Chapter 21 - Chismis

Huwag Kang Pa-fall!
Please Subscribe to read the full chapter

Pababa na ako mula sa kwarto para sunduin si Ningning kasi nag-aantay daw siya sa labas ng bahay. Nakakasanayan na rin niyang lagi siyang nandito simula nung last na sleep over niya. Kulang na lang dito na rin siya tumira.

Mukhang hindi ko na rin ata kailangang tuluyang bumaba sa hagdan kasi nakapasok na pala si Ning at binati yung kaibigan ni ate.

“Hi ate Rosé!”

Ngumiti rin naman pabalik si ate Rosé sa kanya at saktong nakita rin niya akong nakatayo sa gilid ng stairs.

“Hi Ning! Hi Winter, gising ka na pala.”

“Hello ate.”

Nandito na naman ulit si ate Rosé kasi pinapunta siya ni ate dito. Hindi ko rin sure kung bakit pero parang may pinaplano kasi si ate Lisa tapos need niya ata ng tulong ni ate Rosé.

Feeling ko para ‘to sa nalalapit nilang monthsary ni ate Jennie. Tiningnan ko kasi yung date noong nakaraang araw at naalala ko yung sinabi ni ate nung ipinakilala niya siya kila mama na malapit na rin daw silang mag 5 months.

“Sige po ate, tataas na po kami ni Winter.”

Nagthumbs up si ate Rosé, “Go lang.”

Iniwan na namin siya doon sa baba kasi hinatak na ako ni Ning pabalik ulit sa kwarto ko.

Siya pa yung nanguna na magbukas ng pintuan at isaksak yung electric fan.

“Kulang na lang sabihin mong wag kang mahihiyang umupo Winter,” sabi ko sa kanya. Kung umasta kasi siya, parang kwarto niya lang ang kwarto ko.

Natawa naman siya at pabiro akong hinampas. Ang sakit pa rin niya humampas kaya hinawakan ko yung balikat ko.

“Aray Ning!”

Nanlaki mata niya nang makita itsura ko. “Hala bakit?”

“May pilay ako dyan tapos doon mo pa ako hinampas,” nasasaktang sabi ko. Nag-aalala naman siyang lumapit sa akin at tiningnan yung balikat ko. “Hala legit ba na may pilay? Hala sorry di ko naman sinasadya.”

“Gaga joke lang,” sabi ko at tinulak siya palayo. Kung makatingin kasi siya sa akin, para na akong dinadasalan.

“Ano?”

Nagkibit balikat ako. “Paiyak ka na eh.”

“Bwisit ka talaga,” akmang hahampasin ulit niya ako pero buti na lang nakaiwas agad ako. Legit masakit kaya talaga.

Kinuha ko yung Pic-A na binuksan ko kagabi habang nanonood ng twenty five twenty one. Malapit ko na rin pala siyang matapos at nagkakaroon na rin ako ng hunch na hindi magkakatuluyan si Baek Yijin at Na Heedo. Noong una, ship ko talaga sila Heedo at Yurim pero parang nasasayangan ako if ever na hindi magiging sila ni Yijin in the end.

So bakit pa ginawa yung drama na yon kung hindi lang rin naman pala sila magkakatuluyan?

Ni-rant ko yan kay Karina tapos tinatawanan lang niya ako habang nagkekwento ako.

Sabi ko sa kanya panoorin rin niya yung drama para ma-gets niya yung sentiment ko tapos wala pa sa alas kwatrong um-oo siya agad.

Grabe, ganun ba ako kalakas sa kanya?

Kinikilig na naman ako ano ba yan.

“Winter!”

Gulat kong tiningnan si Ning. “Ano?”

“Natutulala ka na naman.”

Ah.

Ngumiti ako, “Gusto mo?” alok ko doon sa chichirya at agad naman siyang kumuha.

“Alam mo ba may nalaman ako kay Giselle.”

Okay, nakuha niya yung atensyon ko. Anong meron kay Giselle?

“I mean, matagal ko na siyang alam and feel ko deserve mo na rin malaman.” Parang ang seryoso naman ng topic na ‘to.

May nagawa kaya si Giselle na ikabibigla ko once na marinig ko?

“Ano yun?”

“Alam mo ba na may nanliligaw kay Giselle?”

“SINO?” tanong ko agad. Totoo ba?

“Hala nadulas shet. Wag mo ko isusumbong!” biglang sabi niya at nag-shh sign pa na parang may ginawa siyang kasalanan. Parang ewan naman nitong si Ning.

“Sayo pa lang ba niya yon sinabi?”

“Kinekwento na niya sa akin ‘to since grade 10 na may nanliligaw daw sa kanya.”

Grade 10 pa?!

“Alam mo tapos ako hindi ko alam?” napahawak ako sa dibdib ko. Grabe sa kanya pa ako nagkekwento tungkol sa crush ko dati tapos hindi man lang niya ako naisipang kwentuhan tungkol doon sa manliligaw niya?

“Sa akin lang naman niya kasi yon nakekwento dati. Akala ko nga nasabi na rin niya sa inyo kasi ang tagal na non pero noong nakausap ko siya last time, hindi pa rin daw niya nasasabi."

"So ang point mo ay...?"

"Wala. Share ko lang."

"Alam na ba 'to ni Ryujin?"

"Hindi pa. Sayo ko palang nasasabi," sagot niya.

All this time meron palang nanliligaw kay Giselle?

I couldn't believe it and at the same time expected ko naman na yon.

Dati palang marami na kaming napapansin nila Ning na nagkakagusto dyan kay Giselle so technically, expected na talagang meron at meron talagang magtatangkang manligaw sa kanya.

Madali rin kasi siyang magustuhan ng mga tao dahil approachable siya tapos masaya siya kausap.

"Huy kilala ko ba yang manliligaw na yan?"

Umiling siya, "Hindi bes."

"Taga-saan?"

"Hindi ko sure pero ang alam ko dito lang rin sa probinsya natin."

"Ilang taon?"

"Mas matanda raw sa kanya. College na."

Gulat naman ako doon. College?!

Ang haba naman ng hair ni ate!

"Hoy Ning sure ka ba na may nanliligaw talaga sa kanya?"

"Oo nga. Ang tagal na rin daw non na nanliligaw sa kanya."

"Totoo?"

"Oo nga. Years na rin. Parang gusto rin ata siya ni Giselle pero ayaw niya pang sagutin. Di pa kasi ata ready si Gi mag-jowa tapos alam mo naman yung parents niya hindi pa rin ata siya pinapayagan magjowa," kwento niya.

"Ay hala true ba?"

"Oo tapos kahit ganon, hindi pa rin sumuko si kuya. Bilib rin ako sa patience and persistence niya kasi parang ilang beses ata siya na-reject ni Gi."

Wow, speechless ako. Loyal pala itong si kuya.

"Alam mo ba kung pano sila nagmeet?"

"Hoy Win wag mo sasabihin kay Giselle na sinabi ko 'to sayo ah."

"Kung ayaw mong masabi ko 'to kay Giselle, dapat hindi mo na lang sinabi sa’kin yung about dyan in the first place."

"Sige may point ka,” nagkibit siya ng balikat. “I think sa church nila ata sila nagmeet."

So kung noong grade 10 pa nakekwento ni Gi yung tungkol sa nanliligaw sa kanya, mag 3 years na rin yung college na nanliligaw?

"Hoy baka naman sila na!" bulalas ko.

"Hoy hindi. Feel ko hindi," kontra ni Ningning. “Feel ko parang nasa getting to know stage palang sila ganon.”

"Kailan pa ba last usap niyo about doon sa college?"

Kumunot noo niya at napatingin sa taas, "Nung grade 11 siguro?"

Turn ko naman ngayon para hampasin siya.

“Gaga ang tagal naman na pala edi baka hindi na updated yang information na yan. Meron pa ba si Gi na nakekwento sayo?”

“Minsan sinasabi niya na tinutugtugan siya ni kuya. Magaling daw kasi yon tumugtog ng instruments lalo na yung gitara. Part ata siya ng band.”

Pina-process ko pa yung mga informations na nasagap ko kasi ang daming alam ni Ningning.

Spill na talaga kung spill.

Baka alam rin ni Ningning yung name ng nanliligaw kay Giselle.

“Alam mo ba name non?”

“Hindi ko masyadong matandaan pero I think sa L nagsisimula. Loui, Luca…? Lucas! Oo ayun yung name. Lucas ata name niya.”

Di siya familiar sa akin. It means di ko kilala yang Lucas.

“Di ko rin siya kilala. Yung name lang niya ang alam ko tapos 3 years ata nila,” dagdag pa niya. “Pero to think na ang tagal na niyang nanliligaw kay Giselle, wow lang. Bilib ako bes.”

Tumango ako. Ako rin bilib rin ako.

 

 

 

 

 

Ang bilis lang lumipas ng araw at nasa last episode na agad ako ng pinapanood kong k-drama.

Napakaproductive ko naman. Sana ganto rin ako kapag tungkol na sa acads na ang ginagawa ko.

As expected pero ayoko pa ring paniwalaan kahit napanood ko na, hindi naging sila ni Yijin in the end.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa fact na paano sila nakagawa ng strong lead couple na nao-overcome lahat ng hardship individually pero hindi nila malagpasan yung isang bump ng relationship nila? Daig pa sila ni Yurim at Jiwoong na until the end ay naging sila pa rin.

Hindi ko talaga tanggap!

Kung hindi pwede ang HeeRim, bakit hindi pa rin pwede ang HeeJin?!

Na-distract lang ako nang may narinig akong sound ng humihikbi.

Wait lang.

“Umiiyak ka ba?” maingat kong tanong.

Hindi siya sumagot pero mas lalong lumakas yung pag-hikbi niya.

Hala umiiyak nga ata siya.

“Huy,” natatawa kong tawag. “Karina..”

Bumungad sakin sa screen yung mukha niya. Inopen niya ata yung cam niya.

Ang galing lang kasi parang 2 days ago ko lang ata sinabi sa kanya na i-try niya panoorin yung pinapanood kong drama tapos nalaman ko lang kanina na naabutan na rin niya ako sa last episode.

So ayun, naisipan naming sabay na lang naming panoorin online dito sa discord.

Hindi ko naman expect na iiyak siya.

Pero bat ganon?

Ang ganda niya pa rin kahit umiiyak na siya.

Inopen ko na rin yung camera ko para makita niya ako sa call. “Tahan na..”

“Winter I thought it’s a funny drama. You didn’t warn me na ganyan pala yung ending niya,” nakasimangot niyang sabi. Gusto kong kurutin yung pisngi niya.

“Hoy sinabi ko kaya sayo na baka hindi sila magkatuluyan,” depensa ko.

“Kahit na...”

Hindi pa rin siya tumitigil sa hikbi.

“Uy tahan na. Baka mamaya may makakita sayong umiiyak ka tapos sisihin pa ako,” pa-joke kong sabi.

Tinaasan niya ako ng kilay, “Bakit? Hindi ba?”

Luh.

Natawa siya tapos marahan niyang pinunasan yung luha sa pisngi niya.

“I’m kidding. But really, it’s a sad drama and it’s written in a more realistic aspect.”

“Pansin ko nga rin,” sang-ayon ko. “And feel ko pinili na lang nilang i-end yung relationship nila kasi hindi sila nagkaroon ng proper communication plus yung fact na may past issue si Heedo tungkol sa mom niya.”

“Yeah and that’s what Yijin’s doing to her again. Maybe she’s piled up with him and di na niya nakayanan plus I think it also has something to do with their jobs.”

Tumango ako. Tiningnan ko si Karina sa screen. Tumigil na siya umiyak pero mapula pa rin yung mata niya.

“What?”

Natatawa akong umiling, “Wala lang.”

“Why? I look ugly kapag umiiyak ako ‘no?”

“Hindi ‘no!” agarang depensa ko.

Medyo nagulat pa siya sa bilis ng pagtanggi ko.

“See, you’re saying that because you just don’t want to tell me the truth.”

“Wala namang nagbago eh, maganda ka pa rin naman,” bulong ko. Huli na nang malimutan kong maririnig niya pa rin ako kasi malapit pala sa bibig ko yung mic ng earphones.

“Oh.”

Binalik ko yung tingin ko sa monitor. Nakaiwas ng tingin sa akin si Karina at…namumula ba siya?

“Winter..”

“Ano ‘yon?”

“Stop looking at me.”

Napahagalpak ako. First time ko siyang makitang ganto. Usual

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
Ang tagal na rin pala simula nung last outtake 'no? Ito na rin siguro ang panghuli. Their story ends here but they will be remembered forever in our hearts. Hanggang sa huli🫶🫶

Playlist link: https://open.spotify.com/playlist/6L4yidJZLVZH8DXsbH4xMo?si=fkxMXpTkRzy5N9sMVEUWGA&dd=1

Comments

You must be logged in to comment
gomtokkim
2112 streak #1
Chapter 5: Miss ko na silaaa
Jillian_ #2
Chapter 45: Tapos ko na siya omg, mamimiss ko silaaaa
Jillian_ #3
Chapter 39: Hoy bakit ako naiiyak sa pag-alis ni Karina, parang mamimiss ko rin siya kahit hindi ko siya ka-barangay T^T
bigboy123
114 streak #4
#rr 👀🤭
Jillian_ #5
Chapter 17: OMG HSHDGGSJSKJHD
Jillian_ #6
Chapter 6: Ay, ‘yan ang gusto ko, nagpapahiwatig 🤩
dork_seulgi_k
823 streak #7
Chapter 37: iihhhh 🤸
AJMercado
#8
m
M_1412 #9
Chapter 26: Huyy 2521 din talaga naisip ko bigla sa scene na yon huhu cute nila
Sa wakas may label na ang mag babyyy
M_1412 #10
Chapter 20: Nahohomesick na naman tuloy ako sa bp😭