Chapter 25 - Paraluman

Huwag Kang Pa-fall!
Please Subscribe to read the full chapter

Katarina:       Katarina sent a photo.

                             good morning!!

 

Sana ganito na lang talaga lagi ang bungad sa akin ng umaga.

Inopen ko rin yung camera ko tapos nagselfie rin ako. Syempre di ako papatalo teh!

 

Winter:          good morning rin hehe

                          Winter sent a photo.

Katarina:      you look pretty there babe ;)

 

Alam ko naman na maganda na ako pero hindi ko pa rin napigilang kiligin sa sinabi niya.

Babe daw.

Babe!

 

Winter:          yes baby?

Katarina:     hahaha hi babyy <3

 

Pwede bang tumili muna for a minute?

Clinose ko yung chat tapos in-open ko yung kay Ning.

 

Winter:         Winter sent a screenshot.

                          HINDI KO NA KAYA

Ningning:    LANDI NIYO🤢

                           tanong ko lang may label na ba?

Winter:          pangit ng ugali mo

Ningning:     kailan mo ba balak

Winter:           humahanap na lang ako ng timing

Ningning:      may marupok po somewhere!!

Winter:           gaga!

 

Matagal ko na ‘tong nasabi kay Ningning. She offered to help me pa nga kung may binabalak akong gagawin pero sa totoo lang wala pa talaga akong definite na plan. Kung pwede ko lang siyang tanungin right there and then, ginawa ko na, pero gusto ko rin maging memorable para sa aming dalawa yon.

Should I make an effort ba? What if yayain ko siyang lumabas?

 

Ryujin started a group call.

 

Ano ba yan, nagpaplano pa lang ako tapos biglang may vc sa gc namin. Nagjoin naman agad ako.

“Hi po.”

“Ano meron?”

"Kumpleto na ba tayong lahat?"

"Si Giselle pa."

"I'm here," Nag-open ng camera si Karina tapos magkatabi silang dalawa ni Giselle.

In-open ko na rin yung camera ko para makita nila ako.

Last na nag-open si Ningning. “Ipinatawag ko kayong lahat dito dahil magpaplano tayo."

"Bukas tayo pupuntang dagat diba."

Ay oo nga. Ang bilis naman ng araw parang 2 days ago lang nung nagsabi silang mag-aya. Sure na ba talaga 'to?

"Oo paano ba set up natin if ever?" tanong ko naman.

"Magpicnic na lang tayo," suggest ni Ningning.

"Wag na, maghanap na lang tayo ng malapit na restau tas doon na lang tayo kumain."

"Magbaon na lang ng lulutuin tapos nasa harap natin yung view diba."

"Beh alam mo ba magluto? Hanap na lang ng restau para makatry rin tayo ng ibang pagkain," sabi naman ni Ryujin.

"Ganyan ka Ryujin. Wag nga natin isama 'to."

"Sige tingnan natin kung gusto rin nila magpicnic. Ano mas gusto niyo, doon magluto or hanap na lang tayo ng malapit na kainan?" tanong ni Ryujin sa aming tatlo.

Okay lang naman sa akin kahit ano. Hindi rin ako marunong magluto pero I think magiging exciting yung magiging ganap if we tried to cook for ourselves. Pag-pray ko na lang siguro na sana maayos yung makain namin.

"I think mas maganda kung picnic na lang," sabi ni Giselle. "They call it aesthetic these days," tawa niya. Ang dami ko nga ring nakikitang aesthetic posts tungkol sa picnic.

"Diba."

"And we can use less gas pa."

"Oh ano ka ngayon Ryujin," nudyo ni Ning.

"Wag ka, hindi pa sumasagot si Win at Karina."

"Ano mas gusto mo bes?"

"Pwede naman natin gawin yang dalawang yan. Kapag nagfail tayo magluto, hanap na lang tayo ng restau na malapit," sagot ko.

Tama naman yung sagot ko diba?

"Sino nagsabing magfe-fail tayo? Nandito si Giselle alam niyang magluto."

"Wow, thanks Ning nafi-feel ko talagang hindi tayo magfe-fail," sagot ni Giselle kaya natawa kaming lahat.

"Eh ikaw Karina ano mas gusto mo?"

Karina looked at the screen. "It's the same as Winter."

Nagdiwang agad si Ning tapos wala nang nagawa si Ryujin kundi pumayag na lang, "Oo na magpicnic na tayo," defeated na sabi niya.

 

 

 

 

 

Bumaba kami ng tricycle.

"Nasa inyo na yung listahan ah. You know what to buy?" paninigurado ni Giselle sa amin.

Dahil bukas na ang punta namin, naisipan na rin naming ngayon na mamalengke ng mga dadalhin at para hindi na hassle bukas. Nag-estimate na rin kami ng budget ng lahat ng magagastos para sa pagkain at buti na lang ay marami kami kaya ayos lang yung pagkakahati ng babayaran.

"Oo Gi alam na namin tara na," sabi ni Ryujin. Nahati kami into pairs pero dahil lima kami, may isang magtatatlo. Syempre kasama ko si Karina tapos nasama sa amin si Ryujin. Si Giselle at Ningning naman yung natirang magkasama.

Sila Giselle yung incharge mamalengke kasi kahit hindi man halata, magaling siyang mantawad sa mga nagtitinda. I'm sure she can handle it well. Si Ningning naman, magaling na siyang makipag-usap sa mga tao kaya sila na yung bahala sa mga papalengkehin nila.

Kaming mga natira naman yung bahala sa mga groceries. Mga snacks na kakainin namin habang nagbabyahe tapos mga inumin rin plus yung iba pang mga toiletries like shampoo kapag magbabanlaw na after maligo sa dagat. Hindi naman marami yung bibilhin namin doon kasi isang beses lang namin magagamit at magse-share lang rin naman kami.

"Sige tara na. Kita na lang ulit tayo dito sa paradahan pauwi pag tapos na."

"Sige sige."

Tiningnan ko si Karina. She offered her hand kaya agad ko itong hinawakan. “Let’s go?” Nagstart na kami maglakad in opposite directions.

“Oy sandali!”

Napalingon kami ni Karina sa sigaw ni Ning.

“Bat sumasama ka sa’min Ryujin? Doon ka kila bes.”

“Ayoko teh naglalandian sila. Nafi-feel ko tuloy na hindi pa rin ako crush ng crush ko,” pag-iinarte ni bruha.

“Edi wag ka sumama sa amin, pinipilit ba kita?” biro ko. Kung hindi sasama sa amin si Ryujin, kaming dalawa lang ni Karina ang magkasama. Does it mean grocery date with her? Enebe yen. Naalala ko na naman yung pagtawag niya sa akin ng baby kanina.

“Babe..?” mahinang tawag ko sa kanya.

“Yes babe?” sagot niya.

Ano ba!

“Tingnan mo yan, Ning. Nangingiti na naman si gaga,” turo ni Ryujin sa akin tapos yung mga mata nila nakatingin lang sa amin ni Karina.

“Bakit na naman?” defensive kong tanong. Mahinang natawa lang si Karina sa tabi ko.

“Bahala ka dyan Ryujin basta wag kang sasama sa amin ni Giselle, magdedate rin kami shoo,” taboy ni Ning sa kanya tapos hinatak na niya si Giselle palayo sa amin.

“Remember the list guys!” huling sabi ni Giselle bago sila mawala sa paningin namin.

Nakasimangot na humarap sa amin si Ryujin tapos lumapit sa amin.

“Karina pashare muna ng baby mo ha,” Pumunta si Ryujin sa kabilang side ko tapos ikinawit niya yung braso niya sa braso ko. Dalawa na tuloy silang nakahawak sa akin.

“Hoy bat ka humahawak sa’kin?” sinubukan kong tanggalin yung kamay ni Ryu pero masyado siyang mapilit.

“Tanggalin mo.”

“Ayaw,” pagpapabebe niya.

Karina chuckled, “Let’s go na babe before we run out of time. Baka nagstart na rin bumili sila Gi.”

“Okay baby,” sagot ko. Narinig ko pa yung mahinang pag-tsk ni Ryujin.

Nagstart na rin kami maglakad papunta sa savemore at dahil nga sabay-sabay kaming naglalakad na tatlo sa daan, napipilitan pang mag-adjust yung iba naming mga nakakasalubong. Bumitaw naman na si Ryujin sa akin para makalakad kami ng maayos and in no time, nakarating na agad kami sa savemore.

Dumiretso agad kami doon sa mga lalagyanan ng push cart para hindi kami mahirapang magbuhat ng mga bibilhin.

In-open ko yung notes app ko sa phone para makita yung listahan. Sinend kasi kanina sa gc yung mga listahan ng bibilhin tapos cinopy ko na lang doon for better access.

Una kaming pumunta sa aisle ng mga tinapay. In every picnic, hindi talaga mawawala yang tinapay.

Need pa ba ng palaman? Parang hindi ata namin nalista yon.

“Anong masarap na palaman?” tanong ko habang nag-s-scan ng mga brands doon.

Tiningnan ni Karina yung mga nakalagay sa aisle. “My cousin suggested this the last time we met. She likes this one.”

Tiningnan ko naman yung kinuha niya. Yung peanut butter yon na branded. Yung lagi kasi naming binibili na peanut butter is yung mga homemade. Hindi ko pa rin natitikman yung pinili ni Karina and kung ija-judge ko siya based sa appearance niya, mukha naman siyang masarap. Sige ilagay natin yan sa cart.

We moved on sa next stop namin, yung mga snacks. Ibig sabihin niyan ay yung mga chichirya. Hindi namin nagawan ng literal na list ng specific products yung mga bibilhin kaya kami na lang ang bahala kung ano bibilhin doon. Basta abot lang sa budget namin ay okay lang naman kahit ano yung kunin.

“Ano gusto mong kainin?” tanong ko kay Karina. Hindi naman ako masyado mahilig sa chichirya at bihira lang yung mga nagugustuhan ko.

“Ikaw? What do you like?”

“May top 3 ako dyan,” sagot ko tapos kinuha ko yung malaking cheese ring, tortillas, at yung cheezy na cheese flavor. Oo na ako na yung mahilig sa cheese.

After ni Karina makita yung nilagay ko sa cart, nag-add rin siya ng another cheese flavor, yung chiz curls.

“Hindi naman halatang mahilig tayo sa cheese,” natatawang sabi ko.

Tumango si Karina, “I know, right? Cheese is a good source of nutrients.”

“What if bumili rin tayo ng mga marshmallows?”

“The big ones or..?”

“Kahit yung mga malilit lang.”

“It’s okay as long as abot pa sa budget natin. We can do that.”

“Talaga?” excited kong sabi tapos itinulak namin yung cart papunta sa aisle ng mga candies. Kinuha ko agad yung marshmallow na nakita ko tapos inilagay ko sa cart.

“This feels like we’re living together and figuring out what to buy for our snacks at the house,” sabi ni Karina after a while. Papunta na kami ngayon sa drinks section. Ako yung nagtutulak ng car

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
Ang tagal na rin pala simula nung last outtake 'no? Ito na rin siguro ang panghuli. Their story ends here but they will be remembered forever in our hearts. Hanggang sa huli🫶🫶

Playlist link: https://open.spotify.com/playlist/6L4yidJZLVZH8DXsbH4xMo?si=fkxMXpTkRzy5N9sMVEUWGA&dd=1

Comments

You must be logged in to comment
gomtokkim
2144 streak #1
Chapter 5: Miss ko na silaaa
Jillian_ #2
Chapter 45: Tapos ko na siya omg, mamimiss ko silaaaa
Jillian_ #3
Chapter 39: Hoy bakit ako naiiyak sa pag-alis ni Karina, parang mamimiss ko rin siya kahit hindi ko siya ka-barangay T^T
bigboy123
134 streak #4
#rr 👀🤭
Jillian_ #5
Chapter 17: OMG HSHDGGSJSKJHD
Jillian_ #6
Chapter 6: Ay, ‘yan ang gusto ko, nagpapahiwatig 🤩
dork_seulgi_k
855 streak #7
Chapter 37: iihhhh 🤸
AJMercado
#8
m
M_1412 #9
Chapter 26: Huyy 2521 din talaga naisip ko bigla sa scene na yon huhu cute nila
Sa wakas may label na ang mag babyyy
M_1412 #10
Chapter 20: Nahohomesick na naman tuloy ako sa bp😭