Chapter 18 - Okay

Huwag Kang Pa-fall!
Please Subscribe to read the full chapter

"Magaling ka na?" tanong ni ate Lisa pagkalabas na pagkalabas ko ng kwarto. Sakto rin kasing padaan siya sa hallway ng room ko. Halos dalawang araw rin yung itinagal ng lagnat ko pero sinat na lang naman siya sa 2nd day kaya maayos na ako ngayon.

"Ano ba yan sayang," sabi pa niya at umiiling na umalis. Hinabol ko naman siya at sinipa yung pwet niya. Napa-aray naman siya doon.

"Omg dasurv!" sabi ko at agad na kumaripas ng takbo pababa bago pa niya ako mahabol.

Nagtago naman ako sa likod ni mama nang makita ko siyang kakalabas lang ng banyo.

"Winter wag ka munang magtatakbo dyan kasi baka mabinat ka!" saway niya.

"Ma, si ate kasi!" sumbong ko at nakita namin si ate na tumatakbo rin pababa.

"Ma, si Winter kasi sinipa ako sa pwet!"

Para namang naii-stress si mama na tiningnan lang kami at saka binalingan si papa na nanonood ng tv sa may sala. “Tingnan mo ‘tong mga anak mo pa ang laki na pero isip bata pa rin jusko naman!”

“Anak mo rin sila ma hati tayo sa responsibilidad dito diba,” sabi naman ni papa at natatawang nagbalik ng tingin sa pinapanood niyang movie.

Bumalik na rin ako sa kwarto after ko kumuha ng tubig at naabutan ko si ate na nag-aantay sa labas ng pintuan ko. Nag-angat naman siya ng tingin nang makita ako.

Nagtaas ako ng kilay, “Bakit ate?”

Ngumiti siya ng tipid, “Winter kailangan ko ng support mo.”

Inantay ko siya magsalita ulit. Parang may sasabihin pa siya eh.

“Balak ko sanang ipakilala na si Jennie kila mama.”

Excited ko siyang tiningnan. “Talaga ate?!”

“Oo pero wag ka muna maingay. Hindi pa kasi alam nila mama na may girlfriend na ako.”

Tumango ako. “Oo naman ate. I’m sure naman na magugustuhan nila si ate Jennie. Ang ganda na nga niya ang bait pa niya. Swerte mo naman sa kanya.”

“Ay so siya, hindi swerte sa akin ganon ba?” nanghahamon niyang tono.

“Matalino ka naman ate okay na yun.”

“Aba!”

Binuksan ko yung pinto at akmang papasok.

“Winter teka lang,” pigil niya. Hinarap ko siyang seryoso nang nakatingin sa akin. “Alam mo lately may napapansin ako,” sumingkit pa lalo yung mga mata niya.

Naiilang naman akong nag-iwas ng tingin. Bakit ganito ‘to makatitig sakin?

“Ano ba ‘yon ate mukha kang shunga.”

“Hmm, wala lang,” sabi niya at bumalik na ulit sa normal niyang itsura.

Anong nakain ni ate at weird niya ngayon? Kinakabahan ba siya sa thought na ipapakilala na niya si ate Jennie kila mama?

“By the way Winter, si Karina yung isa mong bisita noong nilagnat ka diba?”

Taka ko naman siyang nilingon at tumango. “Bat mo natanong?”

“Wala lang Wintot hehe,” nangingiti siyang umalis at lumakad na pabalik sa kwarto niya.

Ang random naman ni ate. Parang may alam siyang hindi ko alam. Bigla namang tumama sa akin ang isang realization.

“Hindi kaya..?”

Alam ba ni ate?

 

 

 

 

 

Ever since noong pumunta si Karina dito sa bahay para bumisita sa akin dati, hindi ko pa rin siya nakikita hanggang ngayon. Iniisip ko tuloy kung may mali ba akong nasabi or what? Wala kasi siyang sinabi sa akin after noon kasi saktong dumating na sila Giselle na hinahatak si Ningning pabalik. Kita ko naman na ginawa ni Ningning yung best niya para pigilan si Giselle pero hindi talaga nagpapatalo ‘tong si Gi.

“Ning alam kong gusto mo pa akong masolo pero I need to see Winter. Hindi ba pwedeng mag-alala at bisitahin ko muna siya?”

“Wala ka namang matutulong sa kanya kapag nakita mo siya.”

“Edi parang sinabihan mo na rin ng ganon si Karina,” sagot ni babaita. Hindi talaga nagpapatalo. Apologetic ko namang nilingon si Karina na nangingiti lang sa ganap ng dalawa.

“Wag kang maniwala sa mga lumalabas sa bibig ni Giselle,” iling ko. May sasabihin pa sana si Karina pero na-cut off na nang makapasok na ng tuluyan si Giselle at dinaldal ako ng dinaldal after ko inumin yung gamot ko. Medyo inantok ulit ako pero di ako makapagpahinga kasi andoon pa rin sila.

Tingin pa rin ng tingin sa'kin si Karina kaya nag-iiwas ako kasi medyo nahiya ako nang mapagtanto kung ano yung mga nasabi ko sa kanya. Kasalanan kasi ‘to ni Ningning. Kung hindi dahil sa kanya hindi ko yon maiisip.

Nagpresinta na rin silang umuwi after a while. Hindi ko na sila hinatid kasi kaya naman na nila sarili nila. Satisfied ko na lang silang pinanood habang palabas sa pintuan ng kwarto. Bago lumabas si Karina ay nilingon niya ako. Nakita ko pa yung pagbuka ng bibig niya pero hindi na naman natuloy kasi hinatak na siya ni Giselle.

“Let’s go na Rina. We should let Winter rest for today.”

Ayun. One last glance sa akin at nagpahatak na lang siya palabas.

Akala ko nga nakaalis na sila pero sumilip ulit si Ning.

“Bes, wag mo kalimutan yung sinabi ko sayo ha,” sabi niya at tuluyan na talagang umalis at sinarado yung pinto.

Kaya ngayon, nakaupo lang ako sa gilid ng bintana at sumisilip sa kalsada habang nakikinig sa mga tunog ng ibon.

Wow.

Parang ang stress free lang ng pagkakadescribe ko sa buhay ko. Chos!

“Winter may ginagawa ka ba?” kumatok muna si mama bago niya dahan-dahang binuksan yung kwarto ko. Himala at parang nagkaroon ng manners si mudra ngayon. Ang kalmado lang kasi ng pagkakatawag niya sa akin.

Umayos naman ako ng upo nang makita na may mga kasama siya sa likod. Gagi sino yang mga yan. Mga nakatatanda at same age ni mama yung iba tapos yung isa naman ay may hawak na camera.

Hala omg na-discover na ba ako?

Dito na ba matutupad yung unchased dream kong maging singer?

 

 

 

 

 

"Just be yourself lang sa camera okay?"

Okay it turns out pala na hindi ako na-discover. Ang saklap lang, chos.

Kaya pala may pinagupit sa akin si mama noong nakaraan na letters kasi dahil yon sa contest na sinalihan ng barangay namin at need nilang mag-interview ng mga nakatira rito. Syempre cute ako kaya siguro ako yung napili nilang ilagay sa camera.

Buti na lang at ginandahan ko rin yung paggupit ng mga letterings. Baka isa rin yon sa dahilan kung bakit ini-interview ako ngayon, charot!

Lumabas kami kanina para lumipat ng shooting location at syempre bago yon ay nag-ayos rin ako bago humarap sa camera. Minsan lang 'to mangyari kaya dapat I'm in by best appearance 'no. Wala akong tiwala sa editing skills nila kahit sinasabi nilang papagandahin nila ako kahit hindi na ako mag-ayos.

Merong maliit na upuan na bumagay sa background ko at doon ako naupo. Wala namang masyadong dumadaang tao kaya hindi ako nahihiyang magpavideo. Madali lang naman yung mga tanong. Tinanong lang nila ako about sa barangay namin at ano nafifeel ko while living here kung proud ba ako or ano.

Syempre sinabi ko naman yung most honest answer ko at mukhang na-satisfied naman sila sa mga sagot ko.

“Okay last question na then iwra-wrap na natin ito,” sabi ni kuyang nagvivideo. Tumango naman ako at naghintay ng itatanong nila. Habang nag-aantay, may napansin akong dalawang tao sa hindi kalayuan na papalapit dito.

Si Karina yung isang nakatingin sa may gawi ko habang busy naman yung isa magsalita. Nagulat naman ako ng mapagtanto kung sino yon.

Si Joseph panget ba yon?!

Ah, hindi pala.

Pero ang familiar ng mukha. Parang nakita ko na siya somewhere.

“Uy Winter!”

“Jeno?”

Bakit sila magkasama ni Karina?

Ito na ba yung sagot sa akin ni Karina?

Nabaling naman ang atensyon ko sa harap. Oo nga pala may last question pa.

“We’ll start recording in 3, 2, 1.”

Tinanong na nila sa akin yung last question and after non ay pwede na akong umalis pero nandoon pa rin si Jeno at Karina na nag-aantay sa akin. Hindi naman ako rude para hindi sila pansinin at lapitan kaya pagkatapos kong magpaalam at magpasalamat sa ibang staff ng barangay, pinuntahan ko na sila.

Nakangiti pa rin si Jeno na kumakaway habang papalapit ako habang si Karina naman ay nakatingin lang sa akin.

“Kumusta ka na? Asan si Ning? Kakakita ko lang kay Giselle kanina,” yan talaga binungad niyang tanong sa akin. Hindi ba pwedeng hinay-hinay lang? Meron pa akong unresolved issue dito sa kasama mo uy.

Mali ba yung mga signs na napansin namin ni Ning?

Is this just me assuming things?

"Winter…" sambit ni Karina.

"Uy Karina hindi ka nagsasabi pupunta pala kayo dito ni Jeno," nakangiti kong sabi. "Uy Jeno musta?" baling ko sa kasama niya.

"Ikaw nga kukumustahin ko Win grabe tagal na rin nating hindi nagkikita last year pa ata yung huli," tinapik pa niya balikat ko.

"Ikaw nga 'tong di nagpaparamdam. Dumating si Giselle dito pero wala kahit anino mo. Si aling Lenlen lang yung nakita namin."

"Sorry naman. Kakauwi ko lang kasi galing sa tiyahin ko. Alam mo naman doon ako nakatira tuwing may pasok," pageexplain niya. Alam ko naman 'yon.

“So..” tiningnan ko silang dalawa. “Bakit kayo magkasama?” tanong ko. Medyo lowkey ko na ring tinatanong si Karina.

I need an explanation! I deserve an acceptable reason!

Ikaw ba si Piolo teh?

Natawa ako sa sarili kong joke.

“Uh, actually matagal na ‘tong sinasabi ni mama sakin,” he glanced briefly at Karina tapos shy na ngumiti. Luh siya. Ito namang si Karina ngumiti rin.

Ganyanan pala. So bakit ka pa nagtanong sa akin dati ha?

Ang gulo mo Karina.

“Sabi niya may ipapakilala raw siya sa akin na kaibigan daw ni Giselle and it turns out na si Karina pala yon,” sabi niya at namula ang tainga. Nakabawi rin agad siya nang may maalala. “Akala ko nga nung una si Ningning na naman yon,” tumawa siya.

Simula kasi nang makilala ng nanay ni Jeno si Ningning, hindi na siya natigil kakabugaw sa dalawa. Todo tanggi rin kasi si Ning at friends lang daw sila ni Jeno. May bago rin kasi siyang crush that time. Ang dami lang kasing crush ni gaga.

“San punta niyo?” nagtaas ako ng kilay.

Nagliwanag naman ang mukha ni Jeno.

“May nadaanan akong masarap na kainan sa bayan, balak ko sanang dalhin si Karina doon.”

“Tamang-tama!” banggit ko. Pinag-clap ko pa yung dalawang kamay ko na ipinagtaka nila. “Sakto magtatanghalian na rin! Sama na ako,” excited kong sabi.

Nakatingin lang sila sa akin lalo na si Jeno na hindi alam ang gagawin.

“Winter..”

Inilabas ko yung phone ko. “Sabihan ko na rin sila Ningning, diba hindi pa kayo nagkikita.”

Wala na rin silang nagawa after kong sabihin ‘yon. Amused lang namang nakatingin sa akin si Karina.

 

Winter:   HOY NINGNING

                    NING YIZHUO

Ningning:   WAIT LANG NAMAN TUMATAE AKO

Winter:    BILISAN MO

Ningning:    ETO NA NGA DIBA

                          bakit?

Winter:     kakain kami nila karina sa bayan

Ningning:    omg ka!

                          sinusunod mo na ba yung advice ko?

Winter:     kaya nga halika dito kasi kasama namin si jeno!

 

Naglalakad kami ngayon doon sa malapit na waiting shed para hintayin sila Ning.

 

Ningning:    teh ano na naman yang naisip mo?

Winter:   gaga ka dalian mo tawagin mo na rin si giselle

Ningning:    eto na eto na

 

Itinago ko ang phone ko at bumaling sa kanila. “Papunta na daw sila Ningning dito. Sinama na rin niya si Giselle.”

Okay Winter smile ka lang dyan. Hindi nakakahiya itong ginagawa mo. Bakit? Masama na ba na mag-catch up sa friend mong matagal mong hindi nakita? Kung ano ano pa yung binigay kong reason sa sarili ko para hindi ako mag-backout sa mga sinabi ko.

Ano ba ‘tong ginagawa ko?

Ningning bakit ang tagal niyo!

Pinagtitripan ko na lang yung phone ko habang naghihintay sa kanila. Tinatry rin ni Jeno na kausapin si Karina. Ayaw ko sana silang pakinggan pero rinig na rinig naman kasi.

"Mahilig ka ba sa mga korean foods?"

"As long as it's food, I don't really mind," mahina siyang natawa.

Edi wow.

Naupo kami sa mga upuan sa shed.

Mga ilang minuto na rin naming inaantay sila Ning at di ko napansin na eager ko na palang tina-tap yung foot ko nang may biglang humawak sa hita ko. Yung kamay lang naman ni Karina.

"You're tapping impatiently."

Sinabi lang naman niya yung napansin niya pero bakit gant

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
Ang tagal na rin pala simula nung last outtake 'no? Ito na rin siguro ang panghuli. Their story ends here but they will be remembered forever in our hearts. Hanggang sa huli🫶🫶

Playlist link: https://open.spotify.com/playlist/6L4yidJZLVZH8DXsbH4xMo?si=fkxMXpTkRzy5N9sMVEUWGA&dd=1

Comments

You must be logged in to comment
gomtokkim
2139 streak #1
Chapter 5: Miss ko na silaaa
Jillian_ #2
Chapter 45: Tapos ko na siya omg, mamimiss ko silaaaa
Jillian_ #3
Chapter 39: Hoy bakit ako naiiyak sa pag-alis ni Karina, parang mamimiss ko rin siya kahit hindi ko siya ka-barangay T^T
bigboy123
131 streak #4
#rr 👀🤭
Jillian_ #5
Chapter 17: OMG HSHDGGSJSKJHD
Jillian_ #6
Chapter 6: Ay, ‘yan ang gusto ko, nagpapahiwatig 🤩
dork_seulgi_k
850 streak #7
Chapter 37: iihhhh 🤸
AJMercado
#8
m
M_1412 #9
Chapter 26: Huyy 2521 din talaga naisip ko bigla sa scene na yon huhu cute nila
Sa wakas may label na ang mag babyyy
M_1412 #10
Chapter 20: Nahohomesick na naman tuloy ako sa bp😭