Palengke
Sorry na (Completed)After a few minutes pagbalik ni Gerald sa pwesto nila Kim " ate pagbilan naman nito, ito,ito, ito at ito" sabi ng isang batang ang edad ay nasa 8-10yrs old. " Boy alam mo ba mga name nyang mga binibili mo?" tanong ni Kim. " Hindi po ate basta po bigay nyo na lang sa akin" sabi ng bata then bago umalis " Hello kuya!". After a few minutes may isa na namang bata hanggang almost 10 kids ang sunod sunod na bumili and kada umaalis e bumabati kay Gerald. " Iho mukhang may fans club ka rito ah" tawa si Tita flor. Ngisi lang si Gerald sabay " hala baka mabuko ako ni Tita". Another 15 minutes had passed then Ge got a phone call " Tita, kim excuse po uli" then umalis na siya. " Kim may dapat ba akong malaman ha iha?" naka tawang tanong ni Auntie Flor kay Kim. " Tita naman e, napadaan nga lang yung tao" sagot naman ni Kim.
Nagpaalam saglit si Kim kay Auntie Flor para puntahan si Aling maria sa kabilang pwesto ng pagbalik niya nakita niyang may kausap na medyo may edad ng babae si Auntie Flor. " ay eto na pala ang pamangkin ko si kim" sabi ni Auntie Flor. " Kim eto naman si chedeng, swerte nga natin kasi yung amo raw niya ay nagpapabili ng maraming gulay ngayong araw at malamang makaka uwi tayo ng maaga ngayon." sabi ni Auntie Flor. " Ganon po ba? Salamat naman Ms. Chedeng" sabi ni Kim. " walang anuman iha, ang ganda ganda mo nga pala, mabait pa" sabi ng nadulas na si chedeng. " Po? kilala nyo po ako?" tanong ni kim. " naku iha nagkamali lang ako ng sabi, alam mo na nagkaka edad na ako kaya minsan kung anu-ano na ang nasasabi. O inday at jose sige na dalhin nyo na sa kotse yang mga pinamili natin at marami pa tayong pupuntahan. Nice meeting you Flor at sa yo rin iha, sa uulitin ha" paalam ni chedeng. " Sige po Ms. Chedeng thank you po uli" pahabol ni Kim. " Kim ano bang date ngayon at parang may milagrong nangyari?" natatawang sabi ni Flor. " ewan ko ba auntie swerte lang siguro tayo ngayon" sabi naman ni Kim. Siyang pag balik ni Gerald " aba Tita saglit lang ako nawala parang ang dami ng bawas ng tinda nyo ha" nakatawang sabi ni gerald. " Ewan ko ba iho parang may milagrong nangyayari e" sabay harap ni Auntie Flor kay Gerald na naka ngisi. " Uwi na ba kayo Tita ihatid ko na kayo" sabi ni Gerald. " Ay iho may aasikasuhin pa ako, ang mabuti pa ay ihatid mo na si Kim para makapahinga na yan. Pagod na sa school hanggang dito ay tumutulong pa sa akin" sabi ni Auntie Flor. " O sige po Auntie mauna na ako" sabi ni Kim. " Mauna na kami Tita" sabi naman ni gerald. " Ingat sa byahe Gerald at ingatan mo si Kim" pahabol ni Auntie Flor. " Makakaasa ka Tita" sabi ni Gerald.
hay antok na ako...
Comments