Chapter 11 - Sundo

Huwag Kang Pa-fall!
Please Subscribe to read the full chapter

Minsan naiinggit ako sa mga taong mabilis makatulog at hindi madaling magising.

Light sleeper kasi ako kaya kahit mahinang tunog lang yan magigising agad ako.

Katulad na lang ng biglang pagpapatay sa ‘kin ng electric fan ni ate Lisa.

Umagang umaga init ang bubungad sa ‘kin.

"Ate wag mo patayin!" angal ko. Hindi pa masyadong maayos yung boses ko. Bigla kasi akong nagising nang wala na akong hangin na maramdaman.

Summer na summer tapos papatayan ako ng electric fan? Edi namatay ako sa init.

"Tanghali na kaya gumising ka na, Wintot," sabi ni ate.

Tiningnan ko yung oras. Malapit na mag-alas otso.

"Kung tanghali na bakit nandito ka pa rin?"

Hindi naman ako sinagot ni ate at pinasadahan lang ng tingin yung kwarto ko.

"Ah so ito pala yung ginawa mo sa mga yun? Infairness maganda ha," tumango-tango pa siya tapos nag-thumbs up.

"Ako lang 'to ate."

Wala pa atang balak umalis 'tong si ate kasi naupo pa siya sa gilid ng kama ko.

"Balita ko nag-apply ka rin daw dyan sa TEU?"

Tumango naman ako.

"Ah. Ayaw mo lumuwas?"

Ano 'to? One on one interview?

"Hindi ko pa sure ate. Basta nagse-secure lang ako ng school."

"Ah oo okay nga yan. Pero Winter sabihin mo lang sa akin kung gusto mo rin mag-aral sa Maynila. Wag kang mahihiya sa akin o kila mama kasi susuportahan ka namin sa kahit anong gusto mo."

Na-touch naman ako don. Lahat sila suportado ako sa kung anong gusto ko. It made me think na kailangan ko talagang pagbutihin ang pag-aaral ko para sa kanila kasi sobra-sobra pa yung mga binibigay nila sa akin.

"Ayaw mo sa PUP?"

"Nag-apply rin ako dun ate pero wala pang results."

Sa PUP kasi grumaduate si ate kaya isa rin yon sa list ng mga inapplyan kong school. Graduate siya doon ng comsci at hindi naman sa mayabang ako pero laude ata yang si ate. Ewan ko nga rin kung pano siya naging ganon eh mukha naman siyang tambay kapag nandito sa bahay.

"Ikaw Winter ha kanina ka pa nakatitig sakin. Ganda ko diba?"

Ngumiwi ako at umaktong nasusuka.

"Panget mo, ate."

"Ay aba–"

"Lisa gising na ba ang kapatid mo?!" sigaw ni mama sa baba.

Bakit ba parang gusto nila akong gisingin ngayon? Inaantok pa ako please yung kama ko hinahatak pa ako pahiga.

"Ate sabihin mo kay mama tulog pa ako."

"Gising na siya ma!"

Sinamaan ko naman ng tingin ang kapatid ko at sinipa siya.

"Ma, si Winter naninipa oh!"

Sumbungera talaga 'to.

"Winter bumaba ka na riyan at nandito na ang bisita mo!"

Nagtataka kong tiningnan si ate.

Sino?

Wala naman akong inaasahang bisita ngayong umaga.

Ngumisi lang si ate at tiningnan ako ng may malisya.

Luh.

Anong meron?

"Maligo ka na. Nakakahiya ka kapag lumabas kang ganyan itsura mo," sabi ni ate at iniwan na ako mag-isa sa kwarto.

Bumangon na rin ako at hindi na nag-abala pang mag-ayos. Si Ning lang siguro yan. Siya lang naman kasi yung mahilig pumunta rito. Tapos kagabi parang nag-uusap yata sila sa groupchat pero hindi ko na masyadong nabasa kung ano pinag-uusapan nila kasi inaantok na ako. I-check ko na lang siguro mamaya kung ano yon.

Isinuot ko na yung bunny slippers ko na nabili ko dati sa miniso kasi ang cute cute niya. Nadaanan ko naman habang naglalakad ako papunta sa pinto yung full body mirror ko. Nakaterno pa ako ng pajama na may random characters na design. Ewan ko kung ano 'to basta mukha siyang cartoon.

Tinuloy ko na lang ang paglalakad ko pababa sa hagdan.

Himala, hindi ko naririnig na dinadaldal ni Ningning si mama pero bakit parang naging baliktad yata?

Si mama ngayon ang dumadaldal kay Ningning. Usually kasi kapag nandito si gaga, yung malakas niyang boses una kong naririnig.

"Kaibigan mo ba si Winter?"

Luh. Amnesia lang ang peg ni mama?

Baka narealize na ni mama na kailangan na niyang kilatisin si Ningning kung tunay ko nga ba siyang kaibigan. Char.

"Ano na namang naisipan mo at pumunta ka di–Karina?" gulat kong tanong. "Ma, asan si Ningning?"

Nabungaran ko lang naman sa sala si mama at Karina na nag-uusap.

Bakit siya nandito?

Tumayo na si mama mula sa pagkakaupo nang makita ako.

"O siya sige at gising naman na si Winter, tutuloy na muna ako sa kusina. Winter kumain ka na at kanina pa naghihintay ‘yang si Karina."

Naghihintay?

Bakit? Para saan? Anong meron? Ha?

"Good morn

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
Ang tagal na rin pala simula nung last outtake 'no? Ito na rin siguro ang panghuli. Their story ends here but they will be remembered forever in our hearts. Hanggang sa huli🫶🫶

Playlist link: https://open.spotify.com/playlist/6L4yidJZLVZH8DXsbH4xMo?si=fkxMXpTkRzy5N9sMVEUWGA&dd=1

Comments

You must be logged in to comment
gomtokkim
2152 streak #1
Chapter 5: Miss ko na silaaa
Jillian_ #2
Chapter 45: Tapos ko na siya omg, mamimiss ko silaaaa
Jillian_ #3
Chapter 39: Hoy bakit ako naiiyak sa pag-alis ni Karina, parang mamimiss ko rin siya kahit hindi ko siya ka-barangay T^T
bigboy123
139 streak #4
#rr 👀🤭
Jillian_ #5
Chapter 17: OMG HSHDGGSJSKJHD
Jillian_ #6
Chapter 6: Ay, ‘yan ang gusto ko, nagpapahiwatig 🤩
dork_seulgi_k
863 streak #7
Chapter 37: iihhhh 🤸
AJMercado
#8
m
M_1412 #9
Chapter 26: Huyy 2521 din talaga naisip ko bigla sa scene na yon huhu cute nila
Sa wakas may label na ang mag babyyy
M_1412 #10
Chapter 20: Nahohomesick na naman tuloy ako sa bp😭