Tilamsik

Sorry na (Completed)
Malakas pa rin ang ulan nang makababa ng jeep si Kim and nagmamadali na siyang makarating sa College kasi malapit na siyang ma late sa first exam niya at nahirapan siyang maka sakay dahil sa lakas ng ulan sabayan pa ng baha sa Metro Manila. Kailangan pa niyang maglakad ng 10 minutes bago makarating sa school at medyo tumila na ng konti ang ulan ng malapit na siya sa gate ng biglang may kotse na padaan malapit sa kanya nagkataong natapat sa may lubak puno ng tubig at...
" Aaaaaahhhhhhhhh ano ba yan" sigaw ni Kim. Natilamsikan siya ng kotseng dumaan at parang di pa napansin ng driver ng kotse ang nangyari dahil hindi huminto.

Sa kotse naman "hala pare nabasa mo yung babae at naku mukhang galit na galit" sabi ni rayver. Bestfriend and pinsan ni Gerald at isa ring basketball player. " Ha! may nabasa ako, asan?, tanong ni Gerald at nung nakita nga niya na may kasalanan siyang nagawa ay dali daling nag reverse ang takbo ng kotse para balikan ang babaeng nabasa niya. Pagbaba nila ng kotse napansin nila ang galit na tingin ng babae at mukhang iiyak na, " Naku miss sorry di ko napansin na nabasa pala kita at di ko rin napansin ang lubak sa gilid ng kalye, sorry sorry talaga" ani Gerald. Ang ganda niya kahit galit ang itsura, bakit ngayon ko lang siya nakita, ang nasa isip ni Gerald.

"Anak naman ng patola e, ang laki laki ng kalye talagang diyan pa sa may lubak mo naisipang padaanin niyang kotse mo" himutok ni Kim. "Sorry na talaga, di ko sinasadya" sabad naman ni Gerald. "Ano ba naman yan late na ako sa exam ko tapos ngayon basa na ako, di bale sana kung ulan lang nag nagpabasa sa akin e hindi e may kasama pang putik" sabay naluluha na si Kim. "Di bale sana kung malapit lang ang bahay namin pwede akong maka pagpalit ng damit pero hindi e", sabay tulo ng luha. Hindi naman alam ni Gerald ang gagawin, di niya alam kung papaano aaluin and babaeng nabasa niya. Tingin siya kay Rayver na parang nanghihingi ng tulong pero di rin alam ng isa ang gagawin.

"Ikaw talaga ang may kasalan nito e" iyak pa rin ni Kim. Di talaga malaman ni Gerald kung paano aaluin ang babae, lalapitan ba niya? Takot din siyang baka masapok ng babae pero nasa isip niya bahala na kasalanan ko naman kaya nilapitan na rin niya si Kim. "Miss sorry na talaga, huwag ka na umiyak, patawarin mo na talaga ako sabay tingin sa pantalon at blouse ni Kim na basa nga ng tubig at may kahalong putik. Pati ang braso ni \kim ay naputikan din. "Tama na yang iyak mo, halika na sakay ka na sa kotse at pasok na tayo sa College at isipin natin ang dapat gawin" pag aalo ni Gerald. "OO nga Miss sakay ka na muna tsaka patawarin mo na ang friend ko sa nagawa niya" sabi naman ni Rayver na napipi magmula ng makababa ng kotse. Kahit naiinis at sige ang iyak ni Kim ay sumakay na rin siya sa likod ng kotse habang pinasok na ni Gerald ang kotse sa college.

"Miss sorry talaga ha" sabi uli ni gerald habang nakatingin kay Kim sa mirror ng kotse. "Ako nga pala si Gerald at ito naman ang pinsan ko si rayver. Asan ang building mo dito? "May towel pala ako diyan sa bag ko na katabi mo paki kuha na lang para mapunasan mo ang putik sa braso mo" "Anong oras ba ang start ng exam mo?" tanong ni Ge. Huminto na rin ang pag iyak ni Kim at binuksan ang bag ni Ge at kinuha ang towel at nag simulang punasan ang braso na puno ng putik, "sa Business Management building ako at 8:30 simula ng exam" sagot ni Kim. Napatingin sa relo niya si Kim at 8:45 na kaya napapa iyak na naman siya sana ng nagsalita si Gerald " Miss wag ka na umiyak may naisip na akong solusyon at ihahatid pa kita sa room mo at ako na makikiusap sa professor mo kung bakit ka na late". Sabad naman ni Rayver "oo nga Miss wag ka na umiyak bahala na si Ge sa yo kasi.." biglang nahinto sa pagsalita si rayver dahil binato ni Ge ang celphone sa kanya sabay pinanlakihan siya ng mata. Nakuha naman ni Rayver ang message ni Ge, di naman nakita ni Kim ang nangyari kasi busy siya sa paglinis ng braso niya pero "o bakit nahinto ang sinasabi mo? At ano naman ang maitutulong sa akin ng mokong mong kaibigan ha? Tingin pa rin si Ge kay rayver" a e kasi siya ang kakausap sa prof mo at siya rin ang magmamakaawa para sa yo sa laki ba naman ng kasalan niya e" bawi ni Rayver. "Dapat lang no" sabi naman ni Kim sabay tingin sa window at nakitang malapit na sila sa building niya. Habang nasa isip niya na ang gwapo naman ng kumag na ito, at sa dinami dami ng araw e ngayon pa sila nag meet at ganon pa ang nangyari. " O ano ang sinasabi mong solusyon sa problema ko ha, may damit ka bang pang babae sa bag mo ha ha ha? tanong ni Kim.

Sana ok lang sa inyo ito...

For a newbie, I'm so excited...

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
TheArvie99 #1
nice story ... i hope you'll be able to write another one.... thanks
swit2th #2
so refeshing and so KG-ish...may 2nd career ka na na ann
JoJomontano #3
aww nice :)