Meeting Mom

Sorry na (Completed)
Flashback....

Two days after magkabati si Gerald and Kim nasa library sila " Kim may naisip ka na bang ipapagawa sa akin para mapatawad mo ang kasalanan ko?" tanong ni Gerald. " Umm meron na, sasamahan mo ako sa palengke sa saturday, you'll be doing all the work para ma feel mo ang ginagawa ko." sabi ni kim. " okay call ako dyan" pagmamalaki ni gerald. " But and it's a big but, pag niloko mo na naman ako at nagdala ka na naman ng mga alalay mo that's it, end of our friendship tandaan mo yan ha". " Agree wala ng hocus pocus, promise cross my heart" which is beating only for you ang nasa isip ni gerald then thay shake hands to seal the deal. Then saturday came.

7 am sinundo ni Gerald si Kim sa bahay " asus naman Gerald e sa palengke ang punta natin, magtitinda ka ron ang gara naman ng suot mo" pagbibiro ni Kim. " Ha anong magara naman" pagtataka ni gerald. " E paano po puro branded ang suot mo, ang trainers mo na yan mapuputikan lang dun" tawa lang si Kim. " ay naku wag mo na kasing pansinin ang suot ko, halika na para matapos na ito at makabayad na ako" then super alalay kay kim pasakay sa kotse. " Naku eto pang kotse mo dapat pabantayan". " Kim ako na ang bahalang mag asikaso non ha, just relax" sabi ni Gerald. Pagdating sa palengke pinauwi ni Kim si Auntie Flor dahil andon naman sila ni Kim pati na si Simang, ang kotse ni Gerald pinabantayan talaga sa mga tambay na kilala ni Auntie Flor, siya na raw ang bahala sa kanila, agree naman ang mga ito at kilala naman nila si Auntie Flor.

Maganda ang benta nung araw na yun, bigla biglang ang daming napapadaan sa lugar nila, ang alam niya dahil kay Gerald kasi nga puro mga darna at nag hahagikgikang teenagers ang mga dumadaan. " Kim sana dalas dalasan mo ang pagdala sa boypren mo rito, ang lakas ng benta natin at ang dami talagang nagagawi rito sa ating pwesto" sigaw ni aling maria, at nagsipag agree ang iba pang nagtitinda. " Naku ho kaibigan ko po si Gerald, kayo talaga o", sabay tawa ni Kim, ngiti lang si gerald. " Kaibigan daw, iha tumanda na ako sa linyang ganyan" pahabol pa ni aling Maria. Ang mga batang lalaki lumapit kay gerald " kuya kailangan mo ng tulong namin?" tanong nila. " naku hindi ngayon boys magagalit si ate kim nyo nabuko ako, mamaya na lang ha ako bahala sa inyo" sabi ni Gerald sa mga bata. " Yeheyyyyy" sigaw ng mga ito at nagtakbuhang palabas para maglaro.

Kapag mga dalaga ang nag papa cute kay Gerald si Kim ang humaharap, meron talagang nanghihingi ng number at nakikipag kilala. Nangingiti lang si Gerald kasi ang bilis ni Kim sumagot, kaya ayun naiinis na umaalis ang mga pa cute na dalaga sabay pandidilatan ni Kim ng mata si Gerald. May mga instances pa na bago makabili ang customer itatanong muna ni KIm kung kilala si Gerald o kaya ay kung pakawala ni Gerald lalo na pag medyo madami dami ang binibili. Natatawa na lang sa kanya ang mga ito. Ang bilis tumakbo ang oras, malapit na matapos ang punishment ni Gerald ng habang nagliligpit siya ng ibang gulay pag angat niya ng ulo "MOM!". " Hello iho", naka ngiting sabi ni Vangie. Paglingon ni Gerald papalapit naman si Miling ang pinaka maingay nilang kasambahay " Naku po" sambit na lang ni gerald. Nung nakita siya ni Miling " Ay si.. ", naibato ni Gerald ang maliit na sibuyas kay Miling ng wala sa panahon sabay panlalaki ng mata. "..si buyas" pagtatapos ni Miling. Nakita pala yun ni Kim kaya siniko niya si Gerald " uy miling kumusta na? " Kumusta rin po Maam?" naka ngiting bati ni Kim kay Vangie. Nagulat si Gerald " magkakilala kayo? pati si Miling?"...

hala....

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
TheArvie99 #1
nice story ... i hope you'll be able to write another one.... thanks
swit2th #2
so refeshing and so KG-ish...may 2nd career ka na na ann
JoJomontano #3
aww nice :)