Chapter 3 - Staring Contest

Huwag Kang Pa-fall!
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Ngayon ko lang napansin, ang tangkad pala ni Karina. Halos magkakasing tangkad kasi kami nila Gi at ngayong magkakasama kami, ngayon ko lang napansin na parang ang liit namin kapag nakatabi kami kay Karina.

Grabe ang talino na nga, ang ganda pa, tapos ang tangkad pa. Siya na siguro ang definition ng perfect.

"Huy baka matunaw yan," Bulong ni Ning. Muntikan ko na siyang masapak kasi ginulat ba naman ako.

"Huh?"

"Kanina ka pa nakatingin kay Karina. May pinaplano ka ba?"

"Wala akong plano."

Napansin ata ni Giselle yung pagbubulungan namin ni Ningning. "Ano pinag-uusapan niyo dyan? Pa-share naman."

Bumalik ulit kami dito sa bahay nila Ning kanina kasi abala pa yung mga tao mag-ayos ng gamit doon kila Gi kaya minabuti naming wag na muna silang istorbohin. Mas okay daw yon sabi ni Ning kasi magkakaroon daw kami ng quality time sa isa't isa at okay rin sakin kasi sinabi kanina ni aling Marga na welcome kami kumuha ng mga pagkain sa tindahan ng libre.

"Ning pwede pakuha ng isa pang tattoos," Utos ko kay Ning pero hindi niya ginawa at tiningnan niya lang ako ng masama.

"Oh bat ganyan ka makatingin?"

"Inuubos mo paninda namin!" Sabi niya tas sinugod ako. Instant wrestling lang ang peg namin tapos itong si Giselle naman hindi kami inaawat. Tawa lang ng tawa si babaita. Nakita ko naman si Karina na medyo nag-aalala na ang tingin samin tapos nung nagtama ang mata namin, ngumiti lang ako sa kanya ng pilit. Pasensya ka na Karina pero ganto talaga bonding namin.

"Are you okay?" Tanong ni Karina nang sa wakas ay napagod na rin si Ning sa pag-atake sakin.

"Ayos lang," Sagot ko naman.

"Amfee mo naman Winter ako kaya kausap ni Karina," Sabat naman ni gaga. Sa aming dalawa kasi, si Ning yung hindi kaaya-aya tingnan. Ang gulo ng buhok niya tas nagusot pa damit niya. Yung akin kasi, hindi masyado nagulo buhok ko. Iwas na iwas pa ako kanina kasi ayoko talaga na nagugulo buhok ko.

Tiningnan ko si Ning ng masama at nahihiyang lumingon kay Karina. Ganon pa rin naman ang itsura niya, may tipid na ngiti sa labi.

"I'm actually asking the two of you but it seems like you're okay naman na."

Proud kong tiningnan ulit si Ning, oh ano ka ngayon. Narinig ko naman yung tawa ni Karina. Nakita niya siguro yung ginawa ko sa kaibigan ko, pero ano naman nakakatawa don? Tawang tawa ka gorl?

Si Ning naman nagmamaktol kay Karina na parang close na agad sila. Iba talaga level of confidence nito.

 

 

 

"Karina pwede magtanong?"

Lumipas na ang isang oras pero di pa rin ata tapos maglipat ng gamit yung katapat na bahay nila Ning. Bumalik na ulit kami sa kwarto ni Ning kung saan ako nakatambay kanina. Naiwan pa yung mga gamit namin kanina sa kama, pati yung laptop ni Ning hindi pa rin naliligpit.

Pinagkakaabalahan ko ngayon yung mga albums ng Red Velvet na nakadisplay dito sa kwarto ni Ning. Buti na lang at mabait siya para magpahawak ng mga merch. At saka wag rin siyang mag-alala kasi hindi ko naman 'to sisirain. Todo ingat rin kasi ako sa mga BLACKPINK merch ko.

"Sure, ano yon?"

"Sana hindi ka ma-offend pero curious lang. Halos more than an hour ka na dito. May plans ka pa ba ngayong araw?" Tanong ni Ning. Curious rin ako kaya tinigil ko muna ginagawa ko at nakinig sa kanila.

Kanina pa kasi si Karina dito at imposible namang yung paglipat lang ni Giselle ang ipinunta niya dito kasi kung oo, grabe naman ang support niya as a friend. Dinaig niya pa kami ni Ning. Hindi nga namin siya sinamahan dati nung unang lipat nila.

"Oh, Giselle haven't told you yet?" Ang alin?

"I'm tagging along with her this summer. Dito muna ako titira sa kanila until classes starts."

This time, nilingon ko na sila. Nakatayo si Karina tapos nakaupo sila Ning sa kama. Natawa na lang ako sa pwesto nila.

Pero totoo? Dito siya buong summer?

"Hala maganda yan! Madadagdagan na naman friendship natin dito sa barangay!" Excited na sabi ni Ning.

"I'm also excited spending time with you guys," Ngumiti si Karina tapos nahagip ng paningin niya yung mata ko. Nginitian ko na lang rin siya. Ang contagious kasi ng ngiti niya eh!

"Gusto niyo bang gumala?"

Sinaway ko si Ning, "Kakalipat lang nila Gi dito tapos aayain mo agad gumala."

Umalis na ako sa pwesto ko at lumapit sa kanila. Dalawa na kami ni Karina ngayon na nakatayo.

"Huy okay lang para ka namang others Winter," Sabi ni Gi. Ako pa talaga?

"Tas diba sabi mo may bagong bukas na café sa bayan. Why don't we go there?" Excited niyang dagdag. "We can go ngayon if you want."

"Seryoso ka ba?" Tanong ko, medyo gulat. "Hindi ka ba napagod sa byahe niyo?"

"Kung makapagsabi ka naman Winter parang ang layo layo ng nilipatan naming bahay," Ay oo nga. Sa karatig bayan lang naman sila lumipat. Medyo OA lang kami ni Ning nung sinabi namin na iniwan niya kami. Pero iniwan niya kaya kami. Lumipat siya ng school!

"Pabili po!" "Aling Marga si Bruno tumatahol!" "Tao po!" "NINGNING!"

Napalingon kaming lahat sa pinanggalingan ng sigaw. Ang familiar ng boses ah. Lumapit ako sa bintana para sumilip at muntik na akong matawa sa nakita ko.

Andon kasi si Ryujin tapos si Bruno parang handa na siyang kagatin anytime. Ito namang si bruha sabi ng sabi ng 'sit' 'lay down' 'don't bite'. Hoy hindi yon maiintindihan ni Bruno huhu.

Napatingin naman si Ryujin sa bintana ng kwarto ni Ning at nakita niya akong sumisilip.

"Hoy Winter tulungan mo ko!"

Humagikgik ako at nilingon sila Giselle.

"Andito si Ryujin."

Lumapit si Ning para makisilip tapos sumunod rin si Giselle at si Karina na walang alam sa nangyayari.

"Wait lang Ryu!" Sigaw ni Ning at bumaba na para sawayin si Bruno. Aray, bat ba ang hilig nito sumigaw kapag katabi niya ako?

"Who's that?" Tanong ni Karina. Di pa ata nasabi ni Giselle kung sino yon.

"That's Ryujin, isa pa naming friend," Sagot ni Gi.

"I think I've heard that name before," bulong niya pero narinig ko naman.

Parang ang dami naman atang kakilala ni Karina. Social butterfly ba 'to? Napansin ata ni Karina na tinitingnan ko siya kaya iniwas ko ang tingin ko.

Maya-maya pa ay bumalik na si Ning kasama si Ryujin. Una akong nakita ni Ryujin at nang makita niya ako, agad niya kong sinugod.

Ba't ba ang hilig ng mga taong manugod ngayon?

"Bakit hindi ka nagrereply?" Binaling niya ang tingin kila Ningning at Giselle. "Kanina pa ako chat nang chat tapos walang sumasagot sa inyo. Pano kung may nangyari na palang masama saki–" Natigil yung pagdadrama niya nang mapansin niyang may ibang tao kaming kasama.

"Hala sorry." Gusto kong tawanan si bruha. Bigla naman siyang nahiya nang makita niya si Karina. "Sino ka?"

Maging sila Ning ay di na rin naiwasang matawa kaya sinamaan sila ng tingin ni Ryujin.

"I'm Karina nga pala. Giselle's friend."

"I-I'm Ryujin," pagpapakilala ni Ryu. Grabe ba talaga y

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
Ang tagal na rin pala simula nung last outtake 'no? Ito na rin siguro ang panghuli. Their story ends here but they will be remembered forever in our hearts. Hanggang sa huli🫶🫶

Playlist link: https://open.spotify.com/playlist/6L4yidJZLVZH8DXsbH4xMo?si=fkxMXpTkRzy5N9sMVEUWGA&dd=1

Comments

You must be logged in to comment
gomtokkim
2133 streak #1
Chapter 5: Miss ko na silaaa
Jillian_ #2
Chapter 45: Tapos ko na siya omg, mamimiss ko silaaaa
Jillian_ #3
Chapter 39: Hoy bakit ako naiiyak sa pag-alis ni Karina, parang mamimiss ko rin siya kahit hindi ko siya ka-barangay T^T
bigboy123
128 streak #4
#rr 👀🤭
Jillian_ #5
Chapter 17: OMG HSHDGGSJSKJHD
Jillian_ #6
Chapter 6: Ay, ‘yan ang gusto ko, nagpapahiwatig 🤩
dork_seulgi_k
844 streak #7
Chapter 37: iihhhh 🤸
AJMercado
#8
m
M_1412 #9
Chapter 26: Huyy 2521 din talaga naisip ko bigla sa scene na yon huhu cute nila
Sa wakas may label na ang mag babyyy
M_1412 #10
Chapter 20: Nahohomesick na naman tuloy ako sa bp😭