Chapter 2

Why Can't it be?
Please Subscribe to read the full chapter

~Jennie

Argh! Daing ko sa isip ko ng magmulat ako ng mata at ramdam ko ang sakit ng ulo’t katawan ko.

Tumingin ako sa wall clock ko, 9:58am? Napanguso naman ako dahil sa masakit talaga ang ulo ko, tsk! Kinapa ko ang cp ko na nasa higaan ko nang mabigla akong mukha ni Jisoo na natutulog ang bumungad sakin.

Hahaha! Bwisit! Hindi namin napatay yong video call.

Ano kayang oras ito nakatulog? Alam kong nauna akong nakatulog dahil sa naalala ko pang nag eedit pa sya nun ng unti unti akong madaig ng antok. Kagabi lang ata ako nakatulog ng hindi dahilan ng pag iyak kundi dahil lang sa nakatingin ako sa wall ng kwarto ng isang tao na katawagan ko sa video call, which is good.

Nagising akong heart broken pa rin at masakit ang ulo dahil sa alak kagabi pero hindi maga ang mata sa kakaiyak.

Tinignan ko ulit ang mukha nya, walang duda natulong sya sa heart broken na tulad ko. Yong sinabi nya palang kagabi sa bar ay hindi ko alam kung bakit nakagaan ng loob ko.

Flashback…

“Hindi madaling makalimot at alisin ang pagmamahal mo sa isang tao lalo na kung minahal mo talaga” nakangiti nyang sabi, bigla naman akong nailang ng hindi ko maintindihan kaya napabaling ako ng tingin sa iba. “Kaya take your time. Makakamove on ka din nya” sabi nya nang tignan ko ulit sya nakatutok na naman sya sa cp nya.

Napangiti ako dahil sya lang ang taong nagsabi nun. Lahat kasi sila sinabi na ‘hindi na dapat iyakan ang lalakeng yon. Na pinagpalit ang tatlong tao naming relasyon sa isang babaeng hindi naman kagandahan tulad ko.’, o yong iba naman sabi ‘madami pa dyan iba’, move on’, lahat sila parang pinipilit nila akong mag move on na ang hirap talaga. Buti pa itong bubwit na ito na parang walang paki nakasabi nun. Medyo gumaan ang pakiramdam ko, hindi ko alam kung bakit pero baka yong mga kataga lang na binitawan nya ang kaylangan ko from the world full of people saying ‘Tagal na nun ah. Move on. Meron na nga syang iba. Ikaw nandun ka parin sa mga panahong kayo?’ yong parang mas naiinip sila kaysa sakin makamove on, kung alam lang nila kung ganu ko gustong mawala ang sakit, pangungulila at well, hope na kahit kunti na may pag asa pa kaming magbalikan kahit alam kong may bago na sya.

Totoo nga yong mga naririnig ko sa tibong ito. Hindi lang sa galing nyang kumanta, maganda ng mukha nya ka mapapaha---

“Stop checking me out”

End of flashback…

Yong ok na sana at pinupuri ko na sya sa isip ko pero pinutol nya dahil sa yabang nyang banat na yon, sinabayan pa ng ngisi.

Tsk! turn off, pero bumawi naman ng hinatid nya ako at nang mga malalandi nyang mga banat bago kami maghiwalay pati yong pagpayag nyang ng video call. Over all naman nakatulong talaga sya. Ngumiti ako saka ko ine-screen shoot yon mukha nya, kunting Segundo pa pagkatapos nun at biglang parang gumalaw sya kaya naman natumba yong cp nya, kaya wala na akong nakita kong itim na lang. Inend ko na ang tawag para bumaba na din at kumain.

***

~Jisoo

Sadyang mapaglaro ang

Palad ko’t tadhana

Puso’y napadpad sa’yo at

Sinawalang bahala

Ang mga tanong, mgababala

Dagling binigay ko ang lahat

“Oh?” nakapikit at asar kong sagot sa tawag.

“Anong oh? Gising na 11am na maghahanda ka pa para sa raket mo at para makaalis ka ng 12-1pm kasi pagtraffic aabutin ka ng 2 oras o mahigit sa byahe. Kung hindi naman traffic mas magandang maaga kaysa sa late” Sunod sunod na sabi ni V sa kabilang linya “Hoy!”

Asar naman pinilit kong magmulat “Oo, ito na tatayo na”

“Ikaw pa yong asar?”

Tumawa ako “Hindi naman po, boss”

“Gusto mo bang hatid kita para makatulog ka pa sa byahe”

“Yan ka na naman nagpapakasuper hero. Anong oras kayo nakauwi? Baka nga ikaw yong wala sapat natulog dyan. Ako nang bahala sa sarili ko.Baka mas maaksidente pa tayo kung pipilitin mong ikaw magdrive. Sige na at kakain na ko saka mag aasikaso”

“Sige” sabi nya saka binaba yong tawag.

Pagkababa ko agad ko naman nakita sa may canteen sila Cole at V na kumakain. Tumayo naman si Cole saka pinakita sakin na suot nya na yong tshirt na bigay ko.

“Good luck!” masayang sabi nya saka naalala ko na hindi ko dala yong tshirt ko, nasa may higaan ko yon linagay.

“Oo nga pala” sabi ko saka bumalik pataas .

“Bakit?” nagtatakang tanong ni Cole

“Nakalimutan nyan yong tshirt sigurado” sagot naman sa kanya ni V.

“Tanga!” sigaw naman ni Cole sakin para marinig ko.

Tsk! pagkababa ko binato ko yong isa pang subrang tshirt kay V “Iyo yan. Sige alis na ako”

“Ingat!” sabay nilang sabi kaya kumaway na lang ako.

***

“Ji!” agad naman tawag sakin ni Carlo “Dun ka” sabi nya sakin habang tinuturo yong parang maliit na stage.

“Pasensya na. Ako lang talaga yong kakanta. Hindi ako nag hanap ng magdadrums o piano kukulangin kami sa oras magpractice”

“Ok lang yon, nasabi ko na din yon kila papa”

“Pero nag edit ako ng sound. May speaker ba kayo?”

“Oo naman. Halika”

“Pero yong dalawa lang na kanta yon nagawan ko. Yong dalawa pa, gitara na lang ah?”

“Oo, ok lang yon. Babawi ka naman sa boses” nakangiti nyang sabi

“Sus! Nagbolahan pa tayo. Sige mag hahanda na ako”

Tumango naman sya saka ako pumunta sa cr para magpalit ng damit. Garden wedding ang ginagawa ninda dahil sa yong unang kasal daw ay sa simbahan na gusto naman nila subukan yong garden wedding. Simple lang yong design pero maganda tignan. Kahit saan makakakita ka ng putting rosas. Simple pero makikita mo sa mga gamit na mamahalin ang mga iyon. Mula sa upuan, sa isle na dadaanan ng ikakasal na punong puno ng mga petal na pito at kung nasa yong pareng naghihintay. Lahat ng bisita nakatshirt na tulad ko ang print habang yong ikakasal lang ang nakabarong at nakagown. Astig!

Naghanda na ako, linabas ko na yong mga kakantahin ko. Apat na kanta. Yong Say you won’t let go ni James Arther, ikaw ni Yeng at yong I honestly love you ni Olivia Newton John na yon yong tinutukan ko dahil sa hindi ako pamilyar ka sa kantang yon di tulad ng dalawang nauna, yong tatlong kanta ang kakantahin ko habang kinakasal tapos kakanta ulit ako sa reception ng Yong ulit na I honestly love you dahil yon daw ang theme song ng mag asawa at yong I wanna dance with somebody ni Whitney Houston.

Napangiti ako ng makita ang mag asawang ikakasal ulit. Kahit sino naman ata pinangarap na maipresent ang mahal nila sa buhay hindi lang sa harap ng mga tao kundi sa h

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
buhaypanaman
Hi! :)

Comments

You must be logged in to comment
markaxel
#1
Chapter 32: UY AUTHORNIM, SALAMAT DITO SA UPDATE 🥹

PEROOO teka lang Jennie, ang komplikado mo naman. :( Tama ang iyong kapatid. ‘Wag ka magpadalos-dalos ng desisyon pls lang. 🫠🙂
markaxel
#2
Chapter 30: Henlo mag sweetie, pakigalaw namanang baso hehe
Tinolang_Manok #3
Chapter 30: Wala parin update :((
Tinolang_Manok #4
Chapter 20: Kelan update?
Amateur_artist #5
ang cute naman ni miss jung🤧
markaxel
#6
Chapter 28: Happy 1st monthsary sa mag sweetie 😌 enjoy the night 👀
reflektorr1 #7
Chapter 28: Otor baka may pa-details ka naman po nung nga ganap na paguran ng jensoo charot hahaha
KwonJoYeon
#8
Chapter 27: Parang duda ako sa okay. Ingat ni Jennie
Bat naman kasi ang dami mong chixx Jisoo
Jinriin #9
Chapter 12: T_T
markaxel
#10
Chapter 27: Jenlous in da haus