Chapter 38 - Ship Name

Huwag Kang Pa-fall!
Please Subscribe to read the full chapter

 

Don't stop the music, why are you stopping it?

Dancing again, life is a party so

No matter what I do, tick-tock, tick-tock

Life is still going on, it just flows

 

It is almost enrollment time.

Parang kahapon lang nung grumaduate kami tapos ngayon, mag-eenroll na naman kami sa panibagong yugto ng buhay namin.

Nagsisimula ko nang makita yung mga my day ng mga dati naming kaklase tungkol sa mga school na papasukan nila. Yung iba ay sa Maynila mag-aaral at yung iba naman ay dumayo pa sa ibang probinsya.

Grabe lang yung pagkakawatak-watak namin sa mga papasukan naming schools.

If a random person looks at it, parang di niya agad maiisip na naging magkakaklase kami for about 4 to 6 years in high school.

Time na siguro para humayo kami at magpakalayo-layo. Time na para maghanda sa real world.

We are about to spread our wings and fly!

Parang ang mema naman ata.

Ano ba 'tong mga pinag-iisip ko umagang-umaga?

Bukas na yung enrollment namin eh.

Ang bilis lang talaga ng araw kapag hindi mo siya namamalayang lumilipas.

Lahat kami, we decided na sa TEU na mag-enroll for this school year except kay Giselle. Sabi niya, she'll wait na lang muna sa results doon sa alumni namin. We know naman na makakapasa siya doon kahit may interview process pa yun. Naghihintay na lang si Giselle this week na contact-in siya ng school for the interview. Wala daw definite na time pero any time this week daw tatawagan yung mga applicants. Goodluck na lang talaga kay Gi.

Si Ryujin naman, itinuloy na niyang ipush yung course na Civil Engineering at hindi na niya itutuloy yung educ hindi katulad ni Gi na igagrab na talaga yung opportunity. Bahala na lang daw sabi ni bruha at medyo nakarelate ako doon.

Bahala na.

Sana lang talaga mai-survive namin 'to.

Kasama ni Ryujin na mag-eenroll si Karina for that course. My girlfriend decided to enroll rin sa school kung saan kami mag-aaral.

Parang ang saya lang non.

Studying in the same school na kasama yung mga taong malapit sayo.

Parang nakakagaan sa pakiramdam knowing na nandyan rin sila.

Napag-uusapan na nga namin nila Ning kung paano magiging set-up namin if ever. Kung magdo-dorm ba kami o ano. Halos aabutin rin kasi kami ng isang oras kung babyahe kami araw-araw papuntang school kapag may pasok na. Iba naman kasi ang schedule kapag college na. Minsan may mga inaabot pa ng 7 to 9PM classes kaya medyo nakakatakot naman kung gabi ka nang uuwi at wala ka pang sariling sasakyan.

Nakakatamad rin kasi na gumising ng maaga minsan. Mahirap rin kasi na onti lang yung makukuha naming tulog araw-araw kaya mas maganda if meron kaming malapit na matitirahan near the school.

Ang sabi ni jowa malapit lang daw yung bahay nila near the university.

Yung nilipatang bahay nila Gi dati ay medyo may kalayuan pa sa TEU but it makes sense na rin na naging magkaklase sila ni Karina nung senior high. Nakwento pa sa'kin ni baby na ang aga daw niya gumising dati kapag pumapasok siya nung senior high so she's taking this opportunity na magcollege sa university na malapit lang sa kanila so she won't have to wake up early na daw.

Binibiro niya pa nga ako na doon na lang daw ako tumira sa kanila.

Baby hindi ko pa kaya nami-meet sila tita!

Wow, tita. Nagagaya na ata ako kay Ryujin.

Pero ayun, just the thought of us living together someday, I think I'd like it. Yung tipong gigising ako sa umaga tapos siya agad una kong makikita, sabay kaming kakain, tapos kapag pauwi na, lagi akong naglolook forward kasi it means uuwi na ako sa kanya—literally and figuratively. Way to go para mag-daydream ka Winter Kim.

Kanina ko pa hinahanda yung mga dadalhin ko bukas.

Form 138, check.

PSA Birth Certificate, check.

Good Moral, check.

2x2 picture with nametag, check.

Fully accomplished application form, check.

Health examination certificate, check.

Okay na ang lahat.

Ibinalik ko na sila doon sa long brown envelop na binili namin nila Ning kahapon. Sabay-sabay rin kasi kaming kumuha ng medical examination at ang dami lang talaga naming nilakad noong nakaraang araw.

Wala naman na siguro akong nakalimutan para bukas 'no?

Nag-angat ako ng tingin nang may kumatok sa pintuan kong nakabukas. Nandoon si ate Lisa sa may pinto. She gave me a tight lipped smile tapos itinaas niya yung kamay niya para magwave tapos dumiretso na siya papasok ng kwarto.

Sinundan ko lang siya nang tingin hanggang sa makaupo na siya sa kama katabi ng mga inaayos kong requirements para sa enrollment bukas.

"So.." simula niya, nagtaas lang ako ng kilay. Inabot ko yung phone ko para mahinaan yung speaker kasi nagpapatugtog ako kanina sa kwarto.

"So.." ulit niya.

"So ano nga ate?" tanong ko na. Baka tumagal pa kami ng ilang oras dito kung palagi kaming atras-abante.

Natawa naman si ate na inilibot ang paningin sa kwarto ko. Her eyes landed doon sa octopus plushie na naka-display doon sa ibabaw ng cabinet ko. Ayon yung binigay sa akin ni Karina dati.

"Ba't may ganito ka? Sino nagbigay sa'yo niyan?" Kinuha niya 'yon tapos ibinaliktad niya yung nakangiting itsura nito into a sad one. "Ba't masaya 'to? Dapat malungkot yan."

Inirapan ko siya, "Pansin ka talaga ate." Iibahin ko na lang ulit yan mamaya pag umalis na si ate.

Bumalik na ulit si ate ng upo sa kama ko. Natahimik siya tapos tiningnan niya ako.

Nakakailang yung mga pagtitig niya sa akin.

"Ate ano ba kasi 'yon?" medyo impatient ko nang tanong. Hindi kasi siya nagsasalita eh.

Pinagmasdan niya yung mga nakalapag na papeles sa kama ko.

"Enrollment niyo na pala bukas 'no?"

Tumango naman ako, "Oo ate."

"Architecture pala kukunin mo 'no?"

Tumango ulit ako.

"Sure ka na ba talaga doon, Winter?" Tanong niya pa.

"Oo naman ate."

"Ah okay," tumango-tango siya. "Winter, hindi naman sa nanghihimasok ako pero kapatid kita—"

"Kapatid mo talaga ako," I cut between her lines kaya sinamaan niya ako ng tingin. "Oo na ituloy mo na sinasabi mo."

She rolled her eyes muna bago nagsalita, "Ayun na nga, kapatid kita. Lagi kitang nakikita, and alam kong meron kang interest sa music," nilingon niya yung bluetooth speaker ko na mahinang nagpeplay sa background. "Lagi ka kayang kumakanta tapos nakikita ko pa yung mga pinagpopost mong instrumental covers sa mga my day mo. Ayaw mo maging singer? Or producer?"

Napapansin pala yun ni ate.

"Hoy tapos naalala ko pang sinasabi mo dati na gusto mong mag doctor. Akala ko talaga papunta ka sa medical field all this while."

Natawa naman ako don. "People change kasi ate."

"Weh?" Ayaw pa niya maniwala. "I mean oo nga nakikita ko naman na nagdodraw ka minsan.." nilingon niya yung mga nakadikit na BLACKPINK sketches ko sa wall. Dati kasi nagkaroon ako ng free time tapos triny ko lang for fun magdraw and maayos naman yung kinalabasan niya pero marami pa akong dapat i-improve.

"In fairness ang taray ng drawing mo ah, hawig ko pa yung isa nilang member," hinawi pa niya buhok niya.

"Pansin ka ate ang layo kaya. Hindi mo naman hawig. Mas maganda sila sayo," kontra ko.

"If I know, sa akin ka talaga kumuha ng inspiration nung ginagawa mo yan."

Pinagsasabi nitong kapatid ko?

"Ah basta, anyway, magpupush ka na sa archi?"

"Oo ate."

"Limang taon rin yon plus ang alam ko meron pa yong dagdag na two years for apprenticeship bago ka makakapagtake ng licensure exam. Kaya mo ba?"

Grabe halos pitong taon pa talaga ang gugugulin ko bago ako finally na magkaroon ng lisensya.

Kakayanin ko naman siguro.

"Kaya ko ate. Ready na nga akong iyakan yung mga plates ko eh," pabiro kong sabi kaya binatukan niya ako. "Luh nananakit ng kapatid sumbong nga kita kay mama," sabi ko kaya sinipa naman niya ako.

"Sulitin mo na yung tulog mo ngayong bakasyon kasi ang alam ko hindi natutulog yung mga achitecture students," advice niya pa.

Goodbye 8 hours of sleep talaga.

 

 

 

 

 

Six o'clock pa lang ata, tapos na akong magbihis. Balak kasi naming pumunta ngayon sa campus nang maaga kasi for sure mahaba-habang pila ang gugugulin namin kapag nagkataon.

 

(Tue, 6:05 A.M.) Bebe:           good morning baby ^_^

(Tue, 6:05 A.M.) Winter:       babyyy good morningg

                                                           i miss youu

(Tue, 6:05 A.M.) Bebe:           i miss you too <3

                                                          we'll see each other later pa okie

(Tue, 6:06 A.M.) Winter:       pero maghihiwalay pa rin tayo ng campus mamaya🥺

 

Yun lang.

Pareho nga kami ng school na papasukan pero iba naman yung mga campus namin.

Ang building ng College of Engineering ay matatagpuan sa main campus ng TEU. Kami namang mga architecture student ay doon pa sa North campus. Siguro kung kasama namin si Giselle na magtetake ng nursing, doon naman siya sa South campus.

Hiwa-hiwalay lang talaga yung mga campus namin.

 

(Tue, 6:07 A.M.) Bebe:        i'll kiss you later :))

 

Ay.

Excited na agad ako.

Okay na yung maghiwalay kami ng campus basta may kiss ako galing kay baby.

Pagkadating ko doon kila Giselle, hinanap agad ng paningin ko yung girlfriend ko. I saw her there na papalabas na rin kaya sinalubong ko na siya.

"Baby.."

She laughed nang makita niya akong nakanguso.

"Asan na kiss ko?"

Pinulupot na niya yung kamay niya sa bewang ko and immediately kissed my cheeks.

Hehe okay na rin siguro yung cheeks ngayon.

"You're extra clingy today," pansin niya.

"Ayaw mo ba?"

Marahan siyang umiling, "No, I like it."

"Bes!" tawag ni Ning pagkalabas niya sa bahay nila. Nasilip ko pa si Bruno na masamang nakatingin sa akin pero hindi siya tumatahol. Siguro kasi katabi ko si Karina. Hindi raw kasi tinatahulan ni Bruno si Karina. Ibang klase rin talaga yung aso nila Ning. Isipin ko na lang na love language sa amin ni Bruno yung lagi niyang pagtahol sa amin.

Nakalapit na sa amin si Ningning.

"Ano yon?"

"Tanong ko lang kung ano yung mga dinala mong requirements, naninigurado lang. Feel ko kasi may nakalimutan ako."

Naghiwalay na kami ni jowa para mailabas ko ng maayos yung mga laman ng envelop ko. So far, pareho lang naman kami ng mga dinala ni Ning.

"Ganyan rin ba yung dinala mo Karina?"

"Yeah, it's the same."

"Sure yan ah? Pag tayo hindi naka-enroll dito."

"Wag ka nga."

"Sensya na kinakabahan lang ako." Inilibot ni Ning yung paningin niya at may hinahanap. "Nasaan si Gi?"

"Diba hindi naman siya mag-eenroll sa TEU?" sabi ko naman.

Bumukas yung pintuan ng bahay at lumabas doon si Giselle na bihis na bihis.

"San punta natin beh?"

Ngumiti naman ng nang-aasar si Ning at malakas na bumulong, "May date kayo 'no?" Issue talaga nito.

"No," she laughs. "Sasama ako sa inyo."

"Bawal di pwede outsider doon."

"Then I'll stay sa labas," argue niya tapos siya na yung nanguna papunta sa kotse.

"Gi, do you want to drive?" maya-maya ay tanong ni Karina. Lahat naman kami nagtinginan kay Giselle na ngayon ay nakaturo na sa sarili niya. "Me?"

"Malamang ikaw, meron pa bang ibang Giselle dito," bara sa kanya ni Ningning.

"Are you sure?"

"Marunong ka namang magdrive diba?"

"Well, yes but diba nga muntik ko nang maibangga yung sasakyan namin dati," pag-aalinlangan niya.

"Muntik lang naman, never mo naman siya naibangga right?"

Alam naman ni Giselle magdrive at hindi naman siguro masama na ipagkatiwala namin mga buhay namin sa kanya ngayong araw kaya okay lang naman siguro na siya yung maging driver namin for this day.

I nudged my girlfriend on her side. "Bakit gusto mo bigla si Giselle na magdrive?"

"So I can spend more time with you before we part ways later to our own campus."

Naaamaze talaga ako minsan sa utak ng jowa ko. Syempre game ako doon.

"Ning," tawag ko dito sa kaibigan ko. "Doon ka na sa harap umupo, kami na ni Karina sa likod."

Napailing na lang siya, "Minsan talaga naiisip ko sana hindi ko na lang pinush yung winrina agenda ko dati sa inyo."

Winrina?

Ano daw?

"Huh?" maang kong tanong. Parang alam naman ni Karina kasi hindi siya clueless katulad ko. Nakangiti pa siya.

"Slow mo bes," sabi na lang ni Ningning at sumunod na kay Giselle papasok ng kotse. "Gi tabi tayo dyan ako sa harap."

"Bakit feel ko ginagawa niyo lang akong driver kasi lahat kayo mag-eenroll sa TEU tapos ako lang yung hindi," humarap si Giselle sa amin bago pumasok sa kotse, masama na ang tingin.

Medyo tama siya doon. Enrollment lang naman yung lakad namin ngayon tapos sabi ni Gi sasama siya edi maganda na siya na lang yung maging driver namin.

"Tara na nga! Baka mamaya abutin pa tayo ng hapon doon."

Ini-start na ni Giselle yung sasakyan at nagsimula na siyang magdrive papunta sa university. I look at the time, 6:30 na. Makakarating siguro kami sa campus by 7:30. Medyo matagal-tagal pa ang biyahe namin.

Wala naman na siguro akong nakalimutan kasi same lang rin yung mga dala namin kanina nung nagcompare kami nila Ning. Pero bakit feel ko may nakalimutan pa ako? Sana naman wala.

Napansin ko si Karina na napapahikab sa tabi ko.

"Antok ka pa ba? Tulog ka muna sa akin," tinap ko yung balikat ko.

"Are you sure? I suddenly feel guilty."

"Huh? Bakit?"

"Kasi I said I wanted to spend time with you tapos matutulog lang ako dito," she pouted. Bumaba ang tingin ko sa labi niya then I glanced kay bes at Giselle. Nang makita kong hindi sila nakatingin sa amin, agad kong hinalikan si Karina.

Mahina niyang kinurot yung braso ko. "You're sneaky," humagikgik siya.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
Ang tagal na rin pala simula nung last outtake 'no? Ito na rin siguro ang panghuli. Their story ends here but they will be remembered forever in our hearts. Hanggang sa huli🫶🫶

Playlist link: https://open.spotify.com/playlist/6L4yidJZLVZH8DXsbH4xMo?si=fkxMXpTkRzy5N9sMVEUWGA&dd=1

Comments

You must be logged in to comment
gomtokkim
2142 streak #1
Chapter 5: Miss ko na silaaa
Jillian_ #2
Chapter 45: Tapos ko na siya omg, mamimiss ko silaaaa
Jillian_ #3
Chapter 39: Hoy bakit ako naiiyak sa pag-alis ni Karina, parang mamimiss ko rin siya kahit hindi ko siya ka-barangay T^T
bigboy123
133 streak #4
#rr 👀🤭
Jillian_ #5
Chapter 17: OMG HSHDGGSJSKJHD
Jillian_ #6
Chapter 6: Ay, ‘yan ang gusto ko, nagpapahiwatig 🤩
dork_seulgi_k
853 streak #7
Chapter 37: iihhhh 🤸
AJMercado
#8
m
M_1412 #9
Chapter 26: Huyy 2521 din talaga naisip ko bigla sa scene na yon huhu cute nila
Sa wakas may label na ang mag babyyy
M_1412 #10
Chapter 20: Nahohomesick na naman tuloy ako sa bp😭