Chapter 22

Why Can't it be?
Please Subscribe to read the full chapter

~3rd person

“Kakabreak ko lang po mom. Opo hahanapin ko na po si dad” sabi ni Jennie sa kausapa nya sa cp at hinahanap naman ng kanyang mata ang daddy nya.

“Baka hindi mo naman binabantayan ang dad mo ah? Pumasok ka dyan para bantayan sya. Baka nagpapagod na naman ng subra yon” sabi naman ng mom nya.

“Mom, pumasok din ako dito bilang nurse, hindi lang para bantayan si dad. Chinecheck ko naman sya from time to time. Minsan nga pinapaalis nya agad ako dahil sa may trabaho din daw ako. Hindi nya daw ako personal nurse at hindin din sya pasyente dito kundi doctor”

“Hai, ang tigas ng ulo ng daddy nyo .Dyan kayo nagmanang magkapatid eh”

Napailing na lang si Jennie ng madamay pa sya sa katigasan ng ulo ng dad nila. Magmula ng magtrabaho sya sa hospital ay lagi na syang tinatawagan ng mom nya. Hindi nya alam kung matutuwa ba sya dahil sa mas madalas na silang magkausap ng nanay nya o sasakit ang ulo nya dahil sa tatawag lang ito sa hindi sinasagot ng dad nya ang tawag ng mom nya kaya sya ang tinatawagan nito.

Nagaalala din naman sila ng kapatid nya sa dad nya dahil sa nahimatay ito sa oras ng trabaho nun nakaraan at dahil sa may kaedaran na ay pwede pa itong maulit kung papagurin nito masyado ang sarili. Ngunit likas na masipag ang dad nya kaya ayaw lang nitong magpahinga sa bahay kaya naman nandito siya para bantayan ito. Lagi nilang pinapaalalahanan ito tungkol sa pagpapagod lalo na ang mom nila kaya siguro ay hindi na nito sinasagot ang tawag mula dito kaya pinapadaan na lang sa kanya.

“Mom, kita ko na sya” sabi ni Jennie sa kausap habang nakatingin sa di kalayuan kung saan nandun ang dad nyang nakatalikod at may kinakawayan.

“oh?” gulat nyang sabi ng makita nya kung sino ang kinakawayan ng dad nya.

“Why?” nagtatakang tanong ng mom nya sa kabilang linya.

Parang hindi nya naman narinig ang tanong ng mom nya dahil ang atensyon nya ay nasa babaenh kaharap na ng dad nya.

“Gorgeous as always” nakangiti nyang sabi saka naglakad na papalapit sa dad nya.

“Huh?” mas naguguluhang sabi ng nasa kabilang linya “Jennie? Still there?”

“Yeah mom. Mamaya na lang, ok? Papalapit na ako sa kanila” masayang sabi ni Jennie at hindi na hinintay sumagot ang nanay dahil sa agad nya itong binaba.

“Wait! I want---” naputol naman ang sasabihin ng mom nya ng magtotoot na ang hawak na cp “Hai, nakung bata yon. Sino kaya yong sinasabi nyang gorgeous? May kausap na ibang babae kaya ang dad nya?”

Tinawagan nya ulit si Jennie pero hindi na sya nito sinagot.

Hindi nya alam na ang anak nyang tinatawag ay malawak ang ngiti habang papalapit sa dad nya at sa mga kausap nito. Hindi sya nahalata ng mga ito hanggang makalapit sya.

“Dad!” tawag nya kaya napatingin hindi lang ang dad nya kundi ang mga kausap nito na sila El at Jisoo.

“Oh, Jen tapos na ba ang trabaho mo?” tanong sa kanya ng dad nya.

Nakangiti nyang sabi “Break dad. Hi!” masaya nyang sabi kila El at Jisoo pero mas pinatagal nya ang tingin nya kay Jisoo at mas lumawak din ng ngiti nya ng ngitian nya nito pabalik.

Pagkatapos ng batian ay nasabi ng dad nya ang tungkol sa paglipat muna nila El dito at Jisoo na agad nya naman kinatingin kay Jisoo.

Bakit hindi ko ito alam? Gusto nya sanang itanong kay Jisoo ngunit hindi lang sila ang nandito kaya tinignan na lang si Jisoo nagbabakasakalimg mabasa ang isipan nya pero wala syang nakuha kundi ngiti mula dito.

“By the way Jen. Alam mo naman yong Psychiatric area dito dba? Samahan mo naman si Jisoo papunta dun” sabi sa kanya ng dad nya na nakapagpalimot sa kanya ng tanong para kay Jisoo at yong pakau nyang kamustahin ang nararamdaman ng dad nya.

Kung titignan naman ang dad ni Jennie mukha ok lang naman ito kaya ok lang makalimutan ng nagmamahal na si Jennie yon na ngayon nabigla man sa nabalitan ay masaya parin ito.

Bago pa man sya makapagsalita ay naunahan na sya ni El “No need. Sabay naman kami pupunta dun ni Jisoo” sabi nito kaya ngunguso na sana si Jennie pero pinigilan nya pero hindi ito nakatakas sa kanina pang nakatingin din sa kanyang si Jisoo.

“Sorry to say this but you have a meeting to attend at ilang minuto na lang ay magsisimula na ito” sabi naman ni doc Arias/dad ni Jennie.

Bago pa makasagot si doc El ay inunahan na sya ni doc Arias “Let’s go?” bago ito makaalis ay binigyan nya ng ngiti at taas babang kilay ang anak na hindi magets kung ano ang ibig nyang sabihin. Habang si El ay nagpaalam muna kay Jisoo.

Nang maiwan sila ay agad naman pinulupot ni Jennie ang kamay nya sa braso ng kasintahan.

“Kaylan mo pa nalaman na dito kayo magtatrabaho?” tanong ni Jennie habang naglalakad na sila papunta sa office ni El kung saan din mag tatrabaho si Jisoo.

“Kahapon”

“At hindi mo man lang sinabi sakin?” pagtatampong sabi ni Jennie habang nakalabi.

Tumawa naman si Jisoo “I want to surprise eh”

Napangiti naman si Jennie “Nasurprise nga ako. Masaya akong dito ka na magtatrabaho” masayang sabi nito saka yinakap sya tagiliran.

“Jen, nasa hospital tayo. Ang clingy mo” nakangiting sabi ni Jisoo. Gustuhin nya man ang pagiging malambing ni Jennie ay nakakaagaw ng atensyon at oras ng iba.

“Ayaw mo?” nakanguso na naman sabi ni Jennie.

Bago pa makasagot si Jisoo ay may tumawag na lalake kay Jennie “Jen,baka naman” nakangiting sabi nito. Napatingin naman si Jisoo kay Jennie ng may pagtataka. Magtatanong na sana siya ng bigla magsalita ito ulit “Kung wala talaga akong pag asa sayo pakilala mo naman ako sa kasama mo”

Umirap muna si Jennie bago sumagot “Si Jisoo sya at taken na sya. Kaya back off Andrew” sabi nya saka mas pinahigpit pa yakap kay Jisoo.

Nagpatuloy na sila sa paglalakad at nagpatuloy din sa pagtingin sa kanila ang mga staffs at kahit mga pasyente.

Hindi naman ito pinapansin ni Jisoo pero napatingin sya kay Jennie ng napabuntong hininga ito “Ang dami mo naman agad na tagahanga” nakasimangot nasabi nito saka pinakita ang chat box nitong madaming nagchachat nagtatanong about kay Jisoo.

Napatawa na lang si Jisoo dahil sa nagmamaktol na naman ang nobya “Sabihin mo kasi hindi ako interesado”

“Yon na nga eh, sinabi ko na yong mga babae naman yong nangungulit” nakalabi nitong sabi “dito na tayo” dagdag nya at tumigil sa tapat ng isang pinto.

Pagkapasok ng pagkapasok nila sa opisina ay agad hinili ni Jisoo si Jennie para yakapin. Hindi tulad ng ginawang yakap ni Jennie habang naglalakad sila kundi yakap talaga ang ginawa ni Jisoo na kinangiti naman ng kaninang busangot na si Jennie saka yumakap ito pabalik.

“Dinner tayo maya?” tanong ni Jisoo, naramdaman nya namam ang pagtango ni Jennie saka kumalas ito sa pagkayakap.

“I really want to stay but I need to go. My break is almost over” sabi ni Jennie kaya napatangi si Jisoo “Pagmay lumandi sayo wag lalandi pabalik” pagpapaalala nya.

Kaya napasaludo na parang sundalo ang nobya nya habang nakangiti kaya hindi nya maiwasan higitin ito sa pisngi at bigyan ng matamis na halik ang labi nito. Dampi lang ito pero nagbigay ng rason sa dalawa na mapangiti ng malawak.

“Alis na ako” paalam ulit bi Jennie, tumango ulit si Jisoo saka pinagbuksan sya ng pinto.

“My friend!” masayang sigaw ni Cole kay Jisoo, kaya pati ang papaalis na si Jennie ay napatingin. Tumatakbo si Cole na lumapit sa kanila at yumakap sa kanya na para bang matagal silang hindi nagkita.

Natatawang yumakap pabalik sya sa kaibigan “Parang hindi tayo nakatira sa iisang bahay ah”

“Eh iba ang saya pag nasa iisang lugar na tayong magtatrabaho” sabi nito saka kumalas sa pagkakayakap “alam mo bang madami na agad sayong nagkakainteres” dagdag nito “Hindi ka pa nga isa araw dito humahakot ka na agad ng mga tagahanga. Nung sinabi ko ngang kaibigan kita angg daming humingi ng number mo” sabi nito na nakapataas naman ng kilay ni Jennie.

“Hindi mo naman binigay diba?” singit nito.

“Bakit hindi?” pang aasar naman na tanong balik ni Cole kay Jennie.

“Bakit mo binigay? May gf na si Jisoo at ako yon” asar na sabi ni Jennie kasabay ang pagtingin ng masama dito.

Tumawa si Cole “Napakaselosa mo pagdating kay Jisoo. Parang hindi ka naman ganyan kay Claro ba yon? Para number lang eh”

Mas tinignan pa sya ng masama ni Jennie kaya umarte syang nanginig sa takot at tumago pa sa likod ni Jisoo pero pasilip silip.

Tumawa si Jisoo “Sweetie, babalik ka na sa work diba?”

Dahil dun ay ang masamang tingin na ibinibigay ng nobya nya ay sa kanya naibaling. Hindi sya natatakot sa mga tingin nitong ganyan per

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
buhaypanaman
Hi! :)

Comments

You must be logged in to comment
markaxel
#1
Chapter 32: UY AUTHORNIM, SALAMAT DITO SA UPDATE 🥹

PEROOO teka lang Jennie, ang komplikado mo naman. :( Tama ang iyong kapatid. ‘Wag ka magpadalos-dalos ng desisyon pls lang. 🫠🙂
markaxel
#2
Chapter 30: Henlo mag sweetie, pakigalaw namanang baso hehe
Tinolang_Manok #3
Chapter 30: Wala parin update :((
Tinolang_Manok #4
Chapter 20: Kelan update?
Amateur_artist #5
ang cute naman ni miss jung🤧
markaxel
#6
Chapter 28: Happy 1st monthsary sa mag sweetie 😌 enjoy the night 👀
reflektorr1 #7
Chapter 28: Otor baka may pa-details ka naman po nung nga ganap na paguran ng jensoo charot hahaha
KwonJoYeon
#8
Chapter 27: Parang duda ako sa okay. Ingat ni Jennie
Bat naman kasi ang dami mong chixx Jisoo
Jinriin #9
Chapter 12: T_T
markaxel
#10
Chapter 27: Jenlous in da haus