Chapter 8 - Search Result

Huwag Kang Pa-fall!
Please Subscribe to read the full chapter

Kanina pa ata ako nakatitig sa kisame ng kwarto ko, nag-iisip.

Ano yung naramdaman ko kanina?

Kinakabahan tuloy ako.

May sakit kaya ako?

....Malapit na kaya akong ma-tegi?

Hindi pwede!

Hindi ko pa nga nakikita in-person ang blackpink kaya hindi pa pwede. Hindi pa rin ako nagkakaroon ng jowa kaya no way na mangyayari yon anytime now.

Kanina pa rin ako nagtatry maghanap ng results sa google kung ano nga ba yung naramdaman ko kanina pero puro nakakatakot na results ang lumalabas.

I refuse to believe na may sakit ako sa puso!

Healthy naman ako ah. Hindi naman na ako masyado nagkakasakit in the past 4 years. Ang tagal na rin simula nang ma-dengue ako. Grade 8 pa ata ako non.

Pero kung wala nga akong sakit, ano namang tawag dito?

 

 

 

Kami kami lang naman yung nagcelebrate ng birthday ni Karina kanina. Nagkaroon rin kami ng kaunting katuwaan. May gamit kasi sila Giselle na pang-karaoke tapos itong si Ning naman nagustuhan yung idea na mag-videoke raw kami. Kaya ayun, todo kantahan lang kami kanina.

Mukhang masaya naman si Karina habang pinapanood sila Ning at Gi na mag-agawan sa mic. Para silang mga bata.

Yung term na yon nasabi ko ata ng malakas kaya ako yung sunod nilang pinakanta. Wala naman problema sakin yon kasi mahilig rin ako kumanta lalo na kapag mag-isa ko lang. Ang kaso lang, ang dami nilang nanonood sakin ngayon. Nahiya naman ako bigla. Baka kasi madiscover ako tapos sumikat pa ako. Naku matutuwa si mama kapag nangyari yon. Yung cute niyang anak, sikat na.

Sanay na rin ata ang mga shunga sa kahanginan ko at di na nila pinansin yung sinabi ko. Malamang, pare-pareho lang naman kami dito. Kaya nga kami naging magkakaibigan dahil don.

Amused pa si Karina na pinapanood ako habang naghahanap ako ng kanta sa karaoke.

 

Three little birds sat on my window

And they told me I don't need to worry

Summer came like cinnamon, so sweet

Little girls, double-dutch on the concrete

 

Ang ganda lang ng song na yan kaya yan na lang kinanta ko. Proud naman ako habang kumakanta. Alam ko naman kasing may ibubuga rin ako. Ako lang ‘to.

Sila Ningning na ulit yung sumunod after ko kumanta kaya kinain ko na lang yung slice ng cake na binili namin kanina. Nakakauhaw rin pala kapag nasosobrahan masyado sa matatamis kaya pumunta muna akong kusina nila Giselle para kumuha ng tubig.

Wala yung mga magulang niya ngayon at may iba pa silang inaasikaso. Kakaalis lang nila kanina pero bago sila umalis ay binati rin muna nila si Karina.

“What are you thinking?”

Napabalikwas naman ako don. Muntik ko pang mabitawan yung hawak kong baso. Grabe naman ‘tong si Karina, nanggugulat.

“Oh sorry. Did I interrupt you?”

“Hindi naman. Kumuha lang talaga ako ng tubig,” sagot ko naman. Umusog ako ng konti sa counter kasi baka iinom rin siya. Kumuha na rin siya ng isang baso doon sa rack at saka nagsalin ng tubig.

Saka ko naman naalala yung regalo ko. Hindi ko pa pala nabibigay sa kanya.

“Wait lang ha,” sabi ko at nagmadaling umalis pabalik sa sala kung nasaan sila Ryujin. Napansin ko pa yung confused na mukha ni Karina bago ako umalis.

Hinalungkat ko yung mga paperbag na nakasalampak sa sahig at nahanap ko rin naman agad yung binili ko kanina. Para lang akong hangin nang dumaan ako kila Ning na busy pa rin sa pagkakantahan. Hindi man lang nila ako napansin na dumaan doon.

Binalikan ko na kung saan ako kanina at nandoon pa rin naman si Karina pero nakaupo na siya ngayon sa harap ng mesa. Agad naman siyang nag-angat ng tingin nang makitang nakabalik na ako.

May ngiti sa kanyang mga labi na binati ulit ako. “What did you get ba?”

Hindi ko alam kung magugustuhan niya ito pero ang ganda kasi ng design niya. Bumili lang ako ng bracelet for her. Kagaya nga ng sinabi ni Ryujin kanina sa cake, simple but elegant rin tingnan yung bracelet na binili ko. Bagay ‘to sa kanya for sure.

Inabot ko na sa kanya yung nakabalot lang sa paperbag na gift ko. Hindi na ako nag-abalang ipabalot ito sa gift wrapper kanina kasi bubuksan rin naman niya ito. Sayang lang pera ko kung magpapabalot pa ako. Kuripot na kung kuripot. Char.

Agad rin namang binuksan ni Karina yung gift ko at nahihiya naman akong nag-iwas ng tingin nang tingnan niya ako.

“H-hindi ko alam kung magugustuhan mo yan pero feel ko kasi bagay mo magsuot ng ganyan.”

Binalik ko rin naman ang tingin ko sa kanya nang mapansing tinatry niya itong isuot.

Grabe.

Mas gumanda ata yung bracelet nang sinuot na niya. Tama nga ako, bagay sa kanya.

Kitang kita ko yung pag-aliwalas ng ngiti niya habang pinagmamasdan yung nakalagay na bracelet sa palapulsuhan niya.

“Thank you, Winter. You really didn’t have to.”

Ano ba yan. Wag mo nga akong ngitian. Nahahawa ako sa ngiti mo eh.

Pero buti na lang nagustuhan niya yung regalo ko.

“I promise I’ll wear it often,” dagdag niya pa.

Ha? Bakit may pa-promise?

 

 

 

Dahil doon hindi na talaga nawala yung bilis ng kabog ng dibdib ko.

Posible kayang yon yung dahilan?

Binalikan ko ulit yung isang result na lumabas kanina habang nagsesearch ako sa google.

Signs When You Have a Crush on Someone

Crush ko ba si Karina?

 

 

 

Hindi ako lumabas ng bahay

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
Ang tagal na rin pala simula nung last outtake 'no? Ito na rin siguro ang panghuli. Their story ends here but they will be remembered forever in our hearts. Hanggang sa huli🫶🫶

Playlist link: https://open.spotify.com/playlist/6L4yidJZLVZH8DXsbH4xMo?si=fkxMXpTkRzy5N9sMVEUWGA&dd=1

Comments

You must be logged in to comment
gomtokkim
2151 streak #1
Chapter 5: Miss ko na silaaa
Jillian_ #2
Chapter 45: Tapos ko na siya omg, mamimiss ko silaaaa
Jillian_ #3
Chapter 39: Hoy bakit ako naiiyak sa pag-alis ni Karina, parang mamimiss ko rin siya kahit hindi ko siya ka-barangay T^T
bigboy123
138 streak #4
#rr 👀🤭
Jillian_ #5
Chapter 17: OMG HSHDGGSJSKJHD
Jillian_ #6
Chapter 6: Ay, ‘yan ang gusto ko, nagpapahiwatig 🤩
dork_seulgi_k
861 streak #7
Chapter 37: iihhhh 🤸
AJMercado
#8
m
M_1412 #9
Chapter 26: Huyy 2521 din talaga naisip ko bigla sa scene na yon huhu cute nila
Sa wakas may label na ang mag babyyy
M_1412 #10
Chapter 20: Nahohomesick na naman tuloy ako sa bp😭