Mall

Sorry na (Completed)
Nakarating na sila sa mall, super alalay pa rin si Gerald kay Kim na ngayon ay sobrang naiilang una dahil sa suot niya and second dahil sa napa gwapo ng kasama niya. " O ano ang una sa agenda natin? tanong ni Gerald kay Kim. " Di ba papalitan mo lang ang blouse ko then wala na" sagot naman ni Kim sabay tingin kay Maja. " Ay naku best ano ka ba naman minsan minsan nga lang tayo makalabas tapos blouse mo lang pala ang pinunta natin dito, hindi no. basta mag eenjoy tayo ngayon. Tapos na ang exam, drained na ang utak ko so need to relax, di ba Ray" sabay siko kay Rayver. " Oo nga naman Kim mag enjoy tayo ngayon, para ngang matagal ko na kayong kaibigan e tsaka minsan minsan lang ito unless mauulit uli" sabay ngisi. " Paano yan Kim talo ka na, enjoy na lang natin today pwede" sabay hatak sa kamay niya papasok sa isang bench outlet.

Pag pasok nila sa bench ang direction ni gerald e sa mga branded shirt, si Kim naman e sa clearance items. Hindi nila namalayan na magkaiba ng direction ang pinuntahan nila hanggang sa mapalingon si gerald at wala sa tabi niya si Kim. Lingon siya ng lingon kung saan na napunta si Kim. Wala naman siyang matanong dahil hindi naman sumama sa loob sila Ray and maja at iba ang gusto puntahan at magkita na lang daw after na maka pamili. Hala sige siya ikot sa loob ng bench hanggang makita niya sa Kim sa clearance items nga. " Andito ka lang pala kanina pa kita hinahanap ha, kala ko tinakbuhan mo na ako e" sabay tawa. " Ha saan ka ba pumunta, ok naman mga shirts dito o tingnan mo mura lang. Ito o pwede na ito simple lang naman itong blouse ko na narumihan e" sabay pakita kay Gerald ng blouse. Tingin lang sa kanya si gerald sabay sabi " halika nga, ako na ang bahala sa yo" sabay hatak kay Kim papunta uli sa branded items. Sige pili si gerald ng shirt, blouse tapos lagay niya sa shopping basket. Si Kim naman ang ginagawa e tingnan ang price tag at pinanlalakihan siya ng mata sa presyo sabay soli ng item. Walang kaalam alam si gerald na wala pa ring laman ang basket nila kahit sige siya ikot at abot kay kim ng item, ang gawa naman ng isa e isoli. Hindi alam ni Gerald na hindi sinoli ni Kim ang shirt na galing sa clearance item kaya akala niya e ang mga shirts na pinili niya ang nakalagay sa basket ni Kim.

Ang buong akala ni Gerald e okay na ang mga pinamili niya kay Kim kaya sa men's section naman siya punta naka sunod lang si Kim sa kanya. Ganon din sige pili ng shirts, polo. jeans then lagay naman niya sa basket niya. Hindi naman pinapakita ni Kim ang basket niya kaya unaware ang isa sa nangyayari. " O ayan naka shop na tayo halika na sa cashier" sabi ni Gerald. "O akina ang basket mo baka nabibigatan ka na", sabay abot sa basket ni Kim. " Naku ako na kayang kaya ko naman, sige na mauna ka na sunod lang ako sa yo" tulak sa kanya ni Kim. Pagdating sa cashier pinauna ni Kim ang mga pinamili ni gerald then nung sa kanya na nagulat si gerald sa laman ng basket ni Kim. " Ano ito? asan na ang mga pinili ko kanina? " Miss ito muna ang babayaran ko ha, tsaka yang blouse na yan di ko yan kukunin" sabi ni gerald sa cashier. " E Ge naman okay na sa akin ito o maganda naman e, tsaka favorite color ko pink" . " Kung talagang gusto mo yan, e di sige miss paki tabi muna tapos babalik nalang kami uli ha mamimili uli ako". Nangiti lang ang cashier sa narinig, sabay talikod ni Gerald siya na ang may hawak ng basket ni Kim habang hatak sa kabilang kamay si Kim habang ang pinamili niya ay pinatabi muna niya sa may cashier para balikan.

Balik uli sila sa ladies section at si Gerald na may hawak sa basket at nag simula uli pumili ngunit pinigil siya ni Kim " Ge please di mo naman kailangang gawin ito e, simpleng blouse lang ang narumihan, di naman kamahalan tsaka nakakahiya naman sa yo ngayon lang tayo nagkakilala." " Kim masaya ako sa ginagawa ko, oo nga ngayon lang tayo nagkakilala pero kung di dahil sa akin muntik ka na di makakuha ng exam,kaya please let me." " O sige compromise tayo, kung ano lang ang gusto mo ang bibilhin pero manonood tayo ng sine and then kakain, okay ba sa yo yun?", tanong ni gerald. " Hala parang ganon din yun e, ang usapan bili lang ng pamalit sa blouse ko dumarami ata ang kapalit ha. Your choice, either ako ang pipili ng pamalit o sine" sabay ngisi ni Gerald. napa isip si Kim " O sige ikaw ang pipili sa isang kundisyon 1 blouse lang, take it or leave it!". " Sige deal, sabi ni Ge then they shake hands, medyo matagal nga lang bitawan ni Gerald ang kamay ni Kim. Balik uli sa cashier nagbayad na si Gerald then labas na sila ng store para i meet sina Maja.

Ayan BFF, yan muna pasok pa ako.....

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
TheArvie99 #1
nice story ... i hope you'll be able to write another one.... thanks
swit2th #2
so refeshing and so KG-ish...may 2nd career ka na na ann
JoJomontano #3
aww nice :)