Chapter 20 - By Pair

Huwag Kang Pa-fall!
Please Subscribe to read the full chapter

“Grabe na talaga ‘to. Ganito ba talaga kapag kabit lang?”

Nakarating na rin kay Ryujin ang balita.

Hindi ko alam kung saan niya nalaman pero paniguradong kay Giselle.

Kaya ayun. Nag-inarte si bruha at kinulit ako na samahan ko daw siya mag-ukay. At para maki-chismis na rin if I may add.

“Hoy hindi kaya. Sasabihin ko naman talaga sayo yun,” dahilan ko. Totoo namang sasabihin ko rin ito sa kanila pero hindi lang talaga ako nakahanap ng tamang timing.

“Nauna pa talaga malaman ni Giselle. Ang unfair ha, sayo ko kaya kinekwento yung mga crush ko,” at nagtampo na nga siya.

Nilapitan ko naman siya at ikinawit ko yung braso ko sa braso niya. “Sorry na bebe ko. Pa-kiss nga.”

“Yuck Winter totropahin!”

Grabe iwas na iwas yan?

“Ryujin wag mong sabihin na kabit ka lang. Everytime na maiisip mo na kabit ka lang, always remember na we appreciate you so much and proud kami sayo,” seryoso kong sabi. Napakamotivational non pero hinampas niya lang ako.

“Gaga ka talaga.”

Nag-ikot ikot muna kami saglit kasi maaga pa naman at hindi pa naman kami masyadong gutom. Hindi lang naman ukay ang ipinunta namin sa bayan. Siguro gala na rin tapos kakain ganon.

Ewan ko ba kay Ryujin. Siya naman kasi nakaisip nito. Hindi na daw kasi kami nagkakaroon ng bonding time na dalawa kaya sinundo ako ni bruha kanina sa bahay.

If I know, makikichismis lang talaga ‘to. Hindi lang sila Ning at Giselle ang nahawaan ng chismosa virus.

“Ano bang plano mong bilhin?” tanong ko dito sa kasama ko.

“Hindi ko rin alam,” sagot niya. “Ikaw ba may bibilhin ka ba?”

“Siguro kung may makita ako.”

Napakarami ko ng damit sa bahay according kay momshie. Pero bakit tuwing naghahanap ako ng susuotin, wala akong masuot?

Ganito siguro kapag tumatanda na, nagkakaroon na tayo ng consciousness sa mga sa sarili natin lalo na yung way ng pananamit. Hindi naman kasi ako ganito dati. Kung ano lang yung makita kong pair ng damit, iyon na ang isusuot ko.

People change nga naman siguro. Dati nga laruan lang lagi kong binibili, ngayon mas nagfofocus na ako sa mga useful na bagay. Yung mga bagay na magagamit ko sa sarili ko for a long period of time para sulit yung binayad ko hindi yung mahal pero sandali ko lang siya magagamit. Ang hirap kaya magkaroon ng pera these days.

 

I hopped off the plane at L.AX

With a dream and my cardigan

Welcome to the land of fame excess (woah)

Am I gonna fit in?

 

“Kain na kaya muna tayo? Malapit na rin magtanghalian,” suggest ni Ryujin. Kanina pa kasi kami naglalakad at nagtitingin ng pwedeng bilhin na damit pero wala pa rin kaming napipili. Mag-uukay na nga lang pero ang hirap pa rin pumili.

“Sige, saan ba tayo kakain?”

“Ikaw.”

“Anong ako?”

“Ewan ko rin.”

Ito na nga ba ang sinasabi ko tuwing naiiwan kaming dalawa na magkasama ni Ryujin.

Hindi kami nagkakaroon ng maayos na desisyon.

“Ryu ikaw na magdecide.”

“Ikaw na Winter.”

“Bahala ka na. Gora ako kahit saan.”

 

My tummy's turnin' and I'm feelin' kinda homesick

Too much pressure and I'm nervous

That's when the taxi man the radio

And a Jay-Z song was on

And a Jay-Z song was on

And a Jay-Z song was on

 

Tumango siya. “Sige, saan ba gusto mo?”

“Kahit saan naman oks lang. Ikaw ba?”

“Kahit saan rin.”

Ayoko na please.

“Alam mo Winter hindi tayo makakausad dito kung di tayo makakapagdecide agad,” siya pa talaga nagsabi.

“Ryu alam mo mas maganda kung ano na lang una nating madaanan, doon na lang tayo kumain,” suggest ko. Lagi naman yang gumagana and sana lang matino yung una naming madaanan. Gusto ko kumain ng kanin ngayon.

“Alam mo tama ka dyan Win.”

Naglakad lakad lang kami hanggang sa madaanan namin yung mang-inasal. Nasa harap pa lang kami ng store pero naaamoy ko na agad yung mga inihaw na manok.

Ako na yung nag-order para sa aming dalawa habang si Ryujin naman yung naghanap ng mauupuan namin. Pagkakuha ko ng order number namin ay nilapitan ko na siya. Nandoon siya sa may bandang gilid. Maganda kasi mga upuan doon.

"Magkano binayad mo?" Inabot niya sa akin yung pera niya at sinuklian ko. Ako muna kasi yung nagbayad at babayaran na lang daw niya after.

"Ikaw rin pala yung nagbayad kanina ng pamasahe natin 'no? Ako na lang magbabayad ng pamasahe mo mamaya pauwi," sabi niya. Tumango ako. Dapat lang.

Nilabas ko yung phone ko.

 

(Sat, 8:30 A.M.) Karina:      i saw you going somewhere with ryujin earlier

                                                          ingat kayo :))

 

Hala ngayon ko lang nakita.

 

(Sat, 12:01 P.M.) Winter:       ngayon ko lang nabasa huhu may msg ka pala 😭

                                                            nag-ukay kami hehe

                                                             pero wala pa rin kaming nabibili hanggang ngayon🤧

(Sat, 12:01 P.M.) Karina:       haha it's okay

                                                            it's lunchtime na, are you eating rn?

(Sat, 12:02 P.M.) Winter:      yep inaantay na lang namin yung food

(Sat, 12:03 P.M.) Karina:      okayy

(Sat, 12:04 P.M.) Winter:      kain ka na

(Sat, 12:04 P.M.) Karina:      of course silly >_<

 

Nakangiti kong tinago yung phone ko. Hindi ko napansin na nakatingin na pala sa akin si Ryujin at may nagbabadyang ngiti sa labi.

"Si Karina yan 'no?"

"Hindi 'no," humalukipkip ako. Tumingin ako sa counter. Bakit ang tagal ng order namin?

"Beshie dito ang tingin," kinatok niya yung table sa harap ko.

"Beshie ba kita?"

"Oh sige bebe ko," pagre-rephrase niya. Natawa kaming dalawa.

Napailing na lang ako, "Nakakacringe Ryu tumigil ka nga."

"So ano kailan pa naging kayo?"

"Gaga ka."

"Bakit? Tinatanong lang naman kita. Grabe I can't believe ikaw pa unang magkakajowa sa ating magkakaibigan. "

"Gaga hindi. Hindi kami."

Nagulat naman si Ryujin doon. Wait, ang alam niya ba all this time ay may jowa na ako?

"Weh talaga ba? Eh ano kayo? MU?"

MU nga ba kami?

Naalala ko yung last time na tumawag siya sa akin. Ayun yung day na ipinakilala si ate Jennie.

"Karina?"

She hummed on the other side. "Yes?"

Medyo naging malikot yung paningin ko at nagstart akong magkalikot ng kung ano ano sa kama kahit hindi niya ako nakikita. "Uhm gusto ko lang sanang itanong.."

"About us?" pagpapatuloy niya. Pano niya alam?

Tumango ako, tapos naalala kong hindi pala niya ako nakikita, "Oo?"

"Winter, I think you already know my feelings for you and uhm…" she paused.

"We're on the same page, Karina," tuloy ko, medyo nahihiya. Ano ba Winter, ayusin mo. "Medyo matagal na rin siya actually and I'd like to get to know you more kung gusto mo lang naman. Hindi naman kita pinipilit," disclaimer ko pa sa kanya tapos narinig ko pa siyang natawa sa kabilang linya.

"I think we're also on the same page with that," sagot niya. Ano ba kinikilig ako!

"One last question," sabi ko. "Kasi.."

"Kasi nga.." ulit ko pa.

"We'll be exclusive, right?" si Karina na yung nagvoice out ng thoughts ko.

"Oo, if that's okay with you lang naman."

"It is more than okay for me, actually."

"Oo," sagot ko.

Tiningnan lang ako ni Ryujin ng may halong inggit, "Edi sana all na lang."

Sinerve na yung inorder naming manok kanina kaya nag-start na rin kaming kumain.

Buti na lang yung thigh part yung napunta sa amin kaya marami-rami rin ata yung makakain ko.

Ibinuhos ko na yung chicken oil sa kanin.

"Huy."

"Ano?"

"Magkwento ka, duh," Siya pa talaga may ganang mang-irap sa akin eh nagpapakwento lang naman siya.

Buti na lang mabait ako ngayon kaya kinwento ko na sa kanya yung nangyari mula simula.

Nandoon na kami ngayon sa part noong na-meet namin si Jeno.

"Alam mo kainis talaga kayo. Hindi niyo man lang ako tinawag,” may pagkadismaya sa tono niya. “Saka hindi ko pa nami-meet yang Jeno na yan ah, balita ko nilibre raw niya kayo nanghihinayang ako kasi sayang yung libre tsk,” dismayado na talaga siya kasi hindi siya nalibre.

“Bruha ka talaga.”

“So ano nang nangyari after non?”

“Ayun, sinabi niya sa akin na sinabi niya kay Jeno na may iba siyang gusto,” Naalala ko na naman yung time na bigla niya akong tinawagan.

"Sinabi na ba niyang gusto ka niya after non?"

"Huh?"

"Si Karina, sinabi na ba niyang gusto ka niya?"

Umiling ako.

"Eh ikaw umamin ka ba that time?"

Hindi ulit ako nagsalita.

Tiningnan lang ako ni Ryujin. Yung tingin na parang may pina-process siyang math equation sa utak niya.

"Hindi ko kayo gets!"

Natawa ako. Pareho sila ng reaction ni Ning.

Siguro nga iba kami ni Karina sa ibang mga tao.

Pero pareho naman kaming may idea sa nararamdaman ng isa't isa. Alam ko yun kasi nakikita ko yung mga signs and nakapagusap at nagkaroon na rin kami ng linaw tungkol doon.

Now i

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
Ang tagal na rin pala simula nung last outtake 'no? Ito na rin siguro ang panghuli. Their story ends here but they will be remembered forever in our hearts. Hanggang sa huli🫶🫶

Playlist link: https://open.spotify.com/playlist/6L4yidJZLVZH8DXsbH4xMo?si=fkxMXpTkRzy5N9sMVEUWGA&dd=1

Comments

You must be logged in to comment
gomtokkim
2139 streak #1
Chapter 5: Miss ko na silaaa
Jillian_ #2
Chapter 45: Tapos ko na siya omg, mamimiss ko silaaaa
Jillian_ #3
Chapter 39: Hoy bakit ako naiiyak sa pag-alis ni Karina, parang mamimiss ko rin siya kahit hindi ko siya ka-barangay T^T
bigboy123
131 streak #4
#rr 👀🤭
Jillian_ #5
Chapter 17: OMG HSHDGGSJSKJHD
Jillian_ #6
Chapter 6: Ay, ‘yan ang gusto ko, nagpapahiwatig 🤩
dork_seulgi_k
850 streak #7
Chapter 37: iihhhh 🤸
AJMercado
#8
m
M_1412 #9
Chapter 26: Huyy 2521 din talaga naisip ko bigla sa scene na yon huhu cute nila
Sa wakas may label na ang mag babyyy
M_1412 #10
Chapter 20: Nahohomesick na naman tuloy ako sa bp😭