Chapter 10 - Annoyed, Slight.

Huwag Kang Pa-fall!
Please Subscribe to read the full chapter

Nakakairita.

Sinipa ko yung bato na nakita ko habang naglalakad.

Nakakairita talaga.

"Teh para kang tanga ano ginagawa mo dyan?"

Nautusan ako ni mama na bumili ng rekado para sa niluluto niyang ulam. Hindi daw makukumpleto ang niluluto niya kapag wala yon. Magic sarap lang naman talaga yung pinapabili niya.

Nagkataon rin naman kasing wala akong ginagawa kaya ayun nautusan ako ni mudra.

Sinaway pa niya ako na malapit na raw ang entrance exams at hindi ako nagrereview.

Ma kung alam mo lang…

Hindi talaga ako nagrereview. Char.

Syempre nagrereview naman ako. Alangan namang hindi. Nakasalalay dito ang future ko 'no.

Kahit man lang dito sa university na 'to ako pumasa, okay na ko. Sa lahat ng in-apply-an kong university, wish ko na sana kahit isa lang may tumanggap sakin. Tapos pagkatapos non saka ko na lang poproblemahin kung paano ako makaka-survive sa course ko.

Kakayanin ko ang hamon ng buhay!

Pero ngayon naiirita talaga ako.

"Aray!"

Napahawak ako sa noo ko. Ang lakas naman makapitik nito.

"Kanina ka pa nakatingin ng masama dyan sa bato. Inaano ka ba niyan?" Tinuro pa ni Ning yung bato na sinipa ko kanina. "Kanina pa kita kinakausap hindi ka namamansin."

"Pabili raw ako ng magic sarap Ning," sabi ko na lang. Wala ako sa mood makipagchikahan.

Hindi ko nga napansin na nasa harap na ako ng tindahan nila Ning. Bumalik naman agad si gaga sa loob at kumuha ng magic sarap.

Inabot ko naman na agad sa kanya yung bayad.

"I received 50 pesos."

Mataman kong tiningnan si Ning kung nababaliw na ba siya o ano.

"Bakit yung mga cashier lang ba na nasa mga mall yung pwede magsabi non?" pagdedepensa niya.

Hays. Ewan ko ba dito.

"Here's your change ma'am."

Parang ewan naman ngiti neto.

"Di mo bagay Ning."

Sumimangot naman siya tapos lumabas na ulit siya mula sa tindahan. Naalala ko yung last time na bili ko dito, muntik na akong kagatin ni Bruno.

Speaking of him, bakit kaya walang tumatahol ngayon?

"Nasaan si Bruno?"

"Bakit mo naman sakin hinahanap si Bruno diba nga we don't talk about Bruno," sagot niya.

Napamaang ako.

"Huh?" Medyo nagprocess pa sa utak ko yon. "Gaga ka. Yung aso niyo kasi."

"Ahh," tumango pa siya. Muntanga lang.

"Pinasyal ata ni mama. Wala siya ngayon dito eh."

Ah okay.

"Anyare? Bat para kang pinagsakluban ng langit at lupa? Miss mo ba si Bruno?"

Sinamaan ko siya ng tingin. Bakit ko naman mamimiss ang asong yon kung lagi niya akong tinatahulan tuwing napunta ako kila Ning?

Naiirita rin ako sa mukhang asong nakita ko kanina.

"Bes kumukunot na naman noo mo. May chismis ba?"

"Wala."

"Weh?"

"Oo nga. Uwi na ako," Tumalikod na ako at naglakad na pabalik sa bahay. Nadaanan ko ulit yung bato kanina kaya sinipa ko ito ulit.

Akala ko nga pipigilan pa ako ni Ning pero nang nilingon ko siya, pumapasok na ulit siya sa loob ng bahay nila.

Nakaramdam rin siguro yon na wala ako sa mood.

Binigay ko naman na agad kay mama yung nabili kong magic sarap at saka bumalik na ulit ako sa kwarto kung saan naiwan ko yung laptop kong nakabukas.

Nanonood kasi ako kanina nang utusan ako pero okay lang naman yon sakin. Hindi naman ako naistorbo. Sadyang naiirita lang ako. Pero hindi ako naiirita sa nanay ko ah.

Dumadagdag pa sa inis ko yang pinapanood ko.

Ang ewan lang kasi ni Nayeon!

Hindi si Nayeon ng Twice ha.

Yung Nayeon sa All of Us Are Dead. Idagdag mo pa si Gwinam. Argh kairita.

Sinimulan ko nang panoorin yung series na yon. Ang tagal tagal ko nang nakikita yon sa feed ko ever since na-air yon sa Netflix. Feeling ko kasi parang Train to Busan lang rin yung mangyayari. Magkakagatan sila tapos magiging zombie silang lahat which is true nga. Pero maganda rin naman yung thrill niya kaya pinapanood ko na ngayon.

"Tumakbo na kayo!" Natataranta kong sabi.

Parang tanga lang kasi alam na nga nilang zombie yon tapos aantayin pa nilang magtransform tapos saka sila tatakbo.

Minsan naiimagine ko yung sarili ko sa mga ganong situation. What if magkaroon ng zombie outbreak? Itatry ko ba magsurvive o hindi?

Syempre hindi.

Mamamatay na tayong lahat edi magpapakagat na lang ako. Char pero true.

Mabilis lang naman natapos yung tanghalian. Natulog rin ako saglit ka

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
Ang tagal na rin pala simula nung last outtake 'no? Ito na rin siguro ang panghuli. Their story ends here but they will be remembered forever in our hearts. Hanggang sa huli🫶🫶

Playlist link: https://open.spotify.com/playlist/6L4yidJZLVZH8DXsbH4xMo?si=fkxMXpTkRzy5N9sMVEUWGA&dd=1

Comments

You must be logged in to comment
gomtokkim
2141 streak #1
Chapter 5: Miss ko na silaaa
Jillian_ #2
Chapter 45: Tapos ko na siya omg, mamimiss ko silaaaa
Jillian_ #3
Chapter 39: Hoy bakit ako naiiyak sa pag-alis ni Karina, parang mamimiss ko rin siya kahit hindi ko siya ka-barangay T^T
bigboy123
132 streak #4
#rr 👀🤭
Jillian_ #5
Chapter 17: OMG HSHDGGSJSKJHD
Jillian_ #6
Chapter 6: Ay, ‘yan ang gusto ko, nagpapahiwatig 🤩
dork_seulgi_k
852 streak #7
Chapter 37: iihhhh 🤸
AJMercado
#8
m
M_1412 #9
Chapter 26: Huyy 2521 din talaga naisip ko bigla sa scene na yon huhu cute nila
Sa wakas may label na ang mag babyyy
M_1412 #10
Chapter 20: Nahohomesick na naman tuloy ako sa bp😭