Chapter 14 - Ikaw

Huwag Kang Pa-fall!
Please Subscribe to read the full chapter

2 days na lang at d-day na ng entrance exams sa TEU.

Kinakabahan ba ako? Hindi naman.

Sa totoo lang excited pa nga ako kasi mapupuntahan ko ulit yung campus at siguro makakilala at makahanap na rin ng mga possible new classmates if ever doon nga ako mag-aaral. Nakakaexcite lang kasi ilang years ko nang pinagtitiisan mukha ng mga kaklase ko sa high school at want ko na rin makakita ng mga bagong mukha.

New school, new friends. Parang ganon.

Yung iba kasi naming kaklase nila Ning noong senior high parang ang hirap ma-reach. Hindi naman yon dahil sa mahirap kami mayaman sila kind of vibe. More like mas nagfofocus sila sa existing group of friends nila na hindi na nila kami binibigyan ng chance na makausap sila. Parang ang hirap maka-enter sa world nila. Idagdag mo pa na yung personalities namin hindi nagma-match kaya kaming tatlo lang talaga nila Ryujin at Ning yung nagpapansinan noong SHS. Pero kung by strand naman, si Ning lang ang mas nakakausap ko talaga. Hindi naman kasi ako masyadong nakikipag-usap sa iba.

Naniniwala kasi ako na dapat kausapin muna nila ako bago ko sila kausapin. Ang hirap kaya mag-approach ng tao.

Idagdag mo pa na hindi ako madaldal na tao. Siguro kapag close na kita saka pa lang kita iingayan.

Willing naman kasi akong makipagfriends. Kaya nga minsan tuwing may iba akong kaklase na kakausap sa akin dati, kinakausap ko naman pero tipid na words lang ang gamit ko. Isang tanong, isang sagot lang ang peg ko kaya siguro na-boring-an sila sakin at nag-give up na lang.

Time and patience lang naman ang need ko para makapag-open up sa kanila pero ayun na nga hindi na nila ako nahintay.

Okay lang naman sakin 'yon. Wala naman akong regret.

Ang mahalaga may mga kaibigan akong nag-stay talaga sa 'kin. Hindi ko na nga maalala kung pano ko ba naka-close 'tong si Ningning. Parang kabute na lang siyang biglang lumitaw sa tabi ko tapos hindi na siya humiwalay sa ‘kin. Pati na rin si Giselle at Ryujin. Ang saya lang na tumagal kami ng ganito.

Sana hindi ito magbago lalo na ngayong nadagdagan na kami ng isa pa.

Si Karina.

Si Karina na friend ni Giselle na naging friend na rin namin.

At ang kausap ko simula pa kahapon.

Anong nangyayari? Ewan ko rin.

Basta ang alam ko kailangan ko nang magpaload ngayon kila Ning dahil mag-eexpire na yung load ko.

"Teh pa-load," hindi ko na kailangang sumigaw kasi andoon naman na si Ning sa tindahan nila pagkarating ko. Ininform ko na kasi siya beforehand na pupunta ako sa tindahan nila.

Tumatahol pa nga si Bruno pero di ko na lang pinapansin. Immuned na ko. Para naman kasing galit sa lahat ng tao itong aso nila Ning. Ilang years na kaya akong pabalik-balik dito pero lagi pa rin niya akong tinatahulan. Sakit lang sa heart, char.

Nakatali siya ngayon kaya di niya ako naaabot. Buti nga sa kanya.

Lumingon rin ako sa tapat na bahay nila Ning. Ayun yung bahay nila Giselle.

Sumilip ako sa may bintana sa 2nd floor. Doon ata yung kwarto ni Karina. Nasabi kasi once ni Giselle dati na doon si Karina nag-s-stay sa kwarto na nakatapat yung bintana kila Ning.

Walang ano-ano'y biglang bumukas ang bintana at lumitaw doon si Karina.

Ang ganda.

Bagong ligo pa lang ata siya kasi parang basa pa ang buhok niya.

Na-conscious tuloy ako.

Kakaligo ko lang rin naman pero bakit hindi ako ganon ka-fresh kay Karina?

Sinasabi ko na nga ba na mayroong favoritism na nangyayari.

Agad niya akong nakita nang bumaba ang tingin niya. Wala naman kasi masyadong harang ang tindahan nila Ning kaya kita talaga kung sino yung mga bumibili.

Automatic naman yung ngiti ko nang ngitian niya ako. Kumaway pa siya kaya kumaway rin ako.

"Oy Winter sino kinakawayan mo?"

Nasa loob pa rin ng tindahan itong si Ning kaya pilit niyang inilalabas yung ulo niya sa maliit na harang. Kapag bigla siyang ma-stuck dyan mamaya iiwanan ko talaga siya.

"Ah kaya naman pala. Mareng Kars! Hi!" malakas na sigaw ni Ning kaya nalingat si Karina sa ‘kin. Ang eskandalosa kasi ng boses nitong isa.

Bumalik na rin si Karina sa loob ng kwarto after niya makapag-hello samin.

Akala ko ayun na 'yon pero bigla ulit tumunog phone ko.

 

(Sat, 2:25 P.M.) Karina: what are you doing there?

 

"Huy ano yan?!"

Napatalon ako sa biglang pagsulpot ni Ning sa harap ko. Agad kong pinatay phone ko.

"Teh wag mo nang itago nakita ko na. Kailan pa kayo naging textmates? Ikaw Winter hindi ka na nagkekwento sa ‘kin," pagdadrama niya.

Ano naman ikekwento ko sa kanya? Parang wala naman.

 

(Sat, 2:28 P.M.) Winter: may binili lang hehe

 

"Pabili."

"Bat ka andito?"

"Grabe ka naman sakin Ningning. Hindi ba pwedeng may bibilhin lang talaga ako?"

Hindi ko napansin yung pagdating ni Ryujin. Nagiging habit na rin niya yung pagbabike papunta rito sa barangay namin tuwing hapon.

"Daming tindahan sa barangay niyo tapos dadayo ka pa dito sa 'min," sabi ko tapos sinimangutan ako ni Ryujin.

"Pinagtutulungan niyo ba akong dalawa?"

Nag-isip ako saglit, "Hmm, medyo?"

"Kararating ko pa lang pero ang sama sama niyo na sa akin. Brokenhearted pa man din ako ngayon."

Nagkatinginan naman kami ni Ning sa nasabi ng kaibigan namin.

May mga upuan sa gilid ng tindahan nila Ning kaya pinaupo muna namin si Ryujin doon. Ako yung katabi sa kaliwa ni Ryujin habang si Ning naman yung nasa kanan.

"Anong nangyari teh?" "Ayos ka lang?"

Sabay pa kaming nagsalita ni Ning kaya napatawa 'tong si Ryujin. Parang ewan lang.

"Aw nakakatouch naman 'to. Pareho kayong nag-aalala sa lovelife ko," pagmamaganda niya.

"Ryujin, kailan ka pa nagstart mag-imagine ng mga non-existent na bagay? Tara ipa-doctor natin."

"Gaga!" Hinampas niya ako.

"Hoy ano ginagawa niyo dyan?" Lumabas sa kabilang bahay si Giselle tapos kasunod rin niyang lumabas si Karina. Nagtama ang mata namin kaya nangingiti akong tumango sa kanya.

"Aray," mahinang daing ko nang may kumurot sa tagiliran ko. Tiningnan ko si Ryujin pero nakapatong lang naman yung dalawa niyang kamay sa hita niya.

Parang alam ko na kung kanino 'to.

Dahan-dahan kong nilingon si Ning at sinamaan siya ng tingin. Ngumuso lang siya sa harap nang makita niya akong nakatingin ng masama.

Isang tawiran lang naman ang kailangan nila Giselle para makarating papunta sa 'min. Nasa harap na namin sila ngayon at umupo sa katapat na upuan sa harap ng tindahan.

"What do we have here?"

"Yung puso ko Gi," sagot ni Ryujin.

Maging yung dalawa nagtataka lang na tiningnan 'tong si Ryujin. Dami kasing alam ni bruha.

Si Ning na ang sumagot, "Na-basted siya ng crush niya."

"Deserved," natatawang sabi ni Giselle tapos siya pa yung nagulat nang maalala niya kung ano yung lumabas sa bibig niya.

"Hala sorry Ryu. Hindi ganon 'yon."

Ngumiwi si Ryujin. "Wala talaga akong mapapala sa inyong tatlo. Si Karina talaga ata ang tunay kong kaibigan dito," baling niya kay Karina na mahinang natatawa sa mga ganap namin.

"Teh kahit si Karina natatawa rin sa mga ganap mo," puna ko kaya mas lalong sumimangot si Ryujin.

"Fake news yang si Ning hindi naman ako na-basted. Hindi naman ako umamin."

Proud pa talaga siya doon.

"Dasurv."

"Ikaw Ningning malapit na kitang sabunutan."

"Malapit ko na ring pakawalan si Bruno," pagbabanta naman nitong si gaga.

Sabay-sabay kaming napatingin lahat sa kanya.

"Oh bakit kayo ganyan?"

"Alam mo namang ayaw saming lahat ni Bruno tapos idadamay mo pa kami dyan

kay Ryujin."

"Bruno doesn't like you? Why?" Nabaling ang mga tingin namin kay Karina. Medyo nailang pa siya kasi sabay-sabay kaming napalingon sa kanya.

"Teh hindi mo ba alam na kahi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
Ang tagal na rin pala simula nung last outtake 'no? Ito na rin siguro ang panghuli. Their story ends here but they will be remembered forever in our hearts. Hanggang sa huli🫶🫶

Playlist link: https://open.spotify.com/playlist/6L4yidJZLVZH8DXsbH4xMo?si=fkxMXpTkRzy5N9sMVEUWGA&dd=1

Comments

You must be logged in to comment
gomtokkim
2151 streak #1
Chapter 5: Miss ko na silaaa
Jillian_ #2
Chapter 45: Tapos ko na siya omg, mamimiss ko silaaaa
Jillian_ #3
Chapter 39: Hoy bakit ako naiiyak sa pag-alis ni Karina, parang mamimiss ko rin siya kahit hindi ko siya ka-barangay T^T
bigboy123
138 streak #4
#rr 👀🤭
Jillian_ #5
Chapter 17: OMG HSHDGGSJSKJHD
Jillian_ #6
Chapter 6: Ay, ‘yan ang gusto ko, nagpapahiwatig 🤩
dork_seulgi_k
861 streak #7
Chapter 37: iihhhh 🤸
AJMercado
#8
m
M_1412 #9
Chapter 26: Huyy 2521 din talaga naisip ko bigla sa scene na yon huhu cute nila
Sa wakas may label na ang mag babyyy
M_1412 #10
Chapter 20: Nahohomesick na naman tuloy ako sa bp😭