HKP: The Outtakes 4

Huwag Kang Pa-fall!
Please Subscribe to read the full chapter

Di Na Mag-iisa



“Huy tara sa friday ah. Clear niyo na sched niyo.”

 

“Gaga may klase kami.”

 

“Ah basta dapat pumunta tayo!”

 

Kasama ko ngayon ang mga kaibigan ko dito sa apartment. Lahat kami naghahanda nang umuwi sa sari-sarili naming mga bahay. Bigla kasing na-cancel ang mga face-to-face classes namin dahil sa transport strike na magaganap sa susunod na linggo. Dapat kasi pinaplano muna nang maigi ng mga namumuno dito sa bansa kung ano ang mga magiging epekto nito sa mga jeepney drivers bago nila ito isakatuparan. Marami rin kasing mawawalan ng trabaho kapag ginawa nila ito lalo na at malaki rin ang kailangang bayaran ng mga drivers sa mga modern jeep.

 

Kaya ayun, naisipan na lang naming umuwi na lang kung online class lang rin ang ganap dahil medyo matagal na rin ang huli kong uwi sa bahay. Naglaba na muna ako ng mga damit ko kahapon para wala na akong masyadong dalhin kapag umuwi ako. Hassle rin kasi na magbitbit pa ng mga labahin pauwi.  

 

“G ka Winter?”

 

“Oo basta G kayo.”

 

“Syempre minsan lang ‘to ‘no. Hindi na nga ako nakapunta dati.”

 

Kanina pa nag-aaya si Ningning na pumunta kami sa music fest na gaganapin sa susunod na linggo. Marami rin kasing inimbitahang banda ang butihin naming governor. Kasagsagan na rin kasi ng Festival dito kaya ang daming mga ganap dito sa lungsod. 

 

Syempre ako talaga yung unang naka-discover ng mga latest posts about doon dahil naka-follow ako sa facebook page tapos saka ko lang ni-relay ang mga information sa mga kaibigan ko. Ako nga rin yung unang nagsabi sa kanila sa mga bandang pupunta. But I guess mas excited pa sa akin si bes. 

 

“Sige tuloy na yan ah. Ang lapit-lapit na nga natin dito eh.”

 

Malapit lang kasi yung apartment namin doon sa venue kung saan sila magpeperform kaya pwedeng-pwede naman talaga kaming pumunta. 

 

“Paano ‘yan, uuwi tayo before Friday?” tanong ko naman.

 

“Oo, thursday siguro or sa mismong friday na lang kasi hapon pa naman ‘yon.”

 

“Sabagay.”

 

“Ryujin punta ka na kasi. Di pwedeng kami lang ni Win,” pilit pang kumbinsi ni Ningning sa dito sa isa.

 

“Gaga may 6pm class nga ako.”

 

 “Online class lang naman yon eh. Pwede ka magklase habang nandoon tayo,” pagbibigay pa niya ng idea.

 

“Hoy!” pinanlakihan siya ng mata ni Ryujin. “Pero pwede.” Nag-apir pa silang dalawa. 

 

“Wag na kayo mag-cancel ha.”

 

“Oo na.”

 

“Tawagin rin kaya natin sila Giselle? Si Karina rin!” Mabilis akong nag-react nang marining ko ang pangalan ni Karina.

 

“Oh bat ka sumisimangot? Di mo bagay bes.”

 

“Miss ko na baby ko,” malungkot kong sabi.

 

“Shuta ka eh parang kakakita niyo pa lang nung isang araw ah!”

 

“Hindi counted ‘yon.”

 

“Minsan talaga gusto ko na lang masuka tuwing nakikita kong ganito si Winter. Pwede bang i-kick out na lang natin siya Ning?”

 

“Pag inggkit, pikit,” asar ko sa kanya at nakuha ko naman yung reaction na gusto ko kasi mas nainis si bruha. “Pakyu.”

 

“Kamusta na ba kasi kayo ng special friend mo?” gatong pa ni Ningning.

 

“Shuta kayo ang tagal na non! Naka-move on na ako kay Yeji.”

 

“Hala siya nag-name drop na si bruha eh wala naman akong sinasabing pangalan diba bes?”

 

Natatawa akong sumang-ayon. 

 

“Oo nga wala namang sinasabi si Ning. Ikaw dyan yung nagsasabi ng pangalan eh.”

 

“Mga epal talaga kayo sa buhay ko.”

 

“Same. Epal ka rin sa buhay ko.”

 

“Oo na Winter. Oo na. Pero totoo namang naka-move on na ako eh.”

 

Pansin ko kay Ryujin these past few months, parang wala rin namang nagbago sa kanya. Except na lang siguro sa fact na hindi na siya masyadong nagyayaya maglaro ng COD ngayon dahil medyo nabi-busy na rin kami sa college life. Totoo nga talaga ang balita na mahirap nang makahanap ng maayos na time pag nagcollege ka. Depende na lang siguro kung magaling ka sa pagmanage ng time. 

 

“Oo na Ryujin naka-move on ka na. We know.”

 

Nabawasan na rin ang pagrarant sa amin ni Ryujin tungkol sa unrequited crush niya sa internet friend slash pinsan ni Karina na si Yeji kaya feel ko tapos na talaga si Ryujin sa one sided feelings niya sa kanya. Kung ano naman yung maging choice ni Ryujin, rerespetuhin ko naman. Ilang months na rin kasi ang nakalipas. Nasa second semester na kami this school year. Grabe parang kailan lang nung namomroblema pa ako sa pagpili ng course sa college tapos ngayon, malapit ko nang matapos ang 1st year.

 

“Hoy Ningning hindi naman effective yung bumble eh wala namang nagchachat sa ‘kin dun!”

 

Ang bilis lang talaga lumipas ng araw. Parang dati naglalaro palang kami ng tumbang preso sa labas ng bahay tapos ngayon nag-iinstall na sila Ningning ng dating apps.

 

Ako, syempre hindi ako kasali dyan.

 

Bakit pa ako mag-iinstall kung meron akong kilala na mas maganda pa sa mga dumadaan na pictures na sinu-swipe nila Ryujin.

 

Naalala ko na naman ulit tuloy ang bibe ko. Ang tagal na naming hindi nagkikita eh.

 

Eme!

 

Tama naman si Ning na kakakita lang namin kahapon pero bakit ba. Ganito talaga siguro yung feeling kapag nasa tamang tao ka. Going strong pa rin kami ni bibe hanggang ngayon. Enebe!

 

“Gaga malamang hindi talaga gagana yung bumble kung maghihintay ka lang dyan. Dapat ikaw rin yung manguna magchat minsan.”

 

“Katamad naman mag-initiate ng convo.”

 

“Kung ayaw mo e bakit kasi hindi na lang kayo ni bff.”

 

“Sisipain talaga kita Ningning sinasabi ko sayo.”

 

“Hindi pa ba tayo aalis? Late na tayo oh,” pagtawag ko sa atensyon nila. Kanina pa kasi kami nakatambay dito sa apartment eh wala naman na kaming gagawin.

 

“Itong si Winter atat na tayong paalisin dito.”

 

“Hoy ang init na kasi pag late na tayong uuwi.” Iniisip ko lang naman kasi ang kapakanan naming tatlo kapag umuwi kami. Ang init na sadaan tapos hindi pa healthy yung UV rays ng araw.

 

“Oo tara na kasi may gagawin pa pala ako pagdating ko sa bahay,” sabi ni Ningning at tumayo na rin siya.

 

“Anong gagawin mo?”

 

“Icha-chat yung bebe ko.”

 

“Beh timecheck wala kang jowa.”

 

Akmang babatukan na ni Ningning si Ryujin nang may lumikha ng katok mula sa pintuan kaya sabay-sabay kaming napatingin at doon namin nakita kung sino yung bisita.

 

“You’re not going home yet?”

 

“Kars!”

 

“Karina!”

 

“Bibe!”

 

Sabay na lumingon sa akin si Ryujin at Ningning nang sumabay rin ako magsalita sa kanila.

 

“Shuta ka Win hindi ka pa rin pala tumitigil sa bibe na yan.”

 

“Bakit? Ang ganda kaya ng bibe.”

 

“Bes halatang hindi na natutuwa si Karina oh," natatawang saad ni Ningning habang tinuturo ang jowa ko na nakatayo doon sa may pintuan.

 

Tiningnan ko si Karina at saka nagtanong. “Ayaw mo ng bibe?”

 

She shrugged. “Do I have a choice?”

 

“Baby naman eh,” ngumuso ako at saka lumapit sa kanya. “I missed you,” bulong ko and she smiled in return. “Did you sleep well?”

 

“Opo.”

 

“Okay tama na yan. Uuwi na talaga tayo final na. Ryujin tumayo ka na dyan," utos ni Ningning sa amin.

 

“Ang sakit nila sa mata ‘no Ningning?”

 

“Oo kailangan ko na talagang magpatingin sa doctor.”

 

"Wag ka mag-alala Ning ginagawa ni Rei ang lahat sa paghahanap ng forever mo sa Canada," pag-iinform ko. Yung huli ko kasing balita sa pinsan ko ay meron daw siyang nahanap na potential afam candidate para sa kaibigan ko.

 

Tinuro ako ni Ryujin. "Susumbong kita sa mama mo Winter kung ano anong inuutos mo kay Rei. By the way, pakisabi kay Rei hanapan niya rin ako."

 

"Isa ka rin eh!"







 

"Babe," tawag ko sa jowa ko.

 

Sabay dapat kaming tatlo nila Ryujin na uuwi ngayon pero hindi na ako sumabay sa kanila dahil nandito si Karina. 

 

We're currently driving pauwi sa amin. Ang sabi niya kasi ay free time naman niya ngayon and she wants to spend it with me at saka pareho rin kami ng set up ng classes next week dahil nasa iisang university lang naman kami.

 

"Hmm?"

 

Pinagmasdan ko lang si baby habang diretso siyang nakatingin sa daan. Bakit parang mas gumaganda siya lalo?

 

“Baby..”

 

“Yes?”

 

Nagpigil ako ng ngiti at hindi ulit nagsalita. 

 

“Babe.”

 

This time siya na yung nagtawag sa akin.

 

“Bakit?” tanong ko. Sumulyap siya sa akin. “You’ve been staring at me kanina pa.”

 

“Ah yun ba?"

 

“May sasabihin ka ba? You keep calling me kaya.”


At times like this, I don’t think I still really need to voice out my thoughts kasi feeling ko alam na ng jowa ko kung anong nasa isip ko.

 

“Let me guess, you’re thinking again how it’s too good to be true right?”

 

“Medyo?” 

 

Kasi totoo naman. Kahit ilang buwan na ang lumipas, parang hindi pa rin talaga nagsi-sink in sa akin na nandito si Karina at siya ang girlfriend ko. Kinikilig pa rin ako tuwing naiisip ko na ako talaga yung pinili niya. Totoo ba talaga 'to? Di ‘to joke?

 

“Babe kung sa tingin mo joke pa rin ’to then I wouldn’t be here driving you all the way to your house.”

 

May tama naman siya doon.

 

“And you’re the person I want to be with Winter, that’s why I’m still here. So please never think of anything that’ll make you question whether you’re the one I deserve.” Inabot niya yung kamay ko. “I love you.”

 

Grabe naman yun.

 

Lord, ano bang ginawa ko para bigyan niyo 'ko ng ganitong jowa?

 

Promise po araw-araw akong magpapasalamat sa inyo.

 

“Hey, did I say something wrong? You're quiet."

 

Wala naman siyang nasabing mali eh.

 

“Magdrive ka na nga dyan!” Saway ko sa kanya kasi tumatagal na yung tingin niya sa akin imbes na sa harapan.

 

“Baby, you’re blushing!” napaka-observer talaga nito oh.

 

Di ko naman na ide-deny.

 

“Oo na kinikilig na ako oo na Karina.”

 

She laughed. Ayan na naman siya sa nakakahawa niyang ngiti. Parang ang sarap lang titigan ng girlfriend ko buong araw. 

 

Ang swerte ko nga talaga.

 

“You know what?”

 

“Bakit bibe?”

 

Nakita ko yung pag-iba ng itsura niya nang marinig na naman niya yung name ko para sa kanya.

 

Hindi naman na 'to bago. 

 

Ilang months na rin kaya simula nung unang tawag ko sa kanya ng ganon pero I still get the same reactions from her. Wala na baby, ikaw na ang bibe ko.

 

"Baby naman."

 

"Yes bibe?"

 

"Hindi nga ako pato eh."

 

"Oo, kasi nga bibe kita.”

 

Hindi na siya nagsalita.

 

Hala nagtampo na ba 'to?

 

"Babe."

 

"Huy."

 

"Karina."

 

"You're calling me Karina?"

 

Luh?

 

"Bakit, name mo naman yun ah?"

 

"Don't call me Karina."

 

"Okay, bibe," final kong sabi. Madali lang naman akong kausap eh.

 

Ang lalim lang ng buntong hininga ni bibe. Natawa ako sa isip ko. Wala eh, mahal niya kasi ako.

 

“Ano ba kasi yung sasabihin mo dapat?”

 

“Nothing.”

 

“Weh? Sure ka?”

“No. I have chika pa man din sana.”

 

“Grabe babe nahahawa ka na talaga kila Ningning!”

 

She laughed and then playfully glared at me. “I don’t think sila Ningning ang dahilan nyan babe,” she jokingly pointed at me.

 

“Oo na ako na. Sino ba naman kasi ako para hindi magshare ng chismis sa’yo diba?”

 

“Anyway, the news came from our block. They said some students are taking credits sa plate na hindi naman nila ginawa. Sabi nila it was from another section. Freshmen din.”

 

Napasinghap ako sa narinig ko. Ang familiar ng chika ni bibe.

 

“Bibe parang alam ko kung sino yan.”

 

“Alam mo rin?”

 

“Of course. Basta mga ganyan alam ko yan,” kumindat pa ako which made her chuckle.

 

“Spill, babe.”

 

“Yung section na tinutukoy mo, section namin yun!”

 

“Really??”

 

Tumango ako, “Kaklase ko yung student na nagplagiarize at alam mo ba kung paano yung plate na pinasa niya?”

 

“Go on.”

 

“Pinicturan lang niya yung plate ng isa ko pang kaklase tapos inedit niya yung name na nakalagay doon sa title block para mailagay niya yung name niya doon tapos saka niya prinint. Exact na exact talaga yung itsura nung plate na pinasa niya doon sa kaklase ko. Hindi man lang nahiya si gaga.”

 

“Oh my, what happened doon sa kinopyahan niya?”

 

“Ayun nagsumbong siya doon sa prof namin. Sana nga mabigyan ng justice ni sir yung nangyari kasi pinaghirapan rin talaga yon ng classmate ko tapos i-eedit lang ng isa para magmukhang kanya. Hindi yun tama eh.”

 

“We really can't avoid such people in college talaga, so we should choose our friends wisely.”

 

“True. Ay babe kaibigan pala namin ni Ning yung may ari ng original plate.”

 

“Si Ely?”

 

“Oo tapos Trixie yung name nung nagprint ng plate niya.”

 

“Baby, are you sure it’s okay for me to know their names?”

 

Ay oo nga. 

 

Pero si jowa lang naman yan eh.

 

“Oo babe may tiwala naman ako sa’yo. At alam mo ba..!”

 

Saglit siyang lumingon sa akin habang nagdadrive. 

 

“Hmm?”

 

“Diba nga nakikita namin si Trixie sa campus. Bilib rin talaga ako sa kanya kasi grabe lang talaga yung confidence niya slash kapal ng mukha tuwing nakakasalubong namin siya. Parang walang nangyaring plagiarism eh babe dinadaanan lang niya kami lalo na si Ely.”

 

“If I was her, baka hindi na ako lumabas ng bahay because what she did was humiliating.”

 

“Tapos alam mo ba…!”

 

Karina laughed. “You really have so many stories to tell.”

 

“Bakit, ayaw mo?”

 

Pinisil niya yung kamay ko. “No, I really like it when you’re so eager to tell me your stories. I like listening to all of them kahit kadalasan doon is puro chismis.”

 

“Baby naman ginagawa mo naman na akong marites niyan,” simangot ko.

 

“Yeah, you’re my marites.”










 

Mabilis lang naman lumipas ang isang linggo. Parang nung isang araw lang ako umuwi sa bahay tapos babalik na naman ulit ako sa apartment.

 

Halos hindi ko rin naman nasulit yung iniisip kong bakasyon dapat. Online class lang naman ang ganap namin this week kaya akala ko mas mama-manage ko yung time ko pero imbes na mas magkaroon ako ng free time ay naubos lang yung oras ko sa paggawa ng mga plates na iniwan ng mga prof namin. Wala na talaga silang nagawang maayos sa buhay ko. Eme.

 

Ang tanging nilu-look forward ko na lang ay yung music fest this week. Friday na bukas kaya nae-excite na rin ako. Parang nafi-feel ko na nga rin kung paano ung excitement ni bes dito last week. 



Winter:    tuloy tayo bukas ah!!  @everyone

 

Ningning:     bes di raw makakapunta si ryujin

 

Winter:          at bakit?

 

Ryujin:          may klase ako teh sensya na

 

                      may ipapagawa daw kasi atang plate

 

                      hindi naman ako pwedeng gumawa doon

 

                       

Maka-cancel ba yung plano?



Winter:           ikaw ning, makakapunta ka?

 

Ningning:       bes sorry na!

 

                        baka di na rin ako matuloy kasi babalik ulit ako dito sa bahay sa saturday

 

                         as in gustong gusto ko talagang pumunta bes pero may mga unfinished tasks pa kasi ako dito eh

 

                     

 

(Messenger Notifications)

 

1 Message from ‘ikaw pa rin ang bibe ko’ arrived!





ikaw pa rin ang bibe ko:      baby i’m sorry but i might not be able to go with you guys to the music fest :((

 

                                               something came up with ate Joy kasi and she needs my help

 

                                               i hope you guys can enjoy na lang without me

 

                                               don’t forget to stay safe there okay?



Lahat na lang sila nagka-cancel. Eme!

 

Okay lang naman sa akin kung hindi sila makakapunta. Naiintindihan ko naman kung may iba pa silang gagawin. Wala naman kasi akong klase ng 5pm onwards bukas ng hapon kaya go-gora na lang siguro ako mag-isa.



Winter:     baby hindi na rin daw makakapunta sila ning

 

ikaw pa rin ang bibe ko:    hindi na kayo pupunta?

 

Winter:     sila lang

 

ikaw pa rin ang bibe ko:    you’ll go alone?

 

Winter:     oo babe. kaya ko naman 

 

                  i think it’s my sign to be a strong independent woman, charizz

 

ikaw pa rin ang bibe ko:      😆

 

                                                call me when you get there ha

 

                                                i promise hahabol ako

 

Winter:      bibe kung mahalaga yung gagawin mo, okay lang naman na hindi ka makapunta

 

ikaw pa rin ang bibe ko:    but i want to watch it with you..

 

Winter:         okay 👍

 

                      sino ba naman ako para pigilan ka

 

ikaw pa rin ang bibe ko:    silly

 

                                             babe?

 

Winter:        yes?

 

ikaw pa rin ang bibe ko:       why is my nickname like this?









At dahil isa akong strong, independent woman, mag-isa na lang akong bumyahe pabalik

sa apartment namin. Ako pa lang muna ang tao sa bahay dahil bukas pa makakabalik si Ryujin at sa linggo pa si Ning. Sana kayanin ko ang mga hamon sa akin na imaginary creatures mamayang gabi bago matulog. Ayan kasi Winter independent pa more. Sure naman akong walang multo dito pero medyo nakakatakot pa ring matulog mag-isa.

 

Pagkarating ko sa apartment, inayos ko muna yung mga dala kong grocery na ninakaw ko mula sa bahay para makatipid ako sa gastusin. Never ko naman kasing naimagine na ang gastos talaga lalo na kapag ikaw na mismo yung nagma-manage ng expenses mo.

 

Now that I think about it, parang ang dami ko ngang natutunan simula nung lumipat kami dito. Ang dami kong natutunan to the point na ready na akong maging housewife ng girlfriend ko. Eme!

 

Narealize ko na kaya ko naman pala kasing magluto ng mga pagkain basta ba may guide ako. Buti na lang at may youtube. Hindi ko talaga alam kung

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
Ang tagal na rin pala simula nung last outtake 'no? Ito na rin siguro ang panghuli. Their story ends here but they will be remembered forever in our hearts. Hanggang sa huli🫶🫶

Playlist link: https://open.spotify.com/playlist/6L4yidJZLVZH8DXsbH4xMo?si=fkxMXpTkRzy5N9sMVEUWGA&dd=1

Comments

You must be logged in to comment
gomtokkim
2142 streak #1
Chapter 5: Miss ko na silaaa
Jillian_ #2
Chapter 45: Tapos ko na siya omg, mamimiss ko silaaaa
Jillian_ #3
Chapter 39: Hoy bakit ako naiiyak sa pag-alis ni Karina, parang mamimiss ko rin siya kahit hindi ko siya ka-barangay T^T
bigboy123
133 streak #4
#rr 👀🤭
Jillian_ #5
Chapter 17: OMG HSHDGGSJSKJHD
Jillian_ #6
Chapter 6: Ay, ‘yan ang gusto ko, nagpapahiwatig 🤩
dork_seulgi_k
852 streak #7
Chapter 37: iihhhh 🤸
AJMercado
#8
m
M_1412 #9
Chapter 26: Huyy 2521 din talaga naisip ko bigla sa scene na yon huhu cute nila
Sa wakas may label na ang mag babyyy
M_1412 #10
Chapter 20: Nahohomesick na naman tuloy ako sa bp😭