Chapter 4

Why Can't it be?
Please Subscribe to read the full chapter

"Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na ok na kayo ni Jen" sabi ni Sunny pagkasakay ng kotse na pinagmamaneho ko.

May practice ulit kami at pagkatapos ay nakiusap syang ihatid ko sya sa jowa nya. Hindi ata nila nasulit ang Anniv. celeb. nila kahapon kaya may continuation ngayon.

"Ayaw mo atang maging ok kami ah" nakangiti kong sabi habang nasa daan ang tingin.

"Anong ayaw? Gustong gusto ko kaya. Pagpatuloy mo ang pagkakaibigan na yan" sabi nya " Sa tingin ko nga nakakatulong sa kanya alam mo bang nabawasan na ang pagdadrama nya about sa ex nya after nung gabing hinatid mo sya" dagdag nya pa, ngumiti na lang ako.

Maigi naman kung ganun.

"O baka sayo na sya nag oopen at nagdadrama kaya nabawasan dama nya sakin? Kung ganun nga, wag kang mainis o marindi sa paulit ulit nyang dama ah? Pakiusap, subrang syang nasaktan dahil sa paghihiwalay nila ng mokong na yon. Kaylangan nya ng taong makikinig sa kanya"

Tumango na lang ako. Sa totoo lang hindi naman sya dumama pagkatapos ng gabing iyon. Hindi din kami nagtext/chat sa isa't isa after kahapon. Wala naman syang masyadong dinama sakin.

"Salamat" sabi ni Sunny sakin nung makarating na sya sa lugar kung nasaan ang jowa nya "Salamat sa paghatid sakin at salamat naging kaibigan ka ng kaibigan ko" nakangiti nyang sabi saka bumaba na sya kaya nagpaalam naman na ako.

Chineck ko muna yon cp ko bago paandarin ang sasakyan dahil sa tumunog ito kaina at hindi ko tinignan dahil sa nagmamaneho ako.

May text si V "anong ginagawa mo? Kumain ka muna dito. May linuto kami ni Cole ditong adobo" nakangiti kong pinaandar yong sasakyan pauwi.

Libre na naman, ayos!

Pagkapasok ko sa BH nila ay naabutan ko ang mga kaibigan nila na nakaupo habang may alak sa mesa.

Hai, bat hindi ko naisip na may inuman na naman sila dito? Dapat sanay na ako ah.

Binate naman ako ng mga lalake nilang kaibigan kaya tumango na lang ako. Puro sila lalake, sila din yong mga bisita ni Cole ng birthday nya ang kinaibahan lang ay wala si Jennie, Sunny at ang jowa nya pati yong isa pang babae. Dumiretso ako sa kusina kung nasaan sila V at Cole.

"Inom na naman. Wala talagang pahinga"

"Meron naman ah. Dalawang araw" nakangiting sagot sakin ni Cole saka pinaghila ako ng upuan kaya umupo na lang ako, tinapik nya naman balikat ko bago pumunta na sa nag iinuman.

"Kain na" sabi naman ni V, na naglatag na ng pinggan sa harap ko.

"Wag na. Baka nag ambagan kayo dyan" tanggi ko.

"Hindi. Sagot ni Cole ang pulutan kaya wag ng madaming dada. Kain na" sabi nya, kaya ngumiti ako saka nagsandok na ng pagkain.

Bigla akong napatingin ng bumukas ang pinto ng cr na katabi ng kusina at lumabas mula dito si Jennie. Nginitian nya naman agad ako kaya ganun din ang ginawa ko.

"Kain?" alok ko, habang si V ay pumunta na din sa inuman.

"Tapos na" sabi nya saka umupo sa isang pang upuan sa tabi ko.

"Yong isa pang babaeng kasama nyo uminom ng birthday ni Cole?" tanong ko sa kanya saka sumubo ng pagkain.

Nagkibit balikat lang sya, tinignan ko naman kung may tama na ba sya o wala pa. Medyo kasi namumula sya.

Baka galing sa cr dahil sa sumuka na pero mukhang hindi pa naman lasing. Baka kakasimula palang nila at blush on lang yong nasa mukha nya.

Pero iinom lang nakablush on? Baka mainit kaya namumula?

"Hindi sya pupunta ngayon?" tanong ko ulit.

"Crush mo si Pres noh?" sabi nya kaya napatigil ako sa pagsubo at napatingin sa kanya.

"Hindi. Natanong ko lang eh"

"Kanina mo pa kasi tintanong"

"Eh hindi mo naman sinagot kaya tinanong ko ulit" sagot ko.

Gusto ko lang naman malaman kung susunod yon o sya lang talaga ang babae ngayong iinom kasama nila V.

"Hmn. Hindi ata makakapunta" sagot nya.

Tumango naman ako saka kumain na lang. Nakailang subo na ako at tahimik kami kaya naman tumayo na sya na parang babalik na sa inuman.

"Dito ka muna" sabi ko na nakapagpatigil sa kanya at nakapagpatingin "Ayokong kumain na walang kasama" sabi ko

"Hmn,literally hindi ka mag-iisa, nandun lang kami" sabi nya saka tumingin sa nag iinuman na nakatingin sa kanya at tumango na parang yinayaya na syang pumunta dun.

"Basta dito ka muna" sabi ko na nakapagpangisi sa kanya.

"Sabihin mo na lang kasi na gusto mo akong makasama dito"

"Yon na nga ang sabi ko" sabi ko naman kaya natawa sya.

"Iba yong sinabi mo kanina"

Huminga ako ng malalim saka tinignan sya "Gusto kita kasama. Dito ka muna" sabi ko saka ngumiti.

Umiling iling na lang sya "Sinasabi ko sayo ah. Wag kang mahuhulog ngayon sakin. Hindi pa kita kayang saluhin" sabi nya saka umupo ulit.

Ngumiti na lang ako. Hulog agad? Hindi ba pwedeng ayoko lang syang uminom? Hindi maganda yon sa katawan.

"Buti hindi ka pinapagalitan ng mga magulang mo na aalis tapos uuwi ka nang nakainom" sabi ko saka sumandok ulit ng kanin dahil sa ubos na yong nasa plato ko.

"Alam naman nilang umiinom ako at tsaka nasa tamang edad na ako. Alam naman nila na may kontrol ako sa pag inom at umuuwi naman sa bahay. Pinapasundo naman nila ako lagi, maliban na lang nung gabing hinatid mo ako dahil sa nakiusap ako na kaya ko naman. Pumayag sila sa unang pagkakataon, pero ngayon hindi na nakakalusot ang kaya kong umuwi mag isa" nakangiti nyang sabi.

"Anong oras ka susunduin ngayon?"

"11pm sabi ko"

Tinignan ko naman yong relos ko, 8:03pm na, may tatlong oras pa "Gusto mong gumala na lang?" tanong ko sa kanya "Wag ka nang uminom?" dagdag ko.

Hindi agad sya sumagot imbes tinignan lang nya ako ng may pagtataka.

Ngumiti ako "Wag kang mag alala.Walang malisya ito. Gusto ko lang mag pahangin at baka gusto mong sumama"

"Wala ka bang electric fan sa kwarto mo at kaylangan mo pang gumala para magpahangin?" seryoso nyang tanong pero bigla din tumawa ng umiling iling ako. "Ok" sabi nya. "Basta ibabalik mo ako dito bago mag 11pm, baka makasubra na naman ako sa oras ng napag-usapan namin ni dad. Hindi na ako nyan makakapag- inom sa susunod"

"Maigi ata yon para hindi ka na makainom" sabi ko na kinataas ng kilay nya "Ano bang masarap sa inuman? Ang pait kaya ng alak"

Ngumiti sya "Pulutan? Kwentuhan? Pagkakaibigan" sagot nya.

Pwede naman makuha lahat ng yon na walang alak ah? Maliban na lang sa pulutan. Kasi hindi masasabing pulutan ang isang pagkain kung walang alak na kasama.

***

"Woooow!" sabi nya ng makaupo sya sa may bubong ng kotse. Nang maiparada ko ang kotse sa isa sa magagandang overlooking view na spot ay niyaya ko syang umupo sa bubong ng kotse.

"First na makakita ng ganito?" tanong ko sa kanya.

"Nakakakita naman ako ng mga picture nito sa social media pero hindi pa nasusubukan ang ganito dahil sa hindi naman talaga ako gumagala sa gabi" sagot nya.

"Nainom lang?" pangaasar ko naman tanong na sinuklian nya ng pag ikot ng mga mata nya saka binalin ang tingin sa magandang tanawin sa harap namin.

Huminga sya ng malalim at para pati ang hininga ko sa katawan ay nakakasama sa pagsinghot nya ng sariwalang hangin dahil sa parang nauubusan ako ng hangin sa katawan dahil sa gandang tanawin na nakikita ko ngayon.

Ang ganda nya kahit madilim sambit ko sa isip ko pero agad naman nagbawi ng tingin ng bigla syang bumaling sakin.

Sanay na naman akong makakita ng magaganda dahil sa araw araw ko ba namang pananalamin hindi pa ako sanay? Pero hindi din naman dahil sa maganda na ako hindi na ako humahanga sa iba pang magagandang nilalang tulad nya.

"Ang ganda! Mas maganda nga sya na makita ng harapan kaysa sa picture lang. Bakit ngayon ko lang ginawa ito?" nakangiti nyang sabi na ngayon nakatingin na ulit sa harap "Hindi ko akalain na ganito sya nakakagaan ng pakiramdam" dagdag nya saka tumingin sakin habang nakang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
buhaypanaman
Hi! :)

Comments

You must be logged in to comment
markaxel
#1
Chapter 32: UY AUTHORNIM, SALAMAT DITO SA UPDATE 🥹

PEROOO teka lang Jennie, ang komplikado mo naman. :( Tama ang iyong kapatid. ‘Wag ka magpadalos-dalos ng desisyon pls lang. 🫠🙂
markaxel
#2
Chapter 30: Henlo mag sweetie, pakigalaw namanang baso hehe
Tinolang_Manok #3
Chapter 30: Wala parin update :((
Tinolang_Manok #4
Chapter 20: Kelan update?
Amateur_artist #5
ang cute naman ni miss jung🤧
markaxel
#6
Chapter 28: Happy 1st monthsary sa mag sweetie 😌 enjoy the night 👀
reflektorr1 #7
Chapter 28: Otor baka may pa-details ka naman po nung nga ganap na paguran ng jensoo charot hahaha
KwonJoYeon
#8
Chapter 27: Parang duda ako sa okay. Ingat ni Jennie
Bat naman kasi ang dami mong chixx Jisoo
Jinriin #9
Chapter 12: T_T
markaxel
#10
Chapter 27: Jenlous in da haus