Chapter 5 - Partner In The Future

Huwag Kang Pa-fall!
Please Subscribe to read the full chapter

"Winter dyan ka na kasi sa baby seat!"

"Ayoko nga. Bakit hindi na lang ikaw?"

"Kasi ako na dyan dati kaya ikaw naman ngayon."

"Sasakay pa ba kayo o iiwanan namin kayo?" Pagbabanta ni Giselle nang hindi pa rin kami tumitigil ni Ryujin sa pagtatalo. Tumahimik na rin si bruha nang mapansin niyang seryoso na ang itsura ni Giselle.

Ngayon ang araw na napagplanuhan naming pumunta ng university para mag-apply.

Akala ko nga apat lang kaming pupunta pero kasama rin pala si Karina. Balak rin ata niyang mag-apply doon.

Noong una nga nag-offer ulit siya na ipag-drive ulit kami pero tumutol na si Gi at sinabing mas magandang magcommute na lang para maranasan namin kung pano magcommute papunta roon sa school kung sakaling doon din kami mag-aaral.

Sabi ko nga edi magcommute siya mag-isa. Muntik naman niya ako sabunutan.

Kaya in the end, nandito kami ngayon sa sakayan ng tricycle papuntang bayan.

Sa likod katabi ng driver naupo sila Ning at Gi habang kaming tatlo nila Karina at Ryujin ay sa sidecar mauupo.

Obviously, nauna si Karina na pumasok sa loob at kaming dalawa ni Ryujin ang natirang nagtatalo sa labas kung sino ba ang mauupo sa maliit na upuan sa gilid ng tricycle.

Actually, wala namang kaso sakin kung saan ako pu-pwesto pero medyo trip ko ngayon asarin si Ryujin.

"Si Gi na nagsabi, maupo ka na sa baby seat Ryu para makaalis na tayo," sinamaan ako ng tingin ni bruha at tuluyan na ngang naupo sa gilid na upuan pero bago yon ay may sinabi muna siya,

"Sus gusto mo lang kasi katabi si Karina."

Nanlaki naman yung mata ko don at para akong natigilan sa sinabi niya. Ano raw?!

"Wala ka bang balak gumalaw dyan Winter?" Impatient na tanong ni Giselle kaya agad na rin akong sumakay sa loob at naupo katabi ni Karina.

Nakita ko pa yung nakakalokong ngisi ni Ryujin. Sarap niya hampasin.

Naramdaman kong umusog ng konti si Karina para mabigyan pa ako ng space sa pag-upo kaya medyo nilingon ko siya at nagtama mata namin. Agad ko rin itong iniwas.

Kasalanan mo 'to Ryujin!

Bakit kasi ang daming lumalabas dyan sa bibig mo?

Halos 15 minutes pa ang biyahe papuntang bayan kaya matatagalan pa kami dito sa tricycle at pagkatapos non, sasakay naman kami ng jeep. Medyo malayo rin kasi yung school.

Dahil nga hindi naman kalakihan ang tricycle, halos magkadikit talaga kami dito sa loob. Ang mga braso namin ni Karina ay nagtatama pero wala namang kaso yon sakin.

Meron lang akong isang problema.

Ngayong sobrang lapit ko kay Karina, di ko maiwasang maamoy ang pabango niya. Feel ko nga nagiging adik na ko kasi ang sarap lang amuyin. Gusto ko na nga itanong kung ano ginagamit niyang pabango.

Syempre di ko pinapahalata na inaamoy ko siya 'no!

Kaya nang nakababa na kami ng tricycle, medyo nadisappoint ako.

"Oh bakit parang pinagsakluban ka ng langit at lupa dyan Winter?" Puna ni Ning habang naglalakad kami papunta sa sakayan ng jeep.

"Syempre hindi na niya katabi si Karina," sabi ni Ryujin.

"Inaano ba kita Ryu?" Naiinis kong sabi pero tinawanan lang ako ni bruha.

"Ay bakit anong meron kay Karina?" Ito namang si Giselle ginagatungan pa. Eh kung i-friendship over ko kayo?

Ano na lang iisipin sakin ni Karina teh?

Pasimple akong tumingin sa kaniya pero parang hindi niya ata kami narinig at tuloy tuloy lang siya sa paglalakad. Medyo maaliwalas ang mukha niya pero parang pre-occupied ata siya?

Bigla akong natauhan sa pagtitig nang mapansing lilingon na siya sa pwesto ko kaya lumapit ako kay Ryujin at kinurot siya.

“Aray! Winter ba’t ka nangungurot?”

“Wala ang cute mo kasi,” sabi ko na lang at bigla siyang nanginig sa narinig. “Winter, totropahin,” sinabi niya yon habang nakangiwi.

“Bahala ka nga dyan. Ikaw na nga sinabihang cute.” 

Nilayuan ko siya at tumabi na lang kay Ning.

Agad niyang pinulupot ang braso sa akin. “Winter ako na lang sabihan mong cute. Ang cute ko na nga ang ganda ko pa diba Gi?” Mas maganda pala na hindi ko na lang nilapitan si Ning.

“Bahala nga kayo dyan!” Inis kong sabi at nauna na lang maglakad. Sa pagmamaktol ko hindi ko na napansin na may mabubunggo ako.

Buti na lang at hindi yon ibang tao kasi kung stranger yon, nakakahiya. Pero bakit parang mas nahiya ako nang malaman ko kung sino yon?

“Ay sorry.”

Si Karina lang naman kasi ang nabunggo ko teh.

Wala naman siyang sinabi after ko magsorry pero nginitian niya ako so I think apology accepted na.

Naglakad na lang kami nang sabay pero bago niya ipulupot ang braso niya sakin. May lahi ba silang koala ni Ning?

 <

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
Ang tagal na rin pala simula nung last outtake 'no? Ito na rin siguro ang panghuli. Their story ends here but they will be remembered forever in our hearts. Hanggang sa huli🫶🫶

Playlist link: https://open.spotify.com/playlist/6L4yidJZLVZH8DXsbH4xMo?si=fkxMXpTkRzy5N9sMVEUWGA&dd=1

Comments

You must be logged in to comment
gomtokkim
2134 streak #1
Chapter 5: Miss ko na silaaa
Jillian_ #2
Chapter 45: Tapos ko na siya omg, mamimiss ko silaaaa
Jillian_ #3
Chapter 39: Hoy bakit ako naiiyak sa pag-alis ni Karina, parang mamimiss ko rin siya kahit hindi ko siya ka-barangay T^T
bigboy123
128 streak #4
#rr 👀🤭
Jillian_ #5
Chapter 17: OMG HSHDGGSJSKJHD
Jillian_ #6
Chapter 6: Ay, ‘yan ang gusto ko, nagpapahiwatig 🤩
dork_seulgi_k
844 streak #7
Chapter 37: iihhhh 🤸
AJMercado
#8
m
M_1412 #9
Chapter 26: Huyy 2521 din talaga naisip ko bigla sa scene na yon huhu cute nila
Sa wakas may label na ang mag babyyy
M_1412 #10
Chapter 20: Nahohomesick na naman tuloy ako sa bp😭