Chapter 4 - Distracted

Huwag Kang Pa-fall!
Please Subscribe to read the full chapter

Umuwi na rin kami pagkatapos namin kumain. Hapon na rin kasi at baka hinahanap na rin ako ni Mama. Nagpaalam naman ako nang umalis ako kaninang umaga pero wala naman akong sinabi kung anong oras ako uuwi. Syempre baka mag-alala ang pinakamamahal kong nanay kahit lagi siyang may sama ng loob sakin minsan. Char.

Hindi na ako ang sumakay kanina sa front seat at si Giselle na ang pinaupo ko don. Hindi naman na nag-inarte itong si Ning nang tabihan ko siya kanina sa likod ng kotse.

Bigla kasi akong nahiya teh! Or na-conscious rather. Hindi kasi ako sanay. Karina bat naman kasi may paganon?

Natameme pa ako dun tapos yung way pa ng pagsasalita ko nang mag-thank you ako sa kanya kanina after niyang punasan yung taas ng labi ko na may bakas lang naman pala ng frappé na ininom ko. Gurl ayoko na please!

Akala ko nga kanina tatawanan niya pa ako nung medyo pumiyok pa ako pero nginitian niya lang ako. So ano naman magiging reaction ko dun ha?

Wala naman siyang say kanina nang lumipat ako sa likod ng kotse at nagpatuloy lang ulit sila sa pagchichismisan lalo na itong si Ning na halos ikwento pa bawat detalye ng elementary days namin kay Ryujin kasi nagtatanong si bruha kung pano daw namin nakilala si Karina. Edi si Ning na ang may matalas na memory. Hindi ko kasi maalala kahit anong kwento niya kanina. Sabi ko nga baka gumagawa na siya ng sarili niyang kwento. Hinampas ba naman ako ni gaga sa braso. Ang sakit lang.

Nakatingin rin kasi ako sa harap kanina tapos saktong napatingin rin siya sa rear view mirror kaya nagtama mga paningin namin. Nagngitian kami syempre. Duh. Alangan namang mag-iwas ako ng tingin edi mas ginawa ko pang awkward.

Sabay sabay kaming bumaba sa tapat ng bahay nila Giselle kanina kasama na rin si Ryujin. Nagtaka pa ako kung bakit hindi siya bumaba nang madaanan namin yung bahay nila sa kabilang barangay kanina tas ang sabi niya iniwan daw niya yung bike niya kila Ning.

Tapos na rin maglipat ng gamit sila Giselle pagkarating namin at tinawag na agad siya ng family niya. Syempre sumama na rin si Karina sa kanya paloob pero nagpaalam muna kami sa isa't isa bago umuwi sa kanya kanyang bahay.

Nakatingin lang naman sakin si mama kanina pagkauwi ko. Feel ko di naman siya galit. Syempre binilhan ko rin kasi siya ng takeout na pagkain mula dun sa café kanina. Oh diba ang thoughtful ko lang na anak. Cute na nga, ang ganda pa ng personality ko kaya san ka pa. Mahirap makahanap ng katulad ko I'm telling you.

 

Giselle: hi guys!!

              oh, nagyaya ka pala magcod kanina ryu?

              wait lemme do smthg

Giselle added Katarina Yu

Giselle: hi rinaa

               welcome to the club

Ningning: club ng magaganda ba yan gi?

                   thanks appreciated ko yung thoughtfulness mo :*

Winter: lakas naman ng hangin dito

Katarina: hello :)

                 are you sure it's okay to add me to your old gc?

Ningning: oo naman ano ka ba

                   wala naman kaming tinatago dito

                   and besides, kaibigan ka na namin

Ryujin: uy thank you nga pala sa panlilibre ha

              promise babawi kami sayo

Winter: ikaw pa nga naunang pumayag na manlibre siya eh

              lakas ng trip mo ryu

Giselle set Katarina's nickname to Karina

Karina: hahaha it's okay guys at saka I'm really glad i made new friends with you

Ningning: bakit, wala ka bang friend sa school mo?

 

Itong si Ning talaga ang lakas magtanong ng mga personal questions. Gurl kalma ka lang. Baka mamaya biglang magbago isip ni Karina na i-befriend tayo.

 

Karina: i can't say i don't have friends, but i don't have anyone i can talk about anything in particular

Giselle: so hindi mo ako kino-consider na ganon???

Karina: as i was saying, i'm glad i met giselle :))

Giselle: there better😌

Ningning: yes naman

                  and nameet mo na rin kami kaya stuck ka na samin forevs!

Winter: forevs amp

Ryujin: ayaw mo ba winter?🤨

 

Ayan na naman sila. Tapos nakisali rin si Karina. Ate hindi pa tayo close ha wag mo ko ganyanin. Char.

 

Karina: you don't want ba winter? :(

Winter: wala kaya akong sinabiii

Karina: ikr you liked my picture pa nga eh ;)

 

Bakit may pagkindat?

Inaasar niya ba ako?

At nakita niya talaga yon? Mama! Binaon ko na yon sa nakaraan eh huhuhu.

 

Ningning: huy ano yan

                  winter ano yung tea???

 

Agad rin namang naiba yung topic nang may biglang naalala si Gi. Nakalimutan pala namin sabihin kanina kay Ryujin na magaapply kami sa TEU. Na-caught up kasi kami sa iba ibang topic kaya hindi na na-bring out yung pinaplano namin about sa school na papasukan namin pag college.

Wala pa naman akong definite plan basta ang goal ko lang ngayon is makapasa sa lahat ng inapply-an kong univ. Ganoon rin kay Ning. Ewan ko na lang kay Ryujin. Si Giselle kasi feel ko doon siya sa dati naming school mag-aaral kung sakali. Kung makapasa man ako sa mga school sa Manila, siguro luluwas ako pero it depends pa rin talaga. Di pa ako ready mawalay kila mama lalo na kay ate Lisa. Hindi ko pa kaya nami-meet jowa niya!

Nga pala nahuli ko siya kaninang may ka-vc after ng work niya. At dahil isa akong maintrigang kapatid, bigla akong nakigulo sa kanila.

"Hala ka ate sino yan? Sumbong kita kay mama." Lumabas ako mula sa likod ni ate para makisilip sa ka-tawag niya. Sabi ko na eh, hindi work call yun.

Nagulat ata si ate kasi muntik na niyang mabitawan phone na hawak niya. Buti na lang hindi ito bumagsak sa sahig.

"Winter wag ka ngang manggulat!"

"Bakit sino ba yan?" Triny ko ulit sumilip pero nilayo niya sakin yung phone screen. "Damot mo naman."

"Heh! Dun ka na nga!" Pagtataboy sakin ni ate pero di rin nakaligtas sa pandinig ko yung mahinang tawa ng ka-call ni ate.

"Lisa, it's okay. I also want to meet her," sabi ng k

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
Ang tagal na rin pala simula nung last outtake 'no? Ito na rin siguro ang panghuli. Their story ends here but they will be remembered forever in our hearts. Hanggang sa huli🫶🫶

Playlist link: https://open.spotify.com/playlist/6L4yidJZLVZH8DXsbH4xMo?si=fkxMXpTkRzy5N9sMVEUWGA&dd=1

Comments

You must be logged in to comment
gomtokkim
2146 streak #1
Chapter 5: Miss ko na silaaa
Jillian_ #2
Chapter 45: Tapos ko na siya omg, mamimiss ko silaaaa
Jillian_ #3
Chapter 39: Hoy bakit ako naiiyak sa pag-alis ni Karina, parang mamimiss ko rin siya kahit hindi ko siya ka-barangay T^T
bigboy123
136 streak #4
#rr 👀🤭
Jillian_ #5
Chapter 17: OMG HSHDGGSJSKJHD
Jillian_ #6
Chapter 6: Ay, ‘yan ang gusto ko, nagpapahiwatig 🤩
dork_seulgi_k
857 streak #7
Chapter 37: iihhhh 🤸
AJMercado
#8
m
M_1412 #9
Chapter 26: Huyy 2521 din talaga naisip ko bigla sa scene na yon huhu cute nila
Sa wakas may label na ang mag babyyy
M_1412 #10
Chapter 20: Nahohomesick na naman tuloy ako sa bp😭