Ang Kwento

Sorry na (Completed)
Habang nag concentrate si kim sa pagtapos ng exam niya, asa labas pa rin ng classroom si Prof. carlos, Gerald and Rayver. " Ano ba talaga ang nangyari ha Gerardo", tanong ni Prof. Carlos. " Ganito kasi yun Tito" at kinuwento nga ng dalawang lalaki ang nangyari nung umaga na yun kung bakit na late si Kim at kung bakit suot niya ang jersey ni Gerald. " so wala talagang kasalanan si Kim at ikaw talaga ang may sala ng lahat ha Gerardo", sita ni Prof. carlos. " Ako talaga Tito, naawa nga ako sa kanya kasi umiyak talaga siya kaya please lang hindi ko sinabi na kilala kita at malamang hindi rin niya alam kung sino ako", saad ni Gerald. Iiling iling lang si Prof. Carlos " basta Gerardo ha ang kasunduan natin anything ha", sabay ngisi.

Sino nga ba si Prof. Carlos? Close family friend ng mga Anderson ang mga Carlos, isa rin ang pamilya sa nag mamay ari ng St. Anne's College. Tulad ng mga Anderson low profile ang mga Carlos, single 28 years old at isa sa mga kinatatakutang professor sa Management building si Ricardo Carlos. Strict sa mga estudyante pero nasa tama naman. Mag best friend ang mga mommy nila Gerald and Ricardo and halos lumaki rin silang close. Magkasama sa mga boys night out, alam ang mga kapilyuhan sa mga girls at kung anu ano pa. Yan si Ricardo Carlos.

Samantala sa loob ng classroom seryoso si Kim sa pag sagot sa exam, malapit na rin siyang matapos dahil nga sa pinag handaan naman niya ang araw na ito isa pa matalino talaga si Kim at seryoso sa pag aaral. Nakabalik na rin si Prof. Carlos sa classroom at naka alis na ang dalawang lalaki. Nang natapos si Kim sa exam, naunahan pa rin niya ang ibang classmates niya, nag aantay naman si Maja sa labas ng classroom. Pag abot niya ng test paper kay Prof. Carlos " Kim na explain na sa akin ni Gerald ang nangyari kanina kung bakit ka na late at siya na ang humngi ng tawad so okay na sa akin yun. Kilala naman kitang responsableng estudyante at hindi bulakbol. " Thank you sir", sabay ngiti ni Kim. " Tsaka pasensya na sa pag bati ko sa suot mo ngayon" habol pa ni Prof. Carlos. " Okay lang po sir tsaka salamat na rin sa pag payag na maka exam ako kasi baka maka bugbog ako ng tao ng wala sa oras", sabay tawa ni Kim then lumabas na siya ng room.

" Best ano ba nangyari sa yo at na late ka? Nag aalala na nga ako sa yo kanina e tapos dumating ka pa ng may kasamang at bakit ka nga pala naka jersey ni anderson ha? Kilala mo ba siya?" sita ni Maja. " Best isa isa lang ang tanong ha, mahirap ang kalaban. Halika na nga sa secret place natin at dun ko i kwento sa yo ang nangyari at sinong Anderson? Tsaka yung dalawa e kanina ko lang nakilala at sila ang may dahilan sa pagka late ko" sabi ni Kim sabay hatak kay Maja para pumunta nga sa secret place nila. Habang naglalakad sina Kim and Maja, hindi nila napansin na ang mga estudyante ay naka tingin sa kanila lalo na kay Kim dahil nga sa suot niyang jersey ni Gerald sabayan pa na pabango ni Gerald ang naaamoy nila. Dumaan muna sila sa canteen para bumili ng pagkain bago pumunta sa isang malaking puno sa gilid ng management building na tago sa lahat at yun ang secret place ng mag best friend.

Sa gym naman kung saan may practice ng basketball sina Gerald and Rayver " Ray ang ganda ni Kim ano, bakit ngayon ko lang siya nakita", sabi ni Gerald habang nag shoot ng ball. " Naku bro natandaan mo ba sabi ni Tito ha na di niya naisip na maging kilala natin si Kim" sabi naman ni Ray habang nag shoot din ng bola. " Bro naman naniwala ka naman kay Tito no, basta di ito ang una't huli naming pagkikita ni Kim. Parang may iba bro, di ko mapaliwanag. Hindi ko natanong anong oras tapos niya", naisip ni Gerald. Kinuha niya ang phone niya at tinawagan si Prof. Carlos " Tito tapos na ba exam ni Kim? alam mo kung asan siya ngayon?" sabi ni Gerald. " Aba Gerardo malay ko ba kung asan si Kim ngayon, maaga naman siyang natapos ng exam. Try mo sa malaking puno sa gilid ng building minsan nakita ko sila doon ng best friend niya si Maja. Siyanga pala malapit na ang birthday ng girlfriend kong si Regine kaya i regalo mo na ang 1 week namin sa boracay ha, anything anything ka diyan kaya next month e asahan ko yan. O sige na at marami pa akong gagawin" sabay baba ng phone. " Rayver halika samahan mo akong hanapin si Kim" sigaw ni Gerald sabay kuha ng bag at lumabas ng gym.

Hay sorry ha medyo boring pagod sa work e

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
TheArvie99 #1
nice story ... i hope you'll be able to write another one.... thanks
swit2th #2
so refeshing and so KG-ish...may 2nd career ka na na ann
JoJomontano #3
aww nice :)