Chapter 28 - Paano Kung..?

Huwag Kang Pa-fall!
Please Subscribe to read the full chapter

Ryujin:      HOY POTANGINA BAT GANON

Winter:      hello rin siguro sayo ryujin

Ryujin:       PAG SINABIHAN BA KITANG MASARAP ANG CERELAC BIBILI KA BA

                       DIBA HINDI!!

 

Ah, may nangyari na naman siguro dito.

 

Winter:       hindi ako bibili teh

                       pero masarap naman ang cerelac

Ryujin:       WINTER SABI NIYA BIBILI DAW SIYA

                       tapos kita ko sa pinned post niya sa twt meron naman na siyang kasama mag-genshin

                        POTA EH ANONG LABAN KO DON PABUHAT LANG AKO SA COD

Winter:        HAHAHAHAHA

Ryujin:         KAGABI PA SIYA

                         shuta teh mixed signals ba 'to o nagooverthink ako hshjfacdghaf

                         AYOKO NA

                         kinikilig ako mga ganto: 🤏

                         sensya na ha lam ko namang masaya ka sa love life mo tas makikisingit yung akin

                         sino ba naman ako

                         sorry ako lang to ha😔😔

 

Nakakatawa talaga minsan 'tong si Ryujin. Okay lang naman sa'kin na nagkekwento siya tungkol sa crush niya. Mahirap rin kasi minsan na i-keep mo lang yung thoughts mo sa sarili mo.

 

Winter:         ilang taon na ulit siya? same age lang natin 'no?

Ryujin:         ou 18 na siya, mas matanda lang ng ilang months

                         may ata bday niya so malapit na siyang mag 19

 

Pareho lang pala sila ng age ni Karina.

 

Winter:        sige ryujin magkwento ka lang makikinig ako

Ryujin:         HINDI N WAG N

                         KILIG AQ

                         wow lande

Winter:         HAHAHAHA GAGA

Ryujin:         HASHSJSD YOKO NA

                         hindi totoo ang internet love

                         https://vt.tiktok.com/ZSdv42NgH/?k=1

 

May sinend siyang link kaya agad ko 'tong clinick.

Ano 'to?

Okay, Ryujin napatawa mo ako don, bwisit na moby yan.

Syempre dapat hindi lang ako yung matatawa.

 

Winter:           Winter forwarded a link.

Katarina:       what's that?

                            reacted 😆 to your message

                            you're watching tiktok?

Winter:            hindi babe hahaha

                             sinend lang sa akin ni ryujin tapos natawa ako

Katarina:        natawa rin ako lol

                             please say my thanks to ryujin haha

 

Winter set Katarina's nickname to longganisa seller

 

longganisa seller:      hey bat ganto nickname ko >:(

Winter:                              HAHAHAHAHAHA

 

longganisa seller set Winter's nickname to stalker

 

stalker:                              HOY

longganisa seller:       now we're even

stalker:                              HINDI NAMAN AKO STALKER EH

longganisa seller:        say what you want babe <3

stalker:                            😠😠😠

longganisa seller:       reacted 😆 to your message

 

Napailing na lang ako sa pinaggagawa namin ni baby. Pero minsan ko lang naman siya ini-stalk eh!

Pero I think yung pagcheck ko ng profile niya dati is isa rin sa reasons kung bakit kami ganito ngayon.

Pero kung hindi pa rin siya sumama kay Giselle, baka hindi namin siya kilala ngayon. Napapaisip nga ako minsan, siguro kung hindi ko siya nakilala, wala pa rin akong jowa at nagwoworry pa rin ako sa mga desisyon ko sa buhay—na hanggang ngayon nararanasan ko pa rin pero mas less na siya compared sa dati. Hindi ko rin siya ma-explain ng maayos pero hindi ko na siya masyadong naiisip ngayon siguro kasi nandito na si Karina. She somehow makes me calm—yung mga bagay wino-worry ko parang kaya ko yung malagpasan lahat kasi kasama ko naman siya. Kahit yung presence lang niya yung nandyan, nakakapagpagaan na agad sa pakiramdam.

Naiisip ko palang na mawawala siya sa akin, parang hindi ko kaya.

Siya rin kaya?

 

stalker:                             hi alam ba ni tita na crush mo ko?

longganisa seller:      huh?

                                             not yet, why?

stalker:                            crush mo pala ako😳

longganisa seller:      yeah, i think i'm lucky pa nga kasi kami na ng crush ko

stalker:                           alam mo ikaw

longganisa seller:     why ^_^

 

Oo nga feel ko nga rin pareho lang kami ng nararamdaman ni Karina.

 

stalker:                           hehe baby chacharge na muna ako ha

longganisa seller:    okay babe!! :)

                                           i'll spend time rin with giselle muna

stalker:                          sigee

                                           alam mo yung drill👀

longganisa seller:     i'll get back to you if i got some information ;)

stalker:                           okay good

longganisa seller:      >-<

 

Yung araw na pumunta ako kila Giselle at sabi ng mama niya ay magkasama daw sila ni Ningning, tinanong siya ni Ningning kung saan siya pumunta pero walang matino na sagot na nakuha si bes kay Giselle. Ewan ko lang pero ang suspicious talaga ni Giselle these days. Tama kaya yung hula namin ni Ning? Na baka magkasama sila nung college?

Baby, ipapaubaya ko na sayo ang lahat, chos!

Kinuha ko na yung charger ng phone ko mula sa drawer at nagstart na ako magcharge. Manood na rin kaya muna ako ng new series habang nag-aantay mapuno yung phone? Parang maganda daw kasi yung stranger things. Yun kasi yung laman ng newsfeed ko ngayon.

Bago ako magsimula manood, bumaba muna ako para kumuha ng pagkain tapos saktong lumabas rin ng kwarto niya si ate Lisa kaya nagsabay na kami.

"Ano gagawin mo?" tanong niya sa'kin.

"Kukuha ng pagkain, manonood ako nung stranger things."

"Ano yun?"

"Hindi ko pa nga napapanood tapos tatanungin mo 'ko."

"Ang sakit mo na talaga Winter," drama niya.

"Arte mo, ate."

Napahawak siya sa dibdib niya, "Hala ang sakit talaga!"

Binuksan ko yung ref para magtingin ng pagkain pero wala akong nakita kaya sinara ko na lang ulit. Pagkasara ko, binuksan ulit yon ni ate tapos nagtingin rin siya pero katulad ko, wala rin siyang nakita. Pag talaga nahuli kami ni mama na panay bukas sa ref, sasawayin na naman kami non kasi sayang daw sa kuryente.

Sunod naman akong pumunta sa kusina tapos nagbukas ng mga cabinets. Buti na lang may nakita ako doong tortillos kaya agad ko 'tong kinuha. Nakasunod pa rin pala sa akin si ate kasi pagkatalikod ko, siya agad bumungad sa akin. Mukhang kukuha rin ata siya ng pagkain.

"Alam mo ba nakita ko kayo ni Karina noong isang araw."

Napatigil ako maglakad.

Shet.

Pero wala naman akong tao na nakita dati! Nakita ba ni ate yung hinalikan ako ni Karina? Hala.

"Wag mo na i-deny Winter alam ko na ang lahat," dagdag niya. Hala nakita talaga niya?

Humarap ako sa kanya. Light lang naman yung pagkakasabi niya at hindi naman siya masyadong seryoso. Nagtitingin pa rin siya doon sa cabinet at may inabot siyang nova. Pagkakuha niya ng pagkain, humarap siya sa akin.

"Naglalakad kayo papunta doon kila aling Marie," kwento niya.

Nakahinga naman ako ng maluwag doon. So, hindi niya nakita. Buti naman kasi invasion of privacy na yon, char.

Mas lumapit naman sa akin si ate tapos mahinang bumulong, "Kayo na 'no?"

Wala naman ng reason para magsinungaling ako kay ate kaya tumango ako.

"Hindi nga?!" hindi makapaniwala niyang sabi.

"Oo nga ate."

HIndi naman na siya nagpaligoy-ligoy nang hinatak niya ako papunta doon sa kwarto niya. Nakita ko pa yung nakabukas niyang laptop doon sa table. Oo nga pala kaya pala ako lumabas kasi kukuha ako ng kakainin habang nanonood. Pero baka hindi na ako makanood ngayon dahil kay ate.

"Wala ka na bang gagawin ate?"

"Wala na tapos ko na lahat for today. Isa na lang ang gagawin ko ngayon.."

"Ano?"

"Makinig sa'yo. Ano pa ba Wintot," inirapan ba naman ako ng kapatid ko.

"Ano pa ba gusto mong malaman?"

"Syempre yung pinakasimula. Ano? Saan? Bakit? Kailan? Paano? Wag ka mag-iiwan ng detail."

"Wow ha demanding mo naman." Mas malala pa siya kay Ning.

Ngumisi siya, "Pwede namang si Karina na lang ang magkwento sa akin kung ayaw mo."

"Hoy!"

"Mabait naman si Karina, close naman kami. So, ano ka ngayon?"

Baka kung ano-ano pang itanong ni ate kay Karina kung silang dalawa yung mag-usap kaya wag na lang.

"Oo na magkekwento na," pagpayag ko.

Inayos naman ni ate yung pagkakaupo niya tapos binuksan na niya yung nakuha niyang nova kanina. Ako pa talaga gagawin niyang source of entertainment.

"Wait lang bago ka magkwento.." pigil niya. "Grabe hindi ko alam na magkakagusto ka rin pala sa mga babae? Akala ko kasi ako lang tapos nakikita ko pa dati nagfafangirl ka doon sa mga oppa."

Natawa ako sa pagkakabanggit niya ng mga oppa.

"Akala ko nga rin ate pero hindi naman natin nadidiktahan yung nararamdaman natin. Actually ate, nagkaroon ako dati ng crush sa dati naming classmate. Siya siguro yung naging eye opener para magkaroon ako ng idea sa kung ano ako ngayon."

"Sino yan? Maganda ba yan?" pang-iintriga niya. "Patingin ng picture."

"Wag na!" kontra ko. "Ang tagal na non. Iba na gusto ko."

Nakangisi na naman ulit sa akin si ate dahil sa narinig niya. "Gusto mo tawagin ko si Karina ngayon dito?"

Nanlaki yung mata ko doon. "Ate!"

"Oo na oo na," she waved her hands dismissively. "Pero papuntahin mo siya dito next time ha."

"Basta wag mo siyang aawayin," protective kong sabi.

"Iba ka na talaga Winter, hindi na ikaw yung kapatid na nakilala ko."

"Muntanga ka ate."

"So ano, magkekwento ka ba o hindi? Mauubos ko na yung nova dito."

Inirapan ko na lang siya at sinimulan ko nang magkwento sa pinakauna. Wala naman masyadong reaction si ate habang nagkekwento ako. Nakikinig lang talaga siya. Once na matapos akong magkwento, ang seryoso na ng tingin sa akin ni ate. Medyo kinabahan ako sa tingin niya.

"Bakit ate?" maingat kong tanong.

Nagpakawala ng buntong hininga si ate. Grabe kinakabahan na talaga ako.

"Unang una sa lahat Winter Kim.." mataman akong tiningnan ni ate. "..ang landi mo."

Huh?

Seryoso pa rin ang tingin sa akin ng kapatid ko.

"Pangalawa, ang landi mo," ulit niya pa. "Pangatlo, ang landi mo Wintot!"

Huh?!

Hinampas ako ni ate tapos halos matawa-tawa na. Nawala na yung pagkaseryoso niya.

"Nagbakasyon lang yung tao dito sa barangay natin tapos nilandi mo na," humagalpak na siya.

Ano ba yan akala ko naman seryoso na.

"Hindi naman ganon yun ate!" defensive kong sabi.

"Anong hindi? Totoo naman based sa kwento mo kaya!"

"Iba pa rin yon! Hindi mo lang na-gets ng maayos yung way ng pagkakasabi ko sayo."

Tumango siya para mapagbigyan yung mga dahilan ko, "Oo na lang."

Totoo naman kasi. Hindi naman ako yung lumandi. Si Karina kaya yung lumandi sa akin tapos na-fall naman ako. Kasalanan mo 'to Katarina Yu.

"Kailan mo 'to balak sabihin kila mama?"

Totoong kinabahan na ako ngayon. Seryoso kong tiningnan si ate.

"Hindi ko pa alam ate pero maganda siguro kung malalaman nila agad 'no?" unsure kong sagot.

Tumango siya, "Oo Win mas maganda kung masasabi mo siya agad. Pero siguro hindi na rin 'yon magugulat kung sakali man kasi tested na siya sa akin. Imagine mo 'yon dalawang anak nila ayaw sa mga hotdog," pag-joke niya na ikinatawa ko naman. Medyo napagaan ni ate yung pakiramdam ko doon.

"Thanks ate," sincere kong sabi. Tama nga talaga yung sinasabi nilang yung kapatid mo yung unang una mong mapagkukunan ng source of strength bukod sa friends mo, sila rin yung nandyan para suportahan ka.

Parang may namuo na atang luha sa mata ko kaya agad ko 'tong kinur

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
Ang tagal na rin pala simula nung last outtake 'no? Ito na rin siguro ang panghuli. Their story ends here but they will be remembered forever in our hearts. Hanggang sa huli🫶🫶

Playlist link: https://open.spotify.com/playlist/6L4yidJZLVZH8DXsbH4xMo?si=fkxMXpTkRzy5N9sMVEUWGA&dd=1

Comments

You must be logged in to comment
gomtokkim
2144 streak #1
Chapter 5: Miss ko na silaaa
Jillian_ #2
Chapter 45: Tapos ko na siya omg, mamimiss ko silaaaa
Jillian_ #3
Chapter 39: Hoy bakit ako naiiyak sa pag-alis ni Karina, parang mamimiss ko rin siya kahit hindi ko siya ka-barangay T^T
bigboy123
134 streak #4
#rr 👀🤭
Jillian_ #5
Chapter 17: OMG HSHDGGSJSKJHD
Jillian_ #6
Chapter 6: Ay, ‘yan ang gusto ko, nagpapahiwatig 🤩
dork_seulgi_k
856 streak #7
Chapter 37: iihhhh 🤸
AJMercado
#8
m
M_1412 #9
Chapter 26: Huyy 2521 din talaga naisip ko bigla sa scene na yon huhu cute nila
Sa wakas may label na ang mag babyyy
M_1412 #10
Chapter 20: Nahohomesick na naman tuloy ako sa bp😭