Chapter 22 - Date

Huwag Kang Pa-fall!
Please Subscribe to read the full chapter

Ayokong ako lang yung nahuhulog.

Sabi nga ni Ningning dati dapat as I secure my feelings, dapat nase-secure ko rin yung feelings niya sa akin.

So I, Winter Kim, vow to make landi to Karina at this very moment and I’ll make sure sa akin na lang siya titingin after this day ends.

Joke.

I don’t mean today na literally pero basta ganun na yung thought.

“Saan ka pupunta Winter?” tanong sa ‘kin ni ate habang prenteng nakaupo sa may sala at nakapatong ang laptop sa lap niya. Nakawork from home na naman siguro ‘to. “Sabi sa ‘kin ni Chae imi-meet mo raw siya?” suspicious niya akong tiningnan. “May pinaplano siguro kayo sa likod ko ‘no?”

Ngumiwi ako at nagpaalam na agad umalis sa bahay. “Ma, aalis na ako!”

“Hoy Wintot!” nilingon ko pabalik si ate Lisa na pinaniningkitan na ako ng mata.

“Bakit ate?”

“Inaagaw mo na ba sa ‘kin ang best friend ko?”

“Muntanga ka ate bahala ka nga dyan,” tinalikuran ko na siya at dumiretso na ako palabas ng bahay. Narinig ko pa yung tawa niya after. “Mag-uwi ka ng pasalubong!”

“Ayoko nga!”

Tuluyan ko nang nasara yung gate namin.

“Tagal mo naman bes,” bungad ni Ningning pagkakita ko sa kanya. “Excited na ko magluto. Tara na!”

 

 

 

 

 

“Hi! Nandito na pala kayo. Sorry hindi ko agad kayo nalabas,” apologetic na sabi sa ‘min ni ate Rosé pagkabukas niya ng pintuan.

“Okay lang po ate kararating lang naman namin. Excited na si Winter mag-bake ate!” sabi ni Ning pero mas excited pa siya sa akin.

Bakit nga ba kami nandito ngayon kila ate Rosé?

“Don’t worry sisiguraduhin ko na bago pa matapos ang araw na ‘to, alam niyo na kung paano mag-bake ng masarap na tinapay,” nakangiti niyang sabi tapos tiningnan niya ako. “Ibibigay mo ‘to sa crush mo ‘no?” tukso niya tapos nakisali na rin si Ning.

“Landi talaga ni Winter, ate ‘no?”

Hindi niya napigilang tumango, “Magkapatid nga sila ni Lisa.”

Wow ha. I feel offended.

“Hindi kaya!” simangot ko. “Ate Rosé, wag mo ’to sasabihin kay ate ha.”

Best friend pa man din siya ni ate. Baka mamaya pag nalaman ni ate yung pagkakagusto ko kay Karina, hindi na niya ako tigilan.

Ganon kasi ako nung nalaman ko yung sa kanila ni ate Jennie.

Gantihan lang.

“Good thing kinonsider niyo yung offer ko last time. For sure makakatulong rin ‘to sa business ko.”

“Wag ka mag-alala ate, magpopost agad kami ng maayos na reviews para marami kang ma-attract na customers.”

May ari ng bakeshop si ate Rosé.

Hindi lang ito basta shop kasi nag-o-offer rin siya ng baking lessons sa mga interested mag-bake.

Bagong tanong ulit. Paano kami nagkaroon ng interest ni Ning na pumunta rito?

“Grabe nakakagutom pala yung pag-spill ng ganon karaming informations," pinaypayan pa ni Ning yung sarili niya gamit ang kamay niya.

Katatapos lang niya magkwento sa 'kin ng tungkol kay college na manliligaw kaya bumaba na kami para kumuha ng meryenda sa kusina.

Naabutan namin si ate Rosé na nandoon pa rin.

Hinanap ng tingin ko si ate Lisa pero hindi ko siya nakita.

"Hinahanap mo ba si Lisa? May dinaanan lang saglit si ate mo doon kila Seulgi. Babalik rin naman siya pagkatapos." Hindi ko naman siya tinatanong pero thank you po sa information.

"Anong ginagawa mo ate?" nilapitan ni Ning yung mga tinapay na nakalapag sa lamesa.

"Gutom na ba kayo? Pwede kayong kumuha dito sa mga na-bake na kung gusto niyo."

Agad namang kumuha si Ning pagkasabi na pagkasabi pa lang ni ate Rosé. Hindi man lang nahiya si gaga.

Speechless siya after niya kumagat kaya kumuha rin ako para matikman yung tinapay.

"Ate Rosé may jowa ka na ba?" tanong ni Ning.

Hindi ko pinansin yung pinag-uusapan nila at kumuha ulit ako ng isa pang piraso.

Ang sarap niya. Bet ko yung texture ng tinapay. Hindi siya masyadong matamis at sakto lang siya sa panlasa ko.

"Ang swerte siguro ng magiging jowa mo ate if ever. Ang sarap po ng pagkakagawa niyo dito."

"Ay dapat lang talaga na masarapan siya. Syempre ako ang gumawa eh," biro ni ate Rosé.

Napatigil ako sa pagkain tapos tiningnan ko si ate Rosé. Napansin rin naman niya yung pagbaling ko sa kanya. "Bakit Winter crush mo na ba ako?"

"Ate diba nagtuturo ka rin kung paano mag-bake?"

"Oo," interested naman niya akong tiningnan. "Gusto mo bang matuto? Pwede kitang turuan in return of good ratings and reviews sa bakery ko."

Ay. Ginawang opportunity.

May bayad kaya 'to?

"Sige dahil kapatid ka naman ng best friend ko, hindi na muna kita pagbabayarin." Magsasalita na sana ako pero cinut off niya ako. "Hep hep! Ngayon lang 'to ah. May bayad na sa next lesson."

Biglang pumagitna si Ning sa harap namin. "Ate bakit si Winter lang? Ako rin dapat."

Natawa si ate Rosé, "Sige pero sa atin na lang 'to ha. Wag niyo na sabihin sa iba kasi baka malugi ako," biro niya.

"Safe yan sa 'min ate don't worry," nag-gesture si Ning ng okay sign.

"Pero parang ang sudden naman ata ng pagiging interested niyo? Don't tell me na-love at first bite kayo sa luto ko?" Nagbubuhat rin pala si ate Rosé ng sarili niyang bangko.

Tama naman siya sa fact na masarap luto niya pero I think I have a slightly different reason.

Cookery ang pinili ko sa TLE dati when I was in grade 9 imbes na mag EIM ako or ICT.

Siguro dahil na rin sa impluwensya ng mga kaklase ko kasi majority sa amin cookery ang kinuha.

Pero dahil na rin siguro sa fact na mahilig ako kumain.

Kumain lang. Hindi ang pagluluto.

Pero ngayon naisip ko, mas maganda pala kapag pinaghihirapan gawin yung masarap na pagkain. At least doon may natututunan ako and at the same time, nakikinabang ako sa naluto ko.

I want to give that effort to someone.

Gusto ko makita niyang hindi lang siya ang nag-e-effort.

Ako rin.

Ime-make sure kong maiinlove rin siya sa gagawin ko katulad ng kay ate Rosé.

 

 

 

 

 

Akala ko nung una madali lang siya.

Kapag nanonood kasi ako ng mga baking vlogs sa youtube, ang pe-perfect ng mga nagagawa nila.

Pero it comes with experience na rin siguro. I’m sure mag-iimprove pa ako after nito.

“Kailan po kayo nagstart mag-bake ate?” tanong ni Ning habang nagsi-sift kami ng flour para sa gagawin naming madeleine. Noong una hindi pa ako sure kung ano exactly yung sinasabi ni ate Rosé na gagawin namin tapos naalala ko yung past lesson namin about sa tinapay dati. Naalala ko yung tinapay or cake ata yun na parang shell yung itsura. Ganon pala ‘yon.

“Ah, may classmate kasi akong babae dati tapos binigyan niya ako ng mille-feuille,” mahina siyang natawa. Hindi ko na-gets yung mill eme na sinabi niya pero hindi kona lang tinanong kasi masyado siyang na-caught up magkwento. “And syempre nasarapan ako. Naalala ko pa tinanong ko pa siya dati kung nagbebenta siya ng ganon tapos super disappointed ako kasi hindi daw.”

“Anong ginawa mo ate?” tanong ko.

“Tinanong ko siya kung paano ako makakakain ulit non tapos sabi niya sa akin, nagtetake daw siya ng classes. So ayun, na-inspire akong magtake rin and dahil na rin super love ko talaga ang food, cinontinue ko na yung pag-pursue ko ng career in baking.”

“Ah so dahil pala doon sa girl, ate,” may pagkamalisyosang sabi ni Ning. Hindi siya napansin ni ate Rosé at nagtuloy lang sa pagkekwento. “Nagtake kami ng baking classes together tapos ayun we became friends. Siya rin yung co-owner ko ng bakery.”

Nagproceed naman na kami na mag-mix ng butter kasama ng ibang ingredients. Kailangan thick yung consistensy niya and dapat na-mix siya ng maayos. Ako yung incharge sa pagmi-mix and medyo nakakangawit rin pala.

“Pagod ka na ba Winter? Pwede namang magsalitan tayo sa pagmimix,” suggest ni ate Rosé pero tinanggihan ko. Gusto kong matuto para alam ko na ang gagawin ko once na mag-isa ko na lang.

“Wag na ate. Kaya ko pa naman.”

“Masyado mo namang kina-career ang pagbebake Win,” angal ni Ning.

Nasa part na kami kung saan nilalagay na namin sa madeleine mold yung na-mix na batter. Tinuro sa amin ni ate Rosé kung paano maglagay. Super ayos ng pagkakagawa niya tapos noong turn na namin ni Ning, medyo nag-iba.

“Dapat hino-hold niyo yung pastry bag facing downwards then saka niyo ipupush para mas maayos na lalabas yung batter, parang ganto,” Dinemonstrate ulit sa amin ni ate Rosé yung way kung paano siya ilagay.

“Parang gets ko na po ate,” sabi ni Ning tapos ginaya na namin yung ginawa ni ate Rosé and tama nga siya. Mas maayos na napapalabas yung batter kapag ganon.

Iniwan na muna namin sa oven yung mga madeleine para ma-bake na sila.

Excited na ako.

Noong ginagawa pa lang namin siya kanina, ang bango na ng amoy niya. Paano na lang kaya kapag na-bake na. I’m sure masarap ‘to.

“Alam mo ba noong hindi pa si Lisa at Jennie, laging rin pumupunta dito si Lisa sa bakery.”

Naupo muna kami doon sa mga bakanteng upuan habang nag-aantay ma-bake yung mga ginawa namin.

Interested kong inantay yung susunod na sasabihin ni ate Rosé.

“Pero wag niyong sasabihin na sinabi ko ‘to ha,” dagdag pa niya.

Parang ilang beses ko na atang naririnig this week yung thought na ‘Wag sasabihin sa iba’. Feeling ko tuloy ang dami ko nang nalalaman na mga sikreto.

“Nagpapaturo rin po ba si ate Lisa sa inyo na mag-bake para kay ate Jennie?” kinikilig na tanong ni Ning.

Natatawang umiling si ate Rosé.

Kilala ko na si ate. Knowing her, feel ko hindi siya nagpaturo.

“Ako yung inuutusan niya gumawa tapos saka niya ibinibigay kay Jennie,” napapailing na lang si ate Rosé habang sinasabi yon.

Napahagalpak ako. Iba rin talaga ‘tong kapatid ko.

“Alam niyo feel ko sa akin talaga na-inlove yung si Jennie instead doon sa kaibigan ko,” pagbibiro niya. “Pero joke lang ha baka seryosohin niyo,” agad niyang sabi.

Nagtuloy-tuloy lang kami sa kwentuhan hanggang sa tumunog na yung timer. Si Ning yung nanguna na puntahan yung mga na-bake at pagkatapos ay tinikman na namin yung mga nagawa.

Wow.

Gawa ko ba talaga ‘to?

Syempre, oo. Ako lang naman ‘to, si Winter Kim.

What if mag-chef na lang ako?

“Nag-ready na rin pala ako ng mga bags na paglalagyan kasi medyo madami-dami rin yung nagawa natin,” binigay na sa amin ni ate Rosé yung mga paper bag tapos nagstart na kami mag-pack.

Parang ambilis lang ng oras kasi paalis na kami ngayon.

“Thank you po ate. Sa uulitin po,” paalam namin ni Ning. Kumaway naman pabalik sa amin si ate Rosé, “Yung reviews ko ha wag niyo kalimutan and Winter...?”

“Ano po yon ate?”

“In my line of work, may isa talaga akong quote na hindi ko nalilimutan.”

Parang alam ko ata yung quote na ‘yon.

“A way to a woman’s heart is through her stomach,” kumindat siya tapos nag-fighting sign.

 

 

 

 

 

“Tao po!”

Nandito na nga lang ako sa kabilang bahay tapos tumatahol pa rin sa akin si Bruno. Bakit bahay niyo ba ‘to teh? Bahay niyo?

Nilingon ko yung bahay nila Ning sa kabilang kalsada tapos pinandilatan ko si Bruno na tumatahol sa nakasaradong gate nila Ning.

“Bruno hindi naman natin bahay yan eh, bat mo pa tatahulan si Winter,” saway ni Ning sa aso. Nagthumbs up pa siya nang makita niya akong nag-aantay sa labas ng bahay nila Giselle then after non ay tinawag na niya sa loob yung aso nila. Binigyan niya siguro ng pagkain.

Binalik ko na yung tingin ko sa bahay nila Giselle.

Wala pa ring lumalabas na tao.

Tawagan ko na lang kaya siya?

“Winter what are you doing here?” sa wakas nandito na si Giselle.

Binuksan naman niya yung gate nila kaya nakapasok na rin ako. Napansin niya agad yung hawak ko kaya bumaling siya rito. “Ano yan? Is that for me ba?” Akmang kukunin na niya pero nilayo ko agad sa kamay niya.

“Grabe ka na talaga Winter,” nag-fake na nasaktan pa siya tapos nanunukso rin niya akong nginitian after. Kakaiba rin talaga itong si Giselle eh.

Lumingon si Giselle sa sa bahay nila.

“Rina! Winter’s here!” sigaw niya and after a minute of waiting ay lumabas na yung friend ni Giselle.

Agad rin siyang nakalapit sa amin.

“Hi Winter,” bati niya. Nagkita naman kami kahapon pero bakit feel ko parang ang tagal na naming hindi nagkita.

“Hello rin,” malawak ang ngiti kong bati.

“Dito pa talaga kayo nagligawan sa harap ko,” sabat ni Giselle sa amin.

“Nag-hi lang naman kami tapos ligawan na agad,” sabi ko pabalik. Buti na lang sumang-ayon rin sa akin si Karina. “Winter’s right.”

Tumango ako, “Diba.”

“Edi hindi. So what brought you here ba Winter?” bumalik na naman ulit yung ngiti niyang nanunukso. Ewan ko sayo Giselle.

“Nagbake kasi kami ni Ning kanina tapos marami kaming nagawa,” itinaas ko yung mga bitbit kong paper bag.

“Uy hala want ko yan,” kinuha ni Giselle yung isang paper bag tapos binuksan. “Wow, madeleines ba ‘to?”

“Ay hindi,” bara ko. May sasabihin pa sana si Giselle pero hindi na niya tinuloy. "Gusto sana kitang barahin rin pero baka bawiin mo 'tong pagkain."

Correct siya dyan.

Bumaling naman ako kay Karina tapos saka inabot sa kanya yung isang paper bag.

"Uh, para sayo."

Kinuha niya ito tapos nakangiti akong tiningnan, "Is this really for me?"

Nahihiya akong tumango, "Oo, ako gumawa nyan."

"Thank you. I'm sure masarap ito," turo niya sa hawak niyang madeleine. "Because you made it," dagdag pa niya.

"Hindi pala landi ha," mahinang dagdag ni Giselle pero rinig na rinig namin.

"As if walang lumalandi sayo Giselle," diretsong sabi ko. Huli na nang malaman ko kung ano lumabas sa bibig ko.

Nagkatinginan kami ni Karina after ko 'yon sabihin tapos sabay naming tiningnan si Giselle na nag-iwas ng tingin pero bumalik rin agad sa dati niyang itsura.

"Let's go na nga muna sa loob," yaya niya sa amin at nauna nang maglakad papasok ng bahay. "Wala pa sila mama pero babalik rin sila agad, ipapatikim ko 'tong ginawa niyo ni Ning sa kanila mamaya."

Kinalabit ako ni Karina tapos nagpipigil ngiting tinanguan niya ako. Na-gets ko naman agad yung ibig niyang sabihin.

Mukhang confirmed nga yung sinasabi ni Ning na college.

Nanganganib rin ata yung pusta ko.

Nakapasok na kami sa loob tapos doon kami dumiretso sa may hapag-kainan pero iniwan muna kami saglit ni Giselle kasi ayaw daw niyang mang-third wheel.

Nakalapag sa lamesa yung mga paper bag ng mga na-bake namin tapos naiwan kami ni Karina na nakaupo doon sa harap ng table.

“Is it okay kung kumuha na ako?” turo ni Karina doon sa paper bag.

“Oo naman pero wag ka masyado mag-expect ha. First time ko gumawa ng ganyan,” sabi ko pa. Baka kasi mamaya ako lang yung nasarapan tapos hindi pala masarap para sa kanya.

“.....hey bat ka nakasimangot? Masarap. I like it, Winter.”

Natagalan na naman ba ako sa pagde-daydream?

Tiningnan ko si Karina na kumuha pa ng isang piece para kainin.

Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya.

“You’re looking at me again,” nagulat ako. Nahuli ata ako. Binaling ko na lang yung tingin ko doon sa paper bag. Wow may design pala ‘to?

She chuckled.

“Papasa ka na maging baker. It was actually good,” sabi pa niya.

Itong si Karina talaga masyado akong pinupuri.

Nag-angat na ako ng tingin at medyo proud kong sabi na, “Ako lang naman ‘to.”

Natawa siya tapos nilapit niya sa akin yung hawak niyang madeleine. “Tikman mo.”

Nakita ko yung satisfied niyang ngiti after ko kumagat tapos sumubo na ulit siya doon sa hawak niya.

Nag-echo yung words ni ate Rosé sa ‘kin.

A way to a woman’s heart is through her stomach.

I think naging successful ako sa part na ‘yon.

 

 

 

 

 

 

(Messenger Notifications)

1 message from Katarina arrived!

 

Katarina:      which one is better?

                           this or this?

 

                             Katarina sent two photos.

 

Shet.

Sinusubukan na naman ata ako ni Lord.

 

Katarina:       winter…?

 

                             seen.

 

Katarina:        you still there?

                            or mas better ba ito?

 

                          Katarina sent a photo.

                          seen.

 

Katarina:     :’(

                         you’re not replying

 

Wait lang naman kasi.

Pwede ba huminga muna ako saglit?

May sinend kasi siyang selfie!

 

Winter:    bakit yan?

 

Ako na yung natawa sa reply ko. Bakit yan?

 

Katarina:      you don’t like the pictures?

 

                            Katarina unsent a message.

 

Nanlaki yung mata ko pagkakita yung unsent message niya doon sa mga pictures.

 

Winter:      HUY BAT MO INUNSEND

 

Hindi ko pa nase-save!

 

Katarina: 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
Ang tagal na rin pala simula nung last outtake 'no? Ito na rin siguro ang panghuli. Their story ends here but they will be remembered forever in our hearts. Hanggang sa huli🫶🫶

Playlist link: https://open.spotify.com/playlist/6L4yidJZLVZH8DXsbH4xMo?si=fkxMXpTkRzy5N9sMVEUWGA&dd=1

Comments

You must be logged in to comment
gomtokkim
2142 streak #1
Chapter 5: Miss ko na silaaa
Jillian_ #2
Chapter 45: Tapos ko na siya omg, mamimiss ko silaaaa
Jillian_ #3
Chapter 39: Hoy bakit ako naiiyak sa pag-alis ni Karina, parang mamimiss ko rin siya kahit hindi ko siya ka-barangay T^T
bigboy123
133 streak #4
#rr 👀🤭
Jillian_ #5
Chapter 17: OMG HSHDGGSJSKJHD
Jillian_ #6
Chapter 6: Ay, ‘yan ang gusto ko, nagpapahiwatig 🤩
dork_seulgi_k
852 streak #7
Chapter 37: iihhhh 🤸
AJMercado
#8
m
M_1412 #9
Chapter 26: Huyy 2521 din talaga naisip ko bigla sa scene na yon huhu cute nila
Sa wakas may label na ang mag babyyy
M_1412 #10
Chapter 20: Nahohomesick na naman tuloy ako sa bp😭