Chapter 39 - Later

Huwag Kang Pa-fall!
Please Subscribe to read the full chapter

Ayoko nang matapos ang araw na 'to.

Kung totoo lang si Doraemon in real life at kung may gamit siyang nakakapagpatigil ng flow ng oras, gagamitin ko 'yon agad in this instant.

Ayoko lang kasi lumipas ang araw na 'to.

Once kasi dumating na ang bukas, mag-isa na lang ulit ni Giselle na anak sa bahay nila, palagi nang tatahol si Bruno tuwing makikita niya kami, wala nang pupunta dito sa bahay para tumulong kay mama magluto, and more importantly, wala na akong sasadyain tuwing pumupunta ako kila Giselle.

Char.

Pero ayoko talaga lumipas ang araw na 'to.

Alam ko naman na dadating rin yung time na 'to kung saan uuwi rin si Karina. She's been telling me dati pa na malapit na siyang umuwi kasi in the first place, nagbakasyon lang naman talaga siya dito sa barangay namin.

It was just a temporary stay.

Naging unexpected lang talaga yung mga ganap when we had that thing going on. Nagkaroon siya bigla ng cute na girlfriend.

Syempre ako yun.

Sino pa ba?

"Bukas na pala yung uwi ni Karina 'no?" sabi ni ate nang dumaan ako sa harap niya.

Ayoko ngang marinig yung word na yon kasi baka magbreakdown ako bigla pero parang gusto atang ipaalala ng mga nakakasalamuha ko sa bahay na bukas na uuwi ang jowa ko.

"Anong oras ang alis ni Karina bukas Winter?" tanong naman ni mama.

Ma naman eh!

Ayoko nga sabing isipin.

On the way ako ngayon kay Karina.

Ngayon na daw siya magpapack ng mga gamit kaya papunta ako doon ngayon para tulungan siya.

“Ma aalis po muna ako. Pupunta ako kila Giselle,” paalam ko habang palabas ng pinto.

“Anong oras muna siya aalis?”

“Hapon po!” Wala na akong nagawa kundi sagutin na lang si mama. Panigurado hindi niya ako titigilan kapag hindi niya nalaman yung sagot eh.

“Hello po Tita,” bati ko sa mama ni Giselle nang pumasok ako sa bahay nila. Nasasanay na rin silang hindi na ako nagtatawag doon sa gate at basta na lang pumapasok sa bahay nila nang walang paalam eh. Pano ba naman, lagi akong nandito noong mga nakaraang araw.

Alam na rin ng mama ni Giselle kung anong meron sa amin ni Karina. She hasn’t confronted us about it but she just knows.

May laman ang ngiti niya sa akin nang binati ko siya.

“Rina’s in her room with Gigi. She’s helping her pack.”

“Thank you po Tita.”

Dumiretso na ako papunta doon sa kwarto.

Pagkabukas ko ng pintuan, kalat-kalat yung mga gamit na nakalagay sa kama. Nakabukas yung luggage niya sa gilid. Nang inilibot ko pa yung paningin ko, nakita ko rin si Giselle na nakaupo tapos tumutulong sa pagtutupi ng damit. Siya yung unang nakakita sa akin.

“Winter!”

Lumingon ang girlfriend ko when she heard Gi and smiled widely nang makita niya ako.

“Babe!”

Nawala yung ngiti ni Giselle. "Oh, so I’m invisible here.”

Lumapit ako papunta kay Karina at pinapanood kung anong ginagawa niya. Inaayos niya yung pagkakalagay ng mga chargers at earphones niya sa isang pouch.

“What are you doing here, babe?”

“Tutulungan ko lang kayo magpack,” sagot ko naman.

“Speaking of..! Winter help me here,” ginesture ni Giselle yung mga damit na tinutupi niya. Medyo marami-rami rin pala yung mga dalang damit ni Karina dito. “Ang dami ng dala ni Rina na damit but look at her luggage! I don’t think all of them will fit in there!”

“I was able to fit all of that before kaya so it's impossible that it won’t fit now," Karina said in her defense.

"Rina, look at this.” Tinuro ni Giselle yung mga damit. “Sa tingin mo mapagkakasya mo lahat yan?”

Okay, lie low muna tayo habang nagtatalo pa sila kung paano mapagkakasya ni Giselle yung mga damit doon sa maleta.

Umurong muna ako palikod at lumipat ako doon sa may kama para makaupo ng maayos.

Wrong move ata kasi lumingon silang dalawa sa akin.

“Ano?” I smiled sweetly. “Tuloy niyo lang ginagawa niyo.”

Mind your own business kumbaga.

Ano kaya pwede gawin? Yayain ko kaya muna si Ryujin maglaro?

“Yeah, I know Winter will not help,” Giselle snorted.

“Tutulong kaya ako!” defensive kong sabi.

Naniwala na lang kunwari si Giselle. Parang ayaw niya pang maniwala sa sinabi ko.

“Okay then fold these,” Inabot sa akin ni Giselle yung ibang damit. Sa akin yung kalahati tapos sa kanya naman yung kalahati. Kinuha ko naman yon tapos inayos ko muna siya tabi ko.

Giselle squints her eyes as she looks at me.

“Oo nga itutupi ko nga.”

Tumawa si Karina at sandali niyang tinap yung legs ko. I was near her lang kasi. Doon siya nakaupo sa sahig.

Nagsimula na akong magtupi. Nanonood kasi ako kung paano magtupi ng mga damit kapag nagtatravel dati sa youtube kaya alam ko kung paano magkaroon pa ng extra space kapag nilagay na yung mga damit sa maleta.

Pinapanood ako ni Giselle sa ginagawa ko and after she was satisfied naman na tumutulong nga ako, she minded her own business na.

Mas nauna pa nga ata ako kay Giselle sa pagtutupi at halos makalahati ko na yung binigay niya kanina kaya huminto muna ako para magpahinga.

Saktong nagchat sa akin si Ryujin.

 

Ryujin:     hello

                     str8 siya

                    Ryujin sent a photo.

 

yeji:       may pogi aq na senior

                sa freshmen gc 🫣

               owemji

 

Winter:       dasurb so much

                        joke

Ryujin:        SHUTACCA HSHSHASAJAHSJKAKK

Winter:       sana okay ka lang

Ryujin:        GAGA OKAY LANG AKO TINATAWANAN KO NA NGA LANG EH

                        proof ‘to na naka-move on na ako😎

 

Sana nga naka-move on na siya kung ganon. Ang tagal na rin kasi simula nung unang kwento niya sa akin tungkol sa crush niya. Hindi pa siya umaamin that time. Tingnan mo ngayon, it’s all been said and done.

Akala ko iki-keep na lang talaga ni Ryujin yon sa sarili niya pero she decided to tell her feelings to her kahit na mababa yung chance na mai-reciprocate yung feelings niya sa kanya.

Hindi rin naman naman kasi natin mapipilit yung tao na gustuhin ka.

Swerte ko na lang siguro na gusto rin ako pabalik ng taong mahal ko.

M-mahal ko?

Napatitig ako kay Karina.

She had that radiant smile on her face while she was talking with Giselle. Mayroon ata silang pinag-uusapan na hindi ako relate.

 

Ryujin:      eh ikaw okay ka lang ba?

 

Binalik ko na yung tingin ko sa phone ko.

 

Winter:       bakit naman ako hindi magiging okay?

Ryujin:       uuwi na kaya si karina bukas

Winter:      okay lang ako 😎

Ryujin:        tanggalin mo nga yung glasses

Winter:      😢

Ryujin:        GAGO HAHSJAHSHAHAJA

Winter:       tara laro

Ryujin:        wow

                        WOW🤯

                        winter ikaw ba yan???

 

First time ata na ako yung nag-aya sa kanya.

 

Winter:        ayaw mo?

Ryujin:        g ako sandali lang

                        may sasabihin pa ako eh

Winter:       ano?

Ryujin:        sinabi ko kay yeji na kilala ko si karina

Winter:       anong sabi???

Ryujin:       nagulat siya syempre

                       hindi raw niya inexpect

                       nagpasend pa nga siya ng picture for proof daw HAHAHAHA

                       sabi niya ang daya raw ung pinsan niya may picture kasama ako tapos siya wala

                      JASKHJAHSJKSAAA HINDI AQ MARUPOK

 

Okay, marupok talaga si Ryujin.

Final na.

 

Ryujin:       laro na nga lang tayo😔

 

Yung pinaplano kong isang game lang kasama si Ryujin, tumagal pa ng ilang oras.

Nagrereklamo na nga si Giselle na hindi ko daw ginagawa yung trabaho ko.

Sabi ko nga itutuloy ko yon gawin after namin maglaro pero in the end, inako na lang ni Giselle yung gagawin ko dapat tapos siya na yung nagtapos.

Sinabi niya pa na pumunta lang talaga ako doon para manggulo.

Hindi kaya ako magulo.

Hindi nga ako gumagalaw sa pwesto ko eh. Behave lang ako habang pinapanood silang dalawa ni Karina na mag-impake.

Tapos na nga sila.

Sinundan ng mata ko si Karina nang inilagay muna niya sa gilid ng kwarto yung maleta.

Inilibot ko yung tingin ko sa kwarto.

It looks empty kahit na halos wala namang nagalaw sa ibang gamit dito. Yung mga damit lang niya yung nawala.

Napabuntong-hininga ako.

Karina looked at me tapos lumapit siya sa akin.

"Hey," Inabot niya yung kamay ko.

"Ehem," Giselle cleared tapos tinuro niya yung pintuan. "Alis muna ako."

Hinintay namin na makalabas si Giselle.

Binalik ko ulit yung tingin ko kay Karina.

Uuwi na ba talaga siya?

Final na ba talaga?

Akala ko prank lang eh.

"I know what you did earlier.." panimula niya.

Confused lang naman ako dito. Hindi ko gets yung sinabi niya. May ginawa ba ako kanina?

She chuckled lightly as she sat in front of me.

"Sinadya mong tagalan yung pagtutupi ng mga damit so we won't finish right away," kalmado lang siya, saying what she observed earlier.

"Masyado ba akong obvious?" pabebe kong tanong.

"Hmm," Nag-isip pa siya saglit. "Not really," tumawa na siya.

Pabiro ko siyang hinampas. "Oo na lang."

"Sure ka hindi ka na mag-eextend? Pwede ka namang sa bahay na muna kung ayaw na sayo nila Giselle. Welcome ka

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
Ang tagal na rin pala simula nung last outtake 'no? Ito na rin siguro ang panghuli. Their story ends here but they will be remembered forever in our hearts. Hanggang sa huli🫶🫶

Playlist link: https://open.spotify.com/playlist/6L4yidJZLVZH8DXsbH4xMo?si=fkxMXpTkRzy5N9sMVEUWGA&dd=1

Comments

You must be logged in to comment
gomtokkim
2141 streak #1
Chapter 5: Miss ko na silaaa
Jillian_ #2
Chapter 45: Tapos ko na siya omg, mamimiss ko silaaaa
Jillian_ #3
Chapter 39: Hoy bakit ako naiiyak sa pag-alis ni Karina, parang mamimiss ko rin siya kahit hindi ko siya ka-barangay T^T
bigboy123
133 streak #4
#rr 👀🤭
Jillian_ #5
Chapter 17: OMG HSHDGGSJSKJHD
Jillian_ #6
Chapter 6: Ay, ‘yan ang gusto ko, nagpapahiwatig 🤩
dork_seulgi_k
852 streak #7
Chapter 37: iihhhh 🤸
AJMercado
#8
m
M_1412 #9
Chapter 26: Huyy 2521 din talaga naisip ko bigla sa scene na yon huhu cute nila
Sa wakas may label na ang mag babyyy
M_1412 #10
Chapter 20: Nahohomesick na naman tuloy ako sa bp😭