Chapter 24 - Callsign

Huwag Kang Pa-fall!
Please Subscribe to read the full chapter

Ningning:       alam mo ba

 

Ito na naman si Ningning. Lately ang dami naming mga napag-uusapang chismis. Well, mostly about random stuff lang siya na nakikita niya sa internet pero kadalasan, tungkol talaga kay Giselle yung napag-uusapan namin.

 

Ningning:      actually NGAYON LANG TALAGA SIYA NANGYARI

Winter:      teh ano na naman yan

Ningning:      binati ako ni lucas!!

Winter:      huh?

Ningning:      akala niya kasi birthday ko ngayon kaya binati niya ako

 

Wow so nags-start nang magparamdam sa amin yung Lucas. Naalala ko nga nung nakaraan na in-add rin niya ako as a friend sa facebook. May naaamoy talaga akong fishy.

 

Ningning:    Ningning sent a photo.

 

Tiningnan ko yung laman ng picture. Convo siya ni Ning kay Lucas.

 

Lucas:             Happy Birthday Ningning😊, Godbless😇mbtc😊

Ningning:     Thank you po!!💗 pero hindi ko po birthday ngayon huhu

Lucas:            ay hala hahaha sorry

Ningning:    okay lang po🤗

 

Clinose ko na yung picture at saka ko nireplyan si Ning.

 

Winter:        bait mo naman dyan bes

                          hOY

Ningning:       ANO ANO

 

Natawa ako sa bigla kong naisip. Giselle patawarin mo nawa ako.

 

Winter:          diba may record ka ni giselle nung kumakanta siya dati sa karaoke nung bday ni karina?

                           wHAT IF isend mo sa kanya??

Ningning:      🤯🤯🤯

                            GAWIN KO BA

Winter:           KUNYARI NAWRONG SEND KA

Ningning:      gagawin ko talaga to

                            HOY SINEND KO

                            tapos unsend ko rin kapag na-seen niya

 

                            Ningning sent a photo.

 

Ningning:     [Ningning unsent a message.]

                          ay hala sorry po wrong send😭

Lucas:           bat nadelete haha

                        pasend ulit

                       please hahaha

 

Ningning:     HOY TEH MAY PLEASE

Winter:          ISEND MO

 

Kanina pa ako natatawa habang nag-aabang ng update ni Ning. Sobrang immersed ko doon na hindi ko napansin na nakalapit na pala sa akin si Karina.

Oo, nandito si Karina sa bahay.

Actually, kanina pa siya nandito.

Parang yung time lang noong sinundo niya ako for the tree planting activity pero ngayon, kilala na siya nila mama at welcome na agad siya dito sa bahay. Ang bilis lang nila mama na mag-warm up sa kanya. Feeling ko nga close na agad sila kasi nung bumaba ako kanina, parang ayaw nang mahiwalay ni mama kay Karina. Ang dami lang ni mudrang kwento!

Tinanong ko pa nga si Karina kung nakita niya si ate Lisa kanina pero nakaalis na daw ang kapatid ko nung dumating siya. Nagtanong kasi sa akin si ate noong nakaraan kung may jowa na ako. Syempre sinabi ko naman yung totoo, na wala naman talaga. Tapos ni-rephrase niya yung tanong niya.

"Pero malapit ka nang magkajowa?"

Hindi ko siya sinagot at iniba ko yung topic. Tumango naman siya in understanding.

Mahirap magsinungaling sa kapatid ko and kahit hindi ko naman sabihin, may napapansin rin talaga sa akin lately si ate. Katulad ng lagi kong pagpunta kila Gi.

Pero totoo namang gusto ko lang naman makipag-hangout kila Giselle ah. Secret ko na lang yung part na dahil nandoon rin si Karina hehe.

Hindi naman na nagpush si ate sa akin. Siguro hinihintay lang rin niya ako na magsabi. Don't worry ate, sasabihin ko naman talaga sa'yo kapag kami na ni Karina.

We were hanging out dito sa room ko ngayon. Hinatak ko talaga agad si Karina papunta rito kasi kanina pa siya kinakausap ni mama. Syempre kailangan ko siyang iligtas sa kamay ng nanay ko.

Nanood rin kami kanina ng movie.

Ang kilig ko lang talaga kanina when she said she wanted to cuddle daw habang nanonood.

Lord, I am not your strongest soldier po.

Rinig pa ata ni Karina kanina yung tibok ng puso ko kasi sabi niya she can hear my heartbeats daw. Hindi naman ako nagpatalo, sabi ko mas rinig ko yung tibok ng puso niya. Ako kasi yung nakasandal sa kanya while her arms are wrapped around me.

Parang hindi nga ako nakapagfocus sa movie kasi feel na feel ko yung presence niya habang nakayakap siya sa akin. Naramdaman ko pang dumampi yung labi niya sa may sentido ko. Yun yung last straw ko at nawalan na talaga ako ng focus sa pinapanood namin. Mas maganda pang magfocus na lang ako kay Karina.

Bakit pa ako magfofocus sa movie kung nandito naman si Karina?

Natapos na yung movie and nagpaalam muna sa akin si Karina na magc-CR muna saglit kaya I decided na magcheck muna ng phone at heto na nga si Ningning na nagkekwento tungkol doon kay college.

Natatawa na lang ako sa mga pinaggagawa namin. Sinabihan ko rin si Ning na balitaan rin si Ryujin sa mga nangyayari.

"What are you doing?" tumabi sa akin si Karina tapos pinakita ko naman sa kanya yung phone ko.

"Nagchat kay Ning yung Lucas."

She gave me a knowing smile nang makita niya yung dahilan kung bakit kanina pa ako natatawa dito.

"You will be in trouble if Giselle sees that."

"Ikaw rin," sabi ko naman.

"Why am I included?" Tanong niya tapos umusog siya palayo sa akin ng onti. Natawa naman ako doon.

"Syempre nakibasa ka kaya ng convo," sabi ko naman. Tumunog yung messenger ko indicating na nagreply na si Ning.

Mayroon siyang sinend na picture.

 

Ningning:      Ningning sent a photo.

 

Ningning:     [Ningning sent a video.]

Lucas:           thank youu

                        ano pala yung kinanta niya?

 

Agad akong nagtype ng reply habang nakikitingin pa rin sa akin si Karina.

 

Winter:           she belong with you po

 

Mahina akong hinampas ni Karina after niya mabasa yung reply ko kay Ning.

 

Ningning:      ay you belong with me po pala by taylor swift hehe

 

Natawa naman kami pareho sa reply ni Ningning.

“You really are best friends,” natatawang iling na lang ni Karina.

 

Ningning:      Ningning sent a photo.

 

Ningning:     you belong with me po by taylor swift

Lucas:            ay hahaha thanks, iba talaga si giselle

                         alam ba niya na sinend mo yan sakin?

Ningning:    hindii po huhu wag niyong sabihin

Lucas:           sige sige atin atin lang hahaha

                        kantahin ko na lang yan sa kanya

 

“Ay sana all kinakantahan,” hindi ko napigilang sabihin. Saka ko lang naalala na singerist nga pala yang si kuya.

Karina suddenly looked at me, “Do you want me to sing you a song?”

Suspicious ko siyang tiningnan, “Weh?”

“Of course, you don’t believe me?”

Ilang beses na niya akong binibiro about dyan sa kanta kanta na yan pero never ko na ulit siyang narinig na kumanta except noong pahapyaw niyang nakanta yung Feel My Rhythm.

“Oo na lang, Karina,” kunwaring payag ko tapos naramdaman ko na lang na kinurot niya yung pisngi ko.

“You’re so cute,” at pinanggigilan na nga niya yung pisngi ko.

Hinawakan ko yung kamay niya na nakahawak pa rin sa pisngi ko.

“Alam ko namang cute ako.”

Karina removed her hands on my cheeks tapos tiningnan niya yung bintanang nakabukas sa kwarto. “I can feel the cold wind coming from here.”

Tumingin rin ako doon at nakiramdam.

Wala namang hangin eh!

“Bwisit ka,” sinamungatan ko siya.

“Do you wanna go to Giselle’s?”

“Ayaw mo na ba ‘ko kasama?” I pouted.

Shuta hindi ko gusto ‘tong ginagawa ko sa sarili ko pero natural kasi siyang lumalabas lalo na kapag kasama ko na si Karina. Ipagpapanalangin ko na lang na hindi ako makitang ganito ng mga kaibigan ko kasi panira lang sila sa buhay ko. Aasarin lang nila ako lalong lalo na si Ryujin.

“What do you want to do pa ba here?”

“Hmm,” saglit akong nag-isip. “Wala naman..”

“Unless..?” Karina wiggled her eyebrows implying something tapos na-gets ko yon agad! Ganito na ba ka-corrupt yung utak ko?

“Tara na kila Giselle!” Tumayo ako at hinatak na si Karina na natatawa lang sa pinaggagawa ko. Kasalanan niya kaya ‘to.

 

 

 

 

 

Hindi agad kami nakapunta kila Giselle.

In fact, nandito pa rin kami sa kwarto. Pero it doesn’t mean na may ginawa kami. Pero meron nga kaming ginawa. Pero hindi ganon yun! Kalimutan mo na nga yon Winter.

Sabi kasi ni Karina, she needs to fix her hair daw muna bago kami lumabas kaya ayun, heto ako at pinapanood siya na may ginagawa sa buhok niya. Hindi ko napigilang icompare yung buhok niya sa akin. Ang haba ng buhok ni Karina.

“Why?” Tumingin siya sa akin sa harap ng salamin.

Umiling ako, “Wala lang, ang haba kasi ng buhok mo.”

“I was thinking of getting it cut nga eh. Abot na rin kasi siya bewang ko.”

“Talaga? Parang nakakahinayang naman kung papagupitan mo.”

“You like my hair long ba?”

Tiningnan ko ulit siya sa salamin. Tapos na siya magsuklay tapos kumuha siya ng maliliit na strands then nagstart na siya magbraid.

“Bagay mo rin naman yung mahaba pero nacu-curious ako kung paano magiging itsura mo once na nagpashort hair ka,” honest na sagot ko.

I admit, unang kita ko pa lang talaga kay Karina, maganda talaga siya. There’s something unique sa kanya na makakakuha agad ng attention mo and then after that, you can’t avoid looking at her every time plus parang naging signature na rin niya yung mahaba niyang buhok.

“Okay noted,” sagot niya.

Anong noted?

“Huh?”

“Curious rin ako what I’ll look like once I cut my hair eh,” she shrugged.

“Papagupitan mo?”

“I’m not yet sure. Medyo nag-eenjoy pa ako mag-braid eh,” tawa niya.

Tap

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
Ang tagal na rin pala simula nung last outtake 'no? Ito na rin siguro ang panghuli. Their story ends here but they will be remembered forever in our hearts. Hanggang sa huli🫶🫶

Playlist link: https://open.spotify.com/playlist/6L4yidJZLVZH8DXsbH4xMo?si=fkxMXpTkRzy5N9sMVEUWGA&dd=1

Comments

You must be logged in to comment
gomtokkim
2144 streak #1
Chapter 5: Miss ko na silaaa
Jillian_ #2
Chapter 45: Tapos ko na siya omg, mamimiss ko silaaaa
Jillian_ #3
Chapter 39: Hoy bakit ako naiiyak sa pag-alis ni Karina, parang mamimiss ko rin siya kahit hindi ko siya ka-barangay T^T
bigboy123
134 streak #4
#rr 👀🤭
Jillian_ #5
Chapter 17: OMG HSHDGGSJSKJHD
Jillian_ #6
Chapter 6: Ay, ‘yan ang gusto ko, nagpapahiwatig 🤩
dork_seulgi_k
855 streak #7
Chapter 37: iihhhh 🤸
AJMercado
#8
m
M_1412 #9
Chapter 26: Huyy 2521 din talaga naisip ko bigla sa scene na yon huhu cute nila
Sa wakas may label na ang mag babyyy
M_1412 #10
Chapter 20: Nahohomesick na naman tuloy ako sa bp😭