Changes

Sorry na (Completed)
Sa bahay nila Gerald...

" Yaya ang dami namang gulay yan, bakit may handaan ba tayo?" puna ni mommy vangie, ang butihing ina ni gerald. " Naku maam hindi ko nga alam kay Gerald e basta tumawag na lang at puntahan daw namin siya sa palengke at pinabibili kami nito ngang mga gulay at sa isang tindahan lang kami tinuro". kwento ni yaya chedeng. " Si Gerald nagpabili ng gulay at di lang basta gulay, eh mukhang plantation na itong inuwi nyo e" natatawang sabi ni mommy Vangie. "At kelan pa natutong kumain ng gulay ang alaga mo ha chedeng?". " naku maam mukhang may changes ata na nangyayari sa binata mo e, may nakilala akong magandang dalaga kanina, mukhang mabait pero simple ang buhay. Schoolmate daw ni Gerald scholar sa college pero mukhang walang alam si Kim kasi nagpaka tago tago ang binata mo nung andun na kami." kwento pa ni chedeng. " Ganon ba yaya, hmm tingnan nga natin kung talagang may changes sa binata ko, basta ang mahalaga sa akin ay mapunta sa maayos si Gerald at hinding hindi siya lolokohin at sasaktan. Ngayon yaya ano ang balak mo dyan sa mga gulay na yan? " Naku mam hindi ko pa nga nakakausap si Cora kung ano ang gagawin sa mga ito, di naman natin mauubos ito", pag aalala ni chedeng. " Ganito na lang, ipadala ang iba sa simbahan di ba may pakain sila sa mga tao tapos sa bahay ampunan. Matawagan nga ang mga kumare ko. Hello Ricardo iho ang mama mo andyan ba?

after that day, marami na ang nakaka pansin na palaging naliligaw si Gerald and Rayver sa management building pag wala silang klase. Minsan pati ang ibang varsity players e kasa kasama ring naka tambay doon kaya umaapaw sa mga nag gwa gwapuhang adonis ang harapan ng management building. Minsan " aba Gerardo naliligaw ba kayo ng building? Sa kabila ang engineering building ha, management dito" sita ni Prof. Carlos. " Tito naman e, masama na bang dumalaw sa yo" sabi ni Gerald ang rayver. " At ako talaga ang sadya nyo ha. hala sige na lakad na at baka kung ano pa masabi ko. Tandaan mo lang Gerald ha mabait na bata si Kim". " Tito naman eh mabait naman kami ha" sabay ngiti ng Gerald.

" Hello mareng Vangie, alam mo ba kung nasaan ang unico hijo mo sa ngayon?" tawag ni Cherry sa mommy ni Gerald. " Bakit mare nasaan si Gerald? Ano ang pinag gagawa ng batang yan" nag aalalang sabi ni Vangie. " Wag kang mabahala walang ginagawang masama ang anak mo, nakaka panibago nga e, eto o andito sa library kasama si Kim, isa sa mga scholar ng College. Mabait na bata si Kim matalino pa. Paano ba nagka kilala ang dalawang ito ha mare? Hindi lang isang beses kong nakita si gerald dito sa library, nung una di ko naman pinansin baka naman may tiningnan lang pero napapadalas ata e" natatawang sabi ni Cherry, ang namamahala sa library ng College. " Gusto mo pruweba, sandali ha kunan ko ng picture tapos send ko sa yo" sabay kuha ng mobile then MMS send. Nangiti lang si vangie ng makita ang MMS. " aba ang anak ko nakaka panibago nga".

Once nasa may bench sina Gerald, Kim, maja and rayver malapit sa engineering building ng mapadaan ang ilang grupo ng varsity na kasama ni Gerald " Bro napag usapan ng grupo na sa sunday hindi muna kami pupunta sa bahay nyo para mag practice kasi naman e napupurga na kami sa hinahanda ni yaya chedeng e puro gulay na lang, iba iba pang putahe" sabay tawa ni fred, ang isa sa pinaka outspoken sa grupo. Nabigla si Kim sa narinig yaya chedeng? sabay tingin kay Gerald. Napatayo agad si rayver " fred may sasabi.." di na natuloy ni Rayver ang sasabihin dahil biglang salita ni Kim " Uy fred talaga puro ba gulay ang handa ni yaya chedeng sa inyo, aba ang sarap naman nagutom tuloy ako" ngiti ni Kim habang naka tingin kay Gerald. Tatayo sana si Gerald ng harangan siya ng kamay ni Kim kaya di siya natuloy napatingin na lang si gerald kay Rayver. " Patay na" ang nasa isip ni Gerald habang si maja ay clueless sa nangyayari. Sige pa sa kwento si fred " ewan ko ba talaga kung naging vegetarian na si yaya chedeng kasi si Gerald naman di masyadong kumakain ng gulay tapos biglang bigla puro gulay na ang hinahanda para sa amin, aba ilang linggo na yung ganon ah feel nga namin kami si popeye hehehe" sabay tawa ng grupo. " Ah ganon ba fred ilang linggo na yung routine na yun, aba ang galing galing naman ano libre pala pakain sa inyo kada sunday no" habol pa ni Kim. " naku Kim di lang pakain may take home pa nga e hahahaha kasi di na kakasya sa fridge nila ang gulay sa sobrang dami" sabi pa ng walang kaalam alam na si Fred na gusto na siyang bugbugin ni Gerald. Sabay tayo ni kim " Guys mauna na kami ha may klase pa kami" sabay hatak kay Maja at halos kaladkarin na si maja sa paglakad. " Best sandali lang baka matapilok na ako" habol ni Maja. Si Gerald and Rayver naman " Kim!!!!". Sabay tingin ni Gerald kay fred " pare naman bakit ngayon ka pa nag kwento, ayan galit na sa akin si Kim" sabi ni gerald sa naguguluhang si fred. " E kasi naman bro kina Kim yung gulay na yun at di niya alam na ako umuubos ng paninda nila kada sabado, paano ko lulusutan yan! himutok ni Gerald. " Bro di ko sinasadya sorry na. Hindi ko naman alam e sorry na talaga. Ako na makikipag usap kay Kim" habol ni Fred. " Wag na pare ako na, pahirapang usapan ito" lungkot na sabi ni gerald. Hindi naman niya na masundan si Kim kasi may klase na rin sila pero wala ang isip niya sa tinuturo ni Prof. Abella. Sa isip niya " paano ko kaya malulusutan ito, patay na talaga ako nito".

Nag kataong cancel ang klase nila Kim nung hapon na yun kaya dali dali silang umalis ni maja ng school na ikinabigla ni Maja kasi madalas nag library pa si Kim bago umuwi at laging hinahatid ni Gerald. Biglang bigla rin ang pananahimik ni Kim after makipag usap kay fred. " Best may problema ba?" tnong ni Maja. Matagal bago sumagot si Kim " Best niloko ako ni Gerald" sabay iyak. " Ha paano" naguguluhang tanong ni Maja. At kinuwento nga ni Kim ang mga sinabi ni Fred, nangiti lang si maja sa narinig at nasa isip " ang Best ko talaga ma pride".

Hindi na talaga mapakali si gerald kaya pagkasabi ni Prof. Abella na you may go ay dali daling hinila si rayver at nagtatakbo papunta sa management building. Pagdating sa room ni kim e walang tao at napag alamang na cancel ang class. Try niyang tawagan si Kim puro ring lang then out of reach na. ganon din ang mobile ni maja hindi makontak. "Ray ano ang gagawin ko" tanong ni Gerald....

Hay sad naman, kaw kasi Ge e......

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
TheArvie99 #1
nice story ... i hope you'll be able to write another one.... thanks
swit2th #2
so refeshing and so KG-ish...may 2nd career ka na na ann
JoJomontano #3
aww nice :)