Chapter 16

Why Can't it be?
Please Subscribe to read the full chapter

~Jennie

“Hi, baka magbago pa isip mo ah. Available pa yong plane ticket na binibinta ko sayo pa Caticlan” text ni Wendy.

Kahapon pa sya unang nagtext sakin, nakuha nya daw yong number ko kila V. Ganun din ang text nya, na nagbibinta daw sya ng plane ticket paCaticlan sabi ko naman wala akong plano pumunta dun.

Pinili ko na lang na hindi replyan ito, mabait naman ito, lalo na tinaggap nya ako bilang bisita sa birthday nya pero hindi naman porket ganun sya ay bibili na ako ng ticket na hindi ko naman gagamitin.

Nakadalawang oras na ako sa panonood ng paborito kong series ng makaramdaman ako ng gutom kaya bumaba ako at pumunta sa kusina, naabutan ko naman dun si Daph.

“Bat nandito ka pa ate?” nagtatakang tanong nya kaya sinuklian ko naman sya ng may pagtatakang tingin.

“Bakit tagadito pa naman ako ah?”

“Hindi. Eh kung nandito ka, sino ang gustong ipa’yes’ ni Kuya Jerome?” naguguluhan nyang tanong pero ako ang mas naguguluhan sa kanya.

Pinakita nya naman yon cp nya, makikita dito yong post ni Jerome picture ng dalampasigan na parang may romantic na picnic na mangyayari at may caption pang ‘Say yes, please’

“Ang bilis nya naman makahanap—“ naputol ang sasabihin ni Daph na parang may naisip syang kinagulat nya.

“Bakit?”

“Hindi kaya surprise ito ni kuya para magkabati na kayo?”

“Panong surprise? Nandun yong picnic sa Boracay nandito ako?”

“hindi, kasi may pupunta ditong tauhan ni dad, may naiwan daw syang documents na kaylangan nya, eh kasama sya sa seminar dun sa Boracay, diba? Kaya may inutusan sya at gagamitin nila yong chopper nila kuya Jerome, hindi kaya dadalhin ka dun na nakapiring pero ngayon hindi na surprise kasi sinabi ko na?” sabi nya saka pinalo palo yong noo nya. “Baka nga ganun yon?”

Napaisip naman ako “Hindi ako sasama noh”

“Hala ate ang pabebe. Nag effort sya oh” sabi nya saka pinakita yong screen ng cp nya ulit sakin pero agad namang binawi nya ng tumunog ito.

“Ah, false alarm pala. Hindi para sayo, para sa liligawan ng pinsan nyang si El”

“Tinanong mo sya?”

“Oo, para sigurado na hindi sya nagloloko o kung surprise man iyon sayo”

“Chismosa ka talaga” sabi ko na lang saka nagbalat ng orange.

Sino kaya ang liligawan ni El?

Napahinto naman ako ng maalala ko yong unang pagpunta namin sa hospital ni El at nakita ko si Jisoo dun. Yon din ang araw na naglunch kaming tatlo nila King at El, yon din ang araw na nagkwento si El sa taong gusto nyang ligawan, yong description nya sa gusto nya ay sumasakto kay Jisoo. Hindi nya naman sinabi samin ang pangalan kahit pinipilit na sya ni Jerome.

Hindi kaya si Jisoo talaga yong gusto nyang ligawan?

Kaya ba kahit hindi naman kaylangan ng assistant pinasama nya si Jisoo? Na sila dad at Jerome hindi sinama yong assistants nila dahil sa hindi naman kaylangan. Tapos sya sinama nya si Jisoo?

“Tanong mo nga si Jerome kung sino ang liligawan ni El?”

“Hala, baka sabihin naman ni kuya napakachismosa ko”

“Sige na” pagpupumilit ko naman “Chismosa ka naman na talaga. Sige na”

“Malalaman naman natin yon pagnagpost ulit si kuya” sagot naman ng kapatid ko. Napabuntong hininga na lang ako.

“Bakit hindi na lang kasi ikaw yong magtanong? Ang arte arte mo, hindi ka lang napuntahan ng isang beses gumaganyan ka na? Wala na talaga kayo?”

“Hindi yon kasi ang rason” tinignan ko naman ang orasan.

May aabutan pa ba ako kung pupunta ako dun ngayon?

Yong byahe ko lang papunta sa airport baka hindi na umabot sa ticket na inaalok ni Wendy, pwede sana na yon pagkadating ko sa Caticlan kaylangan ko pang magbyahe papunta sa Boracay.

“Umalis na ba yong chopper?”

“Hindi pa, hindi pa nga---“ naputol yong sinasabi ni Daph ng may kumatok “Ayan, yan na ata kukuha nitong docs ni dad” sabi nya.

“Ako na” sabi ko saka inagaw yong papel na hawak ni Daph at sinalubong yong taong pinagbuksan ng maid namin. “Kuya, kasya pa ba kong sasama ako sa chopper?”

“Sasama ka? Bakit?!” tanong ni Daph “Ate, hindi nga si kuya yong mangliligaw kaya kalma ka lang. Makikipagbrea---” tinakpan ko ang madaldal na bibig ni Daph para ako ang marinig ni kuya.

“Kuya, sige na, pasamahin mo na ako. Anak ako ni Mr. Arias, kakilala din ako ni Mr. King” sabi ko naman.

Inalis naman ni Daph ang nakaharang na kamay ko sa bibig nya para makapaepal ulit. “Hindi lang sya kakilala ni Mr. King, e---“ sa pangalawang pagkakataon pinutol ko sinasabi nya sa pamamagitan ng pagtakip sa bibig nya.

“Tanong po natin ma’am sa magpapalipad ng chopper kung pwede ka pong sumama” sabi naman ni kuya.

“Ok, pwede pahintay ng 5mins. 5mins lang talaga kuya, kukuha lang ako ng damit” mabilis kong sabi, mukhang naintindihan naman ni kuya at tumango ito.

“Ate?” tawag naman sakin ni Daph pero hindi ko pinakinggan at tumakbo na papunta sa kwarto ko.

***

~Jisoo

Chinachat ko si V ng biglang bumigay na ang cp ko at nadeadbat. Badtrip kasi hindi ko nacharge kagabi yong cp ko bago matulog. Tatlong oras pa bago matapos iyong seminar na ito para sa ngayong araw.

“Ok ka lang ba?” tanong ni Doc El kaya napatingin ako sa kanya pero hindi ako ang tinatanong nito kundi ang katabi naming si King na parang kanina pa namomroblema at kanina pa nagbubuntong hininga habang nakatingin sa cp.

“Hindi pa rin kayo bati? Hindi ka pa rin tinetext o chinachat?” tanong ulit ni El, umiling naman lang si King.

Nag-away na naman ba sila ni Jennie?

“Hindi ko nga alam kung magbabati pa kami. Hindi din kami nakapag-usap ng maayos bago ako umalis dahil sa busy sa hospital dumagdag pa itong seminar. Bakit pa kasi ako pinadala dito ni mom?” medyo asar naman na sabi ng isa.

“Grabe naman pala magtampo yong si Jennie” sabi ni doc El.

“Wag kang mag-alala, poproblemahin mo din ang ganito pagsinagot ka na ng liligawan mo” sabi ni King na ngayon may panunukso ng ngiti at tono na binibigay kay doc.

“Mukhang hindi naman sya matampuhin eh” sagot naman ng nakangiting si doc, hindi ko na lang sila pinansin dahil sa hindi ko naman alam pinag-uusapan nila.

Ano kaya ginawa nya kung bakit nagtampo si Jennie?

“Talaga?” rinig kong sagot ni King “Jisoo?” tawag nya sakin kaya napatingin ako “Ikaw ba matampuhin ka?” tanong nya sakin na kinakunot ng noo ko.

“Huh?”

“Parang ang lalim ng iniisip mo, ano ba yan o sino ba?” nakangiting sabi ni King.

Tinignan ko lang sya ng diresto Ang jowa mo ang iniisip ko sagot ko sa isip ko. Ano na naman ginawa mo para magtampo yon?

“Sino ba yang iniisp mo?” tanong nya ulit ng hindi nya marinig sagot ko “Hala ka magagalit si El na may iba kang iniisip” Panunukso nya kaya nakatanggap sya ng tapik mula kay doc “magagalit sya kasi sinama ka dito para matuto hindi kung sino o ano ang iniisip mo dyan” dagdag nya, hindi naman ako sumagot, ngumiti lang at tinuon ang atensyon ko sa nagsasalita sa harap namin na si Doc. Arias. Papa ni Jennie ang isa sa mga speaker ng seminar na ito.

Kunting minuto lang ay nagsalita ulit si King “Oras na ata umalis. Kita na lang tayo mamaya” paalam nya samin ni Doc.

“Hayaan mo na yon, hindi naman nakikinig yon” sabi naman sakin ni Doc kaya ngumiti na lang ako.

Tinignan ko ang papaalis na si King, Ano kaya ang pinag-awayan nila? Sigurado akong lumulubo na naman yong pisngi ni Jennie dahil sa inis. Ganun sya pagnagtatampo eh.

***

 

~Jennie

Nagmadali akong bumaba sa kotse, madali ang byahe sa chopper pero kinaylangan naming bumaba sa Caticlan at dun sumakay papunta dito sa Boracay. Inabot kami ng dalawang oras sa byahe, inis na inis na ako pero wala naman akong magawa para madaliin ang byahe namin. Kanina pa ako nagtetext kay Jisoo pero hindi nagrereply, hindi naman matawagan.

Napatingin ako sa cp ko ng tumunog ito, si Daph nag chat, “dyan ka na ba ate?”

“Si baby pala nililigawan ni kuya El? Pumapatol din pala si baby sa lalake”

“laki ng ngiti ni kuya El mukha ngang umuo si baby”

Sunod sunod nyang chat saka may pinadalang pic nila Jisoo. Halatang si Jerome yong ngpicture dahil sya yong malapit sa camera habang yong dalawa nasa likod na, parang stolen ito dahil yong dalawa nakangiting nakatingin sa cp na hawak ni El.

Parang gusto kong maiyak dahil sa inis, nangyari na ang kinakatakutan ko na magkaroon sya ng jowa at sa hindi ko inaasahan na pagkakataon at pagkatao pa. Akala ko sa babae lang sya pumapatol?

“Honey?!” tawag sakin ni dad kaya napatingala ako. “Umiiyak ka?” sabi ni dad kaya agad ako ng punas ng pinsgi.

“Hindi dad, ano… mainit sa byahe, pawis” sabi ko.

Ngumiti sya saka yinakap ako “Bakit pinili mong pumunta dito? Hindi mo matiis si Jerome noh?” panunukso ni dad kaya ngumiti na lang din kayo “Hindi nya pala alam na pupunta ka, surprise ba sana anak? Pasensya na, nasabi ko na sa kanya” dagdag ni dad.

“Ok lang po” sabi ko na lang, maglalakad na sana kami ng makita ko ang nakangiting si Jerome na papalapit samin.

“Ang bilis makapunta dito ah” sabi naman ni Dad kay Jerome.

“Syempre po, alam mo naman basta para sa anak nyo daig ko pa si flash sa bilis” nakangiting sabi ni Jerome saka yumakap sakin. Nagpaalam naman muna si Dad dahil sa may tumawag sa kanya.

“Ok na ba tayo?” tanong nya pagkakalas sa yakap. Yumuko na lang ako.

“Pabook ako ng tulugan please” sabi ko naman.

“Ah, oo. Pagod ka sa byahe. Hindi ko na isip na mapapagod ka sa byahe isasama ka sana namin umiinom nila El” sabi ni King kaya napatingin ako sa kanya. “Kasama nya si Jisoo”

“Saan sila?” tanong ko.

Sila na ba?

“Tagal pa ba yan lovebirds?!” sigaw naman ni El kaya napatingin ako, dun nagtama ang tingin namin ni Jisoo. Ngumiti sya sakin habang ako parang gusto kong umiyak at yakapin sya.

Tinignan ko silang dalawa, nakatayo lang na magkatabi habang nakatingin samin.

Sila na ba?

Lumapit sila samin. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya ganun din ang ginawa nya, mula sa pagkakangiti ay napalitan ito ng pagaalalang tingin. Baka nahalata nyang hindi ako ok, ganyan sya, alam nya ang lahat sakin kahit hindi ako magsalita maliban na lang sa bagay na pati sa sarili ko ay tinatanggi ko noon, yon ay ang mahal ko sya.

Mahal ko sya higit pa sa pagkakaibigan. Mahal ko sya higit pa sa pagmamahal ko kay Jerome.

Pero pano ko pa sasabihin ito kung huli na ako?

Hindi ko na maitatanong kung mahal nya rin ba ako dahil sa naunahan na ako.

Nang makalapit sya sakin agad nya namang nilagay ang magkabilang palad nya sa pisngi ko “Ok ka lang ba?” nag-aalalang tanong nya.

Gusto kong umiling at umiyak sa harap nya para maipakita ang sakit na nararamdaman ko, pero pinili ko na lang ngumiti.

Masaya ba sya? Mapapasaya ba sya ni El higit sa kaya ko?

“Ji?” tawag ni El kaya inalis nya ang pagkakahawak sa pisngi ko saka tumingin dito “Hali na kayo para makarami ng alak?” dagdag nito kaya napatango na lang kami.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
buhaypanaman
Hi! :)

Comments

You must be logged in to comment
markaxel
#1
Chapter 32: UY AUTHORNIM, SALAMAT DITO SA UPDATE 🥹

PEROOO teka lang Jennie, ang komplikado mo naman. :( Tama ang iyong kapatid. ‘Wag ka magpadalos-dalos ng desisyon pls lang. 🫠🙂
markaxel
#2
Chapter 30: Henlo mag sweetie, pakigalaw namanang baso hehe
Tinolang_Manok #3
Chapter 30: Wala parin update :((
Tinolang_Manok #4
Chapter 20: Kelan update?
Amateur_artist #5
ang cute naman ni miss jung🤧
markaxel
#6
Chapter 28: Happy 1st monthsary sa mag sweetie 😌 enjoy the night 👀
reflektorr1 #7
Chapter 28: Otor baka may pa-details ka naman po nung nga ganap na paguran ng jensoo charot hahaha
KwonJoYeon
#8
Chapter 27: Parang duda ako sa okay. Ingat ni Jennie
Bat naman kasi ang dami mong chixx Jisoo
Jinriin #9
Chapter 12: T_T
markaxel
#10
Chapter 27: Jenlous in da haus