He found me

Sorry na (Completed)
maja's stay sa Bora went quickly, ang bilis ng 1 week and di naman siya pwedeng mag stay pa kasi mag hihinala na si rayver, buti nga di nag tanong bakit ang tagal niya mawawala ngayon. She had a nice time sa Bora with her friend, ang tagal nilang di nagkita. Medyo pumayat si Kim at naging morena ng konti dahil na rin sa maalat na hangin galing sa dagat pero maganda pa rin ito. Ng may mapuna siya " alam mo best matagal ko na napapansin ito ha, yang batang lalaki na yan laging andyan or kahit saan tayo mag punta." Tingin si Kim sa batang edad nasa 8-9 " best naman maraming bata kaya dito ano, kung anu ano na ang pumapasok sa isip mo." " Ewan ko ba best paranoid ata ako, sabi ko sa yo till now hindi pa nagsasawa si gerald sa kapa hanap sa yo, nadudulas lang minsan ang asawa ko kaya alam ko kaya mabuti na ingat tayo." "Hay naku best ikaw talaga o" sabi na lang ni Kim.

What is Kim doing in Bora? when she phoned neri that time she begged her if she can come to Bora with her, no questions asked because she was just crying. She left manila, Aunt Flor, maja and resigned from her job ASAP and here she is nearly a year now, woking as assistant manager sa Moonlight Resort, sa pinakadulo ng bora, medyo malayo sa malalaking hotel resort and malayo sa madalas puntahan ng mga rich and famous. She's happy here, life is simple, malayo sa gulo ng siyudad, ang place medyo remote but she found peace even a bit. Madalang siyang manood ng tv and pa minsan minsan kinig ng radyo kaya medyo di na siya updated sa nangyayari sa manila. She still sends letter kay Auntie Flor and maja and still no return address.

One day, off siya from work, 9am ng magising siya kasi may mga pumupukpok sa labas. pag silip niya sa bintana may tinatayong maliit na bahay sa magka bilang gilid ng tinutuluyan niyang mini kubo. Nagtaka siya kasi sa tagal niya dito ngayon lang siya magkakaroon ng malapit lapit na kapitbahay, medyo duluhan na ang lugar niya at natuwa naman siya at kahit paano may makakausap na siya. Lumabas siya at bumati sa 2 medyo may edad ng lalaki at babae " Good morning po, I'm Kim. Sa inyo po yan?" Napalingon ang dalawang matanda at nagsabi " Naku iha nagising ka ba ng ingay? pasensya ka na. Boy! tigil nyo muna yan!" sabi ng matandang lalaki. " naku wag po gising naman po talaga ako e. Sige lang po para makalipat na kayo para naman may kapitbahay na ako rito." sabay ngiti. Nag usap pa sila ng sandali then nagpaalam na si Kim para gumawa ng gawaing bahay ng " Sir Jr, nag kausap na po kami, Ay sus sir napaka bait naman po pala niya. Kami na ang bahala sa kanya sir huwag na kayong mag alala." Madalas ang bigay ni manang josie ng pagkain kay Kim para raw medyo magkalaman na siya at si manong joe naman ay taga ayos kung ano ang sira sa tinutuluyan ni Kim. Hindi niya mahindian si manang sa kabibigay ng pagkain kasi masasayang lang daw at kasiyahan na nitong magluto. Sa kabilang kubo naman mag ina ang naka tira, yung anak na dalaga nasa 18 year old at madaling nakapalagayang loob din ni Kim ng mabilis. Nag offer pa ang dalaga na ipaglalaba siya ng makitang may sugat sugat ang kamay ni Kim sa kalalaba at hindi papayag na bigyan niya ng sweldo. Basta lang daw ilibre lang siya ni Kim ng sine at kakain sa labas basta may magandang pelikula at pumayag naman ang dalaga. Si manang Ophel naman na nanay nito ang naglilinis ng bahay pag wala si Kim.

Isa pang pangyayari sa buhay niya, minsan pinatawag siya ng may ari ng hotel at sinabing may napanalulan ang asawa nitong tricycle sa raffle sa bayan at kung gusto ni Kim ay gawing service pa punta at pauwi ng bahay nito tutal naman e nag tricycle din siya at may kilala silang driver na naghahanap din ng trabaho. Napapayag naman ang dalaga kasi may oras talaga na mahirap ding kumuha ng tricycle pag medyo late na siyang nakakauwi. Magmula non may service na siya papasok at pauwi, di naman napansin ni Kim na hindi nagpapasada ang tricycle, naka bantay lang na gamitin niya.

At ang pinaka matindi sa lahat, napansin na rin ni Kim na palagi ngang asa malapit niya ang batang lalaki pag may kausap siya na napuna ni Maja non, Boy ang pangalan nito 9 yrs old nga, pag asa school ito yun lang ito absent sa tabi tabi pero may ibang bata namang kapalit. Minsang naglalaro ang bata sa labas ng opisina ni Kim ng mapansin niyang may naka bukol sa tagiliran nito. Nang umangat ang t-shirt nitong suot habang naglalaro nakita niyang may maliit itong tape recorder na nakatali sa tagiliran nito. Nang makita niya iyon nan lamig ang pakiramdam niya at " Gerald, he found me."

Night to all....

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
TheArvie99 #1
nice story ... i hope you'll be able to write another one.... thanks
swit2th #2
so refeshing and so KG-ish...may 2nd career ka na na ann
JoJomontano #3
aww nice :)