Chapter 37 - Sleepover

Huwag Kang Pa-fall!
Please Subscribe to read the full chapter

“Bes chinat ka na rin ba ni Chaewon kung kailan idedeliver yung order natin?”

We were hanging out ngayon dito kila Ningning. I don’t know exactly kung anong purpose namin ngayon. Mema lang siguro. 1 week from now, enrollment na. Nagdecide na akong i-take yung architecture. Medyo kinakabahan ako but it’s okay. Sabi nga nila part yan ng buhay at kakayanin ko ang hamon ng buhay.

Nagchat sa akin kagabi si Chaewon na ngayon daw siya magsstart magdeliver ng mga orders tapos iinform na lang niya ako kung malapit na siya dito sa amin.

“Pakuha ng dog tag mga teh.”

"Wait, I’ll go there.”

“Gi isama mo si Karina kapag pupunta ka, matatalo ka dyan bahala ka.”

“Fine!”

“Luh bat ka galit?”

“I’m not galit.”

“I’m nOt gAliT,” pag-mock ni Ryujin.

“Ako na lang ang pupunta,” I said in finality tapos sumakay ako doon sa atv na nakita ko di kalayuan.

On the way na ako para kuhanin yung dogtag ni Ryujin.

“Bahala ka dyan Win mamamatay ka.”

At namatay nga ako.

“Edi wow!”

“Eh kung pansinin niyo kaya ako!”

Lahat kami napatingin dito kay Ning.

Naglalaro kasi kaming apat ng COD kaya busy kami tumingin sa screen. Hindi kasali si Ningning kasi hindi naman siya naglalaro ng ganon kaya daldal lang ang ambag niya.

“Kanina pa kaya ako nagsasalita tapos hindi kayo namamansin,” sinamaan niya kami ng tingin. Oo nga pala hindi ko pala siya nasagot kanina.

“FO.”

“FO daw pala, tara na,” tumayo na si Ryujin kaya nakigaya naman kami para asarin si Ning.

“Ganyan kayo ah,” she rolled her eyes.

“Tao po!”

Yung mga tahol na ni Bruno yung narinig namin pagkatapos non.

“Si Chaewon na ata yan,” sabi ni Ning tapos mabilis na lumabas. Sumunod rin ako sa kanya at iniwan ko na yung nilalaro ko para makuha ko na rin yung mga in-order ko kay Chae.

“Ryu pabantay, alis muna ako.”

Lumabas rin ako sa gate tapos nakita ko na yung naka-park na hilux nila Chae sa gilid ng kalsada. Taray naman niya magdeliver.

Bumukas yung sasakyan tapos lumabas doon si Chaewon na hawak yung in-order ni Ningning. Nagulat pa siya nang makita niya na nandoon rin ako.

“Luh bat nandito ka Winter? Pupuntahan pa lang kita doon sa bahay niyo eh.”

“Dito na. Kunin ko na rin yung akin,” sabi ko naman.

“Ay? Demanding?” sabi niya pero kinuha rin naman niya nonetheless yung orders ko.

Pagkabalik niya, agad ko namang kinuha yung hawak niya tapos saka ko inabot yung bayad.

“Yan, thank you Chae.”

“Sige, thank you rin sa inyo. Alis na ko ah magdedeliver pa kasi ako,” paalam niya tapos bumalik na siya sa sasakyan. Inantay muna namin ni Ning na makaalis sila bago kami pumasok ulit sa loob.

Kung makatingin naman yung aso nila Ning sa akin habang pabalik kami, parang gusto ulit akong kagatin.

Buti na lang hindi yon nangyari.

Agad akong lumapit kay Karina pagkapasok namin tapos saka ko binigay sa kanya yung in-order niyang pagkain.

“Thank you.”

Busy pa rin sila maglaro ni Giselle. Silang dalawa na lang yung buhay. Hindi na nila kami na-revive ni Ryujin.

“Masarap naman pala yung benta ni Chaewon. Tikman mo bes,” nilalantakan na pala ni Ning yung pagkain niya. Nacurious naman ako sa sinabi niya kaya binuksan ko na rin yung akin.

Yung matcha crinkles yung una kong tinikman.

Wow.

Unang kagat, ubos ko agad yung isang piraso.

Masarap nga.

Iba yung lasa niya doon sa mga karaniwang binebentang crinkles. Ano kaya secret ingredient nito? Baka alam ‘to ni ate Rosé. Try ko nga magpaturo gumawa next time.

“Ah,” inilapit ko kay Karina yung bagong piece ng crinkles tapos sinubuan ko siya. “Sarap ‘no?”

I saw how her eyes widen, “It tastes good!”

“Talaga? Can I taste it?” sabi ni Gi tapos ngumanga rin siya. Mabait ako ngayon kaya nilagyan ko na rin ng pagkain yung bunganga niya. Hindi pa rin sila tapos maglaro. Road to number 1 na ata ‘to.

“Kaya niyo yan mga lodi pabuhat na lang,” pagcheer ni Ryujin.

“Hoy nagchat sa’kin si Chaeryeong nagyayaya mag-sleepover,” sabi ni Ningning habang nagta-type sa phone niya.

“Saan daw mag-sleepover?”

“Doon daw kila Yuna. Tinatanong niya kung gusto niyo raw sumama.”

“Tara,” payag agad si Ryujin.

“Ano? Payag kayo?” tanong sa amin ni Ning.

Mukhang hindi naman masama maging FC minsan kaya sige sama na lang ako tutal sila naman yung nag-aya. Approachable naman yung mga friends ni Chaeryeong so I think we can get along well.

“Okay lang naman sa akin. Rina, are you fine with it? Kasama natin sila Chaeryeong.”

Sumilip ako sa phone ni baby. Tapos na silang maglaro ni Gi. They ranked number 1 sa match.

“It’s okay, I also like to meet your friends.”

“Sige sabihin ko payag kayo ah.”

“Kailan daw ba?”

“Sa Friday daw.”

“Sino pa yung kasama?”

“Tatlo lang sila. Sila Chaeryeong, Yuna, tapos si Daehwi.”

Wednesday pa lang naman ngayon. May 2 days pa ako para magpaalam kay mama.

 

 

 

 

 

At successful nga yung nagawa kong pagpapaalam kay momshie after ng sangkaterbang tanong niya tungkol sa pupuntahan naming bahay at kung sino mga kasama ko.

Ang dami niyang tanong na kesyo baka raw uminom kami, which I think baka nga talaga iinom kami. Naririnig ko kasi sila Ningning na nagpaplano noong wednesday na bumili ng soju before daw pumunta kila Yuna. Hindi naman namin plano maglasing kasi baka magising kaming may hangover kinabukasan tapos magalit pa yung parents ni Yuna.

Nakahanda na nga yung mga dadalhin kong damit. Nag-assign rin kaming tatlo nila Ningning at Ryujin ng mga dadalhing skin care. Sa akin napunta yung sunscreen, kay Ryujin naman yung facial wash tapos si Ningning yung magdadala ng moisturizer para hindi mapuno yung bag. Napakapraktikal talaga namin kapag sa mga ganitong bagay.

Medyo na-eexcite rin ako sa gagawin namin eh.

“Ma alis na ‘ko!” paalam ko kay mama. Kumakain kasi siya doon sa kusina.

“San punta mo Wintot?” Nandito rin nga pala si ate. Nanonood siya ng TV nang dumaan ako sa harap niya na may bitbit na backpack.

“Lalayas na ako,” sagot ko sa kanya at dumiretso na ako palabas.

“Wag ka nang babalik!” sigaw ni ate nang makalabas na ako sa gate.

“Bye!”

Pagkabukas ko ng pintuan nila Giselle ay sakto ring palabas yung mama niya.

“Mags-sleepover daw kayo anak?”

“Opo Tita mag-aantayan lang po muna kami nila Ningning dito tapos aalis na rin po kami maya-maya,” sagot ko.

“Oh…” Tumango-tango si tita. “Kasama niyo ba sila Chaeryeong?”

“Opo.”

“Paano kayo pupunta kila Yuna?”

Another Q and A sesh na naman ba ito aside sa ginawa sa akin ni momshie kahapon?

“Kikitain po muna namin sila sa bayan kasi may bibilhin pa po kaming pagkain bago po dumiretso doon kila Yuna.”

“Magco-commute ba kayo?”

Siguro? Kung sa car kasi kami ni Karina sasakay, hindi kami kasya lahat kasi walo kaming magkakasama mamaya.

“Baka po magcommute kami tita.”

“Ay ganun? Sabagay if you’ll use Rina’s car, hindi kayo kasya doon.”

“Oo nga po eh.”

So anong pinapatunayan ni tita Cherie?

“Do you want to use our car? I’m sure alam naman ni Rina i-drive yon and pwede niyo na ring isakay doon sila Chaeryeong,” offer niya. Hala anong sasabihin ko?

“Ay hala tita thank you po. Sabihin po namin yan ni Win kay Karina,” napalingon ako tapos nakita ko si Ningning na naglalakad palapit sa amin ni tita. Nakikinig rin pala si gaga sa usapan.

“You can ask Gigi for the keys. Alam naman niya kung saan yon nakalagay. I’m going somewhere muna mga iha.”

“Sige po tita.”

Sinilip muna namin yung mama ni Giselle hanggang sa makalabas siya sa gate.

At tumawid siya sa kabilang kalsada papunta sa bahay nila Ningning.

“Bes narinig ko kanina si mama tinawagan niya si tita Cherie. Mukhang may chismis na namang nalaman si mama dito sa barangay kaya tinawag niya yung mama ni Gi.”

No wonder hawig talaga ni Ning yung nanay niya. It’s in the genes.

Pumasok na kami para masabi kila Giselle ang mabuting balita. Nagdrama pa si Giselle na kesyo bakit daw mas may tiwala pa yung mama niya kay Karina kaysa sa tunay na anak. Napailing na lang ako. Wag ka mag-alala Giselle. Ganon rin si mama kay Ningning. Minsan naiisip ko baka nagkaroon ng palitan ng anak sa ospital noong mga bata pa lang kami kaya ganito. Charot lang.

Umalis na agad kami pagdating ni Ryujin. Nagtaka pa si bruha kung bakit doon kami sumakay sa SUV nila Giselle tapos inexplain rin naman namin yung mga nangyari kanina sa pangunguna ni Ningning.

 

 

 

 

 

“Uy hello!” Kumaway sa amin si Yuna pagkakita niya sa amin. Katabi niyang nakaupo sila Chaeryeong at Daehwi.

Binati rin naman namin sila, “Hello rin!”

Napatingin sila dito sa gawi ko. Katabi ko kasi si Karina.

“Hi,” bati ng girlfriend ko sa kanila. They didn’t say anything tapos tiningnan nila si Gi.

“Hoy Giselle ipakilala mo naman kami.”

“Oh sorry,” mukhang natauhan naman si Giselle. She gestured her hand at them, "Rina, this is Chaeryeong, Yuna, and Daehwi.”

“Hi!” nagwave ulit sila.

“Chaeryeong, Yuna, Daehwi, this is Karina, our friend, and she’s also Winter’s girlfriend,” pakilala ni Gi tapos mas naging attentive siya kay Chaer. “She’s taken na ha. Wag mo na siya gawing crush.”

“Hoy grabe ka naman Giselle loyal ako sa crush ko ‘no!”

“Hala same!” sang-ayon ni Ryujin. Naging interested naman ‘tong si Chaeryeong sa sinabi ni Ryujin.

“Hoy sino crush mo?”

“Secret bat ko sasabihin sa’yo,” tinakpan pa ni Ryujin bunganga niya.

“Edi wag di naman kita pinipilit,” inirapan siya ni Chaer.

“Forda go na ba?” tanong ni Daehwi. Nakatayo lang kasi kami dito. Maaga pa lang naman siguro mga ala-una pa lang ng hapon. Hindi ko na alam ang susunod na gagawin namin after namin mamili ng pagkain pero may narinig akong nagpaplano silang magswimming kami kasi malapit lang ang bahay nila Yuna sa resort. Sa likod lang ata ng bahay nila yon.

“Tara na forda go na. Mabilis lang lumipas ang oras,” sang-ayon ni Chaeryeong.

Sila yung nangunguna maglakad habang nakasunod naman kami ni Karina kasama yung mga shunga sa likod nila. Dadaan daw muna kami sa savemore para bumili ng mga snacks tapos pupunta mamaya sa Korean Mart para bumili ng ramen.

Habang naglalakad nga kami, hindi ko maiwasang mapatingin sa suot nila Yuna tapos titingnan ko naman yung suot namin nila Ningning.

“Babe,” tawag ko.

She hummed, “Hmm?”

“Tingnan mo yung suot nila Yuna,” mahina kong sabi tapos tinuro ko yung tatlong naglalakad sa harap namin. Karina looked at them tapos binalik niya yung tingin niya sa akin, “What about it?”

Natawa ako then I gestured naman sa suot namin.

“Tingnan mo yung suot natin tapos yung suot nila. Nakita mo na ba?”

“Oh,” she giggled.

Para kasi kaming overdressed masyado compared sa kanila na nakasimple pambahay clothes lang. Naka-mom jeans at crop top pa si Ning, ako naman naka-trousers at shirt, si Ryujin naka-jeans at shirt na pinair niya ng oversized polo, si Giselle nakadenim short tapos naka-tuck in yung shirt, pareho sila ng jowa ko ng suot. Galang-gala lang ang peg namin. Kung itatabi kami kila Chaeryeong, kami yung mga istetik.

Napailing na lang ako sa napagtanto. Bahay lang naman yung pupuntahan namin pero bakit nagdamit pa kami ng ganito.

After namin bumili ng snacks, dumiretso na kami sa next stop, yung Korean Mart, para makabili ng ramen tapos sa 7 Eleven naman daw yung next pag bibili ng soju kasi mas mura daw doon.

“Gi palagay nga muna sa bag mo yung phone ko.” Binigay ko na kay Giselle yung phone.

“Ayoko nga Winter,” biglang sabat ni Chaeryeong.

“Ikaw ba si Giselle?” sabi ko naman.

“Ugs burn!”

“Forda burn si Chaer ni Winter.”

Inasar-asar pa nila si Chaeryeong habang nagtitingin kami ng pagkain.

“Chaer pahawak nga muna, kukuha lang ako ng pambayad.” Si Giselle kasi yung nakatoka magbayad muna dito sa ramen tapos babayaran na lang namin sila kapag nakarating na kami kila Yuna.

“Wag na Giselle kaya mo na yan,” sabi niya pero kinuha rin naman niya yung plastic bag na hawak ni Gi.

Pansin ko dito kay Chaeryeong mahilig siyang mang-asar. Akala ko nung una, ako lang yung inaasar niya pero halos lahat pala kami, may nasasabi siya. Ito siguro ang favorite pass time niya.

Nakarating na kami sa 7 Eleven at nakabili na rin kami ng soju. Nakalagay lang kasi siya sa paperbag kaya ako yung naghahawak. Winarningan pa kami ni Yuna na wag daw patutunugin mamaya yung mga bote kasi hindi daw alam ng parents niya na nagbabalak kaming uminom. Tatlong bote ata yung binili namin tapos yung isang litro ng sprite at yung isang package ng delight. Medyo marami-rami na rin yon.

“Forda go na ba tayo kila Yuna?” tanong ni Daehwi.

“Forda go na teh tara na.”

“Magcocommute tayo ’no?”

“Hindi may sasakyan tayo,” sabi naman ni Ningning.

“Huh? Saan?”

“Yung SUV nila Giselle.”

Gulat nilang tiningnan si Giselle.

“Nagdadrive ka Giselle?”

“No, Rina will drive. Muntik ko na kasing mabangga yung sasakyan dati kaya hindi ako pinapayagan magdrive,” explain niya.

“Deserve,” mabilis na sabi ni Chaeryeong.

Feeling ko mananapak na si Giselle anytime now.

Pagkarating namin kung saan naka-park yung car, we settled on our seats na agad.

“Winter doon ka na sa harap,” sabi ni Chaeryeong. “Tabi ka na kay Karina.”

“Hindi ko tinatanong,” sabi ko agad tapos binuksan ko na yung pinto ng front seat at umakyat na doon.

“Edi wow Winter!” nasabi na lang niya. Rinig ko pa rin kasi siya sa labas kahit nasarado ko na yung pinto. I saw Karina laughing as well.

“You burned her well, babe.”

“Deserve niya yan,” sabi ko naman. “Kanina pa niya ako inaasar eh.”

“Grabe Winter porket may jowa ka lang,” sabi ni Chaeryeong pagkapasok niya sa car. Dalawa kasi yung row ng upuan sa likod ng driver’s seat. Sa last row naupo sila Chaer katabi sila Yuna habang yung tatlong shunga naman yung magkakatabi sa likod namin.

“Mainggit ka,” sabi ko pa.

“Alam mo ikaw—”

“Forda go na bhie.”

Naputol yung sasabihin sana ni Chaer nang sinabihan na kaming umalis na papunta kila Yuna.

Alam ko naman yung daan kasi nakapunta naman na ako kila Yuna dati so ako na lang yung nagtuturo kay Karina habang nagkikipagchikan yung mga kasama namin sa likod ng mga gagawin namin mamaya.

 

Rampamparira, rampamparirara

Rampamparira, rararararararara

Rampamparira, rampamparirara

Rampamparira, para

 

Ang ganda ng song. I wonder ano title nito.

I looked at the car window at nag-lean doon. Hindi pa naman masyadong need ni Karina ng directions dahil dire-diretso lang naman ang tinatahak naming daan sa highway kaya I let the music fill in my ears muna.

 

You fill my heart with joy everyday

You make me smile more than words could ever say

You play my love like a Spanish guitar

Plucking the strings that connect to my heart

Take my hand and let the music play

 

Naririnig kong nagsasalita sila Giselle sa likod pero di ko sila pinapansin. Feeling ko kasi nasa music video ako. Nangingiti lang ako dito mag-isa. Ewan ko kung bakit.

 

Round and around we go, when will we stop,

Who knows

Round and around we dance, I'll never stop,

Falling in love with you

 

May naramdaman akong humawak ng kamay ko.

Nag-angat ako ng tingin and I saw Karina. Nakatingin lang siya sa harap tapos hawak niya yung kaliwang kamay ko na nakapatong sa hita ko.

I stopped leaning sa bintana at umayos na ako ng upo. I tightened my hold in her hand tapos ipinatong ko yung kamay namin sa pagitan ng compartment para hindi siya mahirapan mag-adjust.

Napansin ko pa yung maliit na ngiti niya nang maramdaman niya yung ginawa ko.

Inalis ko na yung tingin sa kanya pero hindi ko pa rin pinagbibitaw yung dalawa naming magkahawak na kamay habang nakatingin sa bintana.

Malapit nang matapos yung song kaya agad kong in-open si google para malaman ko agad yung title at ma-add na siya sa playlist. I’m planning to add it sa playlist namin ni baby. Parang every week ata may bagong song na nadadagdag doon and I’m not complaining kasi ang ganda pareho ng music taste namin. I’m sure gusto rin ni Karina itong bagong song na in-add ko.

Falling In Love by Us The Duo.

I like the title.

I smiled inwardly.

"Grabe naman feel na feel ko talaga yung pagka-single ko."

Lumingon ako sa likod tapos nakita kong ngumingiwi si Ryujin.

Mukhang nakuha naman niya yung atensyon nila Chaeryeong kasi nakisilip rin sila.

They all take a look sa kamay namin ni Karina na magkahawak.

"Grabe na talaga yung inggit Lord tapos makakasama pa natin sila hanggang bukas," gatong ni Chaeryeong.

"Forda inggit na naman ang fersons," sabi pa ni Daehwi.

Shuta sila.

Bakit ba laging napupunta sa amin yung attention?

"Hey I think we've reached our destination na. Sabihin niyo na lang sa akin if we're near Yuna's house," sabi ni Karina.

I let go of our hands na para maayos na siyang makapagdrive since malapit na kami kila Yuna.

Walang parking space pagkarating namin sa bahay nila dahil nandoon rin yung iba nilang sasakyan kaya pinark na lang namin yung car doon sa gilid ng kalsada. Wala namang masyadong dumadaan na sasakyan dito sa lugar nila since barangay siya kaya okay lang.

Nandoon yung parents niya pagkarating namin kaya grineet muna namin sila bago namin nilagay yung mga gamit namin doon sa kwarto ni Yuna.

"Forda go na ba tayo magswimming?" tanong ni Chaer sa amin.

Pansin ko lang ang hilig nilang gamitin yung forda na word. Nahahawa na rin si Giselle sa kanila kasi naririnig ko siya kanina. Forda words na ang mga fersons.

Ay.

Ako rin pala hehe.

"Ang aga pa teh alas tres pa lang, mainit pa doon. Antay muna tayo mag hapon."

"Anong gagawin natin habang naghihintay ay?”

"Tambay kaya muna tayo doon sa bukid? Diba may duyan doon Yuna?"

"Oo meron, tara kung gusto niyo. Picnic muna tayo, dala kayo ng snacks. Merong mat dito."

Napagkasunduan naming doon muna tumambay sa bukid habang nagpapalipas ng oras. Dinala pa nila yung isa sa mga siberian na pusa ni Yuna. Nanganak kasi yung nanay kaya kinuha namin yung isang anak na samahan kami doon sa field.

“Wow naman Yuna ang ganda naman ng view mo dito.”

Naglalakad na kami ngayon papunta doon sa malaking puno na nakatayo sa kalagitnaan ng bukid. Meron pang duyan na gawa sa gulong na nakasabit sa may puno. Mukhang may naisip na naman itong si Chaeryeong kasi niyaya niya si Yuna at Giselle na umakyat doon sa gulong para mag-balance.

“Gi ikaw yung maunang umakyat tapos sabay kaming aakyat ni Yuna para magbalance yung gulong,” pag-iinstruct niya.

Ako na yung kinakabahan sa kanilang tatlo. Ang nipis lang kasi ng tali tapos sabay-sabay pa silang sasakay doon.

“Do you want to hold her?” inilapit sa akin ni Karina yung pusa na hawak niya. Siya kasi yung pinaghawak kanina nila Chaeryeong. Agad ko namang kinuha yung pusa tapos nilaro-laro ko siya. Ang cute gusto ko na siyang iuwi.

“Babe gusto mo ba itakas natin siya bukas pag-uwi natin?”

Pwede ko naman siyang itago sa bag ko tapos hindi na mamamalayan ni Yuna na wala na yung isang pusa nila. Gusto ko talaga kasi magkaroon at mag-alaga ng pusa pero ayaw nila mama kasi magastos lang daw lalo na kung yung mga may breed kasi in her own terms, maaarte raw sila sa pagkain.

Karina only laughed at what I said tapos pinat lang niya yung pusa sa ulo nito.

“Hoy bat ang lakas ng tulak niyo!”

Tumingin ako sa harap tapos nakita ko doon yung tatlo—sila Giselle, Yuna, at Chaeryeong na nakatayo sa gulong tapos tinutulak sila nila Daehwi at Ryujin habang si Ningning naman yung nagvivideo sa mga ganap nila.

“Pag kami hindi nakababa dito…!”

“Wag na kayong bumaba!” Ang lakas ng tawa ni Ryujin habang tinutulak sila.

“Shuta ka Ryujin!”

“Deserve mga mhie!” tawa ni Daehwi tapos nilakasan ulit niya yung ugoy ng duyan.

Ramdam ko yu

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
Ang tagal na rin pala simula nung last outtake 'no? Ito na rin siguro ang panghuli. Their story ends here but they will be remembered forever in our hearts. Hanggang sa huli🫶🫶

Playlist link: https://open.spotify.com/playlist/6L4yidJZLVZH8DXsbH4xMo?si=fkxMXpTkRzy5N9sMVEUWGA&dd=1

Comments

You must be logged in to comment
gomtokkim
2141 streak #1
Chapter 5: Miss ko na silaaa
Jillian_ #2
Chapter 45: Tapos ko na siya omg, mamimiss ko silaaaa
Jillian_ #3
Chapter 39: Hoy bakit ako naiiyak sa pag-alis ni Karina, parang mamimiss ko rin siya kahit hindi ko siya ka-barangay T^T
bigboy123
133 streak #4
#rr 👀🤭
Jillian_ #5
Chapter 17: OMG HSHDGGSJSKJHD
Jillian_ #6
Chapter 6: Ay, ‘yan ang gusto ko, nagpapahiwatig 🤩
dork_seulgi_k
852 streak #7
Chapter 37: iihhhh 🤸
AJMercado
#8
m
M_1412 #9
Chapter 26: Huyy 2521 din talaga naisip ko bigla sa scene na yon huhu cute nila
Sa wakas may label na ang mag babyyy
M_1412 #10
Chapter 20: Nahohomesick na naman tuloy ako sa bp😭