Chapter 17

Why Can't it be?
Please Subscribe to read the full chapter

~3rd person

Pagkalabas ni Jisoo sa cr ay naabutan nya si El na nakahiga na habang nakapikit sa sofa. Halatang hindi pa ito tulog dahil sa ikot lang ng ikot ito sa sofa habang si Jerome ay nagliligpit na ng kalat. Ngumiti ito sa kanya ng makita sya kaya ganun din ang ginawa nya, ramdam nya naman ang paglabas ni Jennie sa cr.

“Sa tingin ko kaylangan ko ng bumalik sa room ko” sabi nya.

Tumango naman habang nakangiti si Jerome. “Ako ng bahala dito, tumawag na din ako ng staff ng hotel kung may pwede bang maglinis nito sa ganitong oras”

Tumingin naman si Jisoo kay Jennie, hindi sya nagsalita pero inaasahang makuha ni Jennie ang gusto nya sa pamamagitan ng tingin nya lang, ngumiti ito sa kanya “Sama na ako sa kanya Je” pagpapaalam nito sa binata, napangiti si Jisoo habang ang binata ay nagulat.

“Hon?” tawag ni Jerome kay Jennie “You are not coming with me? Pano yong pag-uusapan natin?”

Tumingin naman si Jennie muna kay Jisoo bago binalin ang tingin nya kay Jerome “Maybe tomorrow, medyo pagod na tayo lahat, nakainom pa, magpahinga muna tayo”

“Ok, but you know you can sleep in my room” sabi ni Jerome, na kinabuntong hininga na lang ni Jisoo. Ayaw nya ng ideyang yon.

Napansin din ni Jennie na parang nawalan ng mood si Jisoo dahil sa sinabi ni Jerome kaya lumapit sya dito “But I prefer to sleep with her. I mean, in her room”

Tumango naman si Jerome “Ok, bukas na lang” nakangiting sabi ni Jerome kaya umalis na sila.

Habang naglalakad sila papunta sa room ni Jisoo ay walang nagsalita sa kanila. Si Jennie na kating kati ng magsalita ay piniling hintayin si Jisoong maunang magopen ng topic about sa kiss, pero hindi nangyari ang inaasahan nya hanggang makarating sila sa room nito.

Magsasalita na sana si Jennie ng bigla naman nagpaalam sa kanya si Jisoong maglilinis na sya ng katawan kaya napanguso at tango na lang ang dalaga.

Habang naghihintay matapos si Jisoo sa cr ay nag iisip na si Jennie ng sasabihin.

Kaylangan ba ako yong unang magtanong o mag open about dun?

Hindi ba pwedeng sya? Sya naman yong hindi straight samin dito?

O hindi na din ba ako straight dahil sa gusto ko sya?

Oo, hindi na nga ako straight at wala naman kaso sakin na hindi na ako straight, ang akin lang, hindi ba namin pag-uusapan yon?

Sunod sunod na sabi ni Jennie sa isip nya.

Habang namomroblema sa dapat sabihin o gawin pagkalabas ni Jisoo ay hindi nya naman maiwasang mapangiti at mapahawak sa labi nya, ulit inalala ang mga lasa ng labi ni Jisoo.

Ang harot talaga ng labi ni Jisoo, hindi lang sa pagsasalita kundi sa panghahalik.

Bigla naman syang napahawak sa magkabilang pisngi nya habang nakangiti dahil sa naramdaman nya naman nag-init ang mga ito dahil sa naalala.

Pero saglit lang ng marinig nyang magbukas ang pinto kaya agad nyang inalis ang mga kamay nya sa pisngi at umupo sa kama ng maayos saka nagpoker face.

“Tapos ka na?” tanong nya kay Jisoo, hindi naman ito makatingin sa kanya, tumango lang.

Tsk! Manghahalik halik saka mahihiya. Napangisi si Jennie habang iniisip ito pero agad napababa ang nakaangat nyang gilid ng labi ng biglang tumingin si Jisoo sa kanya, bigla syang nataranta kaya nyang inilag ang tingin nya at nagkunwaring hindi nakatingin kanina kay Jisoo. Sa pagkakataong ito si Jisoo naman ang napangiti sa kinikilos nya.

“Pwede ka nang maglinis ng katawan” sabi ni Jisoo, tumango naman si Jennie saka mabilis na naglakad papunta sa cr pero agad din sumilip ng maisip nyang wala syang pangpalit na damit.

Pagkasilip nya sa pinto ng cr hindi nya inaasahang magkasalubong ang mga mata nila ni Jisoo, na hinihintay lang din syang sumilip dahil sa alam nitong wala syang damit na dala. Hindi naman na kayanan ni Jennie yong tingin ni Jisoo dahil sa nag-iinit na naman yong mukha nya lalo na ng mapadpad ang tingin nya sa malapusong labi ni Jisoo kaya bigla sya tumingala na kinatawa ng isa.

“Anong ginagawa mo?” tanong ni Jisoo.

“Wala” sabi ni Jennie na hindi pa rin nakatingin sa kanya, “Wala pala akong damit, pahiram kung may subra ka pa” dagdag nya.

Tumango naman habang nakangiti si Jisoo saka kumuha ng damit at binigay kay Jennie.

Tulad ni Jennie ay nag-iisip din si Jisoo kung pano na sila after kiss. Kung pag-uusapan ba nila o hindi? Naguguluhan sya kung bakit nangyari ito pero hindi nya pinagsisisihan dahil sa gusto nya din iyon. Ang ayaw nya lang ay ang alam nyang nasa relasyon pa si Jennie tapos ginawa nila iyon, alam nyang nag-away ito pero sila parin at hindi tamang tumugon sya sa halik ng dalaga kahit gusto nya rin ito. Maari kasing lasing lang ito kaya ginawa nya ito, habang sya na nasa tamang pag-iisip at walang impluwensya ng alak sa katawan ay tumugon sa tukso. Kung iisipin sya ang pinaka dapat may responsibilidad sa nangyari, na dapat sya yong nagtimpi pero hindi nya na nakayanan ang pagnanais na mahalikan ng taong matagal nya ng minamahal.

Pano mo pipigilan tumugong sa mga labing dati mo pangninanais matikman? Pano mo pipigilang humalik pabalik sa taong pilit mong linilimot pero kusang bumabalik?

Napabuga ng hangin si Jisoo sa bibig habang nakatingala. Bukas na lang pag-usapan kung maaalala nya pa ito. Hindi tama ngayon pag-usapan lalo na may alak pa sa katawan ni Jennie.

Humiga sya saka hinawakan ang labi nya, ngumiti sya.

“Hai, Jennie” mamomroblema pero nakangiti nyang sabi. “Anong gagawin ko?”

Habang ang nasa cr naman si Jennie ay hindi pa rin mawala ang ngiti sa mga labi nya kahit nagtotoothbrush ito. Kahit di sya mahilig gumamit ng free toothbrush na nasa hotel ay ginamit nya ito ngayon dahil sa naiisip Baka part two. Mas napangiti sya dahil sa pilyang pag iisip.

Masaya syang pinagpatuloy ang ginagawa pagkatapos ay naghugas na ng katawan. Nang makatapos na sya ay napabuga muna sya ng hangin bago lumabas dahil sya ng pagbilis ng pintig ng puso nya at alam nya dahil sa kaba ito at sa excitement kung ano man ang mangyayari o magpauusapan nila pagkalabas nya.

Itatanong ko muna yong about sa kanila ni El, hindi naman pwedeng may part 2 ng kiss kung sila na. Sa ganda kong ito, hindi ako nababagay maging third party. Sabi nya sa isip nya habang nakahawak pa sa doorknob ng cr hindi pa ito binubuksan para lumabas.

Pero pano nga kung sila na? Wala ng pag-asa yong part 2? Wala na kaming pag-asa? Kasalanan kasi yon ng nasakyan namin na kotse papunta dito. Bakit kasi hindi pwedeng dito dumiretso yong chopper?

Bumuntong hininga ulit sya saka binuksan na ng tuluyan ang pinto para makalabas sya. Sa paglabas nya ay agad nyang nakita ang nakatalikod na si Jisoo habang nakahinga.

Tulog na ba sya?

Lumapit sya sa higaan at umupo, inaasahan nyang lumingon sa gawi nya si Jisoo pero hindi.

Tulog na nga sya?!

Bumuntong hininga ulit sya. Hindi pwede syang matulog. Kinakabahan ako pero gusto kong pag-usapan namin yong halik. Hindi pwedeng wala lang iyon sa kanya. Feelingera na ako pero ramdamn ko may feelings din sya sakin.

Naghintay pa sya ng ilang minuto pero hindi gumagalaw si Jisoo, hindi nya din makita kung tulog ba talaga ito o ayaw lang sya nitong pansinin.

Hindi nya kaya nagustuhan yong kiss kaya hindi sya kumibo kaninang -papunta kami dito? Nag aalala sabi ng isip nya.

Pero imposible, para ngang ayaw nya pang itigil ito kung hindi lang talaga umepal si El Sagot naman ng sarili nyang pag-iisip at napaikot ang kanyang mga mata ng maalala yong naputol na halik dahil kay El.

Hindi ito ang unang na dumampi ang mga labi nila ni Jisoo, pero iba ito sa nauna. Yong nauna ay nung mga panahon na sinubukan nila pa yong maging sila, hinalikan sya ni Jisoo pero saglit lang, nagdampi lang ito. Pero kahit ganun ay hindi sya pinatulog sa gabi nun. Habang yong ginawa nila kanina ay hindi lang basta dampi, mas matagal, mas mainit at mas madiin.

Kaylangan talaga naming pag-usapan yon. Hindi ako makakatulog dahil dito panigurado. Sabi ni Jennie sa isip nya.

“Jisoo” tawag nya sa nakatalikod sa kanyang dalaga pero hindi ito gumalaw.

Wala namang nagawa si Jennie kundi humiga, sinadya nyang malakas ibagsak ang katawan nya sa higaan para maalog, maramdaman o magising si Jisoo kung nakatulog na nga ito.

Pano sya nakatulog agad? Napanguso sya sa iniisip nya saka bumuntong hininga bago humarap sa gilid nya, pero humarap din agad kay Jisoo na tanging likod lang nito ang nakita.

Hindi ba talaga naming pag-uusapan yong halik?

Hindi ba namin uulitin?

Hindi ba sya nabitin?

Sunod sunod na tanong ni Jennie sa isip kaya lalo syang nainis. Pinili nyang pumikit baka sakaling antukin pero hindi pa nakakalimang segundo ay dumilat sya at padabog na umupo, masamang tingin ang binigay nya sa gawi ni Jisoo.

Hindi nya maiwasang mainis hindi dahil sa nabitin sya at gusto nya itong ulitin, o isa din yon sa rason, pero ang rason nya talaga ay pag-usapan ito. Hindi pinapatahimik ng halik na yong ang pag-iisip nya habang yong katabi nya ay natutulog na at parang wala lang iyon sa kanya.

Yong totoo? Ako ba yong nakainom o sya?! Inis na sigaw ng isip ni Jennie.

Padabog ulit syang huminga, nakaharap sya sa likod ni Jisoo.

“Nakakaasar ka. Hahalik halikan mo ako tapos matutulog ka lang? Walang pag-uusap kung bakit iyon nangyari?” hindi na mapigilan na sabi ni Jennie, pero wala pa rin sya nakuhang ano mang sensyales na gising ang kasama dahil sa hindi ito gumagalaw.

Patay ata ito hindi tulog eh. Ngumuso si Jennie habang iniisip ito.

“Hmp!” inis na sabi ni Jennie saka tumalikod na.

Bahala ka nga!

Pero tulad ng una nyang subok na palipasin na lang ang gabi at kinaumagahan pag-usapan ay hindi sya nakapigil na humarap ulit kay Jisoo.

“HMP” sabi nya ulit na mas malakas at mas madiin sa nauna at mas pinahaba nya pa ang pagnguso nya.

Pero tulad ng naisip nya ay parang patay ang katabi dahil sa hindi magising gising kahit ginawa nya na lahat. Hindi magising gising dahil sa mas mahirap naman talagang gisingin ang taong nagtutulug- tulugan lang.

Nararamdaman at naririnig nya ang ginagawa at sinasabi ni Jennie pero pinili nyang hindi pansinin ito at pumikit na lang. Mas gusto nyang pag-usapan ito pagnawala na ang epekto ng alak sa katawan ni Jennie, iniisip nyang nangyari ang halik dala lang ng alak. Isa pang rason na pinoproblema nya ay nasa relasyon si Jennie alam nya makakaapekto ito sa kanya kaya kung pag-uusapan nila ito ay nasa tamang pag-iisip na dapat si Jennie at alam nya ang sinasabi nya. Pinipilit nya isangtabi muna yong nangyari kahit tulad ni Jennie ay hindi nito pinapatamik ang utak nya sa pag-iisip kung ano ang pwedeng mangyari o bakit nangyari iyon.

Nagbabakasakali din sya na kung maitutulog na lang nila ito at kinabukasan pag-usapan ay mawala na lang ito sa alala ni Jennie kasabay ang pagkawala ng epekto ng alak sa katawan nito para wala na lang ilangan sa kanila.

“Jisoo! Hmmp talaga!” sigaw na sabi na ni Jennie kaya nagulat sya at hindi napigilang mapatawa dahil sa parang bata ang nasa likod nya na ngayon nakaupo na naman saka masama syang tinitignan habang nakanguso.

Kanina pa nya gustong matawa, napapangiti na nga sya ng patago dahil kay Jennie at sa mga pinaggagawa nito at inaimagine nya yong cute na pagmumukha ni Jennie, subalit pinipigilan nya ang sarili nyang humarap at kurutin ito sa pisngi para maiwasang ang pag-uusap nila tungkol sa halik pero sa tingin nya wala na syang magagawa dahil sa napatawa sya nito ng tuluyan.

Humarap si Jisoo sa nakaupong nagmamaktol na si Jennie habang nakatingin sa kanya.

“Hindi ka talaga tulog noh?” asar na tanong ni Jennie habang nakaupo at nakacross ang mga kamay nito, nakataas ang kilay. “Ayaw mo lang pag-usapan yong halik? Manghahalik halik ka tapos ganyan ka” dagdag nito saka umirap at ngumuso ulit.

Napahigit naman ng hininga si Jisoo ng makita ang nakanguso nyang mga labi.

Kung alam nya lang kung ganun tinutukso ng labi nya si Jisoo.

Kung alam nya lang na kahit nakapaghugas na ng katawan si Jisoo ay nararamdaman pa nito ang labi nya sa labi nito at ang init na binigay nya habang hinahalikan at pagkatapos nito.

Huminga ng malalim si Jisoo saka umupo “Ikaw yong humalik po” inumpisahan ni Jisoo sa pang-aasar para maitago ang kabang nararamdaman nya at pagkagustong ulitin ang ginawa nila lalo pa ngayon na ang cute cute ng nasa harap nya. Parang batang nakanguso, batang hindi nakuha ang gusto nya kaya nagmamaktol, nagdadabog at nagdadada.

“Wag na nga kung ayaw mo!” inis pa ring sabi ni Jennie saka humiga patalikod kay Jisoo, palihim at umaasang na suyuin sya nito.

Napakamot naman ng batok si Jisoo dahil sa hindi nya alam ang gagawin nya, o ang totoo ay alam nya ang dapat gawin. Sa mahigit na dalawang taon na silang magkaibigan ni Jennie ay alam nya na ang nakakapagpaalis ng pagtatampo nito.

Tulad ng isang bata ay ang kailangan lang nito ay kunting lambing at gawin ang mo ang gusto nyang gawin pero pinili ni Jisoo wag itong pagbigyan. Kahit gusto nya mang lambingin ito, yakapin ito at kausapan ay pipiliin nya na lang magpigil hanggat nakakaya nya pa bago pa sya mismo ang mawalan nang kontrol. Hindi nya pinagkakailang na hanggang ngayon ay nararamdaman nya parin yong labi ni Jennie sa labi nya, yong init at pagnanais na binigay nya sa katawan nito. Hanggang sa mga oras na ito ay ninanais nyang maulit ito pero ang mas kinakatakot nya baka pagnaulit ito ay hindi lang ito ang magawa nila.

Hindi nya pinagkakailang hindi lang ang halik ni Jennie ang ninanais nya kundi ang lahat lahat na pwedeng maibigay nito, ang pagmamahal, yakap, halik at higit pa dun.

Hindi tulad ni Jisoo na magaling magpigil ng nararamdaman si Jennie, kaya hindi nakatiis ito at hindi nakapagpigil na humarap sa kanya ulit na masama parin ang tingin.

“Hindi ka man lang talaga nag-initiate kahit nagtatampo na ako? Anong balak mo? Hayaan akong magmaktol habang ikaw nakatingin lang sa likod ko?” inis na tanong ni Jennie. “Mas maganda ako pagnakaharap kaysa sa nakatalikod” dagdag pa nito saka pinaikot ang mga mata.

“Gusto mo ba talaga pag-usapan na yon halik?” tanong ni Jisoo.

“Ayaw mo ba?” patanong naman na sagot ni Jennie, sa pagkakataong ito hindi na pagalit ang boses nya kundi mahinahon na.

Kahit gustong gusto ng pag-usapan ni Jennie iyon ay ayaw nya naman pilitin si Jisoo kung ayaw talaga nito. Huminga ng malalim si Jisoo.

Walang nagsalita sa kanila sa loob ng ilang minuto nakatingin lang sila sa isa’t isa at ramdam nila hindi ito magandang ideya dahil sa habang tumatagal ang tinginan nila ay parang may humahatak sa mga mukha nilang magkalapit pero pinipigilan lang nila. Alam nila at ramdam nila ang tensyon na dulot ng seryosong tingin ng isa’t isa pero pareho din ayaw bumawi ng tingin.

Ilang Segundo pa ay si Jennie na ang bumasag sa katahimik “Hindi mo ba nagustuhan yon halik?”

Napalunok naman ng laway si Jisoo sa tanong ng kaharap “Ikaw ba?” patanong nyang sagot na kinainis na naman ni Jennie.

“Ano ba Jisoo?! Lahat ba ng gagawin mo ngayon yong ikaiinis ko?” nawala na naman yong mahinahon na boses nya at painis na naman nya itong sinabi “Pagtinanong ka sumagot ka ng sagot hindi sasagutin mo din ng tanong” nawawalang pasensya dagdag ni Jennie.

Lahat ng ginawa ni Jisoo ngayon araw na ito, maliban syempre sa pagtugon ni Jisoo sa halik, ay kinainis nya; mula sa hindi pagtext/reply sa text nya habang sya nag-aalala nung mga oras na alam nyang nangliligaw na dito si El, dagdag pa yong picture nila na pinasa ni Daph na parang ang saya saya nila na nakatingin sa cp habang sya gusto ng umiiyak dahil sa napagtanto nya ng huli na ang pagdating nya, yong pagpapaakbay nya kay El at nakikipagtawanan pa dito na parang wala lang sya sa tabi ng umiinom, yong pag-alis at hindi pinagpatuloy yong naputol na halik, hanggang yong hindi pagpansin sa kanya kahit nagdadabog na sya kanina tapos ngayon sasagutin lang sya ng tanong ng maayos hindi nya pa magawa.

Sino hindi maiinis naman dun? Frustrated na tanong sa isip ni Jennie.

“Hindi, mula nung unang beses kitang hinalikan hanggang yon kanina”

At kung may susunod pa Pagpapatauloy ni Jisoo sa isip nya.

“Hindi ko pinagsisisihan ito” seryosong sagot ni Jisoo na nakapagpatunaw agad ng inis ni Jennie, gusto pa nitong ngumiti dahil sa sagot nya pero pinigilan nito. Ayaw ipakita na masaya sya sa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
buhaypanaman
Hi! :)

Comments

You must be logged in to comment
markaxel
#1
Chapter 32: UY AUTHORNIM, SALAMAT DITO SA UPDATE 🥹

PEROOO teka lang Jennie, ang komplikado mo naman. :( Tama ang iyong kapatid. ‘Wag ka magpadalos-dalos ng desisyon pls lang. 🫠🙂
markaxel
#2
Chapter 30: Henlo mag sweetie, pakigalaw namanang baso hehe
Tinolang_Manok #3
Chapter 30: Wala parin update :((
Tinolang_Manok #4
Chapter 20: Kelan update?
Amateur_artist #5
ang cute naman ni miss jung🤧
markaxel
#6
Chapter 28: Happy 1st monthsary sa mag sweetie 😌 enjoy the night 👀
reflektorr1 #7
Chapter 28: Otor baka may pa-details ka naman po nung nga ganap na paguran ng jensoo charot hahaha
KwonJoYeon
#8
Chapter 27: Parang duda ako sa okay. Ingat ni Jennie
Bat naman kasi ang dami mong chixx Jisoo
Jinriin #9
Chapter 12: T_T
markaxel
#10
Chapter 27: Jenlous in da haus