Chapter 6

Why Can't it be?
Please Subscribe to read the full chapter

“Oh! Potiks talaga, bago sarap kaylangan ng hirap muna” nagrereklamong sabi ni Cole habang nakatingin sa libro nya “Bwisit hindi ba pwede magsembreak ng hindi dumadaan sa hell week which is exam week?”

“Cole, manahimik ka nga. Yan na nga lang yong gagawin mo, mag aral para naman may magawa ka na makakapagpasaya sa magulang mo eh” sabi naman ni V.

“Ok po, father ito na magsisimula na” pang aasar na sabi naman ni Cole kaya naman napailing na lang ako saka tumingin sa cp ko ng tumunog ito galing kay Jennie yong chat

“Sarap magising kahit may hang-over dahil sa may nagluto sakin?” chat nya saka pinicturan nya yong linuto kong supas, napangiti ako na sinama nya ang sarili nya sa picture.

Maganda din talaga itong lasengerang ito na laging broken hearted eh sabi ng utak ko.

“Salamat. Mwah!” chat nya ulit

“Walang ano man. Gusto ko din sana ayusin yang mga nagkalat nakakahiya naman kasi sakin. hahaha kaso baka mas prefer mo yang ganyan at may magalaw akong hindi dapat galawin” chat back ko naman.

Naalala ko lang yong napanood kong k-drama dati dahil sa ex ko na mahilig manood dun, na may isang character sa k-dramang yon na makalat tignan ang room nya pero hindi nya pinapagalaw dahil yon talaga ang gusto nya. Yong mga bukas na libro at pwesto nito kahit mukhang makalat dun talaga yon, dun nya natatandaan ang mga gusto nyang tandaan. Basta ganun yong paliwanag. hahaha

Habang naghihintay ng chat back nya ay nagsalita ulit si Cole sa pagkakataong ito hindi na sya asar dahil sa may pilyong ngiti na syang pinapakita “Look, father mukhang dumating na ang susundo sayo sa langit at dadalhin ka sa empyerno” kaya napatingin kami sa tinitignan nya, napangiti ako ng makita ko ang gf ni V. Basta talaga sa kalokohan si Cole.

“Gago!” sabi naman ni V saka lumapit kay Luna ay hinalikan sya sa labi. Peak lang naman

“Hi, Luns!” nakangiting sabi ni Cole “Magrereview ka din ba?” tumango naman ito bilang sagot habang nakangiti “Ano bang hinihintay nyo punta na sa kwarto mas makakapag-aral kayo dun” nakangiti nyang sabi kaya nakatanggap sya ng malakas na palo ng libro sa ulo. Saka umalis na sila V at ang jowa at pumunta nga sa kwarto.

“Yan gago kasi!” pangaasar ko naman kay Cole pero ngumiti lang sya.

“hahaha. Hindi naman kaylangan maglinis. Kaya ko naman. Kita tayo mamaya? Kain tayo, libre ko” chat back nya pero bago pa akong makachat ay nagsalita si Cole.

“San ka pala galing gabi at hindi ka nakauwi?” tanong nya

“Diba nakita mo ako sa bar” sagot ko naman

“Don ka natulog?”

“Patapusin mo ako, hindi nakitulog ako sa kaibigan. Wala akong ginawang kalokohan tulad mo paghindi umuwi ng bahay” sagot ko naman

“Tsk! Nagtatanong lang eh”

***

After ng madugong hell week ay masaya naming inumpisahan ang sembreak! Yeah!!! Umuwi kami ni V sa probinsya tulad ng lagi naming ginagawa pagmay mahabang panahon na wala kaming pasok. Masayang masaya naman si nanay Betty na sinalubong kami ng yakap.

“Musta na ang mga anak ko?”

“Maigi nay, maganda at gwapo pa din” masaya at mayabang kong sagot. Kahit mas gusto ko ang mga babae ay ayokong nagpapatawag ng gwapo dahil hindi naman ako gwapo kundi maganda.

Habang nagbabakasyon ay hindi nawala ang komunikasyon namin ni Jennie kahit minsan mahirap dito ang signal ay nagagawan ng paraan. Hindi ko alam pero walang araw simula ng gabing ihatid ko sya na hindi kami nagkakausap sa telepono at masaya naman akong isipin na kahit papano na dadivert ko ang atensyon nya sa ibang bagay kaysa sa pag-iisip nya sa ex nya.

Ilang araw pa ang nakalipas ay nagchat sya sakin na pupunta sila sa isla kung san malapit lang sa lugar namin.

Pumunta ako dun ng sabihin nyang gusto nya akong makita.

Nang makababa ako sa bangkang sinakyan ko agad ko naman nakita ang magagandang ngiti nya kahit medyo malayo sya. Nang makita nya ako ay tumakbo syang papalapit sakin. Hindi ko maiwasan mapatitig sa maputi nyang katawan na ngayon ay nababalot lamang ng two piece, napapamura ako sa isip ko dahil sa kasuutan nya at dahil sa alam kung hindi lang ako ang nakakakita nun kunti ang mga nandun ng mga tao bago pa ako dumating at ang mga kasama/kasakay ko sa Bangka. Agad kong hinubad yon polo na suot ko at naiwan ang sando lang sakin.

“Ano ka ba? Bat nakaganyan ka?!” sabi ko saka suot ng polo ko.

Ngumiti sya “Bakit? Naakit ka noh?” pabiro nyang sabi pero hindi ako ngumiti.

“Hindi lang ako. Hindi mo ba nakikita ang mga mata nila sayo? Bat ba ganyan suot mo?”

“Bakit ano ba dapat suot pagnagsuswimming? Jacket? Gown?” nagbibiro nya pa ring sabi kaya parang nainis pa ako.

Huminga naman ako ng malalim, naiinis ako, oo “Hindi, pero sana wag namang ganyan. Nasa probinsya ka, at hindi ganyan yong suot nila. Nakikita mo ba sila? Kayo lang may suot nyan kaya takaw atensyon kayo” asar kong sabi kaya nawala yong pangitingiti nyang mukha at tinignan ako ng seryoso saka ko naman napagtanto na mali ata yong reaksyon ko.

“Sorry. Ang sinasabi ko lang. Hindi sanay yong mga tagaditong may naliligong nakaganyan sa inyo” mahinahon kong sabi.

Hindi din lang naman kasi sya yong naliligong nakatwo piece lang pati mga kasama nya pero karamihan na nandito ay nakashort at tshirt kahit babae, sila lang grupo ang natatangi kaya agaw pansin lalo na sya na ang kinis at ang puti ng katawan nya.

Ang sarap pagdudukutin ang mga mata ng nakatingin sa kanya lalo na mga lalake eh.

Ngumiti naman sya saka sinuot ng maayos yong binigay ko “Ok. Ito na po nakasuot na. Sanay kasi kami na lahat ng pinupuntahan namin na swimming ganun ang suot namin. Iba pala dito lalo na yong babaeng malandi sa chat pero conservative in person” pang aasar nyang sabi saka pinulupot yong kamay nya sa braso ko “Halika, ipapakilala kita sa kanila”

Lumapit kami sa mga kasama nila at pinakilala ako sa lahat.

“Hindi pa kayo babalik sa manila? May pasok na sa Monday”

“Hindi pa. May tatlong araw pa” sagot nya naman sa kanya habang kumakain ng chips.

Gabi na at nag iinuman sila. Napagdesisyunan din nilang bukas na lang umuwi sa Manila. Nagexcuse naman ako, nang tumawag si V sakin. Hindi nakasama si V dahil sa pumunta sya centro para ideliver yong bigas na order.

“Oh? Nagtext akong hindi uuwi ah?” sabi ko naman “Hello? !” asar kong sabi dahil sa tinotopak naman yong signal samin.

Minsan lang talaga magkasignal o may lugar lang na meron signal dito sa lugar namin kaya naman naasar ako. “V? Hai!” wala akong nagawa kundi ibaba ang cp ko at patayin ang tawag.

Nang umikot ako para bumalik dun sa kung nasan sila Jennie ay nandun sya nakatayo at nakangiti na parang hinihintay nya ako.

“Bat nandito ka?” tanong ko naman.

“Nandito ka eh” nakangiti nyang sabi.

“Hindi pa ba kayo maglalagay ng tent? Gabing na”

“Wala kaming tent”

Tinignan ko naman sya ng may pagtataka “Matutulog kayong walang tent?”

“Oo. Akala kasi namin may kubo kubo dito. Wala pala kaya walang choice towel na lang yong kumot namin at hihiga kami sa buhangin”

“Ang galing ng plano nyo ah?” sabi ko “Hindi nyo ba alam na inaabot ito lahat ng tubig dagat. Gigising kayo bukas nasa tubig na”

Bigla naman nanlaki yong mata nya “Talaga? Eh, sabi ni manong safe dito magpaumaga” kinakabahan nyang sabi kaya natawa ako, pinalo nya naman ako sa balikat “Gago ka! Ano nga?!”

Umiling iling ako habang nakangiti “Magpapaiwan ba ako dito kasama nyo kung ganun. Hindi ka nag isip”

“Gago ka lang!” Asar nyang sabi pero ngumiti din agad

“Hindi sumama si Sunny?”

“Hindi may sariling lakad din yon at tsaka hindi nya close sila Bridge” sagot nya naman. Mukha nga. Ngayon ko lang nakita itong mga kasama nya. High school friends nya daw sila. “Kita mo yong lalake kanina kasama namin?”

“Alin madami kayong kasamang lalake” sagot ko naman. 9 ata sila at 5 doon ay lalake “Yon bang tabi ng tabi sayo?”

“oo, si Will”

“Ano dun?”

“Hmn, gusto kasing mangligaw nun. Sa tingin mo bibigyan ko ba sya ng pagkakataon?”

Napatingin naman ako sa kanya, hindi din talaga ito nababankantehan ng manliligaw. Kakabreak lang nila ah, sabagay sa ganda nyang hindi imposible talaga walang magkagusto sa kanya at magtatangkang mangligaw lalo na pag nalamang nilang wala na itong jowa.

“Ikaw, gusto mo ba?” tanong ko sa kanya.

“Hindi pa kasi ako nakakamove-on”

“Deh wag muna”agad kong sabi.

Magiging unfair kasi sya sa lalake kung alam nya sa sarili nyang hindi pa talaga sya move-on.

“Anong sabi mo ng nagtanong sya?”

“Sabi ko hindi pa ako handa”

“Yon naman pala, bat nagtanong ka pa sakin?” Nakangiti kong sabi.

“Wala lang. Trip ko lang magtanong”

Nang papatulog na ay saka nila naramdaman na mali ang desisyon nilang magpaiwan dito na walang tent dahil sa lamig. Pati ako napapamura sa isip ko, bat ba nagpaiwan ako dito? Bat ba kasi nandito ako?

“o” sabi ni Jennie na may inabot saking chips saka tumabi sakin, ng subrang tabi kaya tinignan ko naman sya. Hindi sya nagsalita, kinuha nya lang yong braso ko at pinaakbay sa kanya “Ang lamig” nanginginig nyang sabi, kaya natawa ako at hinigit sya ng mas malapit.

“Ok na?”

“Hindi eh”

“Ang gagaling kasi magplano eh”

“Hala, hindi makakatulong yong sermon” sabi nya saka yumakap sakin. “Wag kang feeling ah? Kaylangan ko lang ng body heat kaya yinayakap kita, hindi ito tyansing”

“Hindi ako nagsabi. Baka yon talaga iniisip mo. Baka nga bago pa kayo makarating dito yan na nasa isip mo kaya pinapunta mo ako”

“Wow! Malay ko ba. Ikaw yong taga dito, kaya siguro nag paiwan ka talaga dahil alam mong malamig at yayakap ako sayo. Para paraan” pagbibiro nya.

Kaya tumawa ako “Una sa lahat hindi ako tagadito sa lugar, malapit lang. Pangalawa hindi ko alam na wala kayong tent at pangatlo malay ko bang ganito din kalamig dito ng ganitong oras”

“Jen!” tawag naman ni Will kaya naman napatingin kami pareho ni Jennie “Ok ka lang ba dyan?”

“Ang gusto talaga itanong nito ni Will, Jen kung nilalamig ka ba? Willing naman syang painitin ang gabi mo” pilyong sabi naman ni Vic kaibigan nila, siniko naman sya ni Will. Mukhang matino din itong mangliligaw ni Jennie ah.

Ngumiti naman si Jennie at hindi ginawang big deal ang biro ng kaibigan “Hindi na ok na ako dito. Salamat”

Ngumiti naman si Will saka tumango “Sige” sabi nya saka inakbayan yong kaibigan “Inom na lang tayo dun”

“Buti pa sila Glad at Lits pinapainit na yon isa’t isa. Bat kasi wala akong jowa” sabi naman ni Vic habang papaalis na sila kaya napatawa na lang kami ni Jennie. Gago din eh.

Bigla naman siniksik ni Jennie ang mukha nya sa leeg ko kaya naman nabigla ako at nanigas. Sh*t!

“Oh? Bat parang nanigas ka?” sabi nya saka tumingala kaya kunting galaw na lang ay magkakadikit na ang mga labi namin. Nakangiti lang sya na parang wala lang sa kanya yong pagitan namin ngayon.

Ngumiti sya bigla “Hoy! Naiilang ka na?” natatawa nyang sabi “Sinasabi ko sayo wala ito, nilalamig lang ako pati ikaw kaylangan lang nating gawin ito para hindi tayo lamigin masyado”

“Gagi, nakakailang naman talaga. Lumayo ka ng kunti”

“Yieeeh! Naiilang na sya, nafofall na”

“Hindi lahat ng naiilang nafofall, awkward lang talaga yong init ng hininga mo sa leeg ko” sabi ko naman saka pinaghiwalay ang magkabilang binti “Dito ka na lang kaya baka mas hindi ka lamigin pagnayakap kita ng maigi” dagdag ko sabay turo sa pagitan ng dalawa kong binti. Sinunod nya naman ako kaya sa pangalawang pagkakataon gusto kong manigas pero pinilit kong hindi magpahalata.

Tang! Nakakatulong nga ito pero hindi ko maiwasang mailang.

“Ok ka lang?” tanong nya naman na parang walang ano mang ilang na nararamdaman.

Pano nya nagagawa yon?

Malamang straight sya kaya wala sya at hindi sya magkakamalisya sa katulad mong tibo sagot naman ng epal kong isip.

Tumango naman ako saka nya kinuha ang magkabilang kamay ko at pinayakap sa kanya “Sabi mo para mayakap ako ng maigi, hindi ka naman nakayakap” sabi nya.

Hinigpitan ko yong yakap ko sa kanya saka pumikit na lang “Matulog na lang tayo”

“Sigurado kang makakatulog ka?”

Sa pwesto natin ngayon mukhang mauuna pa akong mamatay dahil sa suffocation, hindi na ako makahinga dito.

“Magkwentuhan na lang tayo” sabi nya ulit “Musta naman yong araw ng mga patay sainyo?”

Napangiti ako sa tanong nya “Ok lang. Yong usual lang ang ginawa namin, dumalaw sa mga patay na mahal namin sa buhay” natigilan kong sabi. Namiss ko na naman tuloy mga magulang ko pero knowing they are in a place where God is, ok lang. Dun walang paghihirap sila mararamdaman.

“Ikaw?” tanong ko

“Ganun din”

“Pati ba yong patay mong puso pinagtirik mo na din” biro ko

“Hindi. Hindi ko alam kung totoo yong sinabi nya na baka hindi ko talaga sya minahal dahil sa hindi katulad ng sakit ng break up namin ng unang ex ko yong break up namin ngayon” sabi nya saka tumingin sa likod nya kung nasan ako saka ngumiti “O baka dahil sa nandito ka lang sa tabi ko kaya hindi ko maramdaman yon sakit? Kasi noon din na broken hearted ako sa unang kong ex parang nagkabuhay lang muli yong puso ko after nung naging magkaibigan tayo. Na mali ata ako ng sabihin kong patay na ang puso ko. Maaring durog ito pero hindi namatay. Naramdaman ko na ulit yong tibok nung dumating ka” saka tumingin sya sakin ng seryoso kaya bigla naman akong napatigil at napatitig na lang sa kanya.

Sh*t! Ano ba ang dapat kong gawin? Ano ba ang dapat kong sabihin sa mga sinabi nya?

Napaiwas na lang ako ng tingin dahil sa kung patuloy ko pang titigan ang mga mata nya ay baka malunod na ako ng subrang lalim at pagsisihan ko sa huli. Hindi ko alam pero kung kanina pinahinto nya ang paghinga ko dahil sa hininga nya na naramdaman ng leeg ko ay ngayon naman pinalakas nya ng subra subra ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi nya.

“Dahil siguro sa mga sinabi mo at pang-aalo mo sakin nun, yong ang nakapagpabuhay/tibok ulit ng puso ko kaya masasabi kong ipagpatuloy mo ang pangarap mong maging Psychiatrist/Psychologist man” dagdag nya kaya napatingin ako. Nakangiti sya sakin “pasado ka na sa unang mong pasyente” dagdag nya saka nagthumps up at tumalikod na.

“Ikaw, totoo bang nakamove-on ka na talaga o hindi pa kaya hindi ka pa nagkakajowa ulit?” tanong nya ng hindi na tumingin sakin.

Tumango ako habang nakangiti “Nakamove-on na ko, sigurado ako dun”

Nasaktan ako sa paghihiwalay namin dahil sa minahal ko naman talaga sya. Masaya naman kami dati pero kami yong magjowa na hindi natatapos yong lingong hindi kami nagkakatampuhan. Yong magtatampuhan pero magbabati din ulit. Yong masaya at nakakakilig sa una pero nakakapagod at nakakatoxic pagtumagal tagal, baka immature lang kami pareho nung mga panahon na yon at hindi pa alam kung pano ihandle ng tama ang relasyon namin kaya nauwi sa hiwalayan.

“Masasabi ko nang hindi na ito durog at buong buo na. Handa na nga itong magmahal ulit” nakangiti kong sabi na nakapagpatingin sa kanya sakin, seryoso ang tingin nya pero saglit lang ng bigla sya ngumiti agad saka gumalaw para yong kaninang nakatalikod nyang pwesto sakin maging ngayon nakatagalid na saka ako yinakap. Yong pwesto namin ngayon ay nakapwesto parin sya sa pagitan ng mga hita ko pero yong likod nya nakasandal sa kaliwang binti ko habang yong dalawang paa ay nakapatong sa kanan kong binti habang nakayakap sya sa katawan ko at nakasandal ang ulo sa may balikat ko.

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
buhaypanaman
Hi! :)

Comments

You must be logged in to comment
markaxel
#1
Chapter 32: UY AUTHORNIM, SALAMAT DITO SA UPDATE 🥹

PEROOO teka lang Jennie, ang komplikado mo naman. :( Tama ang iyong kapatid. ‘Wag ka magpadalos-dalos ng desisyon pls lang. 🫠🙂
markaxel
#2
Chapter 30: Henlo mag sweetie, pakigalaw namanang baso hehe
Tinolang_Manok #3
Chapter 30: Wala parin update :((
Tinolang_Manok #4
Chapter 20: Kelan update?
Amateur_artist #5
ang cute naman ni miss jung🤧
markaxel
#6
Chapter 28: Happy 1st monthsary sa mag sweetie 😌 enjoy the night 👀
reflektorr1 #7
Chapter 28: Otor baka may pa-details ka naman po nung nga ganap na paguran ng jensoo charot hahaha
KwonJoYeon
#8
Chapter 27: Parang duda ako sa okay. Ingat ni Jennie
Bat naman kasi ang dami mong chixx Jisoo
Jinriin #9
Chapter 12: T_T
markaxel
#10
Chapter 27: Jenlous in da haus