HKP: The Outtakes 2

Huwag Kang Pa-fall!
Please Subscribe to read the full chapter

Sana All No More

 

Context: Pagod na si Winter kaka-sana all.

 

Two weeks na rin ang nakalipas simula nang makita ko yung nakakagulat na pangyayari sa phone ko na ikina-panic rin ng jowa ko.

Kasi naman.

Sa sobrang gulat ko, bigla akong napasigaw.

Parang bigla pa atang hininto ni baby yung sasakyan just to check on me.

Baby okay lang ako promise.

Nakita ko lang kasi yung comeback news ng BLACKPINK that time.

Totoo ba talaga 'to?

Baka naman fan made lang.

Tapos napansin ko na yung verified button.

Totoo nga.

FINALLY.

Sa loob ng mga araw na 'yon, gabi-gabi na rin akong nagpupuyat kakaabang ng teaser.

Nadadamay ko na nga rin yung jowa ko na magpuyat.

Huhu I’m so sorry baby.

Priorities first.

"1 minute left.." sabi ni Karina sa kabilang linya.

Katulad ko, nakaabang na rin siya sa new post ni YG.

“10 seconds..” sabi ko naman at paulit-ulit ko nang pinipindot yung refresh icon sa twitter.

5…

4…

3…

2…

1…

Gusto kong sumigaw.

Ang ganda shet ready na akong puma-heaven.

“I really like their concept. They look so gorgeous sa mga teasers babe..” I heard Karina was saying something pero pilit ko pang pinapakalma muna yung inner feels ko.

Narinig ko pang tumatawa na lang yung jowa ko nang matulala na lang ako.

“Babe..” simula ko. Napahawak ako sa puso ko nang nilingon ko na si Karina. She was just looking at me curiously. Siguro naiisip na niyang nababaliw na ako dito. “Bakit ang ganda-ganda nila..!” paiyak kong sabi.

“Wow ha dapat na ba akong ma-offend?” nakataas ang kilay pero pabirong sabi niya.

“Di ka pa inaantok?” tanong ko sa kanya. Actually paulit-ulit lang rin yung tanong ko na yan sa kanya sa loob ng ilang araw naming pagpupuyat. Hindi ko naman siya pinipilit na samahan akong maghintay ng teasers gabi-gabi pero sabi niya it’s her own will naman daw at curious rin siya kung ano nga ba ang meron sa BLACKPINK.

Of course ano pa nga ba? Talent, visuals, good music, name them all, nasa kanila na ang lahat.

“You’ll sleep na ba?”

Tumango ako, “Oo, nakita ko naman na yung teaser. Ikaw ba?”

“Hmm, okay I’ll sleep na rin.”

“Okay.”

Akala ko ibababa na niya yung call pero nakatingin lang siya sa akin.

“Ano yon? May nakalimutan ka ba?”

“I think ikaw yung may nakalimutan,” Tinaasan na niya talaga ako ng kilay for real.

I laughed, “I love you, Karina.”

“Me too.”

“Anong me too?” reklamo ko.

“I love you, too.”

Ang sarap talagang mabuhay.

 

 

 

 

 

Chaeryeong:     winter sabay ka beh

Winter:                 bumili ka na?

Chaeryeong:      HINDI PA

                                   KUNG SASABAY KA SAKIN LILIBRE NA KITA NG SHIPPING

Winter:                   aY LEGIT BA

Chaeryeong:       OO !!

                                   ANO OORDER NA BA AKO

Winter:                  OO

Chaeryeong:       SIGE

 

Nitong nakaraan ko lang nalaman na fan rin pala si Chaeryeong ng BLACKPINK. Tapos ngayon eto siya at nabudol na naman ako bumili ng album.

Wala pa naman kasi sana akong balak na bumili na ngayon.

I'm still testing the waters muna sa pagpaparinig at pagma-my day sa social media kung may maswerte akong mapapain na ililibre ako ng album.

Kung meron, edi meron. Kung wala, it's okay. Kaya ko naman siyang bilhin.

Niloloko ko nga si bes na ilibre niya ako pero todo tanggi si gaga kasi may pinag-iipunan rin siya sa Red Velvet. Iba talaga kapag may priorities.

Natutuwa nga rin ako sa mga posts sa twitter tuwing natambay ako doon. Ang daming mga nag-susurprise DM.

Sa tuwa ko, sinesend ko siya kay baby tapos after non, agad akong magsasabi ng sana all as a joke.

Tamang parinig lang.

Baby gusto ko yung Pink Version.

And then she will immediately laugh at my antics.

I know sinabi niya sa akin dati na bibilhan niya raw ako but I'm really not obligating her to buy me one. Besides, kung gugustuhin ko namang bumili, I can always buy myself one kasi katulad ni bes, matagal ko na rin 'tong pinag-iipunan.

Two years ba naman silang nawala!

 

 

 

 

 

Nang tinawagan ko si Karina kinabukasan, I immediately sense that something's wrong. She's not her usual self kasi tuwing sinasagot niya yung mga tawag ko.

May nangyari kaya?

Ito ata yung first time na hindi niya ako kinausap nang matagal.

Gusto ko pa man din sana sabihin sa kanya na bumili ako ng album tap

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
Ang tagal na rin pala simula nung last outtake 'no? Ito na rin siguro ang panghuli. Their story ends here but they will be remembered forever in our hearts. Hanggang sa huli🫶🫶

Playlist link: https://open.spotify.com/playlist/6L4yidJZLVZH8DXsbH4xMo?si=fkxMXpTkRzy5N9sMVEUWGA&dd=1

Comments

You must be logged in to comment
gomtokkim
2154 streak #1
Chapter 5: Miss ko na silaaa
Jillian_ #2
Chapter 45: Tapos ko na siya omg, mamimiss ko silaaaa
Jillian_ #3
Chapter 39: Hoy bakit ako naiiyak sa pag-alis ni Karina, parang mamimiss ko rin siya kahit hindi ko siya ka-barangay T^T
bigboy123
140 streak #4
#rr 👀🤭
Jillian_ #5
Chapter 17: OMG HSHDGGSJSKJHD
Jillian_ #6
Chapter 6: Ay, ‘yan ang gusto ko, nagpapahiwatig 🤩
dork_seulgi_k
865 streak #7
Chapter 37: iihhhh 🤸
AJMercado
#8
m
M_1412 #9
Chapter 26: Huyy 2521 din talaga naisip ko bigla sa scene na yon huhu cute nila
Sa wakas may label na ang mag babyyy
M_1412 #10
Chapter 20: Nahohomesick na naman tuloy ako sa bp😭