Chapter 9

Why Can't it be?
Please Subscribe to read the full chapter

~Jisoo

Tulad ng dati ay mabilis nagdaan ang bakasyon at kahit ayaw pa namin magsibalikan ay kaylangan na dahil tapos na ang pamamahinga o sarap buhay dahil sa balik na naman sa totoong buhay. Ang buhay istudyante. Kahit naman tinatamad akong bumalik at ayoko pa talaga ay hindi lang naman kalungkutan ang dala sakin ng pasukan ulit kunti pag-asa na mapapalapit na kami sa mga araw na pinapangarap namin, yon yong graduation at dagdag din sa kasiyahan ko ay ang makita ulit ang mga ngiti ng sweetie ko. Namiss ko din yon eh.

Kahit inaantok at pagod pa kami sa byaheng ay pumasok agad, hindi na kami dumiretso sa BH dahil sa wala ng oras. Traffic talaga kahit saan daang kaya naman hindi na kami nagkaroon ng pagkakataong makatulog. Pagdating sa paaralan, tulad ng dati ang lahat ay matatamlay pagdating sa silid paaralan pero pagbakanteng oras na ay nabubuhayan kami dahil sa sari saring kwento ng bakasyon.

Ako ang ginawa ko lang ay sumandal sa arm chair ko dahil sa inaantok pa talaga ako habang ang mga kaklase ko ay busy sa pakikipagkwentuhan. Hai, tagal ng uwian.

“Sweetie, mamaya kukunin ko susi ng BH. Kaylan uwian nyo?” chinat ko naman si Jennie.

“3pm, uwian na kami. Wala yong dalawang subject namin eh”

“Ok, see you later. I miss you”

“I miss you so much sweetie ko. Mamaya na ako chat ah nandito na prof namin. mwah!”

“Ji, sama ka ba mamaya?” sabi naman ng katabi ko na si Bev .

“San? Jamming yan? Hindi”

“Gagi, hindi. Nagtext kasi yong tito ko. Yong pagOOJT-han natin gusto mo puntahan mamaya? Para makausap natin. Baka maunahan tayo”

“Nandun na ba yon? Baka naman nasa bakasyon pa yon”

“Hindi na. Ito yong text oh. Punta daw tayo dun kasi para marecommend na tayo sa office. Next week kasi ay may business tour sya kaya hindi na tayo maiendorse nya. Hindi naman tayo pwede sa mga susunod na araw ngayon lingo dba? Ano?”

Nag-isip naman muna ako dahil sa magkikita nga kami ni Jennie pero yong pagOOJT-han kasi yon eh

“Sige. Anong oras ba tayo pupunta?”

“Mamaya after nitong subject” sabi nya naman kaya tumango ako.

12pm matatapos yong subject namin, Half day lang kami eh so, pwede. Mga dala-dalawang oras yong byahe papunta dun tapos kunting minuto lang ata kami kakausapin nun saka makakabalik naman ata akong ng 5pm, o kung hindi dun na lang ako didiretso sa condo nya para ako na lang kumuha ng susi.

“Ang tagal naman ni sir. Hindi naman ata darating yon eh” reklamo naman ni Sunny dahil sa late na yong next prof namin.

Ilang minuto pa ay nagchat si Jennie na naboboring sya sa klase dahil sa binigyan lang sila ng activity saka umalis naman yong prof nila. Tinawagan ko naman sya

“Hey?” masaya nyang bati “Wala kayong prof.?”

“Wala pa eh. Baka mamaya. Jen, ako na lang pupunta sa condo mo para kunin yong susi” sabi ko naman.

“Bakit? Hindi pwede dito sa school tapos diretso na sa condo ko?”

“Ah, kasi may pupuntahan kami”

“kayo? Nino?”

“Ni Bev, ano kasi yong sa kompanyang pag OOJT-han namin kakausapin daw kami”

“Ngayong araw? Sigurado kayong nandun na yon sa office?”

“Nandun na daw eh”

“hmn, anong oras ka makakapunta sa condo?”

“Hindi ko lang sure. Baka mga 5pm o gabi na”

“Ok. Ingat kayo”

“Opo. Kita na lang tayo mamaya”

“Sige, I have to go si sir nandito na ulit”

“Sige”

Naghintay pa kami ng ilang minuto hanggang nagchat ang prof namin na hindi sya makakahabol sa subject namin dahil sa naipit sa traffic. Tsk! rason naman ni sir eh. hahaha kami nga galing pang malayo nakaabot kanina pang 6am eh. Kaya naman napagdesisyunan na namin ni Bev na pumunta na dun kasama ang dalawa pa naming kaklase.

Kung ganu kami kaexcited kaninang makita ang kompanyang pagOOJT-han namin ay ganun din kami nagsisi na pumunta kami sa ganun oras at araw dahil sa subrang traffic parin, yong dapat 2 may kalahating oras na byahe namin ay naging 4. Potiks dinaig pa namin yong naglakad dahil sa tagal ng byahe.

Pagdating dun ay inasikaso naman kami. Wala naman kaming masabi dahil sa makikitang magandang klaseng kompanya ito. Nagpapayo naman yong kaibigan ng tito ni Bev kung ano ang dapat namin gawin habang nasa OJT na kami dahil sa mga unang araw namin dito ay wala sya pero wag naman daw mag alala at madami namang tutulong at tuturo samin ng mga gagawin dito.

Magna9pm na ako nakarating sa condo ni Jennie dahil sa mas traffic yong pabalik namin. Patay kami kung maguuwi uwian kami pagnagOOJT na kung ganito lagi ang byahe pero baka hindi naman laging ganito baka ngayon lang dahil sa madaming nagsiuwian at nagsibalikan dahil sa bakasyon.

Tinext ko naman syang nasa labas na akong ng unit nya kaya naman binuksan nya agad ito. Nakangiti naman nya akong sinalubong at yinakap.

“Amoy byahe ako” nahihiya ko namang sabi.

“Ano naman” nakangiti nya

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
buhaypanaman
Hi! :)

Comments

You must be logged in to comment
markaxel
#1
Chapter 32: UY AUTHORNIM, SALAMAT DITO SA UPDATE 🥹

PEROOO teka lang Jennie, ang komplikado mo naman. :( Tama ang iyong kapatid. ‘Wag ka magpadalos-dalos ng desisyon pls lang. 🫠🙂
markaxel
#2
Chapter 30: Henlo mag sweetie, pakigalaw namanang baso hehe
Tinolang_Manok #3
Chapter 30: Wala parin update :((
Tinolang_Manok #4
Chapter 20: Kelan update?
Amateur_artist #5
ang cute naman ni miss jung🤧
markaxel
#6
Chapter 28: Happy 1st monthsary sa mag sweetie 😌 enjoy the night 👀
reflektorr1 #7
Chapter 28: Otor baka may pa-details ka naman po nung nga ganap na paguran ng jensoo charot hahaha
KwonJoYeon
#8
Chapter 27: Parang duda ako sa okay. Ingat ni Jennie
Bat naman kasi ang dami mong chixx Jisoo
Jinriin #9
Chapter 12: T_T
markaxel
#10
Chapter 27: Jenlous in da haus