Chapter 27 - Hershey's Kisses

Huwag Kang Pa-fall!
Please Subscribe to read the full chapter

Sabi nila, kapag in love ka, tumitigil ang mundo mo, bumibilis ang tibok ng puso mo…at..

At…

Tabi!

Huh?

Walang anu-ano’y may biglang bumangga sa akin. Aray ko!

Galit kong tiningnan kung sino man yung bumangga sa akin. Ang sakit lang ng pagkakabagsak ng pwet ko dun.

Teka, nasa langit na ba ako?

Anghel ba ‘tong nasa harapan ko?

“Winter!”

Dahan-dahan kong minulat yung mga mata ko at nabungaran ko yung mukha ng kapatid ko.

Nasaan na yung angel?

“Alam mo ang pangit mo pa rin matulog hanggang ngayon. Gising na tanghali na.”

It took me a second para marealize na nananaginip lang ako kanina.

 

You know I can't smile without you

I can't smile without you

I can't laugh and I can't sing

I'm finding it hard to do anything

 

Unti-unting naging maaliwalas ang mukha ko at tiningnan ko si ate Lisa na inaantay pa rin akong bumangon.

“Good morning, ate!”

Good morning world!

Bumangon na ako para makapaghilamos. Ang ganda lang ng gising ko ngayong araw. Iniwan ko na doon sa kwarto si ate na confused lang akong pinanood. Walang makakasira ng mood ko ngayon.

“Good morning, ma!” bati ko kay mama na kakatapos lang kumain ng almusal.

“Tapos ka na kumain? Ako na bahala maghugas ng plato,” Kinuha ko na yung pinagkainan niyang plato at nilagay sa lababo.

“Kumain ka na muna dyan at itutuloy ko na maglaba,” Tumayo na si mama at naglakad paalis. “Ma ako nang bahala sa mga labahin. Kaya ko na yun,” sabi ko sa kanya.

“Nasimulan ko na yun, ikaw na lang magbanlaw. Yung mga damit panloob natin hindi pa nakukusot, ikaw na lang maglaba non.”

“Sige ma ako nang bahala.”

One last glance sa akin ni mama at tuluyan na siyang umalis at nagsimula na rin akong kumain ng agahan.

 

You came along just like a song

And brighten my day

Who would have believed that you were part of a dream

Now it all seems light years away

 

 

(Fri, 7:36 A.M) Winter:       good morning!!!

(Fri, 7:37 A.M.) Karina:     good morning babe <3

                                                      you're up na pala

(Fri, 7:37 A.M.) Winter:      hehe syempre!

 

Napansin ko yung naka-save na name ni Karina sa phone ko. I-change ko ba yung name niya?

Hmm ano bang pwede?

Omg alam ko na. Hihi.

 

(Fri, 7:39 A.M.) Bebe:         me too!

                                                       i can’t sleep simula pa kagabi but i still woke up early kanina

(Fri, 7:40 A.M.) Winter:      ang cuteeee

(Fri, 7:40 A.M.) Bebe:           ng? >-<

 

Ay na-type ko pala. Pero ang cute kasi!

Bebe.

Parang bebe ko lang.

Ihh ano ba!

 

(Fri, 7:40 A.M.) Winter:         ikaw babee

(Fri, 7:40 A.M.) Bebe:             okay hahaha

                                                           see you later?

(Fri, 7:41 A.M.) Winter:          see you!!

                                                            kain ka na ha

(Fri, 7:41 A.M.) Bebe:               will do <3

 

Itinabi ko na yung phone ko at sinimulan ko nang ayusin yung mga pinagkainan namin. Mabilis lang akong natapos kaya nakapagsimula na rin akong banlawan yung mga nalabhan ni mama tapos isinunod ko na ring labhan ung mga panloob naming damit. Nagplay ulit ako ng music sa background habang nagkukusot ako at para mas bumilis rin ang oras.

 

And I swear the magnolias flashed a smile (flashed a smile)

And that's when I caught me hoping you'd stay a while (stay a while)

 

Hindi ko maiwasang mapatingin sa langit habang nagsasampay ako ng mga damit sa labas.

 

Baby, I'd give up anything to travel inside your mind

Baby, I fall in love again come every summertime

My daddy taught me to choose 'em wisely, but you don't have to try

'Cause, baby, I fall in love every summertime

 

Pink ba talaga lagi yung kulay ng langit?

Napangisi ako. Mukhang nakikisama ata sa akin ang panahon ngayon.

Ano pa ba ang pwedeng maitulong ngayon sa bahay after ko dito?

Tulungan ko na rin ba si ate sa work niya kahit wala akong alam doon?

 

 

 

 

 

"Doon ka na Winter, layuan mo na ako please!" parang pagod na sabi ni ate.

Kanina ko pa kasi siya kinukulit dito.

"Sure ka ba wala ka nang kailangan ate?" tanong ko ulit.

Pagod siyang tumango at ikinumpas yung kamay niya palabas ng kwarto niya.

"Oo okay na ako dito. Umalis ka na dito or doon ka na muna kila Giselle at humanap ka ng pwedeng gawin," pagtataboy niya sa akin habang busy na nakatingin sa laptop niya.

Ngumiti ako ng malawak. Sa wakas tapos na rin ako tumulong dito sa bahay. Time na para puntahan ang girlfriend ko.

Ihh anuba.

Girlfriend daw.

Winter ikalma mo!

"Alam mo Winter.." nilingon ko si ate Lisa na nakakunot noo lang na nakatingin sa akin. Nakipagtitigan rin ako sa kanya at hinintay ang sasabihin niya pero iniwas rin niya ulit yung tingin niya at humarap na sa monitor.

"Ano yun ate?"

Umiling siya.

"Wala wala. Wag muna ngayon at may ginagawa pa ako."

"Sige ate."

Tumalikod na ako para umalis.

"Winter.."

Nilingon ko si ate.

"May baon kang kwento sa free time ko ha."

"Oo na ate," natatawa kong sabi. "Pero pahingi muna ng kisses mo sa ref."

Napailing na lang si ate at nagfocus na ulit sa ginagawa niya. "Basta wag mo uubusin."

Dumiretso na agad ako sa labas after ko makuha yung mga chocolate at nakarating na agad ako sa labas ng bahay nila Giselle in no time.

Narinig ko na naman na tumatahol sa akin si Bruno doon sa gate nila Ning. Bakit ba galit na galit sa akin yang aso nila Ning? Hindi naman ako mukhang buto ah.

Kumatok agad ako sa pintuan nila Giselle at yung mama niya yung nagbukas.

"Oh, Winter nandito ka pala 'nak. Gigi's not here, may pinuntahan daw sila ni Ningning."

"Ah ganun po ba tita? Si Karina po nandito po ba siya?"

"Of course nandito yung isa naming anak," pa-joke na sabi ng mama ni Gi. "Should I call her for you?"

"Wag na po tita ako na lang po pupunta. Okay lang po ba?"

"Oo naman. Pasok ka and feel at home," nilakihan ni tita yung bukas ng pintuan at pumasok na ako.

"Thank you po tita. Puntahan ko na po si Karina," paalam ko.

"Go lang 'nak."

Nagproceed na agad ako doon sa kwarto ni Karina at kumatok.

I waited for a few moments at kakatok sana ulit nang tuluyan nang bumukas yung pintuan at nakita ko na siya.

"Gusto mo ng kisses?" bungad kong tanong tapos itinaas ko yung hawak kong chocolates.

She was confused for a second tapos bigla siyang natawa na ipinagtaka ko, "Ayaw mo?"

"No, I mean, I thought you were asking me if I wanted some kisses."

Inulit lang naman niya yung sinabi ko eh.

"Pareho lang naman yun ah?"

Lumawak yung ngiti niya, "You're really cute. Can I just keep you for myself na lang?"

"Sa'yo lang naman ako."

Mga banat mo talaga Winter Kim. Ako lang talaga 'to.

Dumiretso na ako ng upo doon sa kama niya at inantay siyang isara yung pintuan.

"What are we going to do for today?"

"Ayaw mo talaga ng kisses?" alok ko ulit sa kanya. Kinuha naman niya yung inaabot ko.

"Of course, I want some kisses."

"Gusto mo pa? Sige kainin mo na 'to."

May tatlo pa namang natira sa mga dala ko and okay lang naman kung ibigay ko na 'to kay baby.

Nangingiti lang niya akong pinagmamasdan.

"Bakit babe?"

She slightly shook her head, "Hmm wala naman."

Natawa na ako. Of course alam ko yung tinutukoy niyang kisses.

Pero..

Nahihiya kasi ako eh!

"You're suddenly turning red. What happened?"

"Wala."

"Bakit nga?"

"Ikaw kasi!" paninisi ko.

"Why me?" natatawa niyang tanong. "You really look happy today. Did you dream of something good?"

"Oo feeling ko nga ikaw 'yon," sagot ko. Naalala ko na naman yung angel daw na bumunggo sa akin sa panaginip ko.

"What did I do there?"

"Binunggo mo daw ako tapos sinabihan kitang gangster."

Tawang-tawa naman siya sa kwento ko. Winter clown character unlocked again for today's video.

"I watched that movie! She's dating the gangster diba?"

"Oo, hindi ko nga rin alam bat ganon panaginip ko."

Tumabi na si Karina sa akin. "What should we do for today?"

"Hmm," kumunot yung noo ko as I pursed my lips para mag-isip. "Wala akong maisip."

"Hmm," ginaya rin ako ni Karina. "I think I have an idea."

"Ano yon?"

"I can teach you na how to braid."

Medyo surprised ko siyang tiningnan. Seryoso ba talaga siya sa sinabi niya dati?

"Seryoso ka talaga doon?"

"Why?" she chuckled. "Ayaw mo ba?"

"Hindi naman, akala ko kasi nagjojoke ka lang dati."

"It would be a fun thing to do since we're not going anywhere naman today," Tumayo na siya at hinila kami palapit doon sa vanity mirror.

"I will be your teacher for today!"

 

 

 

 

 

"Sure ka hindi masakit ginagawa ko?"

"No babe wala nga akong nararamdaman."

Mahina ko siyang pinalo sa balikat.

"Wala ka dyan," biro ko, she laughed in response.

Kanina pa kami dito or more so, ako, sa ginagawa ko. Na-gets ko naman agad yung tinuro sa akin ni Karina kung paano yung fishtail daw pero hindi ko kasi buhok yung ginagalaw ko ngayon. Buhok siya ni baby kaya iniingatan ko kasi baka bigla ko siyang mahatak.

"Are you not done yet?"

"Babe mas maganda siguro kung pagupitan mo na lang yang buhok mo para madali tayong matapos dito," biro ko sa kanya.

"It's easy naman to style your hair. You just need to get the hang of it."

Inabot ko yung sanrio na nakapatong sa lamesa at agad na tinalihan yung dulong part ng buhok ni Karina para hindi matanggal yung braid.

"Ayan tapos na!" masaya kong sabi. Inayos ko yung buhok papunta sa harap ni baby para makita niya yung nagawa ko.

She looked at it sa salamin and I can see her proud smile sa akin. First lesson, successful agad. Ako lang talaga 'to.

"Ang ganda mo babe," sabi ko sa kanya.

"Why? Because it's you who styled my hair?"

"Hindi rin, pero oo," pag-amin ko, syempre

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
Ang tagal na rin pala simula nung last outtake 'no? Ito na rin siguro ang panghuli. Their story ends here but they will be remembered forever in our hearts. Hanggang sa huli🫶🫶

Playlist link: https://open.spotify.com/playlist/6L4yidJZLVZH8DXsbH4xMo?si=fkxMXpTkRzy5N9sMVEUWGA&dd=1

Comments

You must be logged in to comment
gomtokkim
2139 streak #1
Chapter 5: Miss ko na silaaa
Jillian_ #2
Chapter 45: Tapos ko na siya omg, mamimiss ko silaaaa
Jillian_ #3
Chapter 39: Hoy bakit ako naiiyak sa pag-alis ni Karina, parang mamimiss ko rin siya kahit hindi ko siya ka-barangay T^T
bigboy123
131 streak #4
#rr 👀🤭
Jillian_ #5
Chapter 17: OMG HSHDGGSJSKJHD
Jillian_ #6
Chapter 6: Ay, ‘yan ang gusto ko, nagpapahiwatig 🤩
dork_seulgi_k
850 streak #7
Chapter 37: iihhhh 🤸
AJMercado
#8
m
M_1412 #9
Chapter 26: Huyy 2521 din talaga naisip ko bigla sa scene na yon huhu cute nila
Sa wakas may label na ang mag babyyy
M_1412 #10
Chapter 20: Nahohomesick na naman tuloy ako sa bp😭