Chapter 16 - Oplan: Test Her Feelings

Huwag Kang Pa-fall!
Please Subscribe to read the full chapter

Hindi naman ako bobo.

Siguro hindi ko lang napapagana ng maayos utak ko kaya hindi ko madaling napapansin yung mga bagay na nasa paligid ko minsan.

Pwede siguro siya maihalintulad sa isang math problem na triny ko sagutan bago ako matulog kagabi. Sa unang tingin ang hirap hirap niyang intindihin pero once na nakita ko yung tamang answer sa answer key, parang bigla akong naliwanagan at umayos yung pagfa-function ng utak ko.

Minsan nanghihinayang ako kasi hindi ko agad napansin na ganon lang pala kadali iyon pero hindi ko agad naisip.

Parang tanga lang kasi.

All this time, nilalandi ba ako ni Karina?

Kailan ba 'yon nagstart? Siguro noong naglaro kami ng game tapos nakuha niya number ko.

I think doon talaga nagsimula.

Kailangan ko 'tong sabihin kay Ningning kasi hindi ako makapaniwala sa mga napagtanto ko.

Si Karina nilalandi ako.

Nilalandi ako ng crush ko.

Totoo ba 'to?!

 

(Messenger Notifications)

1 message from Ningning arrived!

 

Icha-chat ko pa lang sana siya pero naunahan na ako ni gaga.

 

Ningning:   teh alam mo bang kinikilig ako ngayon?????!!!

                          winter pakurot nga isa

                           /kinurot ka

Winter:   gaga!

                   at bakit ka naman kinikilig aber

Ningning:   secret 😌

                         bawal sabihin kasi nagpromise ako sa kanya

Winter:    kanino??

Ningning:    ay hala shet

                          andami ko na palang nasabi hehe it's for me to know and for you to find out na lang hihi

Winter:    panget mo

                     may sasabihin pa naman sana ako sayo😔😔

Ningning:    huy ano yon spill!!

                         dali na winter tumatakbo ang oras

Winter:    eh kasi feel ko nilalandi ako ni karina…

 

                    seen.

 

Inantay ko magreply si Ning pero hindi ko siya nakikitang nagtatype.

The next thing na nangyari ay ang pagtunog ng phone ko kasi tinatawagan ako ni gaga.

"Bat ka tumawag?"

"Spill!"

At ayun na nga. Kinwento ko lang sa kanya buong gabi yung mga bagay na naobserve ko nitong mga nakaraang araw. Sinabi ko rin kay Ning yung game na nilaro namin dati kaya ko rin nalaman yung number ni Karina.

"Winter alam mo isa lang masasabi ko," nagpause siya sa kabilang linya at nang wala akong marinig for a few seconds, bigla siyang tumili ng napakalakas kaya agad kong nilayo yung phone ko sa tainga ko.

"Ningning ang ingay mo!"

Narinig ko pa sa kabilang linya yung tahol ni Bruno. Nabulabog rin ata sa lakas ng tili ni Ning.

"Gaga ka! So umamin na siya sayo?" Excited niyang tanong. Parang siya pa mas excited sakin.

Agad ko namang dinismiss yung thought niyang 'yon. "Hindi. Hindi naman kasi fact yan. Assumption ko lang teh, hindi ko pa sure," medyo nanlulumo kong sabi. Natahimik rin si Ning sa kabilang linya and after a while ay saka siya nagsalita.

"Winter, alam mo may naiisip ako."

Parang hindi ko ata gusto 'tong naiisip ni Ning.

 

 

 

 

 

D-Day na.

Ito na ang araw na magdedetermine kung karapat-dapat nga ba kaming mag-aral sa in-applyan naming university.

Dahil hindi ako mapakali kagabi, triny ko pa ulit magbasa ng mga lessons pero more on abstract reasoning naman. Mayroon daw kasing nagsabi kay Giselle na more on logical reasoning yung laman daw ng exam and yung mga ganong questions is kadalasang hindi nare-review. Tinetest lang niya yung capacity ng brain mo to solve something when put on a certain situation at kung gaano ka kabilis mag-isip. Syempre para ma-test ko kung hindi pa naman ako pumapalya sa mga ganon, nagtry ako magsagot ng mga sample questions kagabi bago ako matulog at halos tama ko naman lahat.

Fav ko kasi yung mga ganong tests.

"Anong oras exams niyo?"

Tapos na ako makaligo at nakabihis na rin ako nang bumaba ako para kumain. Naabutan ko si mama na naghuhugas ng mga plato at si ate Lisa naman ay kumakain habang nakatingin sa phone.

"Mamayang 11 pa, ma," sagot ko kay mama.

Naupo na ako sa hapag at nagsimula nang kumain ng almusal. Maya-mayang konti kasi ay aalis na rin kami nila Ning papunta doon sa campus.

"Sa tingin mo papasa ka kaya Wintot?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit ba nandito ka ate?"

Halos araw-araw ko na ata siyang nakikita dito sa bahay. Akala ko ba may trabaho siya? Baka naman wala nang trabaho 'tong kapatid ko.

"May trabaho pa ako Winter wag ka mag-alala. Mayroon pa akong pambili sa mga abubot mo."

Tama behavior. Chos!

"Eh bakit ka nandito?"

"Hindi naman required na pumunta akong office kasi pwede ko naman 'to magawa sa bahay. Work from home ika nga nila."

Tiningnan ko yung ka-itsurahan ni ate Lisa. Nakadekwatro siya at nakapatong yung isang paa sa upuan habang naka-messy bun. Suot rin niya yung reading glasses niya habang umiinom ng kape at nags-scroll sa phone niya. Hindi pa ata 'to naliligo.

Work from home ba tawag niya dito?

Bakit parang tambay ata ang right word?

"Ma, si Winter jina-judge na naman ako!" sumbungera talaga.

"Ma, si ate tinalsikan ako ng laway!" syempre isa rin ako.

"Hoy hindi kaya! Ang layo-layo ko kaya sayo," pagdedepensa niya.

"Ang tanda tanda niyo na nag-aaway pa rin kayo sa mga maliliit na bagay," saway samin ni mama pero hindi yon tinanggap ni ate.

"Ma hindi yon maliit na bagay kasi dignidad ko na yung nakasalalay."

Anong dignidad pinagsasabi neto?

"Eh kung pag-untugin ko kayong dalawa at palayasin ko kayo sa bahay?" Lumingon samin si mama nang nakangiti. Yung tipo ng ngiti na medyo nakakatakot at may banta, parang ganon yung ngiti niya.

Tapos naman na ako kumain kaya tumayo na ako para makaalis doon sa hapag.

"Ma, punta na ako kila Ningning doon kasi kami maghihintayan," paalam ko.

"Saan kayo sasakay? Tawagin ko ba si mang Berting para ihatid kayo?" binanlawan ni mama yung kamay niyang may sabon at saka nagpunas doon sa tuwalya.

"Wag na ma. Doon kami sasakay kay Karina, meron siyang sasakyan."

Nakikinig rin sa amin si ate kaya nakisali rin siya sa pinag-uusapan namin ni mama. "Ah sa kanya ba yung silver na vios na nakaparada doon kila Giselle?" tumango naman ako.

"As in sa kanya?" ulit ni ate. Unsure naman akong tumango. Siguro sa kanya yon kasi wala naman akong nakitang kumuha non all throughout ng stay niya dito sa barangay namin.

"Wow sana all," sabi nalang ni ate. Hanggang ngayon kasi nag-iipon pa rin si ate pambili ng dream car niya.

Halos mag-iisang buwan na rin pala si Karina dito sa barangay. Buti pumayag yung parents niya na sumama dito kay Giselle. Sabagay 2 years rin silang naging magkaklase and baka mas lumalim rin yung bond nilang dalawa to the point na trusted ka na rin ng parents ng kaibigan mo.

Parang kami lang ni Ningning. Kapag aalis ako dati at malayo ang pupuntahan ko, hindi talaga ako pinapayagan. Pero once na masabi ko kay mama na kasama ko si Ningning, halos itulak na ako palabas sa bahay ng nanay ko.

"O siya sige mag-ingat kayo don at bumili ka ng pasalubong pag-uwi mo," paalala ni mama.

"Ano bibilhin ko this time?" tanong ko. Cake kasi ang binili ko last time.

"Bili ka na lang ng pizza," sabi ni ate kaya nilahad ko yung kamay ko sa kanya. "Bakit yan?"

"Pera."

Syempre kapag magpapabili kayo, dapat bigyan niyo ko ng pambayad.

Dumukot naman si ate sa bulsa niya at binigyan niya ako ng buong 500 na agad ko namang kinuha.

"Thanks ate. Bye na!"

Kinuha ko na yung mga nakaready kong gamit at dumiretso na palabas ng bahay.

"Goodluck Wintot!" sigaw ni ate.

Pagkalabas ko sa gate namin nakita kong naghihintay na rin sa labas sila Ning. Parang katulad rin nung last time. Yung tree planting ata yon.

Pero that time, sinundo ako ni Karina.

Speaking of, hindi ko pa rin gets kung ano yung plano na sinasabi ni Ning kagabi.

“Bes alam mo kasi napaka-easy lang niyan. Kailangan lang natin malaman kung gusto ka ba ni Karina o hindi.”

“Paano naman?”

“You just need to act like yourself and the rest, ako na ang bahala.”

Yun lang talaga yung sinabi niya at after noon ay binaba na niya yung tawag kaya hindi ko talaga alam kung ano tumatakbo sa utak nitong kaibigan ko. Bahala nga siya dyan.

Nandoon na sa labas naghihintay si Giselle at Ningning pagkadating ko habang wala pa rin si Karina at Ryujin. Maaga pa rin naman kasi at maya-maya pa naman kami aalis.

“Winter’s here, hi Win!”

Itong si Giselle naman parang nahahawa na ata sa kaingayan ni Ning.

“Gi ang lapit ko lang hindi mo na ako kailangan sigawan.”

“Huy ready na ba kayo? Nagreview pa ata yang si Winter kagabi napakacompetitive talaga,” inirapan pa ako ni gaga.

“Kasalanan ko bang tamad ka magreview Ningning?” tinaasan ko siya ng kilay.

“Try ko na lang ulit magscan mamaya tutal hindi naman na tayo magcocommute katulad nung last time.”

Grabe talaga yung dinanas namin na pagcocommute dati. Feel ko nga ang haggard na ng itsura ko pagkadating namin sa campus noon. Inggit na lang talaga ako kay Karina kasi ang blooming pa rin niya tingnan dati.

Hindi na kami pinilit ni Giselle na magcommute ngayon kasi baka ma-late pa kami kung sakaling matagalan kami makasakay sa sakayan. Strict kasi sa time yung school sa mga magtetake ng entrance exams. Kapag late ka dumating, hindi ka na papapasukin sa loob ng campus. May nabalitaan kasi akong ganon. Na-late lang siya ng 5 minutes pero ayaw talaga siya papasukin ng guard. Sayang naman yung effort niya dati magpasa ng application tapos nawalan na siya ng chance na makapasa sa school kasi na-late siya sa mismong exam schedule.

Hindi rin nagtagal ay dumating na rin si Ryujin nang nakabike. Itinabi niya muna yung bike doon sa loob ng garahe nila Ning at saka niya kami nilapitan.

“Kinakabahan kayo?” tanong niya.

“Hindi, bakit naman?” sagot ko.

“Iba talaga si Winter sana all na lang confident na papasa.”

“Hindi rin kaya. Excited lang ako kasi baka may ma-meet tayong possible schoolmates if ever diba," pag-eexplain ko.

"Are you guys ready?" Lumabas si Karina mula sa gate nila Giselle. Tapos na rin siya magbihis so I think we're good to go.

Ewan ko lang pero feel ko may hinahanap yung mga mata niya nang makalapit na siya finally sa amin.

She smiled when our eyes met.

Naramdaman ko naman yung biglang pagkapit sakin ni Ning at mataman rin niyang tiningnan si Karina kaya na-conscious niyang iniwas ang mata samin.

"Ano ginagawa mo?" mahina kong bulong.

"Winter, ako ang mauupo sa passenger seat ah."

 

 

 

 

 

 

To be young and in love in New York City (in New York City)

To not know who I am but still know that I'm good long as you're here with me

To be drunk and in love in New York City (in New York City)

Midnight into morning coffee

Burning through the hours talking

 

Medyo malayo-layo pa naman kami papunta sa school kaya may time pa kami para mag-relax. Kasalukuyang nagdadrive si Karina habang nagkekwentuhan naman itong si Ryujin at Giselle tungkol sa kahihiyan na nagawa ni Ryujin dati.

Hindi ko rin naman sila masyadong pinakikinggan at nakatingin lang ako sa may bintana dito sa backseat. Ewan ko ba kay Ning at tinotohanan talaga na doon daw siya sa mauupo sa harap. Akala ko ba si Giselle ang gusto niya katabi? Ayon kasi ang sabi niya dati.

Ang sad lang kasi hindi ko katabi si crush. I blame Ningning.

Kakatago ko lang ng phone ko kasi baka ma-lowbat agad kung gagamitin ko siya ngayon. Ayoko namang lowbat yung phone ko kapag uuwi na ako. Baka mamaya biglang may tumawag or may mangyaring emergency tapos walang battery phone ko, ano na lang mangyayari sakin diba.

Joke.

Sa totoo lang tinago ko talaga yon kasi baka maadik ako sa tiktok. Nanonood kasi ako kanina. Kahit kasi umaabot ng 1 minute yung ibang video, nakakahook lang manood at baka malimutan ko pa mga nireview namin kahapon. Mahirap na 'no.

Nagkaroon rin kasi ako ng slight na kaba doon sa isang video na napanood ko. Hindi naman siya anything major pero tungkol kasi yon sa kukunin kong course.

Noong una natawa pa ako kasi ang sabi doon sa video nag-archi raw siya kasi ang cool pakinggan. Totoo naman.

Architect Winter Kim.

Shet. Ang sarap sa ears.

Chos!

Pero nang magstart ako magscroll sa comments bigla akong kinabahan ng medyo slight lang. May nabasa kasi ako na nagtatanong kung kailangan ba na magaling ka na magdrawing kapag magtetake ka ng architecture tapos may nagreply at ang sabi niya mas maganda kung may alam ka na kasi may mga profs na hindi na nagtuturo ng basics. So kumbaga, ikaw na mismo magtuturo sa sarili mo kung paano yon gagawin if ever.

Mama ko!

Kakayanin ko naman siguro ang hamon ng architecture, hindi ba?

Kailangan ko ng assurance

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
Ang tagal na rin pala simula nung last outtake 'no? Ito na rin siguro ang panghuli. Their story ends here but they will be remembered forever in our hearts. Hanggang sa huli🫶🫶

Playlist link: https://open.spotify.com/playlist/6L4yidJZLVZH8DXsbH4xMo?si=fkxMXpTkRzy5N9sMVEUWGA&dd=1

Comments

You must be logged in to comment
gomtokkim
2134 streak #1
Chapter 5: Miss ko na silaaa
Jillian_ #2
Chapter 45: Tapos ko na siya omg, mamimiss ko silaaaa
Jillian_ #3
Chapter 39: Hoy bakit ako naiiyak sa pag-alis ni Karina, parang mamimiss ko rin siya kahit hindi ko siya ka-barangay T^T
bigboy123
128 streak #4
#rr 👀🤭
Jillian_ #5
Chapter 17: OMG HSHDGGSJSKJHD
Jillian_ #6
Chapter 6: Ay, ‘yan ang gusto ko, nagpapahiwatig 🤩
dork_seulgi_k
845 streak #7
Chapter 37: iihhhh 🤸
AJMercado
#8
m
M_1412 #9
Chapter 26: Huyy 2521 din talaga naisip ko bigla sa scene na yon huhu cute nila
Sa wakas may label na ang mag babyyy
M_1412 #10
Chapter 20: Nahohomesick na naman tuloy ako sa bp😭