Chapter 14

Why Can't it be?
Please Subscribe to read the full chapter

Nakangiti akong nakatingin sa kanya habang sya nakatingin sa napakagandang tanawin sa harap namin.

Ano kaya ang nakapagpalungkot sa kanya kanina na hindi nya makwento sakin?

Huminga ako ng malalim. Tsk! Bakit hindi ko sya matiis? Dapat wala kami dito eh. Dapat iniiwasan ko sya.

Pero malungkot sya kanina, ginagawa naman ng magkakaibigan ang pagpagaan ng loob ng isa’t isa, dba? Kaibigan ko sya kaya ganun pagdadahilan ng isip ko sa katangahang ginagawa ko ngayon.

Walang masama kung pagkakaibigan lang talaga ang gusto kaya ka ganyan. Ang masama kahit higit na sa pagkakaibigan ang nararamdaman mo ay denedeny mo pa rin at nag iisip ng dahilan para matakpan ito at the same time gumagawa ka ng paraan para hindi dito matigil kontra naman ng isa pang parte ng utak ko.

Tsk! Triny ko naman dba? Hindi nga ako nagchachat pero wala pa rin.

Hindi ka nga nagchachat pero pagnagchat sya automatic ang kamay mong magreply. At ngayon ito ka na naman kasama nya sya kahit alam mo ang kapalit nito ay sakit.

Dahil nga kaibigan ko sya. Hindi naman pwedeng iwasan ko sya dahil sa may nararamdam ako sa kanya.Na hayaan kong masira ang pinangako naamin hindi masisira dahil sa nararamdaman ko. Hindi ko naman ito ginagawa dahil sa gusto kong may maramdaman din sya, ginagawa ko ito dahil sa ito ang ginagawa ng magkakaibigan.

Pangongotra at pagdadahilan ng sarili ko sa sarili ko ding isip. Baliw na kung baliw pero hindi ko sya kayang tiisin. Mas mahirap at mas nasasaktan ako pag tinitiis ko sya. Mawawala din ito pagnapagod na sa ngayon ipagpapatuloy ko muna ang katangahang ito.

Hindi ko alam kung nakaisang oras na kami dito pero 2am na. Hindi ko din tinignan kanina kung anong oras kami umalis dahil sa wala akong ibang iniisip kundi alisin ang lungkot sa mga mata nya at makita ulit ang mga ngiti nya.

Ayokong maghiwalay kaming malungkot sya, lalo na mamaya na sila babalik sa Manila.Magpapaiwan ako ng isa pang araw dito para makasabay ko na sila Wendy pabalik sa Manila. Kahit ok na si Wendy ay nakabantay pa rin kami sa kanya. Maaring nandyan pa o bumalik ang depression nya kung may magtrigget dito kaya patuloy pa rin sya nagpapakonsulta samin.

“Pano ba yan? Balik na tayo?” tanong ko kay Jennie na nakatingin pa rin sa tanawin.

Umiling iling sya “Punta tayo kahit san. Wag muna tayong bumalik. May place ba dito na may mga ziplines or extreme adventure? Punta tayo?” tanong nya.

Ngumiti ako “hating gabi na. Kung meron man dito ay siguradong sarado pa at tsaka alam mo naman yan ang mga ayaw kong rides”

Natawa naman sya “duwag” saka pinatong ang ulo nya sa balikat ko.

Oo, duwag ako. Hindi lang sa dun kundi sa nararamdaman ko para sayo. Duwag akong sabihin iyo at maging dahilan ng pagbabago kung anong meron tayo.

Alam kong may nagbago na samin pero atleast magkaibigan parin kami kahit hindi laging nagkakatagpo.

Mas maigi na itong minsan lang magkatagpo atleast hindi mawala ng tuluyan.

“Gustong gusto mo akong natatakot eh” sabi ko.

“Mas gusto kong yumayakap ka sakin dahil sa takot” sabi nya habang tumatawa, ako naman ay napailing lang. Natahimik kami ng ilang minuto. Walang ginawa kundi pagmasdan ang tanawin sa harap namin.

“Ang lamig” sabi nya sabay tumayo saka tumalon talon habang hinihimas ang balikat nya.

Ngumiti ako. Alam na kasing lalabas hindi nagsuot ng mas makapal na jacket. Tumayo na rin ako at aalis ang jacket nasuot ko ng magsalita sya”Ayoko nyan” sabi nya ng makita akong huhubarin na sana ang jacket.

Ang tigas ng ulo. Ayaw ayaw pa. Eh nilalamig na nga.

“Yakap na lang?” pagbibiro ko

“Sakin may pagtanong kay Wendy yakap agad?” pataray nyang sabi.

Ngumiti ako kunti na lang talaga iisipin ko ng nagseselos sya kay Wendy.

Tsk! Asa pa Jisoo.

“Ganun kasi yong ginagawa ko sa kanya pagnakakaramdam sya ng lamig. Ang lamig daw sabi nya pero ilusyon nya lang yon dahil sa depression na napagdaan nya” sabi ko “Hindi sya natigil kahit lahat na ng kumot nakabalot sa kanya. Kahit pinagpapawisan na sya ng subra ay giniginaw parin daw sya. Tumigil at kumalma ng yakapin ko sya dahil sa wala akong maisip at natataranta na. Nang tumigil sya dahil sa ginawa kung iyon ay lagi ko na itong ginagawa pagnararanasan nya ang subrang lamig daw at lagi naman kumakalma sya dahil dito”

“Baka hindi naman talaga nilalamig, nag iinarte lang dahil sa gusto lang magpayakap sayo” nakataas nyang kilay na sabi na hindi ko naman kinatuwa.

Hindi madaling maranasan ang ano mang klase ng depression lalo na pagsinasabayan pa ng ilusyon na gawa ng utak kaya hindi dapat pinag iisipan ng masama ng iba ang nararanasan ng mga taong depressed.

“Ano yayakapin mo ba ako o hindi? Nilalamig talaga ako” nakanguso nyang sabi kaya lumapit ako sa kanya at yinakap sya mula sa likod.

“Wag mag isip ng ganun kay Wendy. Hindi nya gawa gawa lang ang napagdaan nya” seryoso kong sabi na kinatingin nya.

Nahalata nya siguro na hindi talaga ako natuwa sa sinabi at inasta nya kaya sumeryoso sya at nagsabi “sorry” yumakap sakin pero saglit din at tumalikod ulit para likod nya ulit ang mayakap ko.

“Ang ganda! Namiss ko ito .Ikaw lang ang gumagawa nito sakin” masaya nyang sabi “Medyo nakalimutan ko na kung ganu kaganda sa pakiramdam at sama ang overlooking view dahil sa hindi mo na ako nadadala sa mga ganito. Ngayon na lang ulit” Tinignan nya ako habang nakangiti.

Ngumiti ako pabalik “Sabi mo nun, sa kanya mo lang itutuon atensyo mo pero wala kung san san ka pa rin nakatingin at nakalimutan mo ito”

Nakalimutan mo ako. Kung san san ka pa nakatingin, nandito naman ako. Na hindi ka lang dadalhin sa magagandang lugar para mapawi ang sakit na nararamdaman mo kundi handa rin ako mahalin ka at hindi saktan.

Ngumuso sya at tumingin sakin “Yong nagdadala kasi sakin sa mga ganito para ayaw na akong kausap. Sa personal man o kahit sa chat”

Wala naman akong nagawa kundi kurutin ang kanyang pisngi tulad ng lagi kong ginagawa “Hindi naman. Pwedeng busy lang?”

“Kahit busy ka dati gumagawa o naghahanap ka ng orad para sakin” sabi nya na may pagtatampo parin.

“Baka kasi hindi na natin pwede gawin ang mga dati nating ginagawa dati sa may dumagdag na sa buhay natin” sabi ko naman.

“Pero kahit sino pa ang dumating sa buhay ko gusto ko paring manatili ka sakin” sabi nya saka yumakap ng mahigpit sakin na nakapagpahina ng tuhod pero nakapagpakabog ng malakas ng puso ko.

Sana hindi nya maramdaman o marinig ang kabog ng aking puso.

“Wala ka pa ngang jowa ganyan ka na, pano pa kaya kung meron na” sabi nya na nakayakap parin sakin. Hindi ko alam kung dahil ba sa lamig yong pagsinghot nya o umiiyak sya.

Gusto ko sanang kumalas sa yakap para tignan kung umiiyak ba sya o sinisipon lang pero pinigilan nya ako. Mas hinigpitan nya pa ang yakap sakin.

“Ganito muna tayo” sabi nya “Hindi masyadong malamig pag ganito” dagdag nya kaya tumango naman ako at yinakap sya pabalik.

Sana ganito na nga lang tayo. Sana dito na lang tayo. Sana hindi ka na bumalik sa kanya at dito ka lang kasama ko.

“May nililigawan ka na ba kaya wala ka ng oras sakin?” tanong nya, magkayakap pa rin kami.

“O may jowa ka nang hindi sinasabi sakin kaya wala ka ng oras talaga sakin” tanong nya ulit pero hindi ako sumagot.

Pano ako magkakajowa kung duwag akong umamin at ang gusto kong jowa ay may jowa ng iba.

Sa kanya lang ako naduwag. Sya kanya lang ako natakot umamin kasi takot ako mawala sya ng tuluyan. Sa ex ko naman nasabi ko agad yong nararamdaman ko noon pero sa kanya ang hirap hirap. Kahit gusto nang sumabog ng kalooban ko at nagpupumilit ng umamin hindi magawa ng labi ko dahil sa takot. Magkaiba kasi sila ng ex ko, sya naging kaibigan ko muna kaya ang hirap. Ang hirap magmahal ng kaibigan.

Dahil wala syang nakuhang sagot sakin ay kumalas sya sa pagkakayakap at tumingin sakin “Wala akong jowa” sabi ko “Upo na tayo. Nangangalay na ako sa pagtayo” dagdag ko pa saka umupo, sumunod naman sya. Hinawi nya ang magk

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
buhaypanaman
Hi! :)

Comments

You must be logged in to comment
markaxel
#1
Chapter 32: UY AUTHORNIM, SALAMAT DITO SA UPDATE 🥹

PEROOO teka lang Jennie, ang komplikado mo naman. :( Tama ang iyong kapatid. ‘Wag ka magpadalos-dalos ng desisyon pls lang. 🫠🙂
markaxel
#2
Chapter 30: Henlo mag sweetie, pakigalaw namanang baso hehe
Tinolang_Manok #3
Chapter 30: Wala parin update :((
Tinolang_Manok #4
Chapter 20: Kelan update?
Amateur_artist #5
ang cute naman ni miss jung🤧
markaxel
#6
Chapter 28: Happy 1st monthsary sa mag sweetie 😌 enjoy the night 👀
reflektorr1 #7
Chapter 28: Otor baka may pa-details ka naman po nung nga ganap na paguran ng jensoo charot hahaha
KwonJoYeon
#8
Chapter 27: Parang duda ako sa okay. Ingat ni Jennie
Bat naman kasi ang dami mong chixx Jisoo
Jinriin #9
Chapter 12: T_T
markaxel
#10
Chapter 27: Jenlous in da haus