Surprise

Sorry na (Completed)
Grabe talaga ang umaga ng birthday ni Kim, halos himatayin sa takot ang dalawang matanda, sinimulan ni gerald ng alas 5 ng umaga. Nagpipilit talagang pumasok sa bahay ni Kim at ilalagay daw niya ang bulaklak sa loob para pag gising ni Kim ay makita niya agad at gusto pa talaga sa loob ng kwarto ng dalaga. Katakot takot na pakiusapan ang nangyari, wala ring nagawa ang 2 matanda at talagang nagpilit ang binata, di na ipinilit na ipatong sa unan ang bulaklak at nahila na siya ni Manang bago pa siya makapasok sa loob ng kwarto, nag kasya na lang sa pag silip sa natutulog na dalaga.

Ikalawa naman ng biglang na lang nilang napansin na papalapit na ang dalaga sa bahay nila na nagkataong nakahiga naman sa sala si Gerald at nagpapahinga at ang aga ngang gumising at ginulo ang buhay ng 2 matanda. Nanlaki ang mata ni mamang ng makita si Kim na malapit na sa pintuan, naibagsak talaga niya ang pinto ng wala sa oras sabay takbo kay gerald para gisingin ito at itulak sa kwarto kasama si Joe. Nagkagulo talaga sila, nagka tumba tumba ang mga upuan, may mga bagay na nagsi hulog, nagkabungo bungo sa gilid ng lamesa para lang maitago si Gerald tapos dahil sa diyaskeng pabangong yan na lagi na lang hinahabol ng ilong ni Kim muntik pang magka bali bali ang buto ni Joe ng wala sa panahong napatalon sa bintana kasunod ni Gerald dala ng takot. Nagulat si Gerald paglingon niya na asa likod si manong "bakit kayo tumalon at nagtatago?" tanong ni Gerald. " Ewan ko nga bang bata ka bakit nga ba pati ako ay nagtatago, dyaskeng napatalon pa ako ng bintana sa takot ah". " pakiusap lang gerardo kung maari lang na palitan mo na yang lintik na pabango na yan at dyan pa ata magkaka lasog lasog ang buto ko, wala sa oras na napapatakbo ako tapos ngayon naman napatalon sa bintana", himutok ng matanda sabay tawa na lang si gerald habang nakikinig sa mga pangyayari sa loob ng bahay.

Sa itaas naman ng bahay hawak na talaga ni manang si Kim at baka kung saan na naman ito mapunta, di na kakayanin ng puso niya ang nangyayari sa mga oras na ito, nag aalala pa siya kay Joe at bakit pati ito ay napatalon sa bintana, baka napano na ang matanda niya. Ayaw umalis ni Kim hanggat hindi niya nakikita si manong at gusto talagang magpasalamat sabay pa ng lintik na amoy na yan na kung bakit sa dinami dami ng pabango e yan pa ang ginamit ni Gerardo ngayong araw na ito sabayan pa na bakit ba humaling na humaling naman si Kim sa amoy na yan, maloloka na talaga si manang sa mga pangyayari sa araw na ito. Panalangin na lamang niya na matapos ang araw na ito na buo pa ang mga buto nilang mag asawa.

Nung hindi pa rin lumabas si manong nagpasya na ring umuwi ni kim at pupunta pa siya sa resort at may selebrasyon nga nung hapon na yun. Hindi naman niya kailangang maki gulo don, may mga tao naman kasi ang may ari na mag aasikaso, sa opisina lang siya para daw kung sakaling may kailanganin.
May hindi maipaliwanag na nararamdaman si kim ng araw na yon, kabang may halong excitement hindi dahil birthday niya, may iba pa na hindi niya maipaliwang. Kung ano yun abangan.....

Hope you'll enjoy this.....

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
TheArvie99 #1
nice story ... i hope you'll be able to write another one.... thanks
swit2th #2
so refeshing and so KG-ish...may 2nd career ka na na ann
JoJomontano #3
aww nice :)