Chapter 30 - Tea

Huwag Kang Pa-fall!
Please Subscribe to read the full chapter

 

Pagkagising ko palang, alam ko na agad ang mangyayari ngayong araw.

Ngayon na namin malalaman yung results ng entrance exams.

Kinakabahan ba ako?

Siguro pero hindi naman masyado.

Should I set my expectations high?

Wag na lang kasi baka ma-disappoint pa ako sa huli. Abangan ko na lang yung results mamaya.

Maaga pa naman noong tiningnan ko yung oras. Ang sabi kasi ay mamaya pang 11 A.M makikita yung mga results sa website ng school. Medyo matagal-tagal pa yung paghihintay na gagawin namin before we finally know the results.

Siguro ito na talaga yung time para masimulan ko na yung stranger things. Ang dami lang kasing nangyari noong nakaraang mga araw kaya hindi ko pa rin siya nasisimulan hanggang ngayon. Muntik ko na nga siyang makalimutan kung hindi lang siya pinaalala sa akin ni ate Lisa kasi apparently, nanonood rin daw ng ganon si ate Jennie at hindi na daw siya tinigilan kwentuhan ng isa nang mabanggit niya sa kanya yung show. Alam na nga daw ni ate yung plot kasi nakwento na sa kanya ng jowa niya tapos kung gusto ko daw ma-spoil tanungin ko lang daw si ate.

Ayoko nga ma-spoil. Bahala siya dyan.

 

(Tue, 9:16 A.M.) Winter:      baby alam mo yung stranger things??

 

Mabilis pa sa alas kuwatrong nagreply agad ang jowa ko.

 

(Tue, 9:16 A.M.) Bebe:         not really but i heard it was good

(Tue, 9:17 A.M.) Winter:      balak ko siya panoorinnn

(Tue, 9:17 A.M.) Bebe:          okayy watch well babe <3

(Tue, 9:18 A.M.) Winter:      di mo ko sasamahan🥺

(Tue, 9:19 A.M.) Bebe:          hahaha gusto mo ba?

(Tue, 9:19 A.M.) Winter:      oo kung gusto mo!! hehe

(Tue, 9:19 A.M.) Bebe:          okay i already joined the server na

(Tue, 9:20 A.M.) Winter:      yeyy

(Tue, 9:20 A.M.) Bebe:          cutie >-<

 

Pagka-open ko ng discord, nandoon na nga si Karina. I immediately opened my camera para makausap ko siya.

"Sure ka okay lang na samahan mo ko? Babe binibiro lang naman kita kanina."

"Ayaw mo ba?"

Ngumuso ako, "Gusto pero baka may iba ka pang gagawin?"

"I can always make time for you, babe," she leaned in making her face more visible sa camera.

Ano ba yan kinikilig ako.

"Hindi naman kayo magkasama ngayon pero bakit nilalanggam pa rin ako?"

May nagsalita sa linya ng girlfriend ko so umurong siya sa screen tapos nakita ko doon si Giselle na prenteng nakaupo sa may gilid ng kama.

"Yes, Winter I'm here," kumaway pa si babaita sa camera.

"Bat nandyan ka?"

"Obviously, I'm spending time with Rina kaya tapos bigla kang nagyayaya manood."

Luh.

Karina chuckled, "Don't mind her babe. Giselle's just anxious about the results later."

"Manonood pa ba tayo?" tanong ko. Mukha kasing wala pang balak umalis si Giselle any time now.

"Yeah, we'll still watch."

"Okay," sagot ko. Tiningnan ko si Gi sa screen. "Giselle baka gusto mo rin makinood sa amin," yaya ko dito sa kaibigan namin.

"What will you watch ba?"

"Stranger things."

Sa huli, pumayag rin si Giselle na sumama sa amin na manood pampalipas lang ng oras.

Tuloy-tuloy lang yung nood namin. Hindi ko nga namalayan na nakadalawang episodes na pala kami. Maganda rin pala yon. Now I know kung bakit ganon magkwento si ate Jennie sa kapatid ko.

Tumunog yung phone ko tapos narinig ko ring tumunog yung phone nila Karina sa kabilang linya.

 

(Messenger Notifications)

1 message from Ryujin to the group arrived!

 

Ryujin:            MERON NA BA

Ningning:      NAOOPEN NIYO?

Ryujin:            @katarinayu @winterkim @giselleuchinaga

                             HOY

Winter:             meron na ba????

 

Agad kong inopen yung website ng school tapos nag-log in ako.

Hindi nagloload yung page.

"Naka-log in na ba kayo?" tanong ko kila Giselle at kay Karina.

Mukhang galing rin ata sa gc yung message na natanggap nila kanina.

"I can't open the website," sagot sa'kin ng jowa ko.

"Same here," sang-ayon ni Giselle.

 

Winter:            naglo-load lang sa akin yung site

                            kayo ba?

Ningning:       hindi ko rin maopen!

Giselle:            baka kasi maraming nag-oopen at the same time

Karina:             gi's right

Ryujin:             alis nga kayo sa site

                             mag-give way kayo sa mga bading‼️

Winter:             shuta k HAHAHAHAHA

Karina, Winter, Ningning, and Giselle reacted 😆 to Ryujin's message

 

Tiningnan ko yung oras.

Past 11 na pero hindi pa rin namin naoopen yung site.

Gusto ko na malaman kung ano yung result ng akin.

"Mag-stay ba muna tayo sa site hanggang sa magload or let's see na lang later?" tanong sa'min ni Giselle after a while. Hindi pa rin kasi kami nagli-leave sa discord.

"Loading pa rin sa akin tapos minsan error 504 yung lumalabas." Binalik ko ulit yung tingin ko sa phone ko. Mukhang matatagalan pa bago namin yon makita.

Titingnan lang naman kasi yung results pero bakit hindi pa rin sila tapos? Ilang screenshot pa ba ang kailangan nila? Jirits ako.

"We should wait na lang siguro. I'm sure marami pang nag-oopen ng website right now."

"Sige," I looked at the time and it's almost 11:30. Malapit na maglunch time.

"Kain na muna tayo ng lunch tapos saka na lang natin tingnan. Okay ba?"

Tumango si Karina tapos ngumiti siya sa screen, "Okay babe."

"Sige kain ka ha."

"Opo."

I saw Giselle scoff sa tabi ni Karina. "Ako Win hindi mo ba ako sasabihang kumain na rin?"

Nginisian ko lang siya, "Ayoko, meron rin namang magsasabi sa'yo ng ganyan."

"Yeah, I think I saw him message you just now. Am I right?" tukso rin ng girlfriend ko kay Giselle na may di na maipintang mukha ngayon. "Privacy naman!"

Karina just laughed, "So it's true? I actually didn't see it Gi."

"Yiee Giselle ikaw ha," tukso ko pa. Masabi nga 'to kila Ning mamaya.

"Whatever," pabiro niya kaming inirapan. "Rina, let's go kain na tayo. Kaya na ni Winter mag-isa dyan."

Naka-pout lang ako nang-iend na ni baby yung call pero she gave me a virtual kiss muna bago tuluyang ma-end. Kilig na naman ako. Parang gusto ko na agad siyang puntahan ngayon mismo.

Pagkatapos ko kumain ng tanghalian at magawa yung mga iniuutos ni mudra, nagpaalam akong tatambay muna kila Giselle. Yung tingin lang niya sa akin kanina parang nagsasabi na 'Sus tambay tambay ka pang nalalaman doon pero lalandi ka lang naman kasi nandoon si Karina' type of vibe.

Eversince nasabi ko kila mama na girlfriend ko si Karina, something shifted talaga sa mga tinginan nila tuwing nagpapaalam ako na pupunta lang ako sa bahay ng mga kaibigan ko na kapitbahay lang namin. But the important thing is that we don't need to be careful na everytime na nandyan sila mama kasi alam naman na nila yung tungkol sa amin.

Siguro yung mga chismosang kapitbahay na lang namin yung poproblemahin ko.

Pagkarating ko doon kila Giselle, akala ko kaming tatlo lang yung mabubungaran ko pero nakita ko na si Ningning na nandoon sa may sala nila. Parang wala rin ulit ata yung parents ni Gi kasi baka nagbabantay doon sa karinderya nila sa bayan kaya kami kami lang ulit yung nandito ngayon.

"Hi bes!" bati niya sa akin pagkapasok ko sa loob. Tumabi rin agad ako sa kanya doon sa may sofa.

"Pupunta rin daw dito si Ryujin, wait lang natin saglit," sabi pa niya tapos tinuon na lang niya yung pansin niya sa phone.

"Si Karina?" tanong ko. Wala kasi sila dito at mag-isa lang ni Ningning na naabutan ko kanina.

"Nandoon pa ata sila sa kusina."

Tumayo ako tapos nagpaalam kay Ning na doon muna ako sa jowa ko.

"Ang hilig niyo talagang iwan ako. Bakit lahat na lang kayo nagkakajowa!" reklamo pa niya habang natatawa ko lang siyang iniwan na doon.

Nakarating na ako sa may kusina at nandoon nga silang dalawa ni Giselle. Si Karina yung naghuhugas ng mga plato habang si Giselle naman ay nakaupo doon sa doon sa mga upuan sa may hapag.

"Babe.." tawag ko sa kanya. Sabay silang lumingon sa akin pero nakatingin lang ako sa girlfriend ko. She immediately smiled upon seeing me.

Lumapit na ako sa kanila at tumabi ako kay Giselle.

"Ning's here ata hindi mo ba nakita?" sabi ni Gi nang makatabi ako sa kanya.

"Oo nandyan na siya, nagpophone."

"Teh ang tagal ni Ryujin ah!" sigaw ni Ningning mula sa sala. Ilang saglit pa at nandito na rin siya kasama namin. Mukhang hindi na niya kinaya mag-isa doon.

Lumikha ng ingay si Karina doon sa may lababo. Tapos na ata niya mabanlawan yung mga plato. Tumayo naman ako para tulungan siya patuyuin at ibalik iyon sa lalagyanan.

"Tulungan na kita," kinuha ko yung plate tapos ako na yung nagpunas habang siya naman yung naglalagay sa rack. Mabilis lang naming natapos yung gawain.

"Thanks babe."

"Tao po!" "Ningning tumatahol yung aso niyo!" "GISELLE!"

Napalingon kaming apat sa pinaggalingan ng sigaw. Narinig pa namin yung tahol ni Bruno doon sa bahay nila Ningning.

Parang ang familiar lang ng ganap ngayon. Nangyari na ba 'to dati?

"Si Ryujin na yan. Giselle labasin m

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
Ang tagal na rin pala simula nung last outtake 'no? Ito na rin siguro ang panghuli. Their story ends here but they will be remembered forever in our hearts. Hanggang sa huli🫶🫶

Playlist link: https://open.spotify.com/playlist/6L4yidJZLVZH8DXsbH4xMo?si=fkxMXpTkRzy5N9sMVEUWGA&dd=1

Comments

You must be logged in to comment
gomtokkim
2142 streak #1
Chapter 5: Miss ko na silaaa
Jillian_ #2
Chapter 45: Tapos ko na siya omg, mamimiss ko silaaaa
Jillian_ #3
Chapter 39: Hoy bakit ako naiiyak sa pag-alis ni Karina, parang mamimiss ko rin siya kahit hindi ko siya ka-barangay T^T
bigboy123
133 streak #4
#rr 👀🤭
Jillian_ #5
Chapter 17: OMG HSHDGGSJSKJHD
Jillian_ #6
Chapter 6: Ay, ‘yan ang gusto ko, nagpapahiwatig 🤩
dork_seulgi_k
852 streak #7
Chapter 37: iihhhh 🤸
AJMercado
#8
m
M_1412 #9
Chapter 26: Huyy 2521 din talaga naisip ko bigla sa scene na yon huhu cute nila
Sa wakas may label na ang mag babyyy
M_1412 #10
Chapter 20: Nahohomesick na naman tuloy ako sa bp😭