Chapter 1

Why Can't it be?
Please Subscribe to read the full chapter

 

~Jisoo

“Bat ang tagal mo?” halatang asar na sabi ni Cole pagkababa ng pagkababa ko ng kotse nya. Wala akong kotse eh kaya nakikihiram lang ako. Mayaman naman sya, kaya hindi lang isa kotse nya

“Busy ako eh. Bat ba dito ang handa mo?” walang gana kong sabi saka pumasok na kami sa isang bar.

“Gusto nila dito. Kaysa sa magluto pa tayo dun sa bahay at mairita ka sa ingay mamaya” sabi nya naman.

Tumango naman ako “Saglit lang ako ah? Hindi din naman ako iinom”

“Deh tambay ka muna dito, ano bang pinagkakabusyhan mo? Walang pasok bukas”

“May kasal akong kakantahan. Oh, happy birthday” nakangiti kong sabi saka inabot yon regalo ko sa kanya. Simple lang yon, t-shirt lang yon lang kaya ko eh.

“Wow” natatawang sabi saka parang baliw na yinakap yong binigay ko “Anong meron sayo ngayon at nagregalo ka?”

Ngumiti ako “Gago! Mukha kasing lucky day ko ngayon. Alam mo bang pauwi na ako galing sa school tapos may lumapit sakin na magpapaharana, pagkatapos nun tumawag sakin yong kakilala ko na nagback out daw o nagkaemergency yong bandang kakanta sa renewal of vows ng parents nya kaya ako na lang daw. Dalawang raket sa isang araw. Dba swerte?” nakangiti kong sabi.

“Kaya nalate ka tapos naisipan mong magregalo?”

“Oo. Dumaan pa kasi ako dun sa anak ng ikakasal ulit para sa kanyang kakantahin ko at may binigay din na isusuot. Yang na tshirt na yang galing sa kanya, may tshirt na pinamimigay sa mga aattend yong tshirt na binigay sakin para sa banda yon. Eh naisip ko na baka meron pa silang extra dahil nga banda yon, kaya may subra pang tshirt. Kaya yong since 3 yong myembro ng banda binigay sakin yon tatlo. Yan yon isa” sabi ko, agad nya naman ako pinalo sa ulo ng tshirt na binigay ko.

“Gago! Hindi ka pala gumastos”

Ngumiti ako “Bat pa ako gagastos kung may libre? At tsaka sweet yan na tshirt may lagay na happy 25th anniv. Lito and Thelma” pang aasar ko pang sabi.

Umiling iling na lang sya saka huminto kami sa isang grupo ng tao. Mga kaklase nya, lumapit agad sakin si V.

“It’s been 6 months. Just focus on someone else na lang kasi” sabi ni Sunny, kaklase nila V sa isang babae. Sa napakapamilyar na babae, si Jennifer Arias ang babaeng hinaranahan ko dahil kay Clark tatlong taon ng nakakalipas.

Nang mapansin nila ako ay binati naman ako ng iba, habang ang iba ay nginitian lang ako ganun din ang ginawa ko. Hindi din kasi ako close talaga sa kanila. Sila ang magkakaklase at nakilala nila lang ako dahil sa kaibagan ako ni V dati pa na naging kaibigan na din ni Cole dahil magkatabi lang ang boarding house namin. Dahil sa lagi kaming magkasama ni V ay naging close ko na din si Cole na kasama nya sa boarding house.

Nandito din pala si Sunny kaklase ko mula 1st year college na bestfriend ni Jennifer, hindi ko alam kung saan sila nagsimulang magbestfriend.

“You know that I tried to divert my attention to someone but I just can’t. Whenever I tried to forget him and be with someone it’s just irritate me. Hindi ko sya matanggal sa isip at sa puso ko, kahit pilitin ko” sagot naman kay Sunny ng kaibihan na hindi ngumiti kundi tinignan lang ako saglit saka nagsalita.

Makikita mong hindi sya masaya ngayon.

“Tanda nyo na sya diba?” sabi ni Cole sa mga kaibigan nya na tinuro ako. Umuoo naman sila.

“How can I forget her” sagot naman ng kaninang parang walang paki saking si Jennifer “sya yong nangharana sakin on behalf of Clark kaya nag-umpisa yong kami at nagtapos sa wala” sarkastikong sabi nya saka uminom ng alak.

“Upo ka. Wag mong pansinin yan. Heartbroken eh” sabi naman ni V

Saka umupo hinayaan silang mag-usap usap at pinag-aralan sa cp ko ang magiging chords ng kakantahin ko. Medyo kaylangan kong madagdag ng sound maliban sa guitar dahil sa ang original na gusto nila banda kaya dapat hindi lang isang instrumento ang magagamit o maririnig nila. Bukas pa naman yon kaya kaylangan ko talagang mag edit pa ng drum sound at kung kaya pa may piano. Pagkatapos kong kumain dito ay aalis na talaga ako. Ayokong mapapahiya sa pagkanta ko kaya kaylangan paghandaan ko yon.

“Jisoo, ano bang pwede gawin nitong si Jennie para makamove on na sa ex nya? Sa tingin mo as Psychology Major?” tanong naman ni Sunny kaya napatingin ako sa kanya.

Magkaklase kami kaya Psychology major din sya, bakit sya sakin magtatanong kung pwede naman syang magpayo sa kaibigan nya.

“Eh ikaw nga Sunny, Psychology major din ah. Bat kay Jisoo ka pa hihingi?” sabi naman ni Pres.

“Mas magaling yan sa klase si Ji at tsaka sinabi ko na ang lahat ng alam ko, opinyon/suhesyon ko kay Jen wala pa rin” namomroblema nyang sabi.

“Sunny hindi na kaylangan wala naman makakatulong sakin” sabi naman ng halatang may tama nang si Jennie.

“Tama. Hindi sya matutulungan ng mga salita natin kung hindi nya tutulungan ang sarili nya. Wala sino man ang makakatulong sa kanya lalo na kung mahal nya talaga yon” sabi ko na nakatutok pa rin sa cp.

Tsk! Hindi ako makakahanap dito ng mabuti at makakaedit eh.

Inangat ko ang tingin ko at sinadyang kay Jennie ibaling, hindi naman maiwasan ng utak kong mapasabi walang kupas talaga ang ganda ng babaeng ito.

“Hindi madaling makalimot at alisin ang pagmamahal mo sa isang tao lalo na kung minahal mo talaga”

Hindi na bago sakin ang heartache, napagdaanan ko din yan kaya naman hindi iyon galing sa natutunan ko sa school kundi sa napagdaanan ko “Kaya take your time. Makakamove on ka din nyan” pagkasabi ko nun ay binalik ulit ang tingin sa cp.

Umangat ulit ako ng tingin para kumuha ng pulutan nila at kumain pero agad nakakuha ng atensyon ko ang nakatingin saking si Jennie. Seryoso ang tingin nya sakin.

“Stop checking me out” medyo makapal kong sabi at sinabayan ko pa ng ngising nakakaloko, kaya yong seryosong nakatingin saking si Jennie parang natauhan.

“I’m not. I’m just spacing out, it’s just happen na parang sayo ako nakatingin. Pero hindi ikaw yong iniisip ko” pagtataray nyang sabi.

Hindi na lang ako nagsalita, ngumisi lang ako saka inatupag ang cp.

Mas maiging nagsusungit sya kaysa sa nakatingin sya sakin ng ganun. Baka sa kakkatingin nya sakin, mahulog sya sa kagandahan ko o ako ang mahulog sa kanya.

Ikaw ba naman tingin ng ganito kaganda, hindi ka mangangamba?

“Ji, wag kang masyadong feeling. Madaming nagkakagusto sayo pero ibahin mo itong si Jen na hindi pa makaget over sa ex. But in the second thought, pwede mo pala syang landiin para naman hindi lang pagmumukmok ang magawa nito” sabi naman ni Sunny.

Natawa naman sila maliban na lang kay Jennie hindi ko narinig ang tawa nya eh.

“Sunny?! As if naman magpapalandi ako sa kanya. Straight ako” sagot nya kaya napatingin ako sa kanya “at tsaka isa kaya sya sa dahilan kung bakit nasasaktan ako ngayon”

May kasalanan ako? tinignan ko sya ng may pagtataka.

“Kung hindi mo ako kinantahan in behalf of him hindi ako kikiligin at hindi ko sya kikilalanin at sasagutin ng panahon nayon” asar nyang sabi.

Ngumiti ako “Ako ba yong nagpakilig o yong ideya nag effort syang mag isip ng sweet things for you. Iba kasi yon. Kung ako ang nagpakilig sayo ibig sabihin hindi ka inlove sa kanya kunti sakin” sabi ko, hindi sya nakasagot kaya naman nagsalita ulit ako.

“Nagtrabaho lang ako nung panahon na yon. Binayaran nya akong kumanta para sayo. Pero kung alam kong para sayo yon at sasaktan ka lang din nya sa huli sana hindi ko na lang kinagawa or better tinakbo na lang kita palayo sa kanya” seryoso kong sabi.

Sa totoo lang nung pinakita ni Clark ang picture nya at sinabing sya ang liligawan ay para mabigat yong loob kong gawin. Ewan ko kung bakit, siguro dahil sa unang pagkakita ko palang sa kanya nung lumapit sya samin nung kasama ko si Sunny at talagang hinangaan ko na ang ganda nya.

Mukha mataray talaga sya tignan o suplada pero pagnakikita ko ang mga ngiti nya pagkasama si Sunny ay nakakapakabog talaga ng puso. Pero wala akong nagawa nung panahon na yon, yon yong raket ko eh pero wala akong kasalanan kumanta lang ako sya ang sumagot sa mokong na yon.

Hindi ko nga yong kilala kung hindi lang lumapit yon sakin at nag offer na willing syang magbayad basta kumanta ako pagkatapos naman nung gabing yon wala na kaming napagusapan dahil sa ibang course din sya.

Pagnakakasalubong nagngingitian pero ganun na lang, hindi kami magkaibigan, hindi din kasi ako mahilig makipagkaibigan. May mga kaibigan na ako at sapat na yon.

Wala na syang nasagot nun at pinabayaan na naming magsalita ng magsalita ang mga kasama nila habang ako ay kumain na ng kanin nang dumating ito sa mesa namin habang sila ay nag iinuman.

Ilang minuto pa pagkatapos kong kumain ay tumayo na ako. 10pm na, kaylangan ko na talaga umalis para makapag edit na ng sound.

“Uwi na ako” pagpapaalam ko

“Ang aga pa” sabi naman ni V na sinegundahan ng mga kasama nila maliban kay Cole at sinabing hayaan na ako dahil sa may gagawin pa ako bukas.

“Pwede na pala mauna” Sabi naman ni Jennie “Una na din ako”

“Sabay na tayo. Uwi na kami” sabi ni Sunny saka hinigit na patayo ang boyfriend nyang si kaklase nila V. Hindi ko alam kung pano sila naging sila o kaylan basta sila na.

“Hindi na. Ano ka ba nag-eenjoy ka pa. Ok lang ako” sagot naman nya.

Aalis na sana ako ng pigilan ako ni Cole at bumulong “Hintayin mo na yon pinatake out kong sisig. Agahan mo bukas” kaya naman napangiti ako saka nagthumps up.

“Sigurado akong hindi. Kung ok ka magpapasama ka. Hindi ka nakakauwi mag-isa” patuloy na pagtatalo ng nila Sunny at Jennie.

“Ngayon kaya ko na. Dapat kaya ko ng mag-isa lalo na ngayon iniwan na ako” madramang sagot ni Jennie. kaya naman napailing, napangiwi ang mga kasama nila.

“Ang dama mo. Sasamahan kita” hindi nagpapatalong sabi ni Sunny.

“Sabi nang ok lang. Ano ba. Wag mong abalahin sarili mo para sakin” sagot naman ng isa na halatang may tama na dahil sa nung tumayo ito ay parang maaout of balance na.

“Hala. Magkaibigan tayo at hindi uso abala sa magkakaibigan”

“Kaya ko na nga. Uuwi lang eh”

“O” sabi naman ni Cole sakin nang iabot yong nakabalot na sisig “madadaanan naman ata ni Jis ang bahay mo. Pwede naman syang sumabay diba?” tanong nya sakin.

Tumango naman ako, wala namang kaso yon “Kung gusto nya, pwede naman” sagot ko.

“O yon naman pala. Dito na lang ako sasabay” sagot naman ni Jennie na nakapagpabigla sakin.

Akala ko maiilang syang sumabay o aayawan nya dahil sa kanina parang sinisisi nya ako na nasaktan sya.

Magsasalita pa sana si Sunny ng pigilan sya nito “Wag ng mg pero-- chat or text ako pag nasa bahay na ko”

“Sige na nga” sabi naman ni Sunny saka tumingin sakin, tumango naman ako saka ngumiti na parang ina-a-sure ko syang ligtas kong ihahatid ang bestfriend nya.

Buong byahe hindi sya nagsalita kaya naman hindi din ako nagsalita. Baka kasi gusto nyang matulog o katahimik. Hindi talaga ako madaldal paghindi ko pa close, minsan lang pagtinopak o gusto ko talagang dumaldal kahit hindi ko close dadaldal talaga ako pero minsan lang nangyayari yon.

“Dito na yon bahay ko” sabi nya naman kaya tumango ako pero hindi pinahinto ang kotse “Hoy sabing dito na” medyo inis nya ng sabi ng makalampas kami at hindi ko pa hinihinto

“Oo nga. Nagsabi ba akong hindi?” sabi ko naman kaya tinignan nya ako ng masama

“Hindi mo ako ibaba? Bobo mo” sabi nya mula sa seryoso tumawa sya.

Nakakabaliw talaga ang pagmamahal

Ngumiti ako, sinadya ko talaga pikunin sya para naman may mapag-usapan kami bago sya bumaba. Hindi ko alam pero umiral ang kapilyahan ng isip ko at gusto ko muna syang mainis. Pwede ko naman ibalik yon kotse.

“Wow ah. Ang mga salita mo ah” pagbibiro ko “Ikaw ata ang bobo sabi ko diba idadaan lang kita sa bahay nyo. Mag kaiba yon sa ibaba kita” pamimilosopo ko

Napanguso naman sya kaya napangisi ako “Eh

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
buhaypanaman
Hi! :)

Comments

You must be logged in to comment
markaxel
#1
Chapter 32: UY AUTHORNIM, SALAMAT DITO SA UPDATE 🥹

PEROOO teka lang Jennie, ang komplikado mo naman. :( Tama ang iyong kapatid. ‘Wag ka magpadalos-dalos ng desisyon pls lang. 🫠🙂
markaxel
#2
Chapter 30: Henlo mag sweetie, pakigalaw namanang baso hehe
Tinolang_Manok #3
Chapter 30: Wala parin update :((
Tinolang_Manok #4
Chapter 20: Kelan update?
Amateur_artist #5
ang cute naman ni miss jung🤧
markaxel
#6
Chapter 28: Happy 1st monthsary sa mag sweetie 😌 enjoy the night 👀
reflektorr1 #7
Chapter 28: Otor baka may pa-details ka naman po nung nga ganap na paguran ng jensoo charot hahaha
KwonJoYeon
#8
Chapter 27: Parang duda ako sa okay. Ingat ni Jennie
Bat naman kasi ang dami mong chixx Jisoo
Jinriin #9
Chapter 12: T_T
markaxel
#10
Chapter 27: Jenlous in da haus