Chapter 12 - Sama ng Loob Planting

Huwag Kang Pa-fall!
Please Subscribe to read the full chapter

"Winter halika nga dito tulungan mo 'ko."

Hindi pa nga ako pumapayag pero hinatak naman na ako ni Ryujin papunta sa pwesto niya.

Nakarating na kami kanina pa dito sa venue ng tree planting activity. Napili ng barangay namin yung isang malapit na bundok sa bayan namin.

Hindi rin naman ito kalayuan kaya agad rin kaming nakarating. Sumakay ulit kami syempre sa sasakyan ni Karina at nagplano na lang kaming sabay-sabay ulit kami kapag pauwi na.

Inakyat pa namin ng konti yung bundok bago kami makarating sa lugar kung saan talaga kami magtatanim. Hindi naman masyadong delikado yung inakyat namin at medyo patag yung lugar nang makarating kami.

May pa-opening remarks muna yung mga persons in charge bago kami nagproceed sa main activity pero sandali lang naman iyon. Onting speech lang ganito ganyan tapos sinabi na kung paano hahatiin yung grupo namin based sa mga puno na itatanim. Nahiwalay samin sila Karina at Giselle samantalang kaming tatlo nila Ningning at Ryujin naman ang magkakasama kasama ng iba naming ka-barangay na hindi ko naman kaclose yung iba.

Habang kumukuha nga ako ng itatanim na puno may nakasabay ako kaninang same age ko rin. Muntik ko na ngang kunin yung balak niyang kunin sana. Hiya naman ako don. Tiningnan ko pa sana siya para magsorry pero naurong rin yon nang ngitian niya ako. Awkward naman akong ngumiti pabalik. Sino na nga ulit siya?

Ah siya ata yung anak ni Aling Janette.

"Ikaw na lang yung kumuha nyan. Ako na lang yung sa katabi niya."

"Ah sige sige," sabi ko naman at pagkatapos non naghiwalay na kami ng landas.

Chos.

Hindi ko na lang siya pinansin.

Di kaya ako magaling sa small talks 'no.

"Teh kung tulungan mo kaya ako instead na tumunganga ka dyan," saway sakin ni Ryujin. Pinapanood ko lang kasi siyang magbungkal ng lupa habang nasa tabi naman niya yung maliit na mahogany na itatanim.

Mahogany kasi yung napunta sa amin habang yung kila Giselle is narra ata or acacia? Hindi ko sure.

May mga nagtetake rin ng documentation bawat grupo.

"Oh kunwari tinutulungan mo si Ryujin, bes. Ang pangit naman mukha kang pabigat na ka-grupo sa pose mo."

Aba.

Anong nangyari at napunta sa documentation team itong si Ningning?

"Hoy bakit hindi ka tumutulong magtanim?"

Pinanlakihan naman ako ng mata ni gaga.

Sige takas pa ha.

"Ano ba yan bes ang ingay mo!" eksaheradang sabi niya pagkaalis ng mga nagpipicture sa amin kanina.

Inabot ko sa kanya yung puno ni Ryujin. "Itanim mo yan doon," itinuro ko yung nabungkal ni Ryujin na lupa. Sinunod rin naman niya ako at ibinaon na sa lupa yung mahogany. Kinuha ko rin yung malapit na pandilig at diniligan ng kaunti yung puno bago tinabunan ni Ryu ng lupa.

"Kumusta na kaya doon sila Giselle. Bat kasi sila nahiwalay satin," sabi naman ni Ryujin.

Maski ako nga rin hindi ko maiwasang silipin sila doon sa kabilang side.

Natawa naman ako doon sa struggle ni Giselle maghukay ng lupa. Parang shunga lang. Naiwan pa ata ni babaita yung ponytail niya at ang haggard na ng itsura niya.

"Giselle parang shunga. Uy puntahan ko muna yun bigyan ko extra sanrio," paalam ni Ning at nilapitan na nga si Gi.

"Parang ewan si Ning nakalugay rin naman ako bat di niya ako binibigyan ng sanrio," reklamo ni Ryujin nang makaalis na si gaga mula sa pwesto namin.

"Di mo kasi deserve," sagot ko naman.

Akmang susugurin ako ni bruha nang mapalingon ako doon sa pwesto nila Giselle.

Hindi kalayuan kay Giselle si Karina.

Mas maayos pa nga yung naging trabaho niya sa pagtatanim kaysa doon sa isa. Mahilig siguro mag-gardening itong si ate.

Hindi rin kalayuan ay may nakita akong panget na papalapit kay Karina.

Sinamaan ko 'to ng tingin.

Bakit andito na naman 'to?

"Uy diba si Joseph yon?" Nakikitingin rin pala sa tinitingnan ko si Ryujin. "Bakit lumalapit yon kay mareng Kars? Close ba sila?"

"Shunga hindi."

"Eh bakit parang close na sila?"

Magtigil ka nga Ryujin nagdidilim ang paningin ko sa sinasabi mo.

Hindi naman need ni Karina ng tulong doon sa ginagawa niya pero bakit parang nag-i-insist pa si Joseph panget na tulungan si Karina.

Tulungan ko mukha mo eh.

Itong crush ko naman, bakit ka naman pumayag???

Ang sama sama na siguro ng tingin ko sa kanilang dalawa ngayon.

Bakit ba andito rin yang Joseph panget na yan?

"Teh parang close na ata sila. Laki ng ngiti ni Karina oh," puna pa ni Ryujin. Bahala nga siya dyan.

Iniwan ko na siya doon para ituloy yung pagtatanim.

"Hoy Winter nag-hi sila Karina oh!" Tawag ni Ryu kaya lumingon ako.

Nakatingin nga sa gawi namin si Karina at nakangiting kumakaway nang makita niya kaming dalawa ni Ryujin. Tinawag rin ata niya si Ning at Giselle kaya tatlo na silang kumakaway ngayon. Mukhang shunga lang. Nagtataka namang napatingin samin 'tong si Joseph. Tinaasan ko siya ng kilay nang magtama paningin namin. Agad rin naman siyang umiwas ng tingin sa akin.

Oo tama lang 'yan matakot ka sa ‘kin. Charot!

Napansin kong nakatingin rin sakin si Karina kaya kumaway ako at tipid na ngumiti tapos bumalik na ko sa ginagawa ko. Napansin ko pa yung pagkunot ng noo niya the moment na tumalikod ako. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko na lang yon pinansin at itinuloy na yung pagbubungkal ko sa lupa.

Grabe medyo marami rin pala yung itinanim naming puno kasi parang ilang beses na yata akong nagpabalik-balik sa pagbubungkal. Bumalik na si Ning sa amin kanina tapos napagdesisyunan naming maghati-hati sa mga gagawin. Ako yung taga-hukay tapos si Ning yung tagalagay ng tanim at si Ryujin naman yung taga-ayos ng lupa after ni Ning malagay yung puno.

Hashtag teamwork lang ang peg naming tatlo.

Last na puno na yung itatanim kaya ako na lang yung nagvolunteer na magtanim. Sipag ko lang diba?

Ang saya naman ng dalawa after kong sabihin 'yon tapos iniwan ba naman akong

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
Ang tagal na rin pala simula nung last outtake 'no? Ito na rin siguro ang panghuli. Their story ends here but they will be remembered forever in our hearts. Hanggang sa huli🫶🫶

Playlist link: https://open.spotify.com/playlist/6L4yidJZLVZH8DXsbH4xMo?si=fkxMXpTkRzy5N9sMVEUWGA&dd=1

Comments

You must be logged in to comment
gomtokkim
2152 streak #1
Chapter 5: Miss ko na silaaa
Jillian_ #2
Chapter 45: Tapos ko na siya omg, mamimiss ko silaaaa
Jillian_ #3
Chapter 39: Hoy bakit ako naiiyak sa pag-alis ni Karina, parang mamimiss ko rin siya kahit hindi ko siya ka-barangay T^T
bigboy123
139 streak #4
#rr 👀🤭
Jillian_ #5
Chapter 17: OMG HSHDGGSJSKJHD
Jillian_ #6
Chapter 6: Ay, ‘yan ang gusto ko, nagpapahiwatig 🤩
dork_seulgi_k
862 streak #7
Chapter 37: iihhhh 🤸
AJMercado
#8
m
M_1412 #9
Chapter 26: Huyy 2521 din talaga naisip ko bigla sa scene na yon huhu cute nila
Sa wakas may label na ang mag babyyy
M_1412 #10
Chapter 20: Nahohomesick na naman tuloy ako sa bp😭