Jersey

Sorry na (Completed)
" O ano na ang solusyon mo? May damit ka ba ng babae sa bag mo ha ha ha at andito na tayo, sita ni Kim. " Miss wala akong damit ng babae sa bag ko at teka pala kanina pa tayo nag uusap di man lang namin alam name mo", ani gerald. " Oo nga Miss ano name mo?, sabad naman ni Ray. " I'm Kim", sabay titig kay Gerald sa salamin. Grabe ang ganda talaga niya ang nasa isip ni Gerald. May ilang minuto rin silang nag titigan lang sa salamin ng " Hoy kayong dalawa andito na tayo tama na yang titig mode na yan! Tsaka ano na ang solusyon Ge late na late na si Kim o tapos tayo may practice pa hellooooooo", sita ni Rayver. Naputol ang tinginan nila sabay pamumula ng face ni Kim, si Gerald na ngiti lang. " Kim isuot mo na lang ang jersey ko, ipatong mo sa blouse mo para di mapansin ang putik and after kung ok lang sa yo punta tayo sa mall palitan ko yang blouse mo", sabay ngiti ni Gerald. " Naku hindi na ako makikipag talo sa yo ngayon at sobrang late na talaga ako, pag hindi ako pinakuha ng exam ni Prof. Carlos lagot na talaga ako at lagot ka rin sa akin Gerardo" habang hinahalungkat ang bag ni Gerald para kunin ang jersey at ipatong sa maduming blouse. Grabe ang bango bango naman ng gamit ng kumag na ito at mukhang mamahalin, ang nasa isip ni Kim habang sinusuot ang jersey. Bumaba na sina Ge at rayver at ipinag bukas ng pinto si Kim. " Ang cute niyang tingnan sa jersey ko ah" sa isip ni Ge habang pababa ng kotse si Kim. Ang mga student napapa tingin sa kanila, namula na naman si Kim at sigurado siyang siya ang pinag titinginan dahil sa itsura niya. Ang jersey ni Gerald halos umabot sa kalahati ng hita niya sabayan pa na para siyang naging hanger sa laki nito kaya todo ang yuko ng ulo niya. Ang hindi niya alam e sikat sa college sina Gerald and Rayver dahil nga sa varsity player ng basketball, kasabay pa na parehong gwapo at habulin ng mga babae. Sikat din naman si Kim sa building nila bukod sa matalino, mabait pala kaibigan pa pero iba ang tingin sa kanya ngayon ng mga student at bakit kasama niya ang 2 sa gwapo at sikat sa college nila. Inggit ang mga babae sa kanya at ang mga lalaki naman ay parang nanghihinayang. LumakAd na sila papunta sa classroom ni Kim, nakasarado ang pinto kaya kahit kabado e kumatok si Kim. Pansin ni Gerald na di mapakali si Kim habang inaantay na buksan ang pinto, late na siya ng halos 45 minutes at kilala si Professor Carlos sa pagiging strict sa time management at may pagka masungit minsan. Nangiti si Gerald sa likod ni Kim kasi kilalang kilala niya si Prof. Carlos...

Yayyy naka 2 chapters na ako yeheeyyyyyy...

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
TheArvie99 #1
nice story ... i hope you'll be able to write another one.... thanks
swit2th #2
so refeshing and so KG-ish...may 2nd career ka na na ann
JoJomontano #3
aww nice :)