Chapter 23

Why Can't it be?
Please Subscribe to read the full chapter

Pagkatimpla nya dito ay binigay nya ito sa doctor. Nagpasalamat naman ito sa kanya at tahimik nang inubos habang si Jisoo ay nagpatuloy na sa ginagawa nya kanina. Magkaharap lang sila ngayon ng doctora ng inuupuan at napapagitnaan ng mesa.

Nakita nya sa libro ang picture ni doc Krystal. Psychiatrist din ito tulad ni doc El. 28 years old, limang edad ang tanda nya kay Jisoo. Napabilang naman si Jisoo sa kamay nya dahil sa ang bata pa ni Krystal para makompleto ang pagaaral para maging Psychiatrist. Ang alam nya aabutin ng 12years pa taas pagkatapos ng high school para maging ganap o magkaroon ng lisensya. Pano nagawa yon ni Krystal sa ganun na edad?

Umiling na lang si Jisoo para hindi na isipin yon. Tinignan nya ulit ang pictuee nii Krystal, sa picture nya ay may intimidating aura ito. Hindi sya nakangiti sa picture pero hindi nabawasan ang ganda at charisma nito. Hindi maiwasan ni Jisoo mapatingin sa doctora at napangiti agad sya ng makita nya mapayapa na itong natutulog. Nakaupo lang pero nakapikit na ito. Para bang nalimot na ni Jisoo ang hawak ng libro at walang malay nyang tinitignan lang ang doctora ng puno ng paghanga habang na nakangiti.

Hindi malaman ni Jisoo kung ganu sya katagal nakatingin dito pero sapat na ito para mapagmasdan at masaulo ang mukha ng kaharap.

Hindi nya maalis ang tingin nya dito ng biglang tumunog ang cp nya na kinataranta nya at agad nyang kinuha at pinatahimik dahil sa ayaw nyang magising ang dalagang nasa harap nya.

Sweetie ko: Hey, break kami ngayon. ikaw? Cafeteria tayo? I miss you! 😘

Tinignan nya naman ang dalaga na nasa harap nya ulit. Sabi ni doc El pwede naman sya magbreak kung gusto nya. Wala naman iniwan na mabigat na trabaho si El sa kanya kaya pwede syang pumunta kay Jennie kaso nga lang iniisip nya ang doctorang mahimbing na natutulog. Ayaw nya itong iwan na nag iisa dito at natutulog.

Nagtype sya "Ah, hindi pa kasi ako makakaalis sweetie. Nandito kasi si doctora Kry---" natigilan sya sa pagtype dahil sa iniisip nyang maiinis na naman si Jennie pagnalaman na may kasama syang babae. Ganun pa naman ang una nitong reaksyon sa mga nakikita nitong babaeng lumalapit sakin.

Nagtype ulit sya "Hindi pa ako pwedeng umalis dito, sweetie. Kita na lang tayo mayang lunch. I love you" sinend nya ito na agad naman nakatanggap ng reply.

Sweetie ko: Ok I love you 😘

Binaba nya na ang cp nya at ibabalik na sana nya ang atensyon nya sa libro ng mahalata nyang gumalaw ang dalaga sa harap nya. Nakapikit parin ito pero halatang hindi komportable sa posisyon ng tulog nito.

Gigising ko ba at papahigain na lang sa sofa?

Hindi pa man nakakapagdesisyon si Jisoo ay narinig nya naman bumukas ang pinto kaya agad nyang dinampot ang libro linapag nya kanina at agad nagkunwari syang nagbabasa. Alam nya si doc El ang pumasok. Si doc El lang ang pumapasok dito ng hindi kumakatok dahil sa opisina nya ito kaya sigurado syang si doc El ito. Nagpanggap syang busy at hindi tinitignan si Krystal dahil sa baka anong isipin nito.

Napakunot naman ng noo si doc El na makita nya ang nakatingin lang sa nakatalikod na libro hawak ni Jisoo.

"Doc?" nakangiting sabi ni Jisoo, ngumiti na lang ang doctor sa kanya pero agad napatigil ng mapansin na ang doctorang natutulog.

"Kanina hinahanap ka nya" sabi ni Jisoo "tapos dito daw muna sya kasi nandun ang mom nya sa office nya" sabi ni Jisoo saka lumapit kay El na papaupo na din sa upuan nya. Binigay ni Jisoo yong dokumentong kanina binigay ng isa pang doctor na hinihingi daw ni doc El.

Tumango naman si doc El saka tumingin kay Jisoo "Pinagmamasdan mo ba sya habang natutulog?"

"Hindi ah" agad naman sagot at depensa ni Jisoo na mas kinaduda ni doc El "Hindi talaga doc. Nagbabasa ako eh" sabi ni Jisoo saka tinuro yong libro sa mesa na kanina binabasa nya.

"Sa ilang buwan natin magkasama sa trabaho Ji, ngayon ko lang nalaman marunong ka pala magbasa ng baliktad na libro" sabi ni El na kinanganga ni Jisoo. Hindi nya nahalatang nakabaliktad ang librong hawak nya. Ang nakaharap sa kanya ay yong cover at back part ng libro.

Natawa si El dahil nakanganga lang si Jisoo at parang may sasabihin pero dahil sa hindi sanay magsinungaling si Jisoo ay hindi na lang sya rumason. Baka mas mapalala pa.

"Sa tingin ko hindi ikatutuwa ng gf mo na may pinagmamasdan kang iba at hindi din ako natutuwa na oras ng trabaho ay hindi trabaho ang inaatupag mo kundi ang pagmasdan ang isa sa mga doctor dito"

Napakamot naman ng batok si Jisoo at napayuko, nag iisip ng palusot. Hindi nya naman pwedeng sabihin na hindi nya maiwasang mapatigil at mapatingin sa kaharap nya kanina. Para kay Jisoo isa ito sa mga magandang tanawin na hindi nya maiwasan tignan at hangaan. Hindi nya ito masabi kay doc El dahil sa hindi nga ikatutuwa ng gf nya pagnakarating dito ang ganun na rason. Sa mga kaibigan pa nga lang nyang platonic lang ang nararamdaman nya ay nagseselos na si Jennie pano pa kaya kung malaman nyang may crushie ang kanyang sweetie?

"Napatingin lang ako at naisip ko doc na magkaibigan talaga kayo?" sabi ni Jisoo.

"Bakit parang hindi ka makapaniwala? Imposible bang malaman na may kaibigan ako?" sagot naman ni doc El.

"Hindi naman. Pero kasi doc sa ganda nyang yan kinaibigan mo lang? O nabusted ka din nya?" pagbibirong sabi ni Jisoo.

“Hindi ko sya linigawan. Wag kang ano dyan. Magkaibigan lang kami”

“Sa ganda nyan nakontento ka na sa pagiging kaibigan? Kung hindi ko lang talaga alam na nagkagusto ka sakin ay iisipin kong wala kang taste sa babae. Ang ganda nya oh” pabiro paring sabi ni Jisoo pero yong last ay seryoso. Nagagandahan talaga sya sa doctora.

“Aba, Jisoo baka nakakalimutan mo oras ng trabaho ah at boss mo ako” pagbabanta ni El pero halatang hindi naman galit. Nakikisabay sya sa biro ni Jisoo “Baka nga wala talaga akong taste. Nagustuha—I mean gusto parin kita kaya wala talaga akong taste” sabi nito at nahalatang nailing si Jisoo sa sinabi nya. Nahahalata nyang natitigilan si Jisoo pag sinasabi nya parin ang nararamdaman nya sa dalaga. Siguro hindi komportable o naguguilty si Jisoo dahil sa gusto nya parin ito pero hindi nya mabigyan ng pag asa.

Ngumiti ang doctor "Bakit kung ikaw ba ang kaibigan nya liligawan mo?" pabibirong naman tanong ng doctor para mawala ang pagkaawkward ni Jisoo.

oo naman! agad na sagot ni Jisoo sa isip pero binawi agad. Hindi din ata. Hindi sya magaling magsabi ng nararamdaman nya lalo na pagnaging kaibigan na at aamin. Naranasan nya na yon.

Natawa si doc El kaya napatingin si Jisoo "Ano kayang iisipin ng gf mo kung masabi kong nag iisip pa ang jowa nyang manligaw ng iba?"

"Hindi ako nagsabing liligawan ko yan doc ah" depensa ni Jisoo.

"Pero hindi mo din tinanggi at kadalas ang hindi tinatanggi ay posibleng mangyari o gustong mangyari. Lagot ka kay Je--" natigil ang pang aasar ng doctor kay Jisoo ng magsalita ang kaninang tulog na si Krystal.

"Hai, Elliot. May natutulog ang ingay. Respeto naman" sabi nito na parang naiinis pero ngumiti din naman saka tumingin sa kanilang dalawa. Una nitong nginitian si El saka binaling ang tingin kay Jisoo na kinakaba naman nito dahil sa pilya ang ngiting ibinigay sa kanya nga doctor.

Biglang nahiya si Jisoo ng mapagtanto nyang maaaring hindi nga ito tulog o nagising nila at narinig nya ang biro sa kanya ni El tungkol sa pangliligaw.

"Buti naman gumising ka na" sabi ni El saka tumayo "Halika na samahan mo ako" yaya nito sa doctora na nakaani ng pagkunot ng noo nito at pagtingin ng may pagtataka.

"If you want to sleep do it on your office not here. At tsaka may pag uusapan tayo" sabi pa ni El kaya walang nagawa si Krystal at tumayo na saka sumunod sa papalabas ng si El. Pero bago pa makalabas sila ay tumingin si Krystal kay Jisoo.

"Miss Jisoo, thanks for the coffee" masayang sabi nito

"Anytime doc" nakangiting tugon ni Jisoo ng nakaani ng mas malawak na ngiti sa doctora habang nakalokong ngiti naman sa doctor at may pagalaw galaw pa ng hintuturo na parang sinasabi na hala.

Napailing na lang si Jisoo saka hinayaan na ang dalawang makaalis.

"I know you miss me but don't look at me like that. I might think na hindi mo lang ako miss kundi na hulog ka na naman sa akin" nabirong sabi ni Krystal kay El ng makita nyang nakatingin ito sa kanya.

"Na naman? Kaylan ako nahulog sayo?" sagot nito.

"Dati. Hindi mo lang naamin kasi alam mong walang pag asa"

"Buti pa ako alam ko ang mga bagay bagay kaysa sayo, nag aassume. Hindi kita nagustuhan noh" sabi naman ni El

"Well, kung hindi ko narinig na pinormahan mo si miss Jisoo iisipin ko din na wala kang taste sa babae. Sa ganda kong ito hindi mo nagustuhan? Pagamot ka, may mali sayo" pang aasar nitong sabi na tinignan naman sya ng masama ni El.

"Wala ka na bang pasyente o appointment ngayon? At ano talaga dahilan mo kung bakit ka nandun sa office ko?"

"Hindi ka nakikinig sa assistant mo diba sinabi nyang hinanap kita at nandun si mom sa office"

"Hinanap mo ako kahit alam mong nasa meeting ako. Katext kita kanina at nasabi ko na may meeting ako”

“Nakalimutan ko eh o iniisip ko na tapos na yong meeting kaya pumunta ako” paliwanag naman ni Krystal na hindi pinaniniwalaan ni El kaya tinignan nya ito ng panghuhusgang mata.

“Fine. I’m just curious about your assistant. Alam mo bang mas kilala pa ito ng mga tagarito kaysa sayo. Kawawa ka naman” pang aasar ni Krystal sa kanya

“Wala akong paki kung hindi nila ako kilalanin. Ang akin lang kalmahan mo yan na kabaklaan mo. Amoy na amoy ko. Pumunta ka pa talaga at sinakto mong wala ako para masolo mo sya”

“Makareak ka naman akala mo kayo. Busted ka diba?” pangbabara sa kanya ni Krystal kaya tinignan nya ito ng masama “at tsaka gusto ko lang sya talaga makita”

“Nakita mo na sya meeting kahapon”

“up close. I want to see her up close” agad nitong sabi.

“Sinasabi ko sayo kalmahan mo. May nobya na yon”

Tinignan naman sya ng masama ni Krsytal “Curious nga lang ako, dba? At tsaka mas maganda ba sakin ang gf nun?”

Tinignan muna sya ni El bago sumagot “May mga similarities kayo pero since kaibigan kita at sya ang dahilan kung bakit ako hindi nasagot ok, mas maganda ka na dun” pagbibiro ni El.

Ngumiti si Krystal “sus, palusot ka pa. Hindi mo man ako kaibigan o kakilala ako parin ang mas pipiliin mo sa mas maganda. If I know liligawan mo naman talaga ako dati kung hindi lang ako umamin na I’m only into girls” pagmamayabang na sabi nito.

Ang una nilang pagkikita ay sa isang restaurant. Noon pa man ay lagi ng pinipilit si Krystal ng mom nyang makipagdate pero ayaw nya naman kaya ang mom nya na lang ang gumagawa ng paraan, yon nga ay yong blind date. Isa sa nakablind date o rineto sa kanya si El. Magkakilala ang mga parents nila at dun nagsimula ang pagkakaibigan nila..

“Which I don’t understand. Bakit sa babae hindi na lang samin mga lalake?”

“Maybe, Women >>>> Men. Joke. There is no greater than anyone. Specially in love. Nagkataon lang na nagkagusto ka sa babaeng wala naman interes sa lalake. Makakamove on ka din” may awang maririnig sa boses ni Krystal nung sabihin ito pero rinig din ni El ang pagbibiro dito.

“Alam ko. Ikaw din move on. May gf na yon wag ng dumiskarte”

Natawa si Krystal “Kaylan mo ako nakitang dumiskarte sa babae? Ako ang dinidiskartehan at tsaka wala naman yon”

“wala? Sure? Hindi mo yon gusto?” tanong ni El.

“Jusko ko, El! Kita mo ba yong mukha ng assistant mo lahat siguro ng babaeng may kabaklaan na dumadaloy sa dugo nila ay may gusto dun o kahit hindi bakla pipiliin maging bakla na lang para sa kanya. Oo naman gusto ko yon. Pero ganun lang, ano ka ba? Dahil sa hindi ko pa sya kilala masasabi kong hinahangaan ko pa lang ang kagandahang taglay nya. Maaring mas lumala, mabawasan o hanggang dun lang”

“Wag mo nang payagan lumala. Baka masaktan ka din. Iisa lang mahal nun” sabi ni El.

Ngumiti si Krystal “for now. Malay mo naman mapabago ko” pilyang sabi ni Krystal kaya tinignan sya ng masama ni El “Biro lang. Napakaseryoso mo. Alam mo isa din yan sa dahilan kung bakit ka hindi nagkakajowa. Loosen up. Matuto kang magbiro. Karamihan ng babae ngayon mas nafofall sa funny. Seryoso ka masyado baka natatakot ang mga babae sayo”

“Wow, nagsalita yong halimaw pag oras ng trabaho. Kahit ngayon lang tayo magkakasama sa isang hospital alam ko kinakatakutan ka dahil sa napakaistrikta mo”

“Pagsa trabaho. Hindi pwede mamali o lagi mali. Buhay ang hawak natin sa trabahong ito El. At tsaka crush mo talaga ako noh? Biruin mo kahit iba ang pinagtatrabahuhan natin updated at alam mo mga nangyayari sakin?” patuloy na pang aasar ni Krystal.

“Whatever. At yong sinasabi mong funny, funny naman ako ah”

“Ako na nagsasabing hindi. O baka nga funny ka kaso hindi kapili pili” pang aasar na sabi ni Krystal kaya ginugulo ni El buhok nya para makaganti. Alam ni El na ayaw na ayaw nitong ginugulo ang buhok nya.

“Eeel!” inis na sabi nito saka sinipa sya na kinatawa at umilag lang sya.

***

~Jisoo

"Kung pwede ko lang talaga ibenta Jisoo mayaman na sana kami ni V" sabi ni Cole.
Nasa cafeteria kami ngayon kumakain ng lunch Napatingin kami nila V at Jennie kay Cole.
"Ang benta mo. Ang daming interesado talaga sayo. Naririnig mo ba ang ingay ng cp ko?" dagdag nya. Kanina pa nga namin naririnig hindi cp nya ang maingay kundi sa dalawa din. Si V pagtumutunog ang cp nya ay napapangiti at napapailing na lang pag si Jennie ang titingin sa cp nya napapaikot na lang ang mga mata at napapasimangot. "Notif yan ng mga komocontact sakin ng magpapatulong na mas makilala ka pa daw. Bentang benta ang kagandahan mo bakla dito" natatawang dagdag pa ni Cole.

"Para namang papayag ang isa dyan na ibenta mo si Jisoo" sabi naman ni V na nakatingin sa kanina pang busangot na si Jennie.

Tinignan sya ni Cole "Napakaselosa mo"

"What?? I didn't do or say anything kanina kahit harap harapan ng linalandi ang gf tapos selosa pa?" natataray na sabi ni Jennie.

"Hindi nga nagsasalita pero yong mga tingin mo naman kung nakakapatay lang dami ng nakahandusay" sabi ni Cole.

"Napakalalandi naman kasi ng mga kadepartment nyo. Sinabi ng may jowa si Jisoo lalandi pa" naiinis na sabi ni Jennie saka binitawan ang kutsara at parang nawala na ng gana kumain.

"Nakikipagkilala lang" sagot naman ni Cole.

"Nakikipagkilala? Ang landi ng mga ngiti" inis na sabi ni Jennie saka umikot ang mga mata

"Swee--" lalambingin sana ni Jisoo ang nobya at hahawakan sa kamay ng iiwas ito sa kanya

"Wag mo akong masweetie sweetie. Gustong gusto mo naman. Nakikipagngitian ka pa. At kita mo ng hinahawakan ka sa balikat nung isang babae ok lang sayo?" pataray na sabi ni Jennie kaya napalunok naman si Jisoo.

Wala naman syang ginawa. Nakipagkilala lang. Ngumiti sya kasi nakangiti din yong mga ito sa kanya. Ayaw nya naman maging rude kaya napanguso na lang sya, na kinaikot naman ng mata ng isa saka nag iwas tingin at napalunok na lang. Inis si Jennie pero hindi nya pa rin makontrol ang epekto ni Jisoo sa kanya lalo na pagngumunguso ito.

"Alam mo kasi Jen kung hindi sapat yong sabihin lang ni Jisoo na may jowa na sya. Hindi maiiwasan ng mga yon humanga kay Jisoo pero medyo matitigil yong pang haharot kung alam nila nasa paligid lang din ang jowa. Bat hindi nyo pa kasi sabihin sa iba na kayo?" sabi naman ni Cole na kinatigil ni Jennie saka napayuko.

Nahalata naman yon ni Jisoo kaya hinawakan nya ang kamay ng nobya. "Ahm, hindi pa kasi handa si Jen" sabi nya "At tsaka ok lang din naman"

Nahalata naman ni Cole na nailang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
buhaypanaman
Hi! :)

Comments

You must be logged in to comment
markaxel
#1
Chapter 32: UY AUTHORNIM, SALAMAT DITO SA UPDATE 🥹

PEROOO teka lang Jennie, ang komplikado mo naman. :( Tama ang iyong kapatid. ‘Wag ka magpadalos-dalos ng desisyon pls lang. 🫠🙂
markaxel
#2
Chapter 30: Henlo mag sweetie, pakigalaw namanang baso hehe
Tinolang_Manok #3
Chapter 30: Wala parin update :((
Tinolang_Manok #4
Chapter 20: Kelan update?
Amateur_artist #5
ang cute naman ni miss jung🤧
markaxel
#6
Chapter 28: Happy 1st monthsary sa mag sweetie 😌 enjoy the night 👀
reflektorr1 #7
Chapter 28: Otor baka may pa-details ka naman po nung nga ganap na paguran ng jensoo charot hahaha
KwonJoYeon
#8
Chapter 27: Parang duda ako sa okay. Ingat ni Jennie
Bat naman kasi ang dami mong chixx Jisoo
Jinriin #9
Chapter 12: T_T
markaxel
#10
Chapter 27: Jenlous in da haus