Secret Place

Sorry na (Completed)
Nakarating na sina Kim and Maja sa kanilang secret and sacred place " Sige na best i kwento mo na lahat lahat ng nangyari, at FYI si Anderson e ang sikat at gwapong varsity player ng St. Anne's College at siya ang kasama mo kanina at if I'm not mistaken e sa kanya yang jersey na suot mo", sabi ni maja sabay kain ng sandwich na binili nila sa canteen. Nan laki mata ni Kim " ano best si Gerald e ang Anderson na palagi mong bukam bibig!" " Siya nga po at kung ikaw ba naman ay sumasama sa akin pag may laro ang school e di sana kilala mo na si Anderson no" sabi ni Maja habang sige kain. " Alam mo naman best na di ako pwede pag sabado di ba at tinutulungan ko si Tita sa palengke kahit ayaw niya. Ang laki kaya ng utang na loob ko kay Tita mula ng mawala si mama di ba" lungkot na sabi ni Kim. Pahabol pa niya " at isa pa mabuti na yung mag practice na ako kung paano mag manage ng business ano habang maaga kahit simpleng tindahan lang yung kay tita" sabay kagat din ng sandwich na binili niya. Nai kwento na ni Kim ang buong nangyari sa kanya, napakita na rin niya ang madumi niyang blouse at pantalon kaso di naman niya pwedeng alisin ang blouse at isuot lang ang jersey ni Gerald dahil nga sa malaki sa kanya kaya nag mukha siyang hanger habang suot ang jersey ni Gerald kaya wala siyang choice kundi maging taga promote ni gerald habang naglalakad siya. Ang dami niyang nakuhang biro dahil doon habang naglalakd sila ni Maja, ngiti lang ang sukli niya at ayaw na niyang palakihin ang issue. Ramdam din ni Kim na maraming girls ang nagagalit sa kanya dahil doon lalo ngayong nakilala na niya sino ang sikat na Anderson na member ng basketball team. Alam niyang maraming girls ang naloloko kay Anderson dahil palagi na lang niyang naririnig na binabanggit ang pangalan nito pero di siya interesado alamin kung sino ito. Ang favorite hang out ni Kim kung di rin lang niya kasama si maja e ang library bago umuwi at wala siyang interest na mag babad sa gym at panoorin ang laro nito.

Matagal tagal na ring nag kwentuhan ang magkaibigan sa ilalim ng puno, tawanan biruan ng " Kim! andito ka lang pala kanina pa kita hinahanap e" sigaw ni Gerald. Napalingon ang dalawang girls at nakita nilang palapit si Gerald kasunod si Rayver". Nasasa isip ni Maja na grabe mas gwapo pala talaga si Anderson ng malapitan pati na rin si Cruz habang nakatingin sa papalapit na si Gerald. " Hello uli Kim" sabi ni Rayver sabay tingin kay Maja at sinabing " I'm Rayver and you are?" sabay abot ng kamay. Inabot naman ni Maja ang kamay na nilahad ni Ray at sabi " I'm maja Kim's best friend. Nice to meet you Rayver and you to Gerald" sabay ngiti. " O bakit mo naman ako hinahanap? Binabawi mo na ang jersey mo?" tanong ni Kim ng naka ngiti. " Naku hindi nangungumusta lang sa exam mo at sa professor mo" sabay ngiti. " Ah ok naman si Prof, na understand naman daw niya kung bakit ako na late. Sabi ko nga pag di ako nakakuha ng exam malamang naka bugbog na ako ng tao e" sabay tawa ni Kim. " Naku Kim ha di ako kasali sa hit list mo ha, pasahero lang ako. Ang driver ang mas mabigat ang sintensya ano" sabay tingin kay Maja. " At diniin mo talaga ako no, baka di ka na makasabay sa akin mag mula bukas ha bro" sabi ni Gerald kay Rayver. " Bro naman di ka na mabiro, syempre naman ever loyal ako sa yo no sabay akap kay Gerald na sinabayan naman ng tawa ng dalawang babae.

" E Kim may klase pa ba kayo?" tanong ni Gerald. " Ah wala na, yun lang ang klase namin ngayon last exam na yun e bakit" tanong naman ni Kim. " E di ba sabi ko sa yo kanina if may chance e punta tayo sa mall para palitan ko blouse mo pati na rin pantalon kung ok lang sa yo. Muntik ka nang di makakuha ng exam dahil sa akin buti na lang napakiusapan Prof. mo. " Ano ka ba naman lalabhan lang naman itong damit ko okay na yun after" sabi naman ni Kim. Ngisi si Ray " Naku naman Kim dapat lang na palitan yan ni Gerald no kasi kung sakaling di pumayag ang prof mo na makakuha ka ng exam e di baka bumagsak ka pa so nasa konsiyensa naman yun ni Gerald kaya sige na pumayag ka na sama mo na rin ang bestfriend mo" tingin uli kay Maja. " Sige na Kim libre na yan tsaka mag unwind naman tayo, tapos na ang exam at need na nating ipahinga ang utak natin ano sa sobrang information ang na absorb this week" sabay tingin din kay Rayver. " Ha a e ano e" di maka sagot si Kim. " Sige na Kim please, okay na namam kay maja e tsaka mag school mate naman tayo di ba tsaka harmless kami ni bro" ngiti ngiti si Gerald. Tingin si kim kay Maja then " sige na nga kaya lang nahihiya naman ako sa suot ko o para akong hanger sabay taas ng kamay na padipa" sabay tawa. " Halika nga rito ayusin natin yang jersey ko " sabi ni Gerald sabay hila kay Kim patayo na ikinagulat ng dalaga. Binuhol ni Gerald ang dulo ng jersey at " yan ok na " tsaka maganda ka pa rin sa mata ko kahit ganyan ang suot mo" sabay ngiti ni Gerald. Napa yuko si Kim sa narinig at pinamulahan ng mukha. Ngisi ngisi naman si Rayver at Maja at nakikiramdam lang sa dalawa nilang kaibigan. " Tara na" sabay alalay sa likod na Kim. Nakasunod naman sina Rayver at maja na nag simula nang mag kwentuhan habang tahimik naman sina Gerald at Kim at nagpapa kiramdaman, puro sulyap sulyap at ngiti lang ang ginawa ng dalawa habang papunta sa naka paradang kotse ni gerald. Pinag buksan niya ng pinto sa harap si Kim at sa likod naman sina Maja at rayver, gusto sanang tumanggi ni Kim pero naka upo na sina Rayver at maja sa likod kaya wala siyang choice kundi umupo sa harap katabi si Gerald. Pa sulyap sulyap pa rin silang dalawa habang ang dalawa sa likod e kuntodo na ang usap may kasama pang tawa na minsan e nakikitawa na rin ang dalawa sa harap. Ang lakas ng kabog ng dibdib ni kim di niya maipaliwanag ang nararamdaman ng mga oras na yon, ganon din pala ang nararamdaman ni gerald isang pakiramdam na mahirap ipaliwanag.

hayan naka chap 5 na ako .....

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
TheArvie99 #1
nice story ... i hope you'll be able to write another one.... thanks
swit2th #2
so refeshing and so KG-ish...may 2nd career ka na na ann
JoJomontano #3
aww nice :)