Chapter 29 - Condition

Huwag Kang Pa-fall!
Please Subscribe to read the full chapter

 

Yung kaba ko noong araw na ’yon, halos mangiyak-ngiyak na ako. Mukhang napansin nga ni mama kasi sabi niya wag daw akong iiyak. Si ate nga daw hindi daw umiyak nung umamin siya.

Ma, magkaiba naman kasi kami ni ate huhu.

Tapos akala pa niya noong una nagjojoke daw ako kaya hindi niya pinansin yung sinabi ko kaya sobrang kaba ko na talaga noong inulit ko ulit for the third time yung confession ko.

Medyo nagulat si mama.

“Seryoso ka ba Winter?”

Ganyan yung sinabi niya.

“Medyo siguro ma.”

Dinaan ko pa talaga sa joke. Yung tingin ni mama sa akin, napakaseryoso niya.

Feeling ko papalayasin na ako.

Buti na lang hindi siya nangyari.

Tapos tinanong niya pa ako kung meron daw ba akong nagugustuhan ngayon.

Ang sabi ko meron.

Magsasalita na sana si mama pero bigla ko siyang pinutol.

“Ma, actually jowa ko na siya.”

Hindi nagreact si mama pero napansin ko yung panlalaki ng mata niya. Nagtatanong lang naman kasi siya kung may nagugustuhan ako tapos bigla kong sasabihin na jowa ko na siya. Sino ba namang hindi magugulat doon?

“Sino?”

Nanatili ang tingin ko doon sa kinakain ni mama kaya dahan-dahan rin siyang nagbaba ng tingin rito. Mukhang na-gets naman na niya. Natahimik lang kami. Hindi pa rin nagsasalita si mama tapos bigla na lang niyang sinabi na tawagin ko daw ang ate ko.

Pagkababa ni ate, pinaalis muna ako tapos silang dalawa yung nag-usap. Hindi ko alam kung ano yung naiisip ni mama sa akin. Ate tulungan mo ‘ko.

Nanatili lang ako sa kwarto. Nag-aabang. Nag-aantay.

Nakita kong nagvibrate yung phone ko.

Si Karina.

Oo nga pala. I need to tell her.

Sinabi ko sa kanya yung bigla kong pag-amin.

“Babe sorry hindi kita na-heads up agad.”

“Do you want me to go there?”

Sabi ko ‘wag na muna. Hinihintay ko pa kasi si mama. But I’m certain na ipapatawag ni mama si Karina dito sa bahay hindi ngayon pero soon. Sinabi ko yun sa kanya and she said she’ll go here daw and talk to her about us.

Ang sweet lang ng girlfriend ko. Parang gusto ko na lang umiyak, charot.

Sabi niya wag daw akong magworry at nandito lang daw siya for me. Napagaan niya in no time yung pakiramdam ko.

Hindi nagtagal, kumatok si ate sa pintuan na natatawa. Sabi niya parang shunga daw si mama kasi tinawag pa siya.

“Akala ni mama straight ka, Winter. Ang hindi niya alam natural na sa pamilya natin ang pagiging bakla.”

Pinanlakihan ko ng mata si ate.

Sabi niya gusto daw akong makausap ni mama.

Pagkababa ko, nakaupo na sa sala si mama. Hindi na siya seryoso tingnan. Parang medyo welcoming na yung awra niya. At the same time, bumukas rin yung pintuan tapos pumasok si papa. Kakauwi lang niya galing sa bukid. Nagsasaka kasi si papa at yung nasasaka niyang palay yung binebenta namin para makakuha ng panggastos sa araw-araw. Bilib nga rin ako kay papa kasi napagtapos niya si ate at napag-aaral niya kaming dalawa kahit ganon lang yung trabaho niya. Maparaan kasi si papa sa pagtatrabaho kaya maayos ang buhay namin ngayon.

Nagtaka pa si papa kasi sabay-sabay namin siyang tiningnan pagkapasok niya. Tinanong niya kami kung bakit.

Ako na yung nagsalita.

“Pa, babae rin po ang gusto ko katulad niyo.”

Tiningnan niya ako tapos nilipat niya yung tingin kay ate Lisa.

Agaran namang naging defensive si ate tapos sinabing hindi daw niya yon kasalanan at sarili ko ‘yong nararamdaman. Nag-agree ako kay ate.

Walang kinalaman si ate sa kung ano ako ngayon. Siguro yung BLACKPINK pwede pa. Charot!

“Mukhang hindi na ako mag-aalala sa maagang pagbubuntis ng mga anak natin kung ganon, ma.”

Binalingan ni papa si mama. Nangingiting tumango si mama.

I think tanggap nila ako. Para akong nabunutan ng malaking tinik.

Sinabi rin ni mama kay papa na mayroon na daw akong jowa tapos nagawa pang magbiro ni papa na mas matinik daw ako kaysa kay ate in which she disagreed tapos nag-quote pa siya ng sinabi nila mama.

‘Unahin muna ang pag-aaral at ‘wag munang magjojowa.’

Bumalik na naman ulit yung kaba ko.

Paghihiwalayin ba nila kami?

Agad ko namang sinabi na mabuting impluwensya sa akin si Karina lalo na noong naggroup study kami for the entrance exams. Pareho naming pinapahalagahan ang pag-aaral. Syempre mayroon rin kaming mga sariling pangarap na gustong matupad.

Marami pa sana akong sasabihin pero pinatigil na nila ako. Mas maganda daw kung mami-meet na lang nila si Karina in person. Not as my friend kundi bilang girlfriend ko.

Aaminin ko kinilig ako nung sinabi ni mama yung ‘girlfriend’ na term.

 

 

 

 

 

“Wait lang bes, let me process all this information,” hinilot pa ni Ning yung sintido niya na inirapan lang ni Giselle nang makita niya yung ginawa ng kaibigan ko.

Nandito ako ngayon kila Ningning. I informed her prior na may sasabihin ako sa kanya tapos mukhang nasabi rin ata ni Karina kay Giselle yung meron sa amin so we decided na magkita na lang na apat. Si Ryujin naman mukhang busy ata. Ewan ko lang kung anong ginagawa niya kaya hindi na namin siya cinontact. Malalaman rin naman niya kasi yon kila Ning.

“So meeting the parents na agad ang peg niyo?” paglilinaw ni Giselle.

Nilingon ako ni Karina. Tumango ako.

“Gusto daw ulit si Karina ma-meet nila mama as my girlfriend this time,” sagot ko.

Muntikan na akong mahampas ni Ningning at buti na lang nakailag ako agad.

Wala si aling Marga dito ngayon dahil pumunta siyang bayan para maggrocery ng mga paninda para sa tindahan. Si Ning naman yung naiwan para magbantay sa tindahan. Wala pa naman masyadong bumibili kaya nandito kami ngayon at nag-uusap apparently tungkol sa nagawa kong pagcome out at yung pagbabalak kong pagdala kay Karina sa bahay para ipakilala siya kila mama.

“Anong sinabi nila tita?”

“Wala naman masyadong violent reaction. Nandoon rin kasi si ate tapos hindi rin naman nagalit sila mama. Si papa nga, parang masaya pa siya. Ewan ko ba dun.”

"Wow, congrats bes!”

“Parang meeting the parents na nga lang yung kulang and you don’t have any problems na,” comment ni Giselle.

“Ay oo nga,” singit ni Ning. “Diba Giselle sabi mo pinakilala ka na nung college dun sa magulang niya?”

Yung tingin naming lahat, nabaling na kay Giselle. Siya na yung new center of attention.

“Alam mo yun?” bulong ko kay Karina pero bahagya siyang umiling. “I heard the story but I’m not really sure.”

“Hindi naman siya technically magulang niya pero parang mama na niya yung auntie niya,” sabi naman ni Giselle na medyo nangingiti. Kinikilig siguro ‘to.

“Hoy ibang level na yan ha,” sabi ko. Hindi pa sila nung college pero may meeting the family na agad.

“Hindi ko pa naman siya na-meet in person. Parang kinekwento lang niya ako doon sa auntie niya tapos meron pang time na pumunta kami sa church nila. Eh medyo malapit lang kasi doon yung bahay nila.”

“Nino? Yung college?”

“Oo yung college.”

“Tapos?”

“Nalaman ng auntie niya na pumunta ako sa church nila tapos nung nag-VC kami nung college, kinausap niya ako.”

Natatawa ako sa pagsabi niya ng college.

College ba talaga ang tawag ni Giselle or college lang ang itinatawag niya kay kuya kasi kausap niya kami?

“Ansabe?”

“Sabi niya magpakita daw ako sa susunod na punta ko sa church nila kasi kakausapin daw niya ako.”

“Haba naman ng hair mo, Giselle!”

Hinawi niya yung hair niya, “Me lang this.”

“Ah so hindi mo pa nami-meet?” tanong ko tapos tumango si Gi. “Yeah hindi pa. I’m actually nervous if we’ll meet in person.”

“Ano kaya yung sasabihin sa’yo?”

“Yung last time na nag-VC kami binentahan niya ako ng halaman,” natatawang kwento niya.

Hinampas ko siya, “Ano ba yan akala ko naman..!”

“Baka gusto niyo rin bumili..” alok pa ni Giselle pero hindi naman ako mahilig sa halaman kaya next time na lang po.

“So, paano yung gagawin niyo once na ipakilala mo Winter si Karina?”

Nabalik na ulit sa amin yung focus. I looked at my girlfriend.

“Ganon pa rin. Kakausapin lang kami nila mama.”

“Yeah, and I think Tita and Tito will approve of Rina here. Matalino na nga, maganda pa, thoughtful, patient..."

Patuloy lang si Gi sa pagbanggit ng mga adjectives na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
Ang tagal na rin pala simula nung last outtake 'no? Ito na rin siguro ang panghuli. Their story ends here but they will be remembered forever in our hearts. Hanggang sa huli🫶🫶

Playlist link: https://open.spotify.com/playlist/6L4yidJZLVZH8DXsbH4xMo?si=fkxMXpTkRzy5N9sMVEUWGA&dd=1

Comments

You must be logged in to comment
gomtokkim
2145 streak #1
Chapter 5: Miss ko na silaaa
Jillian_ #2
Chapter 45: Tapos ko na siya omg, mamimiss ko silaaaa
Jillian_ #3
Chapter 39: Hoy bakit ako naiiyak sa pag-alis ni Karina, parang mamimiss ko rin siya kahit hindi ko siya ka-barangay T^T
bigboy123
135 streak #4
#rr 👀🤭
Jillian_ #5
Chapter 17: OMG HSHDGGSJSKJHD
Jillian_ #6
Chapter 6: Ay, ‘yan ang gusto ko, nagpapahiwatig 🤩
dork_seulgi_k
856 streak #7
Chapter 37: iihhhh 🤸
AJMercado
#8
m
M_1412 #9
Chapter 26: Huyy 2521 din talaga naisip ko bigla sa scene na yon huhu cute nila
Sa wakas may label na ang mag babyyy
M_1412 #10
Chapter 20: Nahohomesick na naman tuloy ako sa bp😭