!!

"Wait huy ano yan?!"

"Winter naging crush mo si Somi? Bakla ka rin?!"

Eto na nga ba ang sinasabi ko.

Hindi ko naman sila masagot agad. Ang dami kasi nilang binabatong tanong. Kay Gi ko lang kasi yon nakwento. Short time lang naman kasi yon kaya hindi ko na rin nasabi kila Ryu kasi di talaga ako sure kung naging crush na as in crush ko ba siya o simpleng happy crush lang.

"Winter bestfriend mo ako bakit hindi ko yan alam? Gi inaagaw mo ba sakin si Winter?" Pag-eeskandalo ni Ning.

"Winter ano na?"

Nakatingin silang lahat sa akin including si Karina. Medyo naghesitat

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
Ang tagal na rin pala simula nung last outtake 'no? Ito na rin siguro ang panghuli. Their story ends here but they will be remembered forever in our hearts. Hanggang sa huli🫶🫶

Playlist link: https://open.spotify.com/playlist/6L4yidJZLVZH8DXsbH4xMo?si=fkxMXpTkRzy5N9sMVEUWGA&dd=1

Comments

You must be logged in to comment
gomtokkim
2134 streak #1
Chapter 5: Miss ko na silaaa
Jillian_ #2
Chapter 45: Tapos ko na siya omg, mamimiss ko silaaaa
Jillian_ #3
Chapter 39: Hoy bakit ako naiiyak sa pag-alis ni Karina, parang mamimiss ko rin siya kahit hindi ko siya ka-barangay T^T
bigboy123
129 streak #4
#rr 👀🤭
Jillian_ #5
Chapter 17: OMG HSHDGGSJSKJHD
Jillian_ #6
Chapter 6: Ay, ‘yan ang gusto ko, nagpapahiwatig 🤩
dork_seulgi_k
845 streak #7
Chapter 37: iihhhh 🤸
AJMercado
#8
m
M_1412 #9
Chapter 26: Huyy 2521 din talaga naisip ko bigla sa scene na yon huhu cute nila
Sa wakas may label na ang mag babyyy
M_1412 #10
Chapter 20: Nahohomesick na naman tuloy ako sa bp😭