Chapter 26

Why Can't it be?
Please Subscribe to read the full chapter

Nagpatuloy ang relasyon nila Jennie at Jisoo, magdadalawang buwan na ang nakalipas simula ng iceleb nila ang kanilang 1st monthsary. Tulad ng napag usapan nila ay iceceleb nila itong magkasama pero hindi tulad ng karamihan mag syota ay hindi sila nagbibigay ng mga bagay para sa isa’t isa. Makasama lang at mabati lang nila ang isa’t isa ay ok na, o yon ang gusto ni Jisoo na wala namang magawa si Jennie kundi sumang ayon dahil sa alam nyang ayaw na ayaw ng nobya nyang nakakatanggap ng regalo at hindi din ito mahilig mamili ng regalo para sa iba. Kahit lumaki at sanay mamigay o tumanggap ng regalo si Jennie ay sinang ayunan nya ang gusto ng nobya dahil sa wala naman talagang papantay na mga materyal na bagay sa pagmamahal at pag aalagang ibinibigay sa kanya ni Jisoo. Manatili lang iyon ay ok na siya. Kay Jisoo palang alam nyang panalo at wala na syang kailangan pang iba.

Nakangiting naglalakad pabalik si Jisoo sa opisina ni El pagkatapos nyang kumain ng lunch kasama ni Jennie.

Kumatok sya muna bago pumasok at tulad ng inaasahan, pagpasok nya nandun si Doc Krystal. Nag uusap ang dalawa, nang makita naman sya ng mga ito ay binati nya at pumunta na sa table nya.

“Then let them be” natatawang rinig nyag sabi ni Doc El kay Doc Krystal na namomroblema dahil sa cliyente nya “Hindi naman bago sayo ang ganyan. Kadalasan nasusolusyunan ng mga mag asawa ang problema nila paglumalapit sayo pero may mga instances mas pinipili nila ang maghiwalay at ok lang yon sayo, bakit sa kanila parang ayaw mo kahit nakapagdesisyon na sila?”

Tinignan naman sya ni Krystal ng matalim pero nakanguso. Hindi maiwasang mapangiti dahil dito ang kanina pang pasulyap sulyap kay Krystal na si Jisoo. Madalas o lagi syang nagagandahan dito pero ngayon lang nya nakita na pwede din o marunong din pala itong magpacute.

Pinag uusapan nila ang mag asawang nag aundergo ng counseling sa kanya, hindi nila dinidetalye ang usapan lalo na ang pangalan ng mag asawa dahil sa kahit pareho silang doctor/Psychiatrist ay confidential parin ito.Hindi man detalyado ang kwento ni Krystal ay halata sa dalagang nalulungkot itong hindi nya natulungang maisalba ang relasyon ng dalawa. Psychiatrist sya lahat ng sinasabi nya ay yong sa tingin nya makakatulong sa pasyente maintindihan ang sarili, ang asawa, kung ano ang naging kusa ng pagkakalabuan at kung ano ang maaring maging solusyon.

Madami na syang napagdaanan na ganito pero ngayon lang sya naging ganito dahil sa kahit sya ay naniniwalang deserve ng mag asawa ang second chance at ang isa’t isa. Kahit doctor sya sa mga ganito ay minsan hindi nya maiwasan na madala sa emosyon. Tao din naman sya pero kahit gustuhin nya man na subukan parin ng mag asawa ay wala syang magawa kundi maglabas na lang ng bigat ng nararamdaman sa pinakamatalik nyang kaibigan na doctor na si El.

Napangiti naman si El saka umiling iling. Napagdaanan nya na din ang mga ganito, minsan sa hindi mag asawa kundi sa indibwal. Na kahit gustuhin man nilang sundin sila ng mga pasyenteng dumaan sa kanila ay wala silang magagawa kung salungat pa rin ang mga nagagawa nito.

Nagkatinginan at nagngitian na lang sila Jisoo at El dahil sa hindi nila alam ang sasabihin. Nahalata ito ni Krystal kaya lumingon ito kay Jisoo.

“Babe? Ikaw sa tingin mo?” tanong sa kanya ni Krystal.

Sa mga nagdaang araw hindi na bago sa kanya ang tawag na yon galing kay Krystal dahil nung una parang iniinis lang nito si El pero sa mga nakaraan araw ay nasanay na lang hindi lang si El kundi sya na ganun ang tawag ng doctor sa kanya. Pagsila din naman lang ang tao sa office sya nito tinatawag na ganun kaya ok lang. Nung una syempre ay naiilang si Jisoo at dahil sa alam nyang hinahangaan nya ito kaya may pagkabog ang puso nya pagnaririnig ang tawag nito sa kanya pero ngayon parang wala na. Nasanay na o dahil sa isa lang ang babaeng nakakapagpakabog sa kanyang puso kahit makita lang ito at hindi nagbabago kahit tatlong buwan na silang magjowa, yon ay si Jennie. Masasabi nyang hinahangaan nya si Krystal pero wala tatalo kay Jennie sa buhay nya dahil ito ang mahal nya. Maaring may dumating pang babaeng hahangaan nya at pagpapailang sa kanya pero alam nyang si Jennie lang ang tanging mamahalin nya. Maaga pa man para sabihin nya ito ay naniniwala syang si Jennie na talaga para sa kanya.

“Hindi ba sapat ang pagmamahal para manatili? I mean sakin alam kong hindi sapat kasi may mga pagkakataon na nangyayari sa tao na pinagpapalit ang pagmamahal sa ibang bagay, gusto ko lang malaman ang say ng taong nasa relasyon tulad mo” dagdag ni Krystal.

“Sabi nyo nga po may mga nangyayari ganun kaya oo. I mean minsan kahit nagmamahalan mas pipiliin ang maghiwalay kaysa sa magkasakitan ng tuluyan. Na baka ang lahat ng pagmamahal ay mapalitan ng sakit, pagsisisi at galit pagpinilit pa. Ang mga bagay na pinipilit ay kadalasan hindi maganda ang kakalabasan. Madami din pwede maging dahilan na piliin ang bitawan ang minamahal” sabi ni Jisoo, hindi na kailangan ng propesyon tulad nila doc El at doc Krystal para masabing tama ang sinabi nya dahil sa napagdadaanan talaga ito ng mga tao.

“True. Hindi sapat ang pagmamahal lang. Kailangan may kasamang tiwala, at lalo na kailangan din na kayang ipaglaban o panindigan ito ng mga taong na nasa relasyon. Dapat alam yon ng gf mo, babe” seryosong sabi ni Krystal kaya napatingin pareho sa kanya sila El. Mula sa pagkagulat na tingin naibinigay ni El kay Krsytal ay ngayon napalitan ito ng pag aalala at binaling ang tingin kay Jisoo na halatang gulat din.

Alam na ni Krystal kung sino ang gf ni Jisoo? San mapupunta ang usapang ito? Pag aalalang tanong ni El sa isip nya. Nag-aalala sya dahil pagnagsalita ng magseryoso ang boses ni Krystal ay inaasahan nya na lahat ng lalabas sa bibig nito ay totoo o kaprangkahan at maaring masaktan dito si Jisoo.

Dahil sa hindi naka sagot si Jisoo ay nagkibit balikat lang si Krystal saka ngumiti bago magsalita “mas naniniwala akong magiging kayo sa huli kung pareho nyong gugustuhin yon. I mean kahit nakalaan kayo sa isa’t isa kung hindi nyo papanindigan ang nararamdaman nyo at hindi kayo gagawa ng paraan para mapanatili ang meron kayo wala parin” seryosong sabi ni Krystal.

“Is it your proffesional view about the issue or personal view? Broken ka girl? Wag mong idamay lovelife ni Jisoo masaya yan” pagbibiro ni El, sinusubukan iliko ang usapan at hindi mapunta ng tuluyan sa relasyon nila Jisoo ang usapan “Sa ganda mong yan hindi ka pinanindigan? O baka hindi ka naman talaga maganda, feeling mo lang. Tungkol pa rin ba yan sa first love mong nangakong maghihintay pero napako dahil sa nakahanap ng iba?” dagdag pa nito.

“Mahimik ka!” sigaw ni Krystal saka binato ang ballpen nya kay El na tatawa tawa lang na inilagan nito.

Habang si Jisoo nakitawa din, hindi pinansin ang tanong ni Krystal dahil sa lagi naman naitatanong nito sa kanya kung kailan nya ipapakilala ang gf nya dito na lagi naman ngiti lang ang sagot na naibibigay nya dahil sa hindi pa nga handa ang kanyang jowa para ipaalam sa iba; kaya nakatanggap sya ng matalim na tingin mula kay Krystal dahil sa patawa tawa sya ngayon kaya nagkunwari syang hindi tumawa at nagkibit balikat habang seryoso nakatingin.

Higit sa dalawang buwan palang ni Jisoo nakilala si Krysyal at pagbreak lang nito sya nakakasama pero parang magkaibigan na ang turingan nila. Sa loob ng opisina ni El ganito ang lagi nilang ginagawa nagtatrabaho silang dalawa papasok si Krystal para magpahinga o kadalasan makipagchika lang o asarin ang isa pang doctor na minsan sinasabayan pa ni Jisoo, pero pagnasa labas sila ng opisina ay proffesional sila lalo na sa harap ng pasyente nila. Seryoso sila at superior ni Jisoo ang dalawa pero pagdating sa opisina ni El ay parang magkakaibigan sila at pantay pantay ang posisyon nila.

“Masaya kayo ngayon pero hanggang kaylan yon? Hanggang kailan nyo iiwasan ang isyo na meron kayo o hanggang kailangan kayo makukontento sa kung anong meron kayo?” tanong ulit ni Krystal na nakapatigil kila El at Jisoo. “Sa tingin mo sapat ba ang pagmamahal nyo sa isa’t isa ng gf mo? Sinabi mong madaming dahilan kung bakit nagkakahiwalay ang pagkarelasyon sa lahat ng dahilan na sumagi sa isip mo wala ba dun na kahit isang pwedeng maging dahilan ng paghihiwalay nyo?” dagdag na tanong ni Krystal na agad naman sinagot ni Jisoo ng “wala”

“Wala? Ganu ka sigurado? Anong basehan mo sa ganyan kasiguradong sagot?”

Hindi man alam ni Jisoo kung bakit napasa sa kanya ang usapang ito ay sinagot nya ito “Dahil sigurado akong mahal namin ang isa’t isa” seryoso nyang sagot na sinuklian naman ng ngisi ni Krystal habang si El ay nakatingin lang sa kanila.

Habang ang ngising ito ay parang nakapagpainis kay Jisoo sa hindi nya masabing dahilan. Para bang sinasabi ng ngisiing ito na hindi ito naniniwalang sila hanggang huli ni Jennie. Ayaw nya yon, ayaw nyang isipin hindi sila ang para sa isa’t isa kaya parang nainis sya sa ngising iyon.

“Pero hindi sapat ang pagmamahal lang, sabi nga natin para manatili at kung yan lang ang mabibigay mong sagot sakin ay hindi ba kailangan mo nang matakot na baka hindi sapat iyan para kayo hanggang sa huli?”

“Iba kasi kami Doc” Deffensive na sagot ni Jisoo. Hindi nya man gusto itong maging deffensive ay kusang lumabas na lang ito. Gusto nya din sabihin sa doctorang nagkukwestyon ng relasyon nila na hindi sila kagaya ng ibang sumusuko o sinusukuan ang isa’t isa dahil alam nya sa sarili nyang hindi sya ganun.

“Krystal, what’s with your question? Jisoo is not your client/patient” sabat ni El dahil sa halata nyang parang umiinit na ang usapan.

Ngumiti saka nagkibit balikat si Krystal “Gusto nyang maging katulad natin dba? I’m just giving her a free lesson. Nasama lang yong personal nyang buhay” simpleng sagot nito kay El saka tumingin ulit kay Jisoo “So? Sa paanong paraan?”

“Handa kaming ipaglaban ang isa’t isa”

“Pano ka ipaglalaban ng taong hindi ka kaya ipakilala sa iba?” prangkang sagot ni Krystal na nakapagpanganga kay Jisoo.

“Hindi naman ako nagmamadaling ipakilala nya”

“pero hindi ka din handang hintayin sya panghabang buhay” sagot ulit sa kanya ng doctora.

Tinignan ng seryoso ni Jisoo ang doctora bago pa sya makasagot ay inunahan na sya ni Krystal “And that’s how you ask question. Actually, sa iba effective yong sasagarin mo sila para magsabi ng gusto mong malaman para makatulong sa kanila. Sa iba hindi effective yon. Iba iba ang tao kaya iba iba din ang way ng pag approach natin para makapagsalita sila ng concerns nila at makapagbigay tayo ng kasagutan, suhesyon na maaring makapagpabigay sa kanilang problem ng solusyon”

“Napakainit na way na pagtuturo naman yong doctora” sabi ni El

Ngumiti si Krystal “You should give her a glimpse on how we do it baka sakaling hindi nya na pangarapin ang maging katulad natin” sabi nya kay El “ Babe, are we good?” tanong nya naman kay Jisoo na sinagot naman sya ng ngiti at tango

 

Magsasalita pa sana si Krystal ng tumunog ang cp nito na kinabuntong hininga nito ng malakas bago sagutin ang tawag.

“Mom….Wala ako dyan… may kliyente ako ok?.....” pagsisinungaling nito sa kausap “Hindi pwede. Opo alam kong may meeting….. Hindi ako pupunta hindi naman ako kasali sa board members eh. Isang simpleng doctor lang ako at yon ang gusto ko” mukhang stress na sabi ni Krystal.

Lagi naman yan pagkausap ang nanay ay stress dahil sa kung hindi blind dates ang usapan ay ang mas mataas na posisyon sa hospital na ito ang pinag uusapan nila na ayaw naman ni Krystal. Isa sa pinaka may malaking share dito ang pamilya ni Krsytal sa hospital pero ayaw nyang tumaas o humawak na mas mataas pang posisyon dahil sa masaya na daw sya sa pagiging doctor.

“Sige na mom, please….. may kausap ako at nagiging rude na ako dahil sa kasama ko sila pero may kausap ako sa cp. ..bye “ sabi nya saka binaba ang tawag. Humuntong hininga ito saka sinandal ang ulo sa sofa.

Tumingin sya kay El “Mag i-start na ang meeting ah? Bat nandito ka pa?” tanong nito dito kaya naman si El ang napabuntong hininga ngayon. Tulad ni Krystal ay ayaw nyang magkaroon ng mataas na posisyon sa hospital na ito, mas gugustuhin nyang pagpaunlarin ang sarili hospital kaysa sa makipagplastican at galingan daw sa mga may posisyon sa hospital na ito pero wala syang magagawa dahil sa sya ang pinahawak ng naiwan na pwesto ni King.

“Papunta na ko sa meeting. Halika na. Balik ka na sa office mo” sabi ni El kay Krystal na sinagot naman nito ng iling.

“Mas ok ako dito” sagot p nito, tinignan naman sya ng seryoso ni El saka tumingin kay Jisoo.

“Buo mo parin maaabutan ang assistant mo doc” paninigurado ni Krystal habang nakangiti pilya ito “sige na. Makatingin ka akala mo naman jowa mo si babe na iiwan mo sakin. Hindi ka nya sinagot ok?” pagpapaalala ulit ni Krystal kaya lumipat dito ang kanina nyang binatong ballpen kay El, iniwasan nya naman ito habang tumatawa.

Pagkaalis ni El ay agad tumingin kay Jisoo ang nakangiting si Krystal. Hindi nya alam kung kakabahan sya dahil sa baka sya na ang pagtitripan nito dahil sa wala na ang paborito nitong pagtripan na si doc El.

“Hulaan ko ah. Gf mo yong malapusang mata noh?” sabi nito habang nakangiti pa rin, hindi naman alam ni Jisoo kung pano ito sasagutin dahil sa hindi nya alam kung tinutukoy ba nito ay si Jennie dahil baka hindi naman talaga si Jennie ang tinutukoy nito kundi ang sarili nito. Na kasama ito sa mga banat ng dalaga sa kanya.

Hindi gustong isipin ni Jisoo na gusto ni Krystal na maging nobya sya kaya naisip nya na ang malapusang matang nobya nya ay ang sarili nito pero dahil sa pagmagkasama sila randomly nagsasabi ito ng panlalandi kung titignan ng iba pero kay Jisoo ay parang biro lang ito ni Krystal sa kanya. Inamin na din naman sa kanya ni Krystal na nagagandahan sa kanya ito at ganun din sya dito pero hanggang dun lang ito. Alam nila sa isa’t isa na hindi seryoso si Krystal sa panlalandi sa kanya dahil sa maliban sa verbal na banatan ay wala naman itong ginagawang pisikal na panlalandi.

Ngumiti na lang si Jisoo saka pabirong sumagot “malapusang mata? Ikaw?”

Ngumiti ito sa kanya “How I wish” pabuntong hininga nitong sabi saka ngumuso pa “pero hindi lang ako ang may malapusang mata and I’m referring to nurse…Kim?” hindi siguradong sabi nito dahil hindi nya alam kung tama ang apelyedong na alala nya. “Yong ang talim makatingin nung tinawag kita dati. At tsaka before mo pang bitawan ang kamay ay nakita ko na magkahawak kamay kayo. So, sya?” tanong ulit nito

Napalunok naman ng laway si Jisoo dahil sa hindi nya alam kung sasagutin nya ito dahil sa kahit ilang buwan na ang nakalipas ay hindi pa nila sinasabi sa ibang tao ang relasyon nila.

“hindi ko ipagsasabi at kahit ideny mo alam ko na” sabi nito “at kung iisipin kaya ayaw nyo or hindi nyo masabi sa iba ang relasyon nyo dahil sa may isang hindi pa out?” patuloy nitong sabi “and my hunch says na si cat eye ito dahil sa ikaw open ka naman”

Wala namang nasagot si Jisoo kundi paglunok lang ng laway. Natawa naman si Krystal.

“Sorry. Naistress lang talaga ako ngayon kaya inililibang ko ang isipan ko mag isip ng ibang bagay at nasa harap kita kaya naiisip ko yon. Isa na lang tanong, titigil na ako. Tama ba ang hinala ko?”

Ngumuti si Jisoo saka tumango. Hindi naman ata ipagsasabi ni Doc Krystal ang mga iyon sa iba at tsaka gusto nya din talagang malaman na kahit ang mga taong malapit sa kanya na taken talaga sya at si Jennie ang nobya nya.

“Kaylan daw sya magiging handa?” tanong pa nito.

“akala ko doc titigil ka na?”

Tumawa ito “sumagot ka na kaya diretso na natin. Wala ka din naman atang gagawin na”

“Marites ba doc ang pangalan ng nanay mo? At tsaka may gagawin pala ako” sagot nya saka kunwaring inabala ang sarili sa harap ng laptop. Kahit ganun ang ginawa nya ay alam nyang hindi parin sya tinitigilan ng doctor dahil ramdam nya ang tingin nito sa kanya.

“May alam ako pano matulungan sya mag out. Sa mga tingin nya, halatang selosa kaya kunting push lang sa kanya mapapaout sya sa gagawin ko pero syempre kailangan ka sa plano” sabi nito na nakapagpatingin sa kanya.

Ngumiti sya “hindi naman kailangan doc. At tsaka kaya nya naman mag out sa tamang oras, handa din naman akong maghintay”

“Hanggang kaylan?” seryoso ng tanong ni Krystal, wala na yong kaninang pilya nyang ngiti kaya naman ay napatutok na lang si Jisoo dito na para bang nahipnotismo. Minsan lang ito magseryoso kasama ni Jisoo kaya naman ay malaki ang naging impact nito kay Jisoo. Para bang hinihigit sya ng mga mata nito at sinasabing wag pagtuunan ng pansin ang iba kundi sya lang.

“Hanggang kaylan ka maghihintay?” sabi pa nito, ito ang unang nagbawi ng tingin saka ngumiti. Ngiting pilit at alam ito ni Jisoo “Hanggang kaya nya na? pano kung matagal nyang makayanan? Alam mo ang mga ganung pangako ay napapako. Bago ito mangyari ay ipakita mo na sa kanyang hindi habang buhay ka maghihintay. Kung ipapakita mo sa kanya ang mawawala sa kanya paghihina hina pa sya ay maaring mapaisip sya at magawa nya ang dating hindi nya kaya”

“Pero hindi ako mawawala sa kanya doc” siguradong sabi ni Jisoo.

“Yan din ang sinabi sakin ng gf ko dati na ngayon wala na at hindi nakapaghintay” seryosong sabi ni Krystal “at hindi ko sya sinisisi dahil sa kasalanan ko naman talaga dahil sa mahina ako dati” sabi nito saka ngumiti ng pilit na sinuklian naman ni Jisoo ng naawang tingin.

Ngayon lang sila mag uusap ng seryoso about love life.

“ang sinasabi ko lang na kita naman sayo na seryoso at masaya ka sa kanya dahil sa kung hindi mo sasabihin kanina na sana sya na talaga, dba? Ayoko lang mangyari sainyo ang nangyati sakin dati”

“Gusto mo bang ikwento doc?”

Ngumiti ang doc “Ikaw ang pangalawa kong pagkukwentuhan nito. Bata pa kami nun. Senior high? Sya yong nagparealized sakin na kasapi ako” natatawang sabi ni Krystal “Naging kami ng palihim din dahil sa alam mo naman si mom. Dati pa syang nakakairita” tumawa ulit ito saka nagpatuloy “sinabi nya din na hindi sya mapapagod mag hintay to cut the story short napako yon ng makatungtong kami sa college. Nasaktan ako subra pero hindi ko sya sinisi kasi kasalanan ko din. Hindi ko sya nagawang panindigan at ipapakilala. Kaya nga ayokong mangyari yon sainyo na dumating sa puntong may mapagod sainyo. Hindi ko man gaano ka kilala yong jowa mo pero syempre ayoko din maranasan nya yong pagsisisi ko”

Ngumiti si Jisoo “Salamat doc. Tissue?” pagbibiro ni Jisoo na sinabayan naman ni Krystal at kinuha ang tissue saka nagpunas ng kunwaring luha sa mga mata nito.

“Alam na ngayon ng mom mo about sa pagiging kasapi mo?” pabiro ulit na tanong ni Jisoo, tinatakpan katotohanan na masyadong personal na ang pinag uusapan nila.

“Oo. Nag out ako pero huli na dahil hindi ko na nabawi ang nangako saking maghihintay hanggang sa maging handa ako dahil sa masaya na ito sa iba. Moved on na ako, first love ko kasi sya kaya mahirap din talagang kalimutan. Nung una grabe parang bulkan na sasabog ang mom ng malaman at pinalayas pa ko” natatawa ulit na sabi ni Krystal “pero hindi din nya nakayang habang buhay itakwil ang napakaganda nyang anak, pinuntahan nya din ako at sinabing tanggap ako pero I doubt it until now” ngumiti ito “kasi kung tanggap nya na ako bakit palagi lalake ang hinahanap nya as blind dates ko? Ang dami daming babaeng anak ng mga kumare nya puro naman lalake” sabi nito saka pabirong pinaikot ang mga mata “Alam mo bang magfriends dn sila ng mom nun ni Kim bat hindi na lang si Kim dba? Sana hindi kayo ngayon kundi kami” dagdag pa nitong biro.

Natawa namam si Jisoo “Sakin lang yon bakla si Jennie, sorry not sorry” pabiro at kampanteng sagot nya naman.

“ang kapal natin dun ah” pagbibiro ni Krystal pero natawa na lang si Jisoo “Pero alam kong hindi lang si mom ang ayaw kaming iset as blind date. Pati mom nya, alam mo ba isang araw nandun sila sa bahay namin tapos nakita ako tapos pinakilala ni mom saka nya naopen na bi ako sabi ba naman ng mom ni Kim, Bakit? Kung ako sayo tigilan mo na yan hindi ka uunlad nyan’” sabi nito na parang ginagaya pa ang boses ng mom ni Jennie kaya natawa nalang Jisoo “Sya ang rason talaga kaya hindi ka pa naipapakilala ni Kim. May lamat ata sa utak yon, pano naman naging basehan yong kasarian natin sa pag unlad natin? Sa tingin ko talaga sya ang dahalin. Tingin mo?”

Ngumiti si Jisoo “Nasabi o inilinaw na din iyon sakin ng mom nya na ayaw nya sakin para sa anak nya nung isang beses magdinner kami kasama nila” pagsasabi ng totoo ni Jisoo saka inalala ang dinner na nangyari kasama ng mga Arias.

Flashback…

Mga panahon pa ito ng nasa 24hrs challenge magjowa sila. Yong sinubukan nilang maging sila kunwari na hindi alam ng iba. Yong panahon na subok subok lang na nauwi sa totoohan kay Jisoo. Dahil sa subok subok na yon ay parang iisa na lang ang tinirihan nilang dalawa. Kung hindi sa condo ni Jennie at sa bhaus sila ni Jisoo na tutulog.

Isang araw ay nasaktuhan ng mga magulang at kapatid ni Jennie pumunta sa condo nya, gusto nilang i-surprise si Jennie pero pati sila nagulat ng si Jisoo ang tumambad sa kanya na nagbukas ng pinto ng condo ng anak. Lahat sila nagulat lalo si Jisoo na akala delivery lang ng pagkain na inorder nila Jennie ang kumatok kaya naman wala syang pag aalangan na buksan ito pero agad naman nagsisi dahil sa sinalubong sya ng pagtatakang tingin ng kapamilya ni Jennie pero saglit lang dahil naputol ang tensyon ng biglang may masayang yumakap sa kanya, ito ay si Daphney, ang nag iisang kapatid ni Jennie.

“Baby!’ masaya nitong sabi habang nakayakap.

Napangiti naman ng alangan si Jisoo dahil sa hindi naman sila close nito pero makayakap ay parang magkakilalang magkakilala na sila.

“Mom?! Dad?!” gulat namang sabi ni Jennie na halatang kakaligo lang dahil sa basa pa ang buhok nito. Nagkatinginan sila ni Jisoo at pareho kinabahan dahil sa hindi nila alam ang gagawin.

Pinapasok muna ni Jennie ang mga ito.

“We’re here to fetch you. Balak sana naming kumain ng dinner kasama ka” sabi ng dad ni Jennie saka tumingin

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
buhaypanaman
Hi! :)

Comments

You must be logged in to comment
markaxel
#1
Chapter 32: UY AUTHORNIM, SALAMAT DITO SA UPDATE 🥹

PEROOO teka lang Jennie, ang komplikado mo naman. :( Tama ang iyong kapatid. ‘Wag ka magpadalos-dalos ng desisyon pls lang. 🫠🙂
markaxel
#2
Chapter 30: Henlo mag sweetie, pakigalaw namanang baso hehe
Tinolang_Manok #3
Chapter 30: Wala parin update :((
Tinolang_Manok #4
Chapter 20: Kelan update?
Amateur_artist #5
ang cute naman ni miss jung🤧
markaxel
#6
Chapter 28: Happy 1st monthsary sa mag sweetie 😌 enjoy the night 👀
reflektorr1 #7
Chapter 28: Otor baka may pa-details ka naman po nung nga ganap na paguran ng jensoo charot hahaha
KwonJoYeon
#8
Chapter 27: Parang duda ako sa okay. Ingat ni Jennie
Bat naman kasi ang dami mong chixx Jisoo
Jinriin #9
Chapter 12: T_T
markaxel
#10
Chapter 27: Jenlous in da haus