Chapter 9 - Fragile

Huwag Kang Pa-fall!
Please Subscribe to read the full chapter

"Hoy babae ano na? Akala ko ba magbabonding tayo ngayon?"

Nakapamewang pa si Ning habang nakatayo siya sa harap ko. Pinapunta ko kasi siya dito sa bahay para makipagdaldalan.

Ewan ko nga. Hindi naman ako kadalasan mag-invite sa kanya dito. Siya pa nga yung feeling at home talaga na bigla bigla na lang papasok nang hindi nagpapaalam dito. Wala naman nang pake si mama doon, matagal na siyang sanay dito sa kaibigan ko. Pati nga rin si Ryujin na sa kabilang barangay pa nakatira, kilalang kilala na ni mama.

"Bes ano? Tutunganga na lang ba tayo rito?"

"Eto na nga diba," Bumangon na ako sa kama at binuksan ang electric fan tapos bumalik ulit ako sa pagkakahiga. Sinamaan naman ako ng tingin ni gaga nang humiga ulit ako.

"Ito na yung bonding Ning. Matutulog tayo."

"Winter!"

Aray. Ang hilig niya talagang manapak.

"Eto na nga diba babangon na. Dapat talaga si Ryujin na lang pinapunta ko," hindi ko na hininaan yung pagkakasabi ko para madama talaga niya.

"Nakakahurt ka na bes ha. Alam mo naglaan pa talaga ako ng time sayo para makapunta dito ngayon. Ang dami ko kayang ginagawa."

"Bakasyon ngayon."

"Kahit na! Marami pa rin akong ginagawa."

"Kagaya ng alin?"

"Manood ng kdrama."

Proud pa siya sa sinabi niya.

“Bes hindi mo ba alam na may bagong k-drama si Nam Joo Hyuk?” tanong niya nang tiningnan ko lang siya.

“Gaga akala ko naman nagrereview ka para sa entrance exam.”

Malapit na rin pala yung entrance exams namin. Buti na lang talaga at sabay sabay kami nag-apply kaya pare-pareho kaming lahat ng schedule. Kinabahan pa nga ako nang may nareceive akong email galing sa TEU noong una pero nabawasan na rin naman kahit papano yung kaba ko nang malaman ko na same lang kami ng mga shunga pati si Karina.

Speaking of,

Tiningnan ko si Ning. Napansin naman niyang medyo seryoso ako.

Tumaas kilay niya, "Ano yon?"

Matagal ko pang pinag-isipan kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi. Siguro mga 5 seconds rin yon.

"Ah wala."

Pinaningkitan niya ako ng mata.

"Ano nga?"

Pano ko ba 'to sasabihin?

Wait, kailangan ko ba talaga 'tong sabihin sa kanya?

Wala naman ata siyang maitutulong sakin.

"Winter kung di ka pa magsasalita dyan iisipin kong jina-judge mo ako."

Ay shala.

Pero true. Chos!

"Diba crush mo si Justin?"

"Sino yun?" Tanong niya.

Ang taray, may amnesia lang ang peg ni gaga.

"Luh siya diba may unrequited love ka don?"

Hinampas naman niya ako. "Hindi kaya!"

"Bakit ba pinag-uusapan natin yan? Matagal na kong nakamove on doon."

Oh edi inamin niya rin na kilala niya si Justin. Yan yung boylet na crush ni gaga since grade 8.

"Wala, random lang. Bigla lang pumasok sa isip ko," sagot ko naman. Sinipat-sipat niya pa ako bago i-let go yung topic.

"Pano mo na ulit yon nagustuhan?"

Oo need ko ng information.

"Kasalanan yon ni Giselle bwisit siya," simula niya at naupo na sa kama ko. Sinundan ko naman si Ning at naupo na rin habang nakikinig sa pagkekwento niya.

"Harmless naman yung sagot ko doon sa tanong na yon tas gagawan nila ng malisya," pagmamaktol niya.

"Anong tanong ba yon?"

Tinatry ko alalahanin kung ano yon pero di talaga keri ng brancells ko alalahanin mga past na ganap tulad na lang ng pangongopya ko daw kay Karina nung elem.

Nakakadisappoint lang na di ko yon maalala hmp.

"Oy beshie nakikinig ka pa ba?"

Hala di ko narinig sinabi ni Ning.

"Pwede pakiulit?" Nagpacute pa ko sa kanya.

"Ew kadiri ka pero ayun na nga, diba tinanong nila ako dati kung sino pinakagwapo sa classmates natin?"

Tumango naman ako.

"Ayun na nga! Syempre honest ako kaya pangalan niya yung sinagot ko," ngumuso pa siya tapos umirap. "Tapos hindi na ako tinigilan ni Giselle after noon bruha siya dinamay niya pa si Ryujin."

"Tuwing dadaan si Justin bigla-bigla na lang siyang manunukso. Bes nakakahiya! Buti na lang hindi ka tulad nila Gi."

Ah oo naalala ko yon. Di na ako sumasali sa kanila Giselle pero nakikitawa naman ako tuwing itutulak-tulak nila itong si gaga palapit kay Justin. Pabebe naman kasi si Ning, aarte arte pang ayaw pero gusto rin naman.

So dahil pala doon sa panu

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
Ang tagal na rin pala simula nung last outtake 'no? Ito na rin siguro ang panghuli. Their story ends here but they will be remembered forever in our hearts. Hanggang sa huli🫶🫶

Playlist link: https://open.spotify.com/playlist/6L4yidJZLVZH8DXsbH4xMo?si=fkxMXpTkRzy5N9sMVEUWGA&dd=1

Comments

You must be logged in to comment
gomtokkim
2141 streak #1
Chapter 5: Miss ko na silaaa
Jillian_ #2
Chapter 45: Tapos ko na siya omg, mamimiss ko silaaaa
Jillian_ #3
Chapter 39: Hoy bakit ako naiiyak sa pag-alis ni Karina, parang mamimiss ko rin siya kahit hindi ko siya ka-barangay T^T
bigboy123
133 streak #4
#rr 👀🤭
Jillian_ #5
Chapter 17: OMG HSHDGGSJSKJHD
Jillian_ #6
Chapter 6: Ay, ‘yan ang gusto ko, nagpapahiwatig 🤩
dork_seulgi_k
852 streak #7
Chapter 37: iihhhh 🤸
AJMercado
#8
m
M_1412 #9
Chapter 26: Huyy 2521 din talaga naisip ko bigla sa scene na yon huhu cute nila
Sa wakas may label na ang mag babyyy
M_1412 #10
Chapter 20: Nahohomesick na naman tuloy ako sa bp😭